Chapter 9

1714 Words
A Day Before Christian's Birthday . Christian's Point of View Another week has past. It was friday at bukas na ang araw ng aking kapanganakan. Naghanda na ako para sa aking pag pasok sa eskwelahan. Pag kabangon ko sa kama ay agad akong tumungo sa banyo para maligo. Binuksan ko ang shower at pinaagos ang maligamgam na tubig sa aking katawan. Kumuha ako ng shampoo at inilagay ito sa aking ulo at pinabula ito. Humalimuyak ang amoy ng shamppoo sa buong banyo na nagpa kalma sa akin. Sinunod ko namang linisan ang aking katawan at kinuskos ang bawat singit ng aking pangangatawan. Nang masiyahan na ako sa aking pag lilinis ng katawan ay agad kong binalawan ang aking sarili at pinatay ang gripo. Kumuha ako ng malinis at tuyong towel upang ipang punas sa aking basang katawan. Tinapis ko sa aking ibabang bahagi ang isang tuwalya at muling kumuha ng isa pa upang ipang punas ito sa aking buhok. Pag-labas ko ng banyo ay agsd akong naglakad patungong damitan ko upang kunin ang aking uniporme. Kumuha na din ako ng underwear upang suotin. Agad akong nag bihis at tumungo na sa hapag kainan ng aming pamilya. Sa aking pakababa at tumambad naman sa akin ang mala-fiestang halag dahil sa dami ng mga nakahandang pagkain dito. "Ano pong meron Ma,?" Tanong ko kay Mama na tinutulunga ang aming mga katulong na maghanda ng pagkain namin. " Parang fiesta." Umupo ako sa tabi ni Papa at nag simula siyasatin ang mga pagkain. Meron ditong Ham, sinangag, longganisa, Tapa, itlog, footlong, fried chicken at marami pang iba na pwede niyong makita sa Tapsi. Balak siguro mag tayo ni Mama ng tindahan ng Tapsi. "Wala naman anak ," Sagot ni Mama saka nilapag ang plato na may mga hotdog sa lamesa. " Gusto ko lang mag handa ng marami." Kakaiba ang kinikilos ni Mama ngayon dahil hindi pang karaniwan ang paghahanda  ni Mama ng ganito karaming pagkain sa almusal. Hinayaan ko na lang siyan hainan kami ng marami pang pagkain. Pinasaby na din namin ang dalawa pa naming katulong sa pag-aalmusal dahil sa sobrang dami ng pagkaing nakahain. Tahimik lang kaming kumakain, na karaniwang maingay dahil laging nagkukwento si Paoa tungkol sa trabaho niya. May kakaiba talaga sa kanila dalawa na hindi ko malaman. Habang kumakain ay tamihik lang akong nagmamasid kanila Mama at Papa na tila bang nag uusap sila gamit ang pag titig sa isa't isa. Siguro naman ay hindi tungkol sa gaganaping birthday party bukas ang tinatago nila sa akin dahil naayos na namin ang lahat tungkol dun. Napagpasyahan kong mag diwang sa resort ni JM at imbitahin lang ang mga taong malalapit sa amin para hindi gaano kadami ang aming bisita. Pool party ang theme ng 18th birthday ko at simple lamang ito dahil hindi naman ako isang babae para paghandaan masyado ang 18th birthday. Everything was settled then what is their problem? Pagkatapos kumain ay agad akong nag sipilyo at kinuha ang gamit ko sa eskwelahan. Naglalakad na sana ako palabas ng bahay ng harangin ako ni nila Mama at Papa. Tumingin sila sakin na may halong pag-aalala sa kanilang mga mata. Nagulat ako nang bigla nila akong yakapin ng mahigpit. "Ano mang mangyari ngayong araw anak, lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal ka namin." Bulong ni Mama at lalo pa akong niyakap ng mahigpit. "Ano man ang mangyari, ipangako mo sa amin na mag papakatatag ka." Tuloy ni Mama tumango na lamang ako bilang sagot kahit na naguguluhan akk sa sinasabi niya. "Malapit mo na uli siyang makikila, " Bulong naman ni Papa. " Pag nakilala mo na siya aalagaan ka niya para samin." Kahit nag tataka ako sa mga pinag sasasabi nilang dalawa ay niyakap ko na lamang sila pabalik at nag paalam na ako para pumasok. Bakit sila sobrang nag-aalala ng ganun? May mangyayari bang masama sa akin? Sino naman yung makikilala ko na mag-aalaga sa akin? Napailing na lamang ako dahil na dagdagan na naman ang nga tanong ko sa aking utak. Bakit kasi hindi na lang nila sabihin ng derikta sa akin ang lahat ng hindi na ako naguguluhan. Hindi ko alam kung ano na tinatagao nila mula sa akin ngunit alam ko na may kinalaman iyon sa markang nasa kamay ko at sa buong pag katao ko. Hindi na ako makapag hintay na malaman ang lahat. Kaylangan ko ng ihanda ang aking sarili ano man ang malaman ko. Pag dating ko sa aming eskwelahan ay  agad akong sinalubong ng mga bati at regalo galing sa mga taong hindi imbitado bukas at sa mga taong taga-hanga ko daw. Karamihan sa mga nag bigay ay mga babaeng laging sumisilip sa room namin. Nag bigay naman ako ng mga pasasalamat sa kanila at nginitian sila ng pagkatamis-tamis. Sa dami ng mga nag bibigay ay kaylangan ko pang tumigil sa isa sa mga benches para ilapag ang mga regalo. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko talaga lubos isipin na ganun pala ako kasikat. "Oh Lot bakit nandiyan ka pa?" Napalingon ako sa dereksyon nila Roldan na papalapit sa akin. "Kayo pala," Pareho silang napatingin sa mga regalong nakapatong sa upuan. " Hindi kasi agad ako makaalis dahil diyan." Muli akong nag buntong hininga at tiningnan ang sangkatutak na regalo na natanggap ko. "Kanino naman galing ang ganyan karaming regalo?" Tanong JM saka tiningnan ang ibang regalo. Sasagot na sana ako ng may dalawang lalaking nakaitim ang lumapit sa amin at inabot ang isang batch pa ng mga regalo. "Sir Christian, pibibigay ng aming young mistress ang mga regalo ito na may halong pagmamahal niya." Wika ng isa sa kanila. "Si-sige salamat, paki lapag na lang diyan sa upuan," Agad naman sinunod ng dalawang lalaki ang sinabi ko. " Paki sabi na lang na salamat sa regalo niya kung sino man siya." Yumuko sila at nag paalam na. Hindi ko na tinanong kung sino ang amo nila dahil kilala ko naman siya. Ang sinasabi nila Young Mistress ay si Lady Jessy Villaluz. Sabi nila na gustong-gusto niya ako pero hindi niya ako kayang lapitan sa hindi ko malamang dahilan. Isa din siyang royalty dito sa university namin, kaya siya tinawag na isa sa mga royalty dahil galing siya sa isang ubod ng yamang pamilya. What I mean na mayaman ay yung kayang bumili ng isang isla gamit ang pera nila. Tulad ni Jessy si Roldan ay isa din sa mga Royalty ng university namin. Pero once na nasa loob ka ng university ay wala kang status dito kundi isang ordinaryong estudyante ka lang. "Lakas mo talaga kay Lady Jessy, ang dami nito." Wika ni Roldan at nakitingin na din ng mga regalo. Napakamot na lang ako, mas lalo pa akong namoblema dahil lalo pang nadagdagan ang mga dapat kong bitbitin. "Mukhang mga mamahalin ang mga regalong 'to." Wika ni JM saka inalog ang isang kulay blue na box at kulay violet na ribbon na may katamtaman ang laki. ".." I'm a bit speechless right now dahil hindi ko alam ang sasabihin. Napakamot na lang ako ng aking ulo at namomroblema kung paano ko dadalhin ang mga regalo at saan ko ilalagay pansamantala ang mga ito. "Saan mo naman ilalagay ang ganito karaming regalo dito?" Tanong ni Roldan habang hawak ang isang malaking box na kulay dilaw. "Hindi ko pa nga alam eh." Kamot ulo kong sabi saka pinagmasdan ang mga regalo. Meron pa kaming 30 minutes bago ang klase namin, kaya naman may oras pa kami para mag isip kung saan ilalagay ang mga ito. Biglang tumahimik si Roldan at may pinidot sa cellphone niya. Nag-taka naman ako dahil hindi na siya nag salita. Lumapit na lang ako sa pwesto ni JM at nakitingin sa mga regalo na nakalapag sa upuan. Sa dami ng mga ito ay nasakoo na ang buong benches kaya naman hindi kami makaupo. "Grabe lot, nakakainggit ka, bukas pa ang birthday mo pero ang dami mo na agad na natanggap na regalo." Mahina halakhak na wika ni JM sabay alog ng maliit na kahon na tila alahas ang laman. "Ikaw din naman tuwing birthday isang katutak din ang natatanggap mo  ng regalo, " Sagot ko sa kanya sabay abot ng kahon na hawak niya kanina at inalog din ito. Mukhang mamahaling bracelet o mamahaling kwentas ang laman nito. Tiningnan ko kung kanino galing ito at napansin ako ang initial na LJ sa kahon nito. Ibig-sabihin galing ito kay Lady Jessy, isa ito sa mga regalo niya sa akin. Hindi na ako magtataka kung alahas ang isa sa nga regalo niya sa akin. Dahil ang pamilya nila ay nag mamay-ari ng companyang gumagawa ng mga mamahaling alahas na gawa sa mga bibihirang bato. "Pwede bang buksan na natin kahit isa sa mga regalo mo?" Tanong ni JM saka muling kumuha ng isang kahon at inalog ito. "Hindi pwede , hindi naman sayo yan JM." Napatingin kami kay Roldan ng mag salita ito. Binaba niya ang kanyan telepono at tumingin sa amin. "Isang regalo lang eh." Pag mamaktol ni JM saka muling tumingin ng mga laman ng kahon gabi sa pag alog nito. Napatawa na lang kami dahil para siyang batang gustong mag bukas ng regalo ng iba. "Anong ginawa mo kanina?" Tukoy ko sa ginawa ni Roldan sa kanta cellphone. "Tumawag ako ng driver na mag dadala ng mga regalo mo sa bahay niyo." Wika niya sabay ngiti sa akin. Tumatango ako saka muling tiningnan ang mga regalo. Habang naghihintay kami sa tinawag ni Roldan na driver niya, ay may mga patuloy pa din ang mga school mate namin sa pag bibigay ng nga regalo sa akin hanggang sa naging parang ture na ang mga ito. Sa dami nito ay kahit ang bench ay hindi na ito kaya. Kaya naman nilagay na namin ang iba pa sa baba ng upuan. Buti na lang ay tumating na ang sasakyan nila Roldan na tinawagan niya para mag hatid ng mga regalo sa bahay. Kinarga namin isa-isa ang mga regalo hanggang papuno ang sasakyan.  "Natapos din sa wakas," Hapong wika ni JM sabay upo sa bench. " Sana wala ng dumating nakapagod mag karga ng isang katutak na regalo." Pinaalis na ni Roldan ang sasakyan nila at pinahatid na ito sa bahay namin. "Tara na birthday boy, may klase pa tayo." Yaya ni Roldan sabay akbay sa amin ni JM.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD