Chapter 22

2633 Words
Angel's Wings and Betrayal . Christian's Point of View. "Dito ako dati nag tatrabaho." Mariing  wika ni Keina. Ngayon ko lang napansin ang awra niya. Animo'y nag aalab na apoy ito at ang mana niya ay tumataas. At manggagaling ang mana niya sa kanyang dibdib. 'Saan 'Yun nanggagaling?' Bakit parang may galit akong nararamdaman na nag mumula kay Keina? May nangyari kaya sa kanya dito noon ? "Keina?" Tila nabalik sa kanyang katinuan si Keina nang hawakan siya ni JM sa balikat. Nagulat ito at napatingin kay JM na may halong pagtataka. Para namang natauhan siya at parang may naalala. "Bakit?" Nauutal na wika ni Keina. "May sinasabi ka ba?"  Umiling si JM at inaalis y kanyang kamay sa balikat ni Keina. Marahana ngumiti si JM at hinarap si Keina. "Kalma muna," WIka ni JM kay Keina. Tumango naman si KEina bilang sagot at pilit na pinakalma ang kanyang sarili. Nag-buntong hininga siya at sak mulin hinarap ang pintong kahoy ng gusali. 'Teka? May alam ba silang dalawa na hindi ko alam?' Nag pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nag kibit balikat na lamang ako at tinuon ang aking atensyon sa pintuan. "Huwag kayong masyadong mag pahalata sa pagpasok natin, pare-pareho naman natin sigurong ayaw na matuon ang atensyon satin ng mga nilalang sa loob." Marahang paalala ni Keina sa amin habang nanatiling nakatingin sa may pintuan. Pareho kaming tumango ni Jm bilang sagot. Nang mapag-kasunduan na naming pumasok ay binuksan na ni Keina at pumasok na sa loob. Sinundan namin siya ng dahan-dahan upang hindi makakuja ng atensyon ang pag pasok namin. Pasilip kong tinitingnan ang bawat madaanan naming mga nag iinom na mga nilalang umaasang makikita si Roldan na maaaring isa sa kanila. Tunay nga itong bahay aliwan dahil sa bawat lamesa ay hindi mawawala ang babae at alak. Karamihan sa mga babae ay nakakalong sa kanilang costumer at tila inaakit ang mga ito. Marami na din mga lasing na nilalang dito sa loob kaya naman ubod na dito ng ingay ngunit hindi ito tulad sa labas, dito ay mararamdaman mo ang saya ng paligid dahil din sa musikang tumutugtug na talagang mapapaindak ka. Talagang maaakit talaga ang nga costumer na mag sipuntaha dito dahil sa gaganda ng mga babae at sexy pa ang mga ito na lalong lumabas dahil sa mga suot nila mga bikini. May mga nag hahalikan na din sa kanilang upuam at tila may ginagawa ng mmilagro. Kung ikukumpara ko ito sa bar ng kuya ni Roldan ay ang masasabi ko lang ay tunay nga silang mga demonyo. Napansin ko na halos karamihan ng demonyo ngayon ay may dyamante sa noo ngunit kung papalangin ko sila ay mahuhurapan ako dahil may mga naka nabantay sa mga itong malalaking katawan na nilalang. "Dito tayo." Turo ni Keina sa isang bakanteng pwedto na pwede naming pag pwestuhan sa pag iimbestiga tungkolgm kung na saan si Roldan. Pagka-upo namin sa upuan ay may matandang babaeng nakasuot ng lace na damit na lumapit sa amin at nakangiti itong nakatingin sa amin. "Maligayang pagdating dito sa aming munting bahay aliwan," Bati nito sa amin. Iniiwasan namin na tumingin sa mga mata nito dahil ito ang isa sa mga bilin ni Keina. Huwag na huwag titingin sa mga mata ng mga babae dito dahil isa ito sa kanila kakayahan upang makakuha ng mga costumer at gumastos ng mas malaking pera sa dapat.  "Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Dugtong pa niya at lumingon kay Keina, napalingon din ako kay Keina upang tingnan ang reaksyon nito ngunit tiningnan lang niya ito gamit ang walang emosyon niya mga mata. Hindi siya makilala nito dahil sa kakaibang itsura nito ngayon. Mahirap ipaliwanag ang kanyang kasuutan ngunit maraming marka sa kanyang mukha si Keina kaya naman hindi talaga ito makikilala na maski ako ay hindi ko siya makikilala kung hindi ko lang alam na balat-kayo niya lang ito.  "Bigyan niyo na lang kami ng pinaka masarap na inumin niyo dito." Maaturidad na  tugon ni JM sabay lagay ng kanyang braso sa sandalan ng upuan. "Gusto niyo ba kumuha ng babae?" Muling tanong ng matandang babae sa amin. Umiling  lang ako bilang sagot dahil isa ito sa bilin ni Keina. 'Huwag hahayaan mapalapit sa mga babae.' Yumukod ito sa amin bago umalis ppara ihanda na ang mga order namin. Tahimik lang kaming nag masid sa paligid at nag hihintay ng tamang tyempo.  Pasimple kong nilibot ang aking paningin sa buong bahay aliwan upang hanapin ang tamang demonyong pwede kong paslangin. Karamihan sa mga demonyo dito ay nakatago ang kanilang mga bato pero gamit ang Angel's lense ay nakikita ko kung gaano sila kalakas at kung gaano karami ang dala nilang mana sa kanila katawan. "Alam ko ang nasa isip mo." Nagulat ako dahil sa boses na narinig ko sa aking isipan. Napatigil ako sa paglilibot ng aking paningin at tumungin sa aking mga kasama ngunit mukhang hindi naman sila ang nag salita. Nadako naman ng aking paningin sa singsing na nakasuot sa aking daliri at napangiti ng hindi oras. Bakit ba nakalimutan ko ang tungkol sa kanya. "Akala ko kung sino na," Simpleng tugon ko sa aking isipan. Alam kong naririnig ako ni Jehnny sa ganung paraan. "Anong ibig mong sabihin na alam mo ang iniisip ko?" Tanong ko sa kanya at saka muling nilibot ang akin paningin. "Alam mong pagpapatiwakal ang gagawin mo kaya itigil mo na yang balak mo." Muli akong napatigil at pa simpleng ngumisi. Sila na din naman ang nagsabi na kaylangan kong pumatay ng demonyo para lumakas ang aking kapangyarihan. Bakit ngayon pinipigilan na niya ako? I already made up my mind at wala ng makakapigil sa akin. "Hindi naman masama kung pipigilin hindi ba?" Malamig na wika ko sa kanya habang hindi inaalis ang aking ngiti sa labi. Hindi na siya nag salita pa muli kaya naman tinuloy ko na aking pag lilibot. Ilang sandali lang dumating na aming inorder na inumin. Agad naman naming binayaran ang aming inumin at saka pinaalis ang babaeng nag silbi sa amin dahil pinipilit niya ang kanyang sarili sa akin kaya naman binayaran na lang namin siya upang umalis na ng tuluyan. Dapat na pala namin hanapin si Roldan bago pa mahuli ang lahat. Patayo na sana ako sa aking upuan upang sana ay mag banyo ng may bigla akong marinig ang usapan sa kabilang lamesa kaya naman napabalik ako sa aking upuan at pasimple silang tiningnan at panakingggan. "Totoo ba yung balita, may napagpag daw na tao dito sa lugar niyo?" Tanong ng lalaking maskulado ang katawan, may pulang buhok at may paikot na sungay. "Oo totoo yun, nandun siya  sa pinaka dulong silid sa ikalawang palapag,   ilang taon na din simula ng may mapadpad na tao dito sa lugar namin kay naman todo ingat kami sa kanya dahil bihira lang kaming makahanap ng ganung kasarap na pagkain." Mapang-akit na wika ng isang babae na kulay abo ang buhok na hanggang balikat ang haba. nakakalong ito sa lalaking maskulado ang katawan habang hinihipuan siya nito sa mga masisilan bahagi ng kanyang katawan. Mukhang natutuwa pa ito sa ginagawa ng lalaki sa kanya. Ano bang inaasahan ko? Natural lang yun dahil nasa bahay aliwan kami. Nilingon ko sila Keina at mukhang nakikinig din sila sa usapan sa  kabilang lamesa. Pareho kaming nag kangitian dahil alam na namin kung saan namin pupuntahan si Roldan. Marahan naming ininom ang aming mga inumin habang kumukuha ng tamang tyempo para makaakyat sa ikalawang palapag. Nag pabalik-balik ang aking tingin kanila JM at Keina at doon ako nakaisip ng paraan upang makaakyat sa ikalawang palapag. Ipinaliwanag ko sa kanila ang plano ko na agad naman nilang sinang-ayunan. Tumayo na ako sa aking kinauupuan upang lumabas ng gusali at pinag katiwala kanila JM at Keina ang iba. Tumungo ako sa likod na bahagi ng gusali at nag hintay.   May kalakihan din pala ang gusaling ito. Hindi kami mahirapang makapunta sa kwarto kung na saan si Roldan. Nag masid ako sa buong paligid upang siguraduhin na walang nilalang ang makakasagabal sa amin. "Malinis ang paligid mahal ko, " Malambing na wika ni Jehnny "Walang kahit sinuman ang nasa paligid." Nangiti ako ng mapait at saka napatango. "Salamat Jehnny." Tugon ko sa kanya. Kukunin ko na sana ang lubid sa aking dalang bag ng pigilan ako ni Jehnny. "Hindi mo na kaylangan niyan," Pigil niya sa akin. "Kaya mong lumipad." Bigla namang napataas ang aking kilay dahil sa binanggit niya. "Anong ibig mong sabihin Jehnny?" Rinig ko ang kanyang pag hagihik saka ito lumabas sa aking crest at nag pakita sa akin. "Hindi ba't mahal ko yan din ang tanong mo sa akin?" Tanong nito pabalik sa akin. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at nag wika. "Deretsohin mo kasi ang mga sinasabi mo, hindi yung nag papaligoy-ligoy ka pa." Malamig na wika ko sa kanya. Humagikhik lang siya at lumapit sa akin. "Mahal ko may kakayahang kang lumipad tulad ko ang pinag kaiba lang ikaw ay may pakpak," Nakangiting wika niya sa akin. Lalo pa akong naguluhan dahil sa sinabi niya. Tahimik lang ako at tiningnan siya. " Angel's wings." Dugtong niya. Napa buntong hininga na lang  dahil mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ipinikit ko ang akin mga mata. Ramdam ko ang pag hawak ni Jehnny sa akking mga kamay. "Angel's wings." Sa aking pag wika ay may init akong naramdaman sa aking likuran at ilang sandali lang ay parang may hangin na umiihip sa aking  paligid. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata. Agad na bumungad sa akin ang ngiti ni Jehnny habang siya ay nakatingin sa akin. Napansin ko ang pag angat namin sa lupa. Napatingin ako sa aking likuran at ako'y napamangha sa aking nakita. Meron akong pakpak! Meron akong pakpak ng isang anghel. Isang pares ng pakpak na may puting balahibo. Napangiti ako at nilingon si Jehnny. Tumingin siya sa dereksyon kung na saan ang bahay aliwan at ang isa sa mga bintana ay bukas at doon nakaabang sila JM at Keina. Nakaakyat na pala sila. Nakangiting kumakaway si Keina sa dereksyon namin. Binalik ni Jehnny ang kanyang tingin sa akin. "Halika ka na baka may makakita pa sa amin." Tumango ako bilang tugon at sa tulong ni Jehnny ay lumipad kami patungo sa bukas na bintana. Napatingin ako sa aming mag kahawak na kamay. Bakit parang kumakabog ang aking dibdib? Sobrang saya ng puso ko. Hindi ko dapat nararamdaman ang ganito. Napatingin ako mula kay Jehnny. Pinilit kong alisin ang aking nararamdaman at kinakalma ang aking sarili. Nag buntong hininga ako at saka muling tinuun ang atensyon sa aking pag lipad. Hindi rin pala madali ang ganito. Lalo pa't bago lang sayo ang pakiramdam at parang biglaan. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa kwarto kung saan sila Keina at Jm. Sa aking pag lapag ay itinago ko na ang aking pakpak. Inisip ko lang na mawala ang aking pakpak ay bigla nga itong nawala. Mukhang nakukuha ko na kung paano kontrolin ang aking kapangyarihan. " Mukhang nakukuha mo na kung paano kontrolin ang iyong kapangyarihan." Napatingin ako kay Jehnny at muling tumango. Napatingin ako sa aking mga kamay. Bakit pakiramdam ko may parang enerheya na gustong kumawala mula sa akin? Guni-guni ko lang ba yun? Heto na naman ako nag tatanong ngunit walang nakakasagot. Naguguluhan na ako. Nag - sisimula na akong mag-isip kung sino ba talaga ako? Bakit parang ang daming hindi ko alam sa sarili ko. Hindi naman ako nag amnesia pero parang hindi ko kilala ang sarili ko. Lalo pang nakakapag taka ay kung limitado lang ang aking Mana, bakit parang hindi naman? Dahil kanina pa ako gumagamit ng mana pero bakit hindi ko nararamdaman ang panghihina ko? Parang may lakas pa nga akong nararamdaman sa akin katawan na dapat kong gamitin. Dahil ba ito kay Jehnny? Pero limitado lang ang mana niya. Ang daming katanungan pero hindi nasasagot, nakakainis. " Lot may problema ba?" Nabalik ako sa aking katinuan ng may kamay na humawak sa akin. Napatingin ako kay JM na mukhang alalang- alala sa akin. "Wala naman Lot may iniisip lang ako." Sagot ko sa kanya at saka muling napatingin sa aking mga kamay. " Tara na hinihintay na tayo ni Roldan." Wika ni Jm sa akin. Nilingon ko siya at saka ngumiti, tumango ako bilang sagot at sumunod sa kanila. Nag masid kami sa paligid at saka dahan-dahang tumungi sa pinaka dulong kwarto. Muling bumalik si Jehnny sa akong Crest upang makapag pahinga. Buti na lang ay hindi kalayuan ang napiling kwarto nila Jm at Keina kaya naman hindi na kami mahihirapan sa pag tungo sa pinaka dulong kwarto. Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko dito? Siguro nag kakaroon lang akong ng duda dahil umaayon ang lahat sa plano namin. Baka ganun nga lang. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tapat ng pinto ng pinaka dulong kwarto. Sandali kaming napatigil sa tapas ng pinto. Hinawakan ko ang senelyador ng pinto sa saka dahan-dahang binuksan ang pintuan. Maingay itong bumukas na para bang nasa horror movie ang tunog. Pagbukas ng pinto sa sobrang dilim ng kwarto. Hindj namin maaninag ang loob nito kaya naman napag desisyunan na naming pumasok dito. "Roldan? Nandito ka ba?" Tawag ko sa pangalan ni Roldan, baka sakaling may sumagot ngunit kahit na ungol ay walang sumagot sa amin. Parang may mali dito. Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ako ng pag kahilo. Mukha ito na ang epekto ng pag gamit ko ng mana ko. "Mahal ko anong problema?" Wika ni Jehnny sa aking isipan. Umayos ako ng tayo at napakagat ng labi. "Wa-wala medyo nahilo lang ako epekto siguro ng pag gamit ko ng Mana." Tugon ko sa kanya. Nilibot ko ang aking paningin ng mag sindi ng apoy si Keina sa kanyang daliri. Isa ito sa kanyang kakayahan ang kontrolin ang apoy. Wala laman ang kwartong ito. "Imposible." Rinig kong bulalas ni Jehnny ngunit hindi ko ito pinansin at muling nilibot ang aking paningin. Wala talagang kalaman-laman ang kwarto kahit alikabok. Nag kamali ba kami ng kwartong pinasukan? "Mukhang mali tayo ng napasukan." Wika ni Jm na nag lilibot na sa buong kwarto. Pareho pala kami ng iniisip. "Tama tayo ng pinasukan dahil sa pag kakatanda ko ito na ang pinaka dulong kwarto sa ikalawang palapag." Pag tatama ni Keina sa sinabi ni JM. Muli kaming nalibot sa buong kwarto. May kalakihan ito kaya naman nag hiwa-hiwalay kami upang mag malibot sa buong kwarto. Wala talaga itong kalaman-laman at wala din itong bintana. Lumakas na ang kutob ko dito. Lumapit ako sa may pintuan upang makasigurado. Pinihit ko ang senelyador ng pintuan pero mukhang nakà lock na ito sa labas. Sabi ko na nga ba isa itong patibong. Pero sino naman ang may gawa nito? "Maligayang pag dating ang aking mahal na mga kaibagan," Kilala ko ang boses na yun. Mula sa dilim ay biglang may lumabas na isang lalaki. Nakaupo ito sa trono. Naka de-kwatro ang kanyang mga binti ang kanyang ulo ay nakapatong sa kanyang palad. Nakasuot ito ng magarang damit na parang hari. Kita din ang pag ngisi nito kahit na may kadiliman ang kwarto. Bigla muling sumakit ang aking ulo at lalo pang lumala ang aking pag kahilo. " Mukhang dumatalab na ang lason." Lalo pang lumaki ang ngisi nito. Bigla akong napatingin sa deretso nila JM at Keina ng makita ko ang pag bagsak nila. Lason? Saan galing yun? Bigla ko namang naalala ang ininom namin kanina. Mukha galing yun dun. Nag sisimula nang manlabo ang aking paningin dahil sa sobrang pag kahilo. Napaluhod ako at napakalang ang aking mga kamay. Pilit kong inaaninag sa dilim ang imahe ng lalaking may gawa nito sa amin. Bago ako tuluyang bumagsak sa sahig ay nakita ko ang kanyang mga ngisi na tila iba siyang tao. ' Bakit mo ito nagawa sa amin... Roldan..?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD