Chapter 68

2005 Words
Resonance and Anime . . Christian's Point Of View Muli akong lumanghap ng sariwang hangin at inihanda ang aking sarili dahil naririnig ko ang pag kilos ni Akwa. Nag hahanda na siyang bumato, kung kanina at maliliit lang ang ibinato niya sa akin, ngayon naman ay kasing laki na ito ng mga itlog. Hindi ako nakaramdam ng takot dahil naririnig ko ang mga galaw niya kaya sigurado akong maiiwasan ko ito. Nabigla ako dahil sa kanyang pag galaw ay narinig ko ang bawat pag galaw ng mga muscle sa kanyang kawatan. Hindi kalakasan ang ibabato niya kaya naman hindi ito aabot papunta sa akin. Hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan dahil hindi ko na kaylangang umiwas pa. Ilang saglit lang ay narinig ko ang pag bagsak ng isang bagay sa tubig  sa aking bandang tagiliran. Tulad nga ng aking hinala. Muli kong narinig ang pag galaw ni Akwa at mabilis na sinuri ito. Base sa lakas ng batak ng kanyang mga muscle ay malakas ang kanyang pag kakabato na siguradong tatama sa akin. Muli kong inihanda ang aking saliri at humanda na para umiwas. Ilang sandali pa, bago pa tumama ang bago sa aking ulo at agad kong naiwasan ito. Tumalon ako patungo sa kabilang bato at binalansi ang aking sarili doon. Pinulat ko ang aking mga ng marinig ko ang kanyang pag palakpak sa hindi kalayuan. "Binabati kita mahal na itinakda, sa maitling panahon ay natutunan mo ang pag kikinig sa kilos ng bawat bagay," Masayang wika niya habang pumapalakpak. Napangiti ako at napayuko bilang tanda ng pag galang sa akin. Maski ako ay nagulat sa aking sarili dahil nagawa ko ang itinuro ni Akwa.  "Gamit ang bago mong kakayhan ay maaari mo ng mabasa o marining ang bawat kilos ng iyon kalaban. "  Wika sa akin ni Akwa. Muli siyang lumangoy patungo sa akin. Muli niyang nilasap ang sarap ng pag langoy sa talong. "Maraming salamat Akwa," wika ko sa kanya, sabay talong sa tubig upang lumangoy muli. "Ako nga ang dapat mag pasalamat sa iyo dahil sa ginagawa mong pag liligtas sa mundong ito," tugon ni Akwa sa akin habang lumalangoy. "Ikaw ang nagiging daan para hindi tuluyang masakop ng kadilim ang buong daigdig." taimtim na wika ni Akwa sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Bumaba na rin ako at saka sinamahan siyang lumangoy. Pareho lang kaming tahimik na lumalangoy habang nilalalsap ang katahimikan ng kapaligiran. Ipinikit ko ang aking mga mata para makapag-relax. Habang tahimik akong nag-fofloating ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa amin. Napadilat ako at bahagyag napabangon dahil sa aking narinig. Napalingon ako kay Akwa dahil alam ko na narinig niya ang narinig ko pero tila, hindi man lang siya na alerto., dahil patuloy lang siya sa kanyang pag langoy. Napatingin naman ako sa derteksyon kung saan ko naririnig ang mga yabag. Marami sila na papunta dito, siguro ay mga nasa pitong silang patungo rito. Baka kalaban ang mga dumadating pero bakit parang hindi nag aalala si Akwa? Sinusubok na ba niya ako? Nag sisimula na akong mataranta dahil lalong lumalakas ang mga yabag na akong naririnig. Bigla ko naman naalala ang tinuro sa akin ni Akwa. Kailangan kong ipayapa ang aking isipan para marinig at malaman kung sino ang mga 'yon. Huminga ako ng malalim at sinubukang payapain ang aking isipan. UNti-unti ay parang nagiging mata ko ang aking mga tenga. Ilang sandali lang ay nakita ko na gamit ng aking pandinig ang mga papalapit dito sa amin. "Ang daya mo naman 'lot akala ko ba nag sasanay ka parang nag rerelax ka lang naman dito," Napadilat ako ng may marinig akong sumigaw at nilingon ang dereksyong yun. Napangiti ako ng makita ko ang aking mga kaibigaan pati na rin sila, Ace, Chichi at Jehnny. Puro sila mga nakapang-ligo. Napalingon ako kay Jehnny, Nakasuot siya ng kulay puti na two piece swim suit, Napatulala ako dahil sa sobrang ganda niya. "Hoy lot napatulala ka na diyan," Nabalik ako sa aking katinuan ng bigla akong akbayan ni JM, ang bilis niya namang makarating dito. "Naku, siguradong nakatingin yan kay Jehnny," pang-aasar ni Roldan sa akin. Napatingin ako kay Roldan, nakangiti ito ng nakakaloko. "H-huh? Anong pinag sasabi niyo," umiwas ako ng tingin sa kanila. Bigla namang umakbay din si Roldan sa akin at nilapit ang kanya bibig sa aking tenga. "Naakit ka ba sa ganda ni Jehnny?" bigla akong kinalabutan ng bumulong si Roldan sa akin kaya naman naitulak ko siya ng malakas. "Mag tigil nga kayong dalawa!" Sigaw ko sa kanila dalawa, dahil sa lakas ng tulak ko ay lumubog si Roldan sa tubig kaya naman napatigil ako dahil baka nalunog ko si Roldan dahil nasa malalim na bahagi kami kung saan hanggang dibdib ko ang tubig. Nakahinga naman ako ng maluwag ng umahon na sa wakas si Roldan. "Mukha lumalakas ka lot ah?" Pang aasar ni Roldan ng makaahon siya sabay tawa, dapat pala nalunod na lang siya. Sumabay na rin sa pag tawa si JM at lalo pa nila akong inaasar. Kani-kanina lang ay ang tahimik dito ngayon dumatinglang sila ay umingay na. Napalingon ako kay Jehnny na kasalukuyan din nakatingin sa akin. Nginitian ko siya habang tinitingna siya sa kanya mga mata. Nahihiya siyang ngumiti pabalik sa akin. Mukhang nahiihiya siya sa kanyang suot. Sa totoo lang ay sobrang ganda niya at bagay talaga sa kanya ang suot niya. "Lot ikaw uli mag-referee sa amin ni Roldan," Sigaw ni Jm habang pumupunta sila sa kabilang bahagi ng talon. Tumango naman ako at saka mulig umakyat sa bato dahil ito ang nasa gitna ng talon at mula dito ay makikita ko silang dalawa. Dahil nga araw ngayon ng pahinga sa paaralan ay ngayon lang uli makakapag relax ang mga guardian kaya naman sinulit na nila ang libreng araw na ito. . . "Sa wakas at naibigay ko sa iyo ang singsing ko," wika ni Ace sa akin. Napatingin ako sa aking kamay na may tatlo ng singsing. "Para saan ba ang mga singsing na ito?" Tanong ko kay Ace habang tinitingnan ang mga singsing. "Alam mo ang ibig-sabihin ng Resonance?" bigla naman akong napatingin sa kanya at napaisip. "Yung para bang sa Soul Eater?" Tugon ko sa kanya. Bahagya naman napataas ang kanyang kilay dahil sa aking sinabi. "Soul Eater?" nag tatakang tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kanya. "Isang anime 'yun, na tungkol sa isang paaralan kung saan nag aaral ang mga maister at ang mga weapon nila, ang mga weapon doon ay parang tulad niyong mga guardian, tao na nagiging anyong armas sa tuwing hahawakan sila ng kanila maister," tumango-tango naman si Ace habang parang iniimagine ang aking sinasabi. "Kung kami ang weapon mo and tawag pala sayo ang Maister?" Tanong niya sa akin. Muli naman ako tumango sa kanya. "Pero ang mga weapon sa anime na yun ay kinakain ang mga soul ng mga napapatay nilang kalaban, kaya naman ang tawag sa kanila ay isang soul eater dahil doon sila lumalakas." Bigla namang napatigil si Ace sa pag tango at napatingin sa akin. "Ano? Nakakatakot naman 'yon." Gulat na wika ni Ace. Bahagya naman akong napatawa dahil para akong nag tuturo sa isang inosenteng bata. "Sa anime naman na 'yon ang resonance ay pag sasanig ng mga kaluluwa ng maiter at ng weapon nila." Muli namang napatango si Ace dahil sa aking sinabi. "Pareho lang ng iyong sinabi ang Resonance na nais kong sabihin sa iyo, pero ang pinag kaiba lang ay isa na kaming kaluluwa o multo kaya naman ang mga singsing na yan ang magiging daan para magawa natin ang resonance," Tugon sa akin ni Ace. Muli naman akong nalingon sa mga singsing. " Pero dahil iba't- ibang ang antas ng aming kakayanan, ay iba't-iba rin ang gagawin mong pag sasanay na resonance. " Muli akong napalingon kah Ace dahil sa kanyang sinabi. Napatitig ako sa kanya. "Ang ibig mong sabihin kapag-nakompleto ko na ang hiyas at ang mga singsing ay kailangan ko uling mag sanay?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumango at ngumiti. " Oo naman hindi porket nakompleto mo na ang mga hiyas at singsing ay hindi ka na mag sasanay uli, hindi ibig sabihin malakas ka na ay hanggang dun na lang yun." napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi ni Ace, ang ibig sabihin lang mung ay wala itong katapusan na pag sasanay ang gagawin ko. "Yung totoo kayo yata ang makakapatay sa akin." seryosong wika ko kay Ace, napatawa naman si Ace dahil sa akin sinabi. "Hindi naman,pero parang ganun nga," wika niya habang natatawa. Napatitig na lang ako sa kanya at napabuntong hinga. " Pero maski ako walang magagawa dahil ayun ang kailangan mong gawin para sigurado na tayong matatalo si Taitus at matapos na ang pag hahari niya." habol na wika Ni Ace, tama naman siya sa sinabi niya. Kahit ako ay ayon lang ang magagawa. Muli akong napabuntong hininga. Napagpasyahan namin na pag sanay saglit sa pag gamit ko sa kanya biglang armas ko. Minsan ko na siyang nagamit ngunit napa sobra ako kaya naman nawalan ako ng malay. Dahil nga malakas ang reaksyon niya sa bato ng demonyong nasa loob ko ay maaring maubos ang aking lakas sa pag gamit sa kanya. Inamin niya na kung wala ang bato ng demonyo ay hindi mailalabas ang tunay na lakas niya dahil nag mumula dito ang kapangyarihan niya bilang isang weapon. "Tulad mo ba, may epekto rin ang bato ng demonyo sa ibang guardian?" Tanong ko sa kanya. Bigla namang lumabas ang mukha ni Ace sa talim ng hawak kong Scythe. "Hindi, tanging ako lang ang may epekto sa bato ng demonyo, dahil ako ang nag sisilbing tulay ng apat na elemento." Tugon sa akin ni Ace. Ganun pala 'yun. "Ang akala ko ang grimiore ang tulay ng mga elemento ng pentagram crest." Wika ko, muling bumalik sa tunay niya na anyo si Ace at lumipad sa ere. "Napag-iisa ko ang mga elemento ng pentagram crest at ang grimiore naman ang nag papalakas sa pag kakaisa namin." Nalinawan naman ako dahil sa kanyang sinabi. Kaya pala sabi ni Sage at Jehnny na ito ang kalahati ng kapangyarihan ng Crest. Ang bawat bahagi ng crest ay sobrang halaga kaya naman dapat ko ng makompleto ang mga ito, dahil kung wala ang isang bahagi ay hindi ko mailalabas ang tunay na kakayahan nito. "Naiintidihan ko na ngayon," Tugon ko sa kanya at tumango. Muli siyang bumalik sa aking kamay at muli kong sinubukang sanayin ang aking sarili sa pag gamit sa kanya. Saglit ko lang din akong nakapag sanay gamit si Ace dahil sagyang nakakaubos ng lakas tuwing gagawa ako ng isanh skill. Umupo muna kami saglit sa ilalim ng isang puno at doon nag pahinga. Mahangi dito kaya naman nakaka presko sa pakiramdam. Balik na pala ulit ang mga estudyante ng paaralan. Katatapos lang ng klase namin kaya naman malaya akong nakakapag sanay kasama si Ace. "Nakalimutan ko sayong itanong, kung ano ang anime." Gulat akong napalingon sa kanya at napangiti. "Ang anime ay isang animated na palabas na nanggaling sa bansang hapon, naging sikat ang anime dahil sa magagandang storya na tinatalakay sa bawat anime, at syempre naging sikat din ito dahil sa mga magagandang babae at mga gwapong lalaki na nasa anime." Wika ko sa kanya. Para namang nangingintab ang kanyang mga mata dahil sa aking mga sinabi. "Talaga bang maganda manood nun?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot at muling ngumiti. "Karamihan ng mga nanonood ng anime ay naaadik sa panonod dito at karaniwan sa mga adik dito ay kung hindi ginawang asawa ang mga character sa isang anime ay pinapangarap na makarating sa mundo na 'yon." Tugon ko sa kanyang tanong. Para namang lalo siyang namangha sa akin sinabi. Ngayon ko lang nakita ang side ni Ace na 'to dahil siguro sa wala siya maalala tungkol sa mundo ng mga tao. Minsan talaga ay nagiging palaisipan ang mga nakaraan ng mga guardian. Gusto ko sana malaman ang naging nakaraan nila pero hindi ko alam kung paano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD