Chapter 26

1591 Words
Ang Pag hahanap ng kasagutan . . Christian's Point of View "Mukhang kaylangan mo ng bumalik sa mga kaibigan mo." Masayang wika ni Lolo ngunit ramdam kong may halo itong lungkot. Nilingon ko siya at tiningnan siya ng may halong pag aalala. "Mag kikita pa po ba tayo?" Malungkot na tanong ko sa kanya. " Hindi ko alam mahal kong Apo, pero siguro sa oras na makompleto mo ang bawat elemento sa crest mo ay mag kakaharap tayo." Wika ni Lolo sa aking habang hawak-hawak  pa din ang aking ulo. "Ano pong ibig niyong sabihin lolo?" Muli lang itong ngumiti ng makahulugan at niyakap ako ng sobrang higpit. " Balang araw malalaman mo rin Mahal kong Apo." Bulong sa akin ni Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil hindi ko alam kung kaylan uli kami mag kikita. Hindi ko alam kung talaga ba siya ang Lolo ko. Peri pakiramdam ko ay siya nga ito dahil ramdam ko ang pag mamahal niya sa akin. Pag dilat ko ng aking mga mata ay wala na si Lolo. Muli akong nakahiga dahil nakikita ko ang mga mukha ng aking mga kaibigan na mukhang nag aalala at nakatingin pababa sa akin. "Lot gising ka na din sa wakas." Masayang bungad ni Roldan na unang- una na nag salita sa kanila lahat. Bumangon ako sa aking pag kakahiga sa tulong ni Jm na inalalayan ako mula sa aking likod. "Anong nangyari?" Nanghihina kong tanong. Ramdam ko pa din ang panghihina sa aking katawan kahit na sa isipan ako nakipag laban kani-kanina. "Nawalan ka ng malay kanina ng maipasok na ang bato sa iyong katawan," Panimulang wika ni Keina, hinipo niya ang aking noo at tila pinapakiramdam ang aking temperatura. " Agad ka naming dinala sa kwarto at pinababa ang temperatura ko dahil sobrang taas ng lagnat mo, tiningnan ka na rin ng pribadong doktor namin." Pumunta si Keina sa aking likuran at may kinuhang para water bag at saka pinalitam ito ng tubig. " Ganun ba?" Tugon ko at saka nilingon si Jehnny na nakalutang sa may gilid ng aking higaan. " Ikaw Jehnny hindi ka ba nasaktan." Umiling ito at saka ako muling tiningnan. Halata pa din sa kanyang mukha ang pag aalala. "Salamat sayo hindi ako naapektuhan sa kapangyarihan ng bato ng demonyo." Sagot niya sa akin. Napangiti na lang ako at saka tiningna n ang aking kanang kamay at tama ng ako totoo ang nangyari kanina na parang panginip lang. May kulay Lila na ang aking Crest na tila bato ang estilo. "Pentagram Crest?" Gulat na tanong ni Kiana ng makita ang aking Crest. Nilingon ko siya at nagtataka siyang nilingon. "Alam mo ang tungkol dito?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito at saka hinawakan ang aking kamay. "Ang sabi sa alamat, May darating na nilalang na galing sa ibang mundo upang iligtas ang buong mundo ng paraiso sa kamay ni Taitus, ang hari ng kadiliman. Ang Palatandaan ng itinakda ay meron itong Pentagram Crest na nakalagay sa kanyang Kanang kamay na may lima na elemento, Spirit, Water, Air, Fire at abg Earth." Wika ni Kiana. Namangha ako dahil sa ipinamalas na katalinuhan ni Kiana. Lahat kami ay namangha dahil sa winika ni Kiana. "Paano mo nalaman ang lahat ng mga yun Kiana? Ngunit kaylan man ay hindi ko sinabi ang mga yun sa iyo." Manghang tanong ng kanyang ate sa kanya. Ngumiti naman si Kiana at nilingon ang kanyang ate. "Dahil nga wala naman akong ginagawa kundi ang patakbuhin ang negosyong naiwan ni Kuya sa akin ay napag isip-isip ko na mag aral kahit papano gamit ang mga libro sa malaking aklatan dito. Sayang namab kung hindi yun magamit dahil sobrang laki nun." Tila proud pa si Kiana dahil sa kanyang ginawa. Nilapad naman ni Kiana ang kanyang hinagawa at lumapit siya kay Kiana upang yakapin ito at purihin. "Alam mo ba kung pano makikita ang mga elemento Kiana?" Tanong ko sa kanya. Pareho silang napatigil ng kanyang ate sa pag yayakapan at muling akong nilingon. Malungkot lang itong umiling sa akin. "Pasensya na kuya Christian pero wala pa akong nababasa kung pano makikita ang mga elemento ng Pentagram Crest," Malungkot na wika nito. At muling napaisip. "Pero meron siguro sa silid aklatan na libro na nag sasabi kung pano ito makikita. " Wika ni Kiana habang tila nag iisip dahil nilagay niya pa ang kanyang daliri sa kanyang labi at tumingin sa taas. Ang cute din pala ng kapatid ni Kiena kung titingnan siya sa malapitan. "Meron din bang libro na mag sasabi kung paano natin mahahanap si Jessy?" Muli kung tanong sa kanya. Napaisip naman siya dahil tila sitang naguluhan sa aking mga sinabi. "Meron din siguro dahil laki naman ba nun imposibleng walang libro ang hindi nating kailangan dun," Wika ni Kiana habang na natiling nag iisip. " Teka sino si Jessy.?" Inosenteng tanong niya sa akin. Oo nga pala hindi pa namin nasasabi ang tungkol kay Jessy. "Isa siya sa nga kaibigan namin, Ako, si Roldan at si JM pati na rin si Jessy ay galing sa mundo ng mga tao." Paliwanag ko sa kanya. Kita sa mga mata ni Kiana ang pag kamangha dahil sa aking sinabi. Tila kumikinang ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Lalo pa itong lumapit sa aking at mangha akong tiningnan. "Ang ibig sabihin ay ikaw ang itinakda?" Manghang tanong niya sa akin. Tumango naman ako ng medyo na iilang dahil hindi ko pa rin siguro kung ako nga ba talaga pero kasi ang sabi nila Jehnny sa akin. " Sabi nila ako raw." Sagot ko ay saka pilit na ngumiti. Muli niyang hinawakan ang aking parehong kamay at kinulong ito sa kanyang mga kamay at tiningnan ako ng mas malapit pa. "Isang malaking karangalan ang makilala at mahawakan ka ng ganito mahal na itinakda." Masayang wika niya, medyo humigpit ang pag kakahawak niya sa akin. Ang lakas niya pala. "Kuya Christian na lang tulad ng tawag mo sa akin kani-kanina lang, masyado namang pormal ang Mahal na itinakda." Wika ko sa kanya at muling ngumiti ng pilit. Sobrang nakakailang ang ginagawa niyang pag bati sa akin at saka hindi ko pa masasabing ako ang itinakda kung hindi ko pa nakukumpleto ang mga elemento ng Pentagram Crest ko. Ilang minuto ding nakadikit sa akin si Kiana kaya naman hindi agad ako makatayo sa aking kinauupuan. Yumakap pa nga ito sa aking braso dahil sa sobrang tuwa nito sa akin. Ilang sandali lang din ay naalala niya muli ang tungkol sa Pentagram Crest kaya naman agad niya akong hinila patayo upang tumungo sa silid aklatan na sinasabi niya. Ikalawang beses ko ng nakakapunta dito ngunit hanggang ngayon ay sobrang na mamangha pa rin ako dahil sa sobrang laki nito siguro ay nandito na lahat ng libro dito sa mundo nila. Sabi ni Kiana ay isa ito sa pinaka malaking silid aklatan dito sa mundo nila. At tulad nga ng akala ko, ay halos lahat ng libro dito sa mundo nila ay nandito na. Kahit daw ang ilan sa pinag babawal na aklat ay nandito na rin sa silid aklatan na ito. Sana ay makita ako ng kasagutan sa sinasabi ni Lolo na mga elemento ng Pentagram Crest at anong mangyayari kung makumpleto ko ito. Pag kapasok namin ay agad na hinanap ni Kiana ang libro na nabasa niya tungkol sa Pentagram Crest at agad na inabot nito sa akin. Pumwesto ako sa isa sa mga upuan sa isang mahabang lamesa at binuklat ang libro. Habang ako ay abala sa pag hahanap ng sagot tungkol sa Pentagram crest, sila naman ay nag hahanap ng kasagutan kung paano namin mahahanap si Jessy. Pag buklat ko ng aklat ay agad kong nakita ang mga taong nag karoon ng Pentagram Crest at na kompleto ang mga elemento nito. Karamihan sa kanila ay natupad ang hiling at ang iba naman ay hindi alam kung ano ang nangyari sa kanila. Hinahanap ko ang tungkol kay Lolo ngunit mukhang walang nakatala dito tungkol sa kanya. Naalala ko ang sinabi Ni Keina na may natural na kapangyarihan si Lolo nang mapunta siya dito. Kaya siguro walang nakatala dito sa aklat dahil hindi siya siguro nag karoon ng Pentagram Crest tulad ko. Nilipat ko pa ang pahina ng ilang ulit ng sa wakas ay nahanap ko na ang sagot na hinahanap ko. Nakaguhit dito ang Pentagram Crest at nakasulat ang bawat bahagi nito which is ang mga bato na elemento nito. Ang Spirit o ang Dark side , ang nasa itaas na bahagi ng crest at ang pinaka una kong nakuha. Nakuha ko ito sa bato ng demonyo at natalo ito bilang pag tanggap ko sa kanya. Ang Water o ang peace of mind, ay ang nasa kanang bahagi ng Crest makukuha ito kung mapapayapa mo ang iyon kaisipan. Ang Fire o ang Anger na nasa ibabang kanang bahagi ng Crest,makukuha mo ito kung makokontrol mo ang iyong galit at hindi mag papadala dito. Ang Earth o ang kalikasan, ang pakikipag isa sa kalikasan. At ang huli ay ang Hangin o ang pag papaubaya. Nakapa loob pa dito ang katagang . " Matutong Mag paubaya ." Muli kong binasa ang mga nakasulat ngunit akala ko ay masasagot nito ang lahat, ngunit sinabi lang dito kung paano ako susubukin ngunit hindi dito sinabi kung kaylan ako susubukin. Naalala ko ang sinabi ni Lolo sa akin na kusa itong lalapit at susubukin ako kaya dapat akong maging handa. Muli ko itong binasa sa huling pag kakataon, ngunit napatigil ako sa pag babasa dahil sa huling katagang nakasulat, ano ang dapat kong ipaubaya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD