Chapter 8

2087 Words
Boy's Out . Christian's Point of View My parents words keep running into my mind. Hindi ko alam kung ano iisipin ko. Atleast now alam ko nang may alam talaga sila Mama at Papa. Ano ba kasi talaga ang meron dito sa markang bituin sa kamay ko. I just sigh and took a quick shower para mapweskuhan ang aking katawan. The cold water was flowing down into my body. Lalo pa ako nilamig ng bigla humangin ng bahagya. Pano naman humangin dito sa loob? Maliit lang naman ang bintana dito sa banyo ko sapat lang para makahinga ang sino mang papasok dito sa loob ng banyo. Nag kibit balikat na lamang ako at tinuloy ang aking pag ligo. Sinabon ko maigi ang aking katawan dahil sobra akong nangati dahil sa pag lilinis namin ng mga locker room. Pag katapos kong mag banlaw ay binatay ko na ang shower at kinuha ang tuwalya. Binalot ko ang babang parte ng aking katawan at pinunasan ng isa pang tuwalya ang aking buhok at katawan. Agad naman akong nag bihis ng pantulog at agad na humiga sa aking kama. I took a deep sigh at kinuha ang aking cellphone. I check my f******k notification and as usual, a lot of girls adding me on f******k. I just accept them all at tumingin sa mga messeges. Some girls are saying hi to me and some are confessing their love. I ignored them dahil wala din naman akong ire-reply sa kanila. I log out my account on f******k at binuksan ang account ko sa Mobile legends. Pagka-bukas na pagka bukas pa lang ay tumambad na sa akin ang invitation match ni JM. I enter the lobby and I also so Roldan's username on Mobile Legends. JM: Open Mic tayo mga Lot. Christian: Ge Roldan: Ako gamit Esme. Christian: Ako na sa Gusion Jm: Estes akin. Christian: Ban niyo Aldous saka Layla. Jm: Sige sige Roldan: Sana All naka Special Skin. Jm:Pa gift namam lods ng skin. Christian: Bumili kayo ng mga skin niyo tutal mayaman naman kayo. After what I said ay narinig ko ang tawanan nila sa kabilang linya. Nag simula ang laban na puro murahin ni Roldan at JM ang naririnig ko. Ako naman tayo lang ng tawa dahil sa naririnig ko. Jm: Ang B*b* p*t* bata yata mga kasama natin. Hindi mga marurunong puro farm. Roldan: Lot punta ka sa top lane, inaayake yung tore natin. Christian: Saglit lang patayin ko lang Balmond nila. * Legendary* Pag katapos ko patayin ang mga kalaban ay agad akong tumungo sa top lane para patayin ang mga minion doon. JM: Mga pabuhat kakampi namin kainis p*t*. Roldan: Cancer Lancelot, t*ng*n* burahin mo na M L mo. Christian: Hyp na yan kakatamad mag laro. Agad na naming tinapos ang laro dahil nakaktamad na dahil sa mga kakampi. Buti na lang at nanalo pa kami. Christian: Out na ako mga Pre, matutulog na ako Roldan: Ako din kapagod. Jm: Isang laro pa sana. Nag out na ako bago pa nila uli ako i-invite sa laro. I'm so tired and exhausted dahil sa mga pangyayari sa araw na ito. I'm just staring at the ceiling thinking of nothing. Medyo naguguluhan pa din ako sa nangyayari. I keep thinking and thinking kung ano ang kinalaman ng marka ko sa mga pang yayari. May kinalaman kaya yung sinabi ni Jehnny sakin noon tungkol na ako ang tinakda? Kung yun nga tinakda ako saan? Saka bakit ako ang tinakda? Isa lang naman akong ordinaryong tao na namumuhay ng ordinaryong buhay. Bakit ba kasi nangyayari ang ganito sa akin? Hindi ko naman ito ginusto. Ang dami kong bakit na hindi masagot sagot, ang dami kong katanungan na nag papagulo sakin na nag papasakit ng ulo ko. Muli kong tiningnan ang aking butuin na marka sa akong kamay. "Ano ba kasing meron sayo? Ikaw ang nag bibigay ng misteryo sa buhay ko." Napabuntong hininga na lamang ako at muling tumayo ng aking kama. Sinuot ko ang akong tsinilas na pang-bahay, lumabas ako ng aking kwarto sak tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Sa aking pag bukas ng Refrigretor ay tumama ang lamig nito sa aking katawan. Kumuha ako ng isang pitsil na tubig ang kumuha ng isa baso. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil hindi naman masyadong madilim dito sa loob ng kusina. Nag salin ako ng tubig sa baso sa dahan-dahan itong nilagok. Muli akong nag salin sa baso para inomin ito. Napawi ang aking uhaw dahil sa aking pag-inom. Sandali muna akong nakiramdam sa paligid dahil marahil maganap na naman ang nangyari sa akin ngayong araw. I feel relief ng maramdam kong wala namang kakaiba dito. Umakyat na ako sa aking silid dala ang pitsil at baso pada sakaling mauhaw muli ako. Bawat hakbang ko ay maririnig dahil sobrang tahimik ng paligid. Tulog na ang mga tao dito sa bahay namin. Bukod sa amin nila mama at papa, may mga katulong kaming nakatira din dito sa bahay. Hindi naman kami mayaman kaya naman dalawang katulong lang ang meron kami dahil hindi rin naman kalakihan ang bahay namin para kumuha kami ng maraming katulong. Napatigil ako sa tapat ng aking pintuan dahil hindi ko mabuksan ang pinto ng aking silid dahil parehong may hawak ang aking mga kamay. Bumuntong hininga muna ako saka ko nilapag sa sahid ang pitsil at pinisit ang doornob ng pinto at muli ko itong pinulot at saka pumasok sa loob ng aking silid. Bago ilapag ang baso at pitsil sa ibabaw ng drawer ko ay muli akong nag salin ng tubig sa baso at muling uminom. Napagod ako sa pag-akyat dito sa kwarto ko. Kailangan ko na yata mag excersice uli dahil madali na akong hingalin. Pagkatapos kong uminom ay muli na akong humiga sa aking kama at nag buntong hininga. Feeling ko napakadami kong problema pero hindi ko alam kung ano yung problema na yun.  Kinuha ko ang aking kumot at binalot ang aling sarili dito. Muli akong nag-buntong hininga bago ko mapag desisyonang matulog. . . Kinaumagahan ay para bang normal ang lahat dahil ganun pa din naman, pumapasok ako sa eskwelahan kasama ang mga kaibigan ko, nag-aaral kami ng mabuti para makapag-tapos, mag kukwentuhan tuwing walang klase, pag-uusapan ang mga napanood na balita sa tv, blog sa youtube at kung anu-anong mga nakakalap namin para pag-kwentuhan. " Nakuha niyo na ba yung skin ni Angela?" Wika ni Roldan sabay kain ng fries niya. " Oo, nag log- in agad ako pag ka end season para makapag-rank uli, balik Epic ako." Tugon ni JM saka kumagat sa burger na hawak niya. Nandito kami ngayon sa Mc donald para kumain, weekend ngayon kaya naman free kami gumala. Napatingin na lang ako sa labas habang ngumunguya ng fries na inorder ko.  It's already 3 o'clock in the afternoon at nag yaya ang tropa na mag meryenda sa Mc donald. Umorder si Roldan ng Fries, burger at Coke. Si JM naman ay umoder ng burger, burger at burger, Yup he only ordered burger and Coke, he's actually an burger addict. Ako naman, umoder ako ng sundae, fries, Chicken fillet ala king, burger at coke. Katingin lang ako sa labas habang pinag-mamasdan ang isang matandang lalaki sa kabilang kalsada na nang lilimos at mukhang gutom na gutom na. "Lot nakikinig ka ba sa akin?" Nabalik ako sa aking sarili ng kalabitin ako ni JM. Nilingon ko ang aking pagkain na halos hindi pa na babawasan at saka tumungin sa kanila. "Ano yun?" Tanong ko sa kanila saka kuha ng fries at nginuya ito. "Sabi ko kung nakakuha ka ng skin.?" Tanong ni Roldan saka siya sumubo ng sundae. "Saan?" Simpleng tanong ko saka muling tumingin sa labas at muling pinag masdan ang matanda. "Doon sa event na make a wish ni moonton." Wika niya, muli lang akong sumubo ng fries saka sumagot. "Ahh, Oo nakakuha na ako kahapon lang." Tugon ko sa kanya na hindi sila nililingon. "Onong skon konoho mo?" (Anong skin kinuha mo?" Napalingon ako kay Jm dahil halos hindi niya siya makapag salita dahil punong-puno ang bibig niya ng burger. "Skin ni Guineverre ang kinuha ko. " Wika ko at muling sumubo ng fries, wala na akong balak bawasan pa ang iba kung pagkain dahil balak ko itong ibigay doon sa matanda. " Anong skin niya kinuha mo?" Tanong ni Roldan sabay inom ng tubig. Kaylan pa sila kumuha ng tubig? Bakit hindi ko sila nakitang kumuha? Siguro masyado akong lutang kakaisip doon sa matanda sa kabilang kalye.  Nakita ko naman ang pagkagat ni JM sa burger na kinakain niya na halos lumabas na ang ketchop sa sobrang dami niyang pinalagay dito. Napatingin muli ako sa labas at muling tinanaw ang matandang nanlilimos. Yung ibang tao ay dinadaanan lamang siya at hindi pinpansin, ang iba naman ay naghuhulog sa latang dala-dala niya ng barya, ngunit base sa itsura ng mukha niya ay hindi ito sasapat pang kain niya. "Nakalimutan ko eh, basta ayun na lang yung kulang ko na skin niya kaya ayun ang kinuha ko." Wika ko na hindi sila nililingon. Balak ko sanang ibigay ang mga pagkain kong hindi nagalaw sa matanda kapag tapos na sila sa kakatanong sakin.  Nakakaaw lang isipin na may mga taong nahahatong sa panglilimos para lang may makain at may pangtawid gutom sa pang araw-araw. " Kanina ka la lutang diyan lot? Ano ba tinitinang mo sa labas?" Nabalik ako sa aking sarili mula sa aking pag-iisip ng malim ng muli akong kalabitin ni JM. Napatingin ako sa kanila pareho at muling lumingon sa kinarorounan ng matanda. "Tinitingnan ko yung lalaking matanda doon sa kabilang kalye," Wika ko sabay subo ng fries. " Balak ko saanag ibigay yung mga pagkain kong hindi ko pa nagagalaw kasi mukhang mula kanina ay hindi pa ito nakain." Pareho silang napatingin sa dereksyon ng matanda na itinuro ko sa kanila. Tahimik silang nakatingin sa matanda at parehong napatigil sa pagkain. "Ibibigay na lang din namin yunf mga pagkain namin na hindi di namin nagalaw." Wika ni Jm na agad naman sinang-ayunan ni Roldan. Napangiti naman ako sa kanila tinuran. Agad naman namin inayos ang mga pagkain hind nagalaw at pinabalit ito sa isang lagayan. Umoder pa kami ng mga coke para pantawid uhaw ng matanda. Pagkatapos namin maayos amg mga pagkain ay agad kaming tumungo sa kinaroroonan ng matanda. Tinabihan namin siya sa kanyang pagkaka-upo na ikinagulat naman niya. "Tatay ito pagkain, para po sa inyo." Wika ko sabay abot sa kanya ng paper bag. "Naku talaga ba iho?" Agad naman niyang binuksan ito at nakita ko ang pag liwanag ng kanyang muka ng makita na mga pagkain. " Maraming salamat dito mga iho, sa wakas at makakain na ako mula kahapon ay hindi pa ako kumakain." Masayang wila ng matanda at saka inilabas ang lagayan ng chicken fillet at binuksan ito. Nakaramdam naman ako ng kirot dahil sa kanyang tinuran. Pano niya natiis ang hindin kumain ng ganun katagal. Masayang kinain ng matanda ang bigay namin pagkain na ibinahagi niya sa isang palaboy na tulad niya. Masaya sila nag salo na halata mo sa kanila mga mata. Sobrang sarap sa pakiramdam na makatulog sa kapwa kahit sa simpleng paraan. Masaya namin silang pinag masdan habang masayang sumusubo ng kanilang  pagkain. Sana wala ng mga taong palaboy at kaylangan mang limos sa kalsada para makakain lang tulad nila. Sobrang laki ng kanilang pasasalamat dahil kung hindi daw sa amin ay hindi pa daw sila makakakain. " Wala po yum, na saan po ba ang pamilya niyo?" Tanong ni JM. Lumunok naman si Tatay at saka sumagot. " Karamihan sa aming mga palaboy sa kalsada ay inabanduna na ng mga pamilya namin, kaya sa kalsada na kami naninirahan." Malungkot na wika ni Tatay. Nalungkot naman kami dahil sa kalagayan nila. Habang kumakain ay nag kukwento sila ng mga nangyari sa kanila sa kalsadang tinitirhan nila. Nakakalungkot dahil napadami na nila masasakit na pinag daanan. Muli silang nag pasalamat samin bago kami umalis ngunit ng sa aming pag talikod ay nag wika ang matanda... "Sadyang kay busilak talaga ng iyong puso itinakda." Rinig kong wika nito agad ko siyang nilingon at hinarap ito. "A-a-ano po Tay?" Tanong ko sa kanya, sandali siyang tumigil sa kanyang pagkain at lumingon sa akin. " Naki sabi ko Iho sobrang laki ng pasasalamat ko dahil sasapat na into ibinigay sa amin para hanggan bukas, kaya maraming salamat." Tugon nito na ipinag-taka ko. Sigurado akong may sinabi siya tungkol sa sinasabi sa akin ni Jehnny noon sa tungkol sa itinakda. Guni -guni ko lang ba yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD