Chapter 65

1038 Words
Swimming or Training? . . Christian's Point Of View "Pero wala ka dapat ipag alala dahil nandito na ko at gagabayan ka," Napatingin ako sa kanyang asul na mga mata, ang ganda talaga ng mga ito, para itong asul na langit, ang init ng pag tingin niya sa akin, sobrang sarap nito sa pakiramdam, para niya kasing hinahaplos ang aking puso. Ngumiti ako at marahang tumango. "Maraming salamat, Jehnny," Niyakap niya ako ng mahigpit. BInaon niya ang kanyng ulo sa  aking dibdib. Siguro ay naririnig niya ang t***k ng puso ko. SAna ay marinig niya ang tnitibok nito, ang pangalan niya... "Lagi mong tatandaan na nandito lang ako, ang mga kaibigan mo at ang ibang guardian na kasama mo sa pag laban, hindi ka nag iisa, may karamay ka," Malambing na wika ni Jehnny mula sa pag kakasubsub sa aking dibdib. Niyakap ko siya pabalik at hinalikan ang kanyang ulo. ANg bangon ng kanyang buhok.. Parang ayoko na matapos ang sandaling ito, dahil pakiramdaman ko ay hindi na mauulit pa ito. Ayoko ng pakawalan siya sa aking mga bisig dahil baka ito na ang huling pag kakataon na mayayakap ko siya ng ganito. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip ang mga bagay na ito, pero sobra akong natatakot ngayon, hindi ako natatakot namakalaban si Taitus at ang mga tauhan niya. Natatakot na baka mawala sila sa akin pag katapos ng lahat ng ito. . Kinabukasan ay agad nag simula ag aking pag sasanay para sa asusunod nna aking pag subok. Dinala ako ni Akwa sa isang tagong talon na malapit lang sa paaralan. Hindi ito gaannong kataasan. Siguro ay kasing taas lang ito ng 4 na palapag na gusali. Napapaligiran ito ng mga matataas din puno. Sariwa ang hangin dito at bukod sa ragasa ng tubig sa talon ay maririnig mo rin ang mga huni ng mga ibon. Sinimulang subarin ni Akwa ang kanyang kasuotan na nahahawig sa mga kasuotan ng mga intsik noong unang panahon. Kulay asul ito na nangingintab na mga dragon na desenyo. Bigla naman akong na curious sa nakaaang buhay ni Akwa, dahil sa kanyang kasoutan. Pag lusong ni Akwa sa tubig ay agad niyang sinugasan ang kanyang katawan, kasalukuyan siya nakasuot ngayon ng kulay puting pawang mahabang short na nag sisilbing panloob noon sa Tsina. "Hubarin mo na rin ang iyong kasuotan at hugasan mo ang iyong katawan," seryosong wika ni Akwa sa akin, ngunit hindi niya ako nilingon dahil abala siya sa pag huhugas ng kanyang katawan. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi. Hinubad ko ang aking kasuotan na uniporme ng paaralan at tinira lamang ang aking suot na boxer. Buti na lang talaga ay may mga binigay na mga panloob sa akin ang mga paaralan kaya naman nakakapag palit ako ng aking mga kasuotin dahil isa pa rin akog tao na bumabaho ang katawan. Sumuong na rin ako sa tubig ang sinimulang hugasan ang aking katawan. Hindi ko alam kung anong klaseng pag sasanay ang gagawin namin ni Akwa rito. Napalingon ako kay Akwa na nag sisimula ng mag lakad patungo sa malalim na bahagi ng talon, "Akwa," Tawag ko sa kanya ng makalubog siya sa malalim na bahagi. "Ano 'yun?" SAgot niya sa akin at saka nag simulang lumangoy. "Ngayon ko lang napansin ang iyong kasuotan," Panimula ko at saka sumunod sa kanyang patungong malalim na bahagi ng talon. "Napansin mo pala," Nag floating siya habang lumangoy. " Galing ako sa sinaunang tsina kaya naman ganyan ang aking kasuotan." Paliwanag niya sa akin. Sabi ko na nga ba. "Kung galing ka sa bansang Tsina bakit tayo nag kakaintindihan?" Tanong ko sa kanya. "Dahil tunay na mahiwaga ang mundong ito mahal na itinakda, sadya itong inilaan sa mga demonyo, anghel at multo, dahil sa hiwagang taglay nito ay nag kakaintindihan ang bawat nilalang," bigla namana akong nakaramdam ng pag kamangha. Ganun pala yun, dahil nga galing sa iba't- ibang bansa at lugar ay hindi makakapag - taka kung may mga multo na kakaiba ang kasuotan. Tumango-tango naman ko at saka nag simulang lumangoy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Akwa ang aking pag subok kaya naman mag papakasaya muna ako sa pag-langoy. Sayang lang ay hindi nakasama sila Roldan at JM dito dahil siguradong magugustuhan nila dito dahil bukod sa payapa ang kapaligiran ay masarap at maaliwalas sa pakiramdam ang tubig. Kung nandito lang sila Roldan at JM ay siguradong nag papaunahan na yun sa pag langoy dahil lagi silang ganun sa tuwing nag sswimming kami mapadagat man o swimming pool. Lagi naman silang tabla dahil pareho silang nasa swimming team mula elementary silang dalawa, hindi na ako nag tatakang makipag laban sa kanila dahil wala akong patama, marunong naman ako lumangoy pero hindi kasing galing nila, nag re-referee na lang ako dahil nakakapagod makipag kompetensya sa kanila. Hindi kasi bumayad na si Akwa na sumama ang kahit sino sa pag punta namin dito kaya naman kaming dalawa lang ang nandito. Ilang saglit lang ay naiispan kong sumusid sa ilalim para tingnan kung may mga isda dito, pag sisid ko ay hindi nga ako nag kamali dahil agad akong nakakita ng mga iba't-ibang isda sa ilalim ng tubig. Labis akong namangha dahil iba't-iba ang mga kulay at laki nila. Halos kamukha lang ng mga isda sa mundo namin ngunit kakaiba ang kulay nito ,tulad ng asul, pula , berde at iba, siguro halos ng lahat ng kulay ay meron ang mga kulay ng isda. Napaahon ako ng makita kong pumupunta si Akwa sa bahagi ng talon kung saan mismo bumabagsak ang tubig. Meron doon malalaing bato kung saan bumabagsak ang tubig. Pinapunta niya ako roon at pinaupo, sa umpisa ay labis nasaktan ang aking likod dahil sa lakas ng pg bagsak ng tubig ngunit hindi kalaunan ay bahagyang nasanay na ang aking likod. "Ipikit mo ang iyong mga mata, at iwaglit pansamantala ang lahat ng bagay na gumugulosayo, payapain mo ang iyong isipan," Mahinahon na wika ni Akwa sa akin, sinunod ko naman ang kanyang mga sinabi, ngunit labis akong nahihirapan dahil sa nararamdaman kong sakit sa pag hampas ng tubig sa may talon. "Huwag mong pansinin ang tubig na bumabasak sa iyo mahal na itinakda, sa halip ay isipin mong walang tubig na bumabagsak sa iyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD