Chapter 27

2012 Words
Ang Mga Pagdududa . . Christian's Point Of View "Matutong Mag Paubaya." Yan ang mga katagang patuloy na umiikot sa aking isipin at hindi ko alam kung pano ito mawawala dahil para na akong mababaliw. Paulit ulit- ulit ito na tila sirang plaka, at parang bawat segundo at dapat kong maalala ang mga katagang ito. Tiningnan ko ang aking mga kasama na abala rin sa pag hahanap ng kasagutan sa mga libro. May nahanap na kaya silang kasagutan? Tahimik langg sila at hindi umiimik. May kalayuan ang aking kinauupuan sa kanila dahil gusto ko mapag isa pansamantala. Muli ako nabalik sa pag babasa. Ilang minuto lang akong nakatitig sa libro ngunit hindi ko ito malipat- lipat dahil pakiramdam ko ngayon lang pumasok ang lahat sa akin. Mula sa pag punta ko dito, sa muling pag kikita namin ni Jehnny, pag-rereject niya sa pag-ibig ko, pag gamit ko sa kanya bilang espada, ang relasyon nila JM at Keina sa isa't-isa, ang pag punta namin kay Roldan pati na rin ang pag kakaroon ko ng kakaibang kapangyarihan. Ngayon lang pumasok sa isipan ko ang lahat at parang hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari dahil masyado itong mabilis, masyado hindi kapani-paniwala. Muli akong napatingin sa aking crest at naalala si Lolo. Totoo kaya siya? Totoo kaya ang lahat ng ito? Parang isang panaginip lang, isang napahabang panaginip. Kaylan kaya matatapos 'to? Hindi ko alam kung aware ba sila Papa, Mama at Lola na napunta ako dito sa mundong ito kasama ang mga kaibigan ko o alam nilang mapupunta ako dito at alam nilang dadanasin ko ito? Ito na ba yung sinasabi nilang sasagot sa mga katanungan ko? Pero bakit parang mas lalo pang dumami ang tanong ko? Mga tanong na hindi na matapos-tapos at hindi masagot-sagot. Isang simpleng tao lang naman ako, pero bakit ako, bakit ako yung nandito sa sitwasyon na 'to? Hindi ko nga alam kung ano ang tunay na nangyari kay Lolo at sa mundong ito dahil lahat ng yun ay pawang kwento lang sa akin ni Jehnny at Keina. Nahihirapan na akong paniwalaan dahil kung tutuusin hindi ko naman talaga sila lubusang kilala. Isang multo ang pakilala niya sa akon dati ngunit isa pala siya talagang anghel? Isang demonyong mabuti ang kalooban ngunit nagawang patayin ang sariling kasintahan? Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi ko alam kung sila ba talaga ang mga kaibigan ko. JM never show an interest on having a relationship to a girl tapos malalaman ko na lang na may s****l Relation sila ng isang babae na nito lang niya nakilala. Maybe Roldan is cold hearted sometimes but is that a posibilities na maging anak siya ng isang demonyo to make him a half demon? Para lang nagulo ang utak ko ng mapunta ako dito. Idadag mo pa ang pag papakita sa akon ni Lolo dahil sabi nila Jehnny ay nag laho na lang ito na parang bula noong napatay siya dito. Ang sabi pa nila sa akin ay limitado lang ang Mana na nagagamit nila simula ng masakop ni Taitus ang mundo nila. Ngunit bukod dun ay wala na akong nakikita na senyales ng pananakop nito sa mundo nila. May hindi ba sila sinasabi sa akin? At ito pa ang isang nag papagulo sa akin. Kung may kapangyarihan ako, bakit kaylangan pang pumasok ni Jehnny sa aking crest para lang magamit ko ang mga ito? Maliban sa Angel's wings dahil kaya ko itong gamitin kahit nasa labas ng crest si Jehnny. Muli kong sinuri ang hawak kong libro para tingnan kong masasagot nito ang tanong kong, sino ba talaga si Jehnny? Pero kahit anong buklat ko ay wala akong makuhang sagot. Napakamot na lang ako ng ulo at napapikit ng akin mga mata. Gulong-gulo ang isip ko ngayon dahil sa mga katanungan na umiikot sa aking isipan. Sa aking pag iisip ay meron na namang tanong ang pumasok sa aking isipan. Noong nasa mundo pa ako ng mga tao ay mga kaluluwang humihingi sa akin ng tulong, peroo hindi ko sila nagawang tanungin kung anong tulong ang hinihingi nila dahil kung hindi sila biglang nawawala ay nawawalan ako ng malay at biglang susulpot si Jehnny para paalisin sila. Bakit ngayon ko lang napag tanto ang lahat ng mga ito? Siguro dahil nabulag ako ng pag nanais kong mapag higante si Lolo sa kanyang pag kamatay kahit na hindi ko naman alam ang tunay na nangyari sa kanya. Marami akong gustong malaman pero parang iniiwasan ni Jehnny na matanong ko sa kanya ang lahat ng ito. Siguro ay talagang merong tinatago si Jehnny sa akin na ayaw kong malaman. Pero the more na itinatago niya sa akin ang lahat the more na gusto ko malaman ang mga yun. Gusto ko malaman ang mula sa Lolo ko hanggang sa ano ba talaga ang misyon ko sa mundo nilang ito. Dahil kung pag talo lang kay Taitus ang tungkulin ko dito ay hindi nag uubos ng oras si Jehnny sa mga ganitong bagay dahil dapat ay tinuturo niya sa akin ang dapat kong gawin sa Demon King, dahil nakalaban na niya ito noon, kasama si Lolo kung totoo ang kwentong yun.  Pakiramdam ko ay unti-unting nasisira ang tiwala ko sa bawat isa sa kanila dahil sa mga nangyayari. Parang may butas ang bawat kwento nila sa akin. Napadilat ako ng aking mga mata at napatingin sa dereksyon nila. Tahimik lang na nakamasid si Jehnny sa binabasa nila na tila nag babantay sa mga kilos nila. Nakalutang lang siya sa Ere at palipad-lipad lang habang nag mamasid sa kanila. Kung limitado lang ang Mana niya pano niya napapanatili ang pag lipad niya kung nagamit na namin ang lahat ng yun kani-kanila lang? Sabi niya ay matagal bago bumalik sa dati ang Mana niya pero bakit parang hindi ito totoo sa ginagawa niya. Ramdam ko pa din ang panghihina ko dahil sa pag gamit ng kapangyarihan ko, hindi ba dapat ganun din ang mangyayari kay Jehnny dahil nagamit ko rin ang buong Mana niya? Talaga bang nag sisinungaling siya sa akin? Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Kiena na Hindi lahat ng Demonyo ay Masama, Hindi rin lahat ng Anghel ay mabuti. Sa mga sinabi nila ay ayun lang yata ang gusto kong paniwala dahil ito lang ang nakikita kong totoo. Sino ka ba talaga Jehnny? Ang akala ko ay ikaw na ang sasagot sa lahat nfg katanungan ko pero hindi pala. Dahil nadagdagan pa lalo ang mga tanong ko tungkol sayo. Ang akala ko ikaw ang gabay ko para malaman ang lahat pero parang ikaw pa ang nag lalayo sa akin sa mga kasagutang kaylangan kong malaman. Gusto ko mag tanong sayo pero alam kong iiwasan mo lang ang lahat ng yun. Nag uumpisa na rin akong mag hinala sa sarili ko. Kung ordinaryong tao lang talaga ako bakit ako nandito? Bakit ako yun dumaranas ng ganito na kakaibang sitwasyon para sa akin? Para akong nasa isang anime na Fantasy ang Genre. Ako yung bida na nag simula sa pagiging mahinang tao tapos napunta sa kakaibang mundo para iligtas ito. Pero bago ko maligtas ang lahat ay kaylangan kong dumaan sa mga sang katutak na pag subok para lumakas at makita ang tunay kung kakayahan. Pag katapos ay kakalabanin ko ang isang masamang tao at papatayin ito para tanghaling bayanin. Pero ano pag katapos ng lahat ng parangalan na ibibigay nila sa akin ay hindi matatakpan ang katutuhanan na pumatay ako para lang nakapag ligtas. Lilipas ang ilang taon ay makakalimutan din ako dahil may panibago na namang bayani na eeksena para mag ligtas. Dadanasin niya rin ang dinanas ko, mag kakaroon ng kakaibang lakas, makikipag laban, papatay, paparangalan tapos makakalimutan din siya. Pag katapos ay mauulit ulit. Sabihin niyo nang advance ako mag isip pero ito yung katutuhanan sa lahat ng mga kasinungalingan sa mundo. Naaalala ka nila dahil kaylangan ka nila pero pag wala na silang kaylangan sayo ay makakalimutan ka na. Maaalala ka lang uli nila pag may kaylangan na uli sila sayo. Muli akong napabuntong hininga, sobrang lalim na ng iniisip ko. Ang hirap talagang mag tiwala sa panahon ngayon dahil maraming manloloko. Minsan akala natin sila ang biktima ayun pala sila ang nanbibiktima. Kaylangan ko munang mag tiis at mag obserba baka sakaling may makuha akong sagot sa pag mamasid sa mga kilos nilang lahat. Okay lang naman siguro na mag panggap ako sa harap nila dahil ganun din naman ang ginagawa nila sa harap ko. Isinara ko na ang librong hawak ko at tumungo sa kanila. Huminga ako ng malamin at umarte na parang normal lang sa akin ang lahat. "Lot nahanap mo na ba yung tungkol sa Crest mo?" Bungad na tanong sa akin ni Roldan ng makalapit ako sa kanila. Hawak niya ang isang pulang libro na tungkol sa mga pinanggalingan niyang lahi. Umiling ako at umupo sa upuan katapat ng kanya. "Wala, masyado." Simpleng sagot ko sa kanya. "Hindi ba sinabi kong pano mo makukuha ang iba pang bahagi ng Crest mo?" Napatingin naman ako kay Jehnny ng mabilis ito lumapit sa akin at mag tanong. "Ang sabi lang dito ay susubukin ang depende sa ibig-sabihin ng mga elemento sa Crest." Sagot ko sa kanya at pinakita ang pahinang nag sasabi nito. Sandali niya itong tiningnan at tila namutla siya ng may mabasa siya dito. "Ga-Ganun B-Ba?, "Nauutal nita wika habang nakatitig sa pahina ng librong hawak ko. "W-Wala ngang masyadong impormasyon ang sinasabi dito siguro nasa isang libro ito." Biglang naningkit ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Pano naman niya nalaman na may iba pang libro na tungkol sa Crest? "May ibang libro pa bukod dito sa hawak ko?" Tanong ko sa kanya. Gulat naman niya akong tiningnan at tila may nasabi siyang hindi dapat. "Hu-Huh!? I-Ibang l-libro? S-s-siguro, Hindi ko alam, anong malay ko diyan?" Pag dedepensa niya. Napag hahalataan na siya. Kita ko ang pag ikot ng kanyang mata at kung saan-saan ito tumitingin. Kita rin ang pamamawis niya ng malagkit. " Ikaw ang guardian ko, dapat alam mo yun." Malamig na sagot ko sa kanya. Nag bago naman ang ekspesyon nito at naging inis na ang makikita sa kanyang mga mata. "Ganun ba? Guardian mo lang, pero hindi ibig-sabihin nun ay dapat kong alamin ang lahat para sayo." Wika niya sa malamig na tuno. Palihim akong napangiti dahil ngayon ay nakikita ko na ang tunay na kulay niya. " Ano pang silbi mo sa akin kung ganun?" Sagot ko pabalik sa kanya. Lahat ng inis at galit ko ay tila nalabas ko sa katagang yun. Nakita ko muli ang pag. Babago ng kanyang ekspresyon. Hindi ko na ito mabasa dahil ngayon ko lang nakita itk sa kanya. Tumalikod ito sa aking at bumaba sa sahid. Nag simula itong maglakad palayo sa amin. "Pagod na akk gusto ko na mag pahinga nag sisimula ng maubos ang Mana ko," Wika nito habang mabagal na nag lalakad. " Kiana samahan mo ko sa magiging kwarto ko." Malamig na wika niya habang patuloy siyang naglalakad palayo. "Opo Ate Jehnny." Masayang tugon ni Kiana kay Jehnny at agad na sumunod ito palabas ng silid aklatan. 'Sinungaling!' Alam ko na, hindi ka nauubusan ng mana tulad ng sinasabi mo sa akin. Siguro pati ang lahat ng mga sinabi niya sa akin sa isa lang ding kasinungalingan. Hindi ako makapaniwala na minahal ko ang tulad niya, buti na lang ay nawala na ang pesting pag mamahal ko sa kanya. Sa simpleng salita ay nasabi ki ang mga hinanakit ko. Muli sa pag tapon noya sa pag ibig ko sa kanya hanggang sa pag sisinungaling niya sa akin. Lahat ng yun ay ibabalik ko sa kanya. Papatayin ko ang Demon king na Si Taitus tapos isusunod ko si Jehnny dahil pag katapis kung matalo si Taitus ay hindi ko na kakailanganin kaya naman ididispatsya ko na ng tuluyan. Maglalaho siya ng parang bula tulad ni Lolo at mag sasama sila tulad ng nais niya, kaya naman dapat lang siyang mag pasalamat sa akin dahil kaligayahan niya pa din ang iniisip ko sa huli kahit siya ay naging peke sa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD