Chapter 60

2043 Words
Ang Ikatlong Pagsubok . . Christian's Point Of View "Ang panaginip na yun ay isinadyaa upang subukin ang iyong galit," Panimula ni Ace , Nanatili akong tahimik upang makinig sa kanyang sinasabi. " Ang pag subok na yun ang sumukaat sa hanggang kaylan ka makokontrol ng iyon galit," BIgla akong napaisip at binalikan ang aking panaginip. Ang ibig sabihin ba nun ang mga iniisp ko sa aking panaginip ay talagang galing sa akin? " Ang akala ko ay tatagal ka dahil isa iyon sa mahirap na pag subok, buti na lang ay hindi ka nag padala sa iyong galit sa halip ay ginawa mo itong motibasyon upang makamit ang katutuhanana," Nangingiting wika ni Ace sa akin. Muli naman akong napatingin sa aking kamay, dalawa na ang crest na nasa aking kamay. Tatlo na lang ang kaylangan ko. " Kung nakapasa ako sa pag subok ni Freya maaari ko na rin magamit siya bilang aking armas?" Nasasabik kong tanong sa kanya. Marahan naman tumango si Ace habang nakangiti. Napahinga ako ng malalim dahil sa galat na aking nadaramdama. Nasasabik na ako sa aking susunod na pag subok. Muli kong pinag masdan ang crest na nasa aking kamay. Habang pinag mamasdan ko ito ay biglang may katanungang sumagi sa aking isipan. "Ace?" Muling tawag ko sa kanya, muli naman siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Ano yun mahal na itinakda?" Bahagya akong napangiwi dahil sa pag tawag niya sa kin, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tawaging ganun. "Sinabi mo kanina na hindi lang ikaw ang pumasok sa aking panaginip," Panimula ko , Bahagya namang tumango si Ace at tinitigan ako na tila nag hihintay na aking susunod na sasabhin. "  Si Jehnny ang isa pang nasa panaginip ko bukod sa iyo, ang ibig sabihin nito ay nandito talaga si Jehnny?" Kabadong tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. Halong emosyon ang aking naramdam dahil sa kanyang sinabi. Kung nandito man si Jehnny ay nandito rin ang mga kaibigan ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil tila sasabog ang akig dibdb sa aking nararamdaman, halong kaba, takot at saya ang aking nararamdaman ngayon, Kaba dahil hindi ko alam kung galit ba sila sa akin dahi, takot dahil natatakot ako sa mangyayari sa oras na ma kita na kami at saya dahil sa wakas ay makakasama ko na uli sila. Pinipilit kong ikalma ang aking sarili dahil alam ko na kahit anong oras mula ngayon ay makikita ko na sila, ngunit kahit anog pilit kong pakalmahin ang aking sarili ay tila nakikinig sa aking ang sarili kong katawan. Ilang beses din ako nag inhale- exhale para kumalma ako, kahit paano naman ay nakatulong ito, pero hindi mapigilan ang pag t***k ng mabilis na akig puso. Napahawaka ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng pag t***k ng aking puso, may karera yatang nagaganap sa loob ng aking katawan. Halos mablako ang aking isipan dahil sa kaba ngunit bahagya akong kumalma ng hawakan ni Ace ang mga kabila kong balikat. "Kumalma ka lang Christian, walang mangyayaring masama, iwaksi mo ang iyong takot at kaba dahil nakakasiguro akong sila ang mga kaibigan mo at ang iyong pinaka mamahal na si Jehnny," Pag papakalma sa akin ni Ace.Ngumiti ako at saka tumango, pinilit ko muling pakalmahin ang aking sarili. Muli akong nag buntong hininga, sa pag buga ko ng aking hangin ay nakaramdam ako ng simoy ng hangin. TIla sandaling tumigil ang pag t***k ng aking puso. Napalingon ako sa may pintuan ng aking kwarto. Muli kong naramdaman ang mahihin na pag hampas ng hangin. Napuno ng galak ang aking puso ng makita ko ang mga nilalang na nasa aking pintuan, lahat sila ay nakatingin at nakangiti sa akin. Sandali kong pinikit ang aking mga mata upang makomperma na hindi talaga ako na nanaginip, sa pag dilat ko ay agad silang tumakbo palapit sa akin at napayakap. "Nag kita muli tayo mga kasama." Masayang wika ko at  niyakap sila pabalik. Walang mapaglagyan ang aking saya dahil muli ko silang nakita. "Lot na miss ka namin," Wika ni Roldan at saka sila isa-isa kumalas sa pag kakayakap sa akin. " Oo nga Christ namiss ka namin, ang tagal ng hinintay namin para lang makita ka." Wika naman ni JM. Napangiti ako dahil ang akala ko ay magagalit sila sa akin dahil sa basta-basta kong pag iwan sa kanila. "Pasensya na kayo kung hindi na ako nakapag paalam sa inyo, biglaan kasi ang  naging  desesyon ko." Tugon ko sa kanila. Umupo naman sila pareho sa tabi ko at umakbay. "Wala yun lot, mukhang nakabuti pa nga ang pag hiwalay mo sa amin." Masiglang wika ni Jm at inangat ang aking kanang kamay at mulling pinakita sa akin ang Crest sa aking kamay. Napangiti ako dahil akala ko ang nag kamali ako ng pag sama kay Ace nooong una. It turns out, nakabuti pa pala ito dahil marami rin akong natutunan dito. "Mukhang lumakas din kayo nang nawala ako." Ramdam ko na lumakas silang dalawa dahil halata sa pag laki ng kanilang katawan. Nag katingingan silang dalawa at parehong napangiti ng malaki. Muli nila akong nilingon at tila pinakita ang hubog ng kanilang mga katawan. "Aba syempre para  makatulong naman kami sayo ay nag sanay din kami ng maiigi, sa ngayon kaya ko nang magamit ang aking kapangyarihan ng maayos at kaya na naman makipag laban ni Jm gamit ang kanyang espada." Pahayag ni Roldan sabay ngiti. Inunat ko ang mga kamay at inabot ang kanilang mga ulo upang guluhin ang kanilang mga buhok. Nag tawanan namin kami dahil sa aming pag kukulitin. Grabe matagak na rin noong huli akong tumawa ng ganito, iba talaga kapag kasama mo ang iyong mga tunay na kaibigan. Habang nag kakatuwaan kami ay nahagip ng aking mga mata si Jehnny na masayang nakatitig sa akin. Nag katingan kaming dalawa at sandaling nag katitigan. Napabuntong hininga ako at saka ibinuka ang aking mga braso. Nagulat siya ng makita akong hinihintay siyang lumapit sa akin at yumakap. Bahagya siyang namula dahil sa hiya. Tumayo ako at ako na mismo ang lumapt sa kanya para yakapin siya. Agad kong naamoy ang kanyang buhok na kasing bangon ng simoy ng umaga. Ilang sandali lang ay niyakap na niya ako pabalik at ibinaon ang kanya ulo sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pag basa ng aking damit. Umiiyak siya. Lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kanya at doon ko narinig ang mga pag hikbi niya. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siya umiyak pero ang una ang mas hindi ko makakalimutan. " Bata bakit ka umiiyak?" Wika ng isang batang lalaki sa isang batang babaeng umiiyak sa sulok. Tumingala ang bata at tiningnan sya nito. 'Ang ganda nya' "Wala kasing gusto makipaglaro sakin" Wika ng batang babae, at muling yumuko. Nag- taka naman ang batang lalaki sa tinuran nito dahil sino ba naman ang ayaw makipaglaro sa batang ito dahil mukha naman itong mabait. "Gusto mo ba makipaglaro sakin?" Tanong nito. Muling tumingala ang batang babae. Ngumiti ito at tumango. "Pero sigurado ka ba na gusto mo makipaglaro sakin?" Tumingi ang batang lalaki at tumango. "Oo naman mukhang masaya ka naman kalaro" Wika nito at iniabot ang kamay nya sa batang babae. "Ako nga pala si Christian, doon ako nakatira sa bahay ng Lola ko pitong taong gulang na daw ako sabi ni Mama" Iniabot ng batang babae ang kamay ni Christian at ngumiti. "Ako si Jehnny, hindi ko alam kung ilan taon na ako at kung saan ako nakatira" Muling nag-taka si Christian sa tinuran ni Jehnny. Ayun ang unang beses na makita ko siyang umiiyak, noong panahon na yun ay hindi ko pa alam na isang multo, dahil ang alam ko lang nun ay gusto ko siyang makalaro. Siguro nga ay isa lang akong bata noon ngunit naramdaman ko na noon ang tinatawag na pag-ibig. Bata pa ako noon kaya hindi ko alam yun, Nabighani ako sa kanyang kagandahan at kabaitan. Sapat na sa kanya na ako lang ang naging kalaro niya dahil ganun din ako. Noon ay walang gustong makipag laro sa akin dahil nga ay kakaiba ako, nakakangita ako ng mga bagay na hindi nakikita ng iba tulad nila Jehnny at Ace  na isa ng multo. Kaya sobrang saya ko noon na may nagin kalaro ako na si Jehnny. Ang akala ko noon ay isa lang siya normal na bata na nilalayuan din ng mga bata ayun pala ay ako lang ang nakakakita sa kanya. KAhit sandali pa lang kaming nag kakakilala ay nahulog na ang looob ko sa kanya, para kasing ang tagal na naming mag kakilala kaya naman naging komportable ang pakiramdam ko sa kanya. Noon sinabi niya isang siyang multo ay sobra akong natakot, pero naisip ko na si Jehnny yun, alam kong hindi niya ako sasaktan kaya wala akong dapat ikatakot. Hanggang sa muli kaming mag kita at doon ko napag tanto na mahal ko na pala siya, pero agad niy akong pinag bawalan na mahalan siya. Pakiramdam ko guguho na ang buong mundo ko dahil sa sinai niya, ayun kasi ang unang beses na may babarng tumanggi sa akin dahil nga sa sikat ako mula noong nag high school ako ay sanay akong pinag aagawan ng mga babae. Ang Pogi ko noh!? Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya pero nag bibigay siya ng motibo sa akin na hindi ko dapat siya kalimutan at dahil dun ay lalo ako nag karoon ng rason namahalin siya. Sobrang nakakabaliw ang mga nangyari sa akin simula ng mapunta ako luagr na ito dahil marami kong nakita dito  na hindi ko pa nakikita sa mundo namin. Marami rin kaming nalaman na mga katutuhanan tungkol sa pamilya ni Roldan, hanggang sa nakaraan ni Keina. Kahit naging magulo sa huli ay naayos din naman ito. Ang akala ko talaga ay masasagot na ang nagint katanungan ko noong nasa mundo pa ako ng mga tao dahil napunta ako sa lugar kung saan masasagot ang aking mga katanungan pero lalo pa palang dadami ang tanong sa aking isipan. Nang makilala ko si ACE ay hindi ko aakali na dadalhin niya ako sa lugar kung saan ako mas lalakas. Nakilala ko ang iba pang mga guardian ng pentagram crest at kung paano ko magagamit ang mga lakas at mga kapangyarihan nila. Hindi ko na nabilang ang mga araw na namalagi ako dito sa mundong ito pero dahil sa dami na ng mga pinag daanan ko ay pakiramdam ko ay sobrag tagal ko na rito. Alam ko ang mga pinag daanan ko ay simula pa lamang ng aking pag lalakbay dahil hangga't hindi ko pa nakokompleto ang mga hiyas ng Pentagram Crest at Natatalo si TAitus ay hindi pa dito natatapos ang aking pag lalakbay. Unti-unting tumigil sa kanyang pag iyak si Jehnny at saka kumalas sa akin pag kakayakp at tiningnan ako sa aking mga mata. "Pasensya ka na Mahal ko kung mga nagawa man ako sayong pag kakamali, " Humihikbing wika ni Jehnny habang pinupunasan ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. " Alam kong alam mo na ginawa ko ang lahat ng yun dahil gusto kitang maprotektahan. " Napangiti ako at nilapatan ang aking noo sa kanya. "Hindi mo na kaylangan pang humingi ng tawad dahil napatawad nakita," Tugon ko sa kanya at saka kinuha ang kanyang mga kamay. " Hindi na mahalaga kung may nagawa ka man noon dahil lahat ng yun ay nakaraan na at hindi pa mababalikan pa." Ipinikit ni Jehnny  ang kanyang mga mata at saka ngumiti ng ubod ng tamis. Pinunasan ko ang huling patak ng luha sa kanya mata. Muli niyang idinilat ang kanyang mga mata at mmuli akong pinag masdan. "Muli kang nakapasa mahal ko," Tugon sa akin ni Jehnny na labis kong ipinag taka. "Anong ibig mong sabihin?" Nag tatakang tanong ko sa kanya, kinuha niya ang aking kanang kamay at pinag tapat ang aking mga palad. Bahagya siya lumayo sa akin at ngumiti. "Naipasa mo ang iyong ikatlong pag subok ang pag papaubaya uupang makapag patawad," Ngiting wika ni Jehnny sa akin. Lalo akong nakaramdam ng saya dahil sa kanyang sinabi. " SA kapangyarihan na iginawad sa akin ng kataas-taasan, ako si Jehnny ang guardian of Air ay pinag kakaloob sa iyo ang hiyas ng hangin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD