Chapter 54

2037 Words
Sage and Freya . . Third Person's Point of View "Kahapon ay tatlo lang ang nakapasa, sa pag susulit, kaya naman silang tatlo lang ang nakakapag pamalas ng kanilang mga kapangyarihan," Matapang na wika ni Freya sa harap ng klase. Napayuko ang karamihan sa klase dahil sa kahihiyan. " At ang mga hindi nakapasa kahapon ay gagawin uli ang pag susulit ngayon." Kabilaang reklamo naman ang mga natanggap ni Freya mula sa kanyang mga estudyante. Muli namang hinagupit ni Freya ang kanyang latigo kaya naman muling tumahimik ang buong klase. "Kung may relakmo mo pwede na kayong umalis ngayon din!!" Pa sigaw na wika ni Freya. Muli namang nag siyukuan ang mga estudyante. Determenado silang maging isang Guardian kaya naman kahit hirao na sila ay wala silang balak umalis. Napairap na laman si Freya dahil sadyang matitigas ang mga ito at walang gustong sumuko. Agad naman ng sinimulan ni Freya ang kanyang klase sa pag papakita kung paano gumawa ng isang simpleng atake, tulad ng isang bola ng apoy. "Magaling Cess nakuha mo agad ang tinuro ko yan ang inaasahan ko sa aking personal na estudyante," Puri ni Freya sa kanyang mag iisang personal na estudyante. " Ikaw naman Dale ang sumubok , subukan mo naman upulahin ang ginawang apoy ni Cess gamit ang iyong tubig." Tumango naman si Dale at saka tumungo sa unahan ng kanysng target. Huminga siya ng malalim at sinimulang ipunin ang kanyang Mana sa kanyang kamay upang mag labas ito ng bolang tubig. Noong una ay hindi makontrol ni Dale ang kanyang nagawang bola ngunit hindi nag laom ay nagawa niya rin ito ng tama. Nag tamo naman si Dale ng palakpakan mula sa kanyang mga kaklase. Yumuko ito sa harapan bilang pasasalamat at muli bumalik sa kanyang kinauupuan. " Magaling Dale, Ngayon ikaw naman Christian," Ngumiti naman si Sage bago tumayo sa harapan. " Nakikita mo yung bato na yum?" Tanong ni Freya sabay turo ng malaking bato sa hindi kalatuyaan. " Gusto kong subukan mong patamaan ang batong yun, ngunit alam ko namang hindi mo pa kontrol ang iyong kapangyarihan---" Bigla namang naputol ang pag sasalita ni Freya ng bigla na lang sumabog sa malaking bato at napulbos ito sa isang iglap. Ang lahat ay hindi makapaniwala sa nangyari dahil mabilis lang ito. Napatingin si Freya Kay Sage ng may halong gulat. Napangiti lang si Sage habang pinag mamasdana ang napulbos niyang bato. ' Hindi pa rin ako kumukupas.' " Pano mo nagawa--- " Bago pa mulimg ituloy ni Freya ang kanyang pag sasalita ay tumikhim ito upang bumalik ang lahat sa pag kakagulat nila. " Magaling Christian, tulad sa inaasahan sa isang estudyante ni Ace."  Puri ni Freya kay Sage. Pumalakpak ang buong klase para sa kanya. Nag katinginan naman sila ni Freya. Ngumiti naman si Sage kay Freya at kinindatan niya ito sabay wikang: "Kita tayo sa opisina mo." WIka ni SAge sabay ngiti ng nakakaloko. Napanganga na lang si Freya dahil sa inasal nito. Bumalik na si Sage sa kanyang kinauupuan kanina niya kanina. "Galing nun Christ!" Bulalas ni DAle ng Makabalik na si Sage sa pwesto niya. Napatalon si Dale sa tuwa habang pinapalakpak ang kanyang mga kaamay. "Pano mo nagawa yun?" Manghang tanong ni Cess sa kanya. Napangiti naman si Sage dahil sa mga papuring natatanggap niya galing sa mga kaklase ni Christian. " Natural na talento." Kaswal na tugon ni Sage. 'Sobrang sarap talaga sa pakiramdam ang napupuri.' Habang naririnig niya ang bulungon ng buong klase ay lalong lumalaki ang ngiti ni Sage. Ngunit nawala rin ito ng maalala niya na hindi pa rin sapat ang kapangyarihan ni Christian para matalo si Taitus. Napabuntong hininga na lang si Sage, naisin man niyang mapabilis ang pag lakas ni Christian ay hindi niya ito magagawa dahil kahit magawa pang kumpletuhin ni Christian ang mga hiyas ng crest ay hindi pa rin ito sapat kung wala ang kalahati sa lakas niya. Naging malalim ang pag iisip ni Sage kaya hindi na niya namalayan na naka titig na pala siya kay Freya habang ito ay nag sasalita. Napatigil si Freya sa kanyang pag sasalita dahil napansin niya ang pag titig ni Sage sa kanya. "Christian Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Puna ni Freya sa kanya. Walng emosyon lang siya tiningnan ni Sage. "Wag mo kong pansinin ituloy mo lang ang pag sasalita mo." Tugon nito sa kanya. Naningkit na lang ng kanyang mga mata si Freya dahil napansin niya na malalim ang iniisip nito. Nag patuloy na lang sa pag papaliwanag si Freya habang pasimpleng nililingon si Sage sa pag kataon ni Christian. 'Ano kaya ang iniisip niya?' " Ngayon, tumakbo uli kayo ng 100 daang ikot sa buong field!" Sigaw ni Freya sabay hagupit ng kanyang latigo. Nagulat naman ang buong klase kaya naman agad silang nag madaling tumakbo. Ngunit hindi naman natinag si Sage. Napatingin siya sa kanyang mga kasama ng makita niya itong tumatakbo palayo sa kanya. Napalingon sita kay Freya at tinaas siya nito ng kilay, muling siyang lumingon sa mga kasama niya at nag simula na ring tumakbo. Habang tumatakbo ay pinipilit alalahanin ni Sage ang mga nangyari sa kanya bago siya magising sa pag katao ni Christian. Hindi niya matandaan kung saan niya muling makikita ang nawawala niyang bahagi, ang tangi niya lang naaalala ay ang pakikipag laban nila ni Sebastian kay Taitus noong kabataan pa nito, hindi na niya naaalala ang pag babalik ni Sebastian sa mundo ng paraiso dahil muli na siyang natutulog sa mga panahon na yun. Sa sobrang okyopado ang kanyang utak dahil sa pag iisip ay hindi na niya namamalayan na isa-isa ng bumabagsak ang mga nasa unahan niya na tumatakbo. Nag taka na lang siya na may nalalagpasan siyang halos maubusan na ng hininga. Hinabol niya ng tingin ang mga kasama niya bumabagsak sa kanyang unahan. Napakurap na lang siya at tinanaw ng tingin si Freya na hindi pa kalayuan sa kanya. Napailing na lang siya at napangiti. 'Hindi pa rin siya nag babago.' Pinag patuloy na lang niya ang kanyang pag takbo at saka humabol sa mga nasa unahan niya. Gulat na nilingon siya ng mga nalagpasan niya na mga tao dahil sobra silang nabigla dahil para itong hindi napapagod. Napangiti na lang si Sage at mabilis na na tumakbo paikot- ikot sa buong field. Lahat ay nabigla dahil kahit nakakailang ikot na ito sa field ay hindi pa ito napapagod. Pag katapos ng ilan pang ikot ay lahat ng mga estudyante ni Freya ay bumagsak na sa lupa. Halos lahat sa kanila ay hindi na makahinga dahil sa pagod. Tanging si Sage na lang ang tumatakbo sa buong field. Lahat ay nakatingin sa kanya habang siya mabilis tumatakbo sa field. Habang nag papahinga sila ay manghang-mangha sila sa pag takbo ni Christian lingid lang sa kaalaman nila na hindi ito ang tunay na si Christian. Ilang saglit lang ay natapos na ni Sage ang isang daang ikot sa pag takbo ngunit hindi pa ito napagod. Kahit pagod ay nagawa pang pumalakpak ng ilan sa mga kaklase niya. Mayabang na lang na ngumiti si Sage sa harap ng klase at yumuko pa ito na tila isang artista na kakatapos lang sa kanya pag tatanghal. Ang akala ni Sage ay buong klase ay natutuwa na sa kanyan nakuha noya ang atensyon ng mga ito ngunit may ibang nakuha nga ang atensyon nila ngunit hindi naman sila natutuwa dahil sentro ngayon ng atensyon siya. Isang grupo ng lalaki ang sa kanya ay nakatingin sa hindi kalayuan, isa sila sa mga maiituring na malakas sa buong klase ngunit simula ng dumating ang binata ay natuon sa kanya ang lahat ng atensyong dapat ay nasa kanila. Hindi lahat ng magiging isang anghel ay mabuti dahil sa gitna ng pag sasala sa kanila ay sinusubok din ang nilalaman ng kanila puso. . Pag katapos ng klase ay agad na tumungo sila Sage at Freya sa opisina ni Freya upang makapag usap sila ng nasinsinan. Pag dating sa opisina ay agad na yumakap si Freya kay Sage at nag simulang umiyak. Napangiti na lang si Sage at saka yumakap na lang ito pabalik sa kanya. Napapikit na lang si Sage habang hinihimas ang pulang buhok ni Freya. "Ang akala ko hindi na tayo mag kikita pa muli." Hagulgol ni Freya habang pilit na pinapahid ang luha sa uniporme ni Sage. "Ayun din ang akala ko, Mahal ko." Tugon ni Sage. Lalo pang hinigpitan ni Freya ang pag kakayakap niya kay Sage habang patuloy sa kanyang pag iyak. Niyakap na lamang pabalik ni Sage si Freya at hinayaan itong umiyak. Naging mag kasintahan silang dalawa ng makita ni Freya ang tunay na anyo ni Sage. Tanging ang mga guardian lang ang nakakakita ng tunay na anyo ni Sage, dahil sa oras na makita mo ang tunay na anyo niya at hindi ka isang guardian ay siguradong hindi ka karapat-dapat sa itaas. Ang tunay na katauhan ni Sage, ay siyang tinatawag na Fallen angel. Isa siya sa mga anghel na nag tangkang maging isang mas makapangyarihan sa kataas-taasan. Isa rin siya sa nag hangad na maging isang taga likha ngunit nabigo siya at napatapon sa Fallen country kung saan nag titipon-tipon ang mga tulad niyang nabigo. Ngunit binigyan siya ng isang pag kakataon upang maging isang anghel muli, binigyan siya ng isang misyon na siya lang mismo ang makakagawa. " Matagal din tayong hindi nag kita," Wika ni Freya ng sandali siyang kumalma mula sa kanyang pag iyak. " Nangulila ako sayo ng sobrang tagal, pakiusap wag mo na akong iiwan pa muli." Muling nag umpisang umiyak si Freya at lalo pang hinigpitan ang kanyang pag kakayakap sa kanyang kasintahan. Napabuntong hininga si Sage at humiwalay sa pag kakayap kay Freya. Bahagya itong ngumiti at pinunasan ang luha ng kanyang sinisinta. "Alam mong imposible ang iyong nais mahal ko," Bahagyang napapikit si Freya at saka pinunahan ang kanyang sariling luha. "A-alam ko, pero sana mag karoon tayo ng pag kakataon na mag kasama ng matagal." Humihikbing wika ni Freya habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Sana nga mahal ko, sana nga." Muling hinila ni Sage ang kanyang sinta upang yakapin ito ng mahigpit. Sagya ngang malupit ang kanilang tadhana dahil nakaramdam sila ng pag -ibig na imposibleng mabigyan ng pagkakataon. Lubos na nabalot ng kalungkutan ang puso ni Sage dahil sa kanilang sitwasyon. Hindi niya ring magawang wikain sa kasintahan ang kondisyon sa oras na makarating na si Freya sa itaas. Upang maalis ang mga damdamin na naramramdman ng isang multo noong nasa mundo pa ito ng mga tao at sa mundo ng paraiso ay aalisin ang ala-ala nito sa dalawang mundo na kanyang nakilala upang mabuhay ito ng mapayapa sa itaas na walang ibang inaalala kundi ang kanyang tungkulin sa lupain ng may likha. " Sa oras na nakarating ako sa langit agad akong haharap sa may likha upang humiling na muli tayo buhayin bilang tao upang mag karoon tayo ng pag kakataon makapag mahalan." Buong pusong wika ni Freya habang mayakap na nakayakap sa kanyang sinisinta. Lalong nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Sage ng marinig ito, mag kahalong saya at lungkot ang kanyang naramdaman, masaya dahil sang-ayon siya sa gusro ng kanyang mahal ngunit malungkot naman sita dahil maaaring hindi na ito muli pang maalala ni Freya sa oras na nakaakyat na ito sa lupain ng may likha. " Salamat Freya, pero gusto na huwag kang mangako sa akin ng ganun bagay." Bigla na lang napahiwalay sa pag kakayap si Freya kay Sage dahil sa winika nito. "Ano namang ibig mong sabihin dun huh!?" Inis na wika nito kay Sage , tinulak niya ng bahagya si Sage dahil sa init. " Sa tingin mo ba ay hindi ako marunong tumupad ng pangako ?" Bulyaw nito sa kanya. Ngumiti lang ng makahulugan si Sage sa kasintahan, tiningnan lang siya nito ng masaya at tumalikod dito. Muling nabura ang ngiti sa kanyang mga labi ng muli niya maalala ang kanilang mapait na sitwasyon. 'Kung mabibigyan man tayo ng pag kakataon mahal ko ay hindi ko ito sasayangin.' Napabuntong hininga ng malalim si Sage at muling niyakap mula sa likuran ang kanyang kasintahan. Pinatong niya ang kanyang baba at bumulong sa tenga nito. " Wag mo lang kakalimutan na mahal kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD