Chapter 53

2048 Words
Ang Unggoy na si Sage . . Third Person's Point of View "May magagawa ba tayo para mapunan yun?" Muling tumigil sa pag higop si Sage ng kanyang tsaa at nilingon si Ace. "Ang magagawa lang natin ay ang mapalakas si Christian at makompleto  ang mga hiya ng pentagram crest," Seryosong wika ni Sage. "Pero para magawa yun ay kaylangan makumbinsi si Jehnny na alisin ang mga itim na hiyas at muli siya makipag tulungan uli sa atin." Sandaling napatigil si Ace dahil hindi niya alam kung kaya nilang makombinsi si Jehnny dahil parang nag iba ang ugali nito. Dati ay isa itong mapagmahal na multo. Noong kasama pa nila ito ay siya ang nag hahanda. Ng mga pagkain nila, sobrang maasikaso ito ngunit nag bago ang lahat ng yun ng mawala si Sebastian ang Lolo ni Christian na nanging itinakda rin noon bago pa si Christian. Naging malamig ang pakikitungo nito sa iba pang mga Guardians. Lalo pang nag bago ito ng ipinanganak ang susunod na itinikda at kadugo ito ni Sebastian. Agad siyang nag presenta na siya ang aalalay dito mula pag kabata nito hanggang sa itinakdang oras. Nagawa naman niya ang kanyang misyon hanggang makarating dito si Christian ngunit niligaw naman niya ito ng landas. "Nararamdaman ko na ang presensya ni Jehnny na nag hahanda na ito sa pag punta rito." Muling wika ni Sage habang humihigop ng tsaa. Hindi naman na nabigla si Ace dahil inaasahan na niya ito. "Sage.." Muli namang napatigil si Sage sa pag higop ng tsaa at nilingon si Ace. "Bakit?" Malaimig na wika nito. "Bigyan mo ko ng pabor," Seryosong wika ni Ace sa kanya. "Ikaw muna ang komuntrol sa katawan ni Christian habang hindi pa siya handa." Muli namang napahigop ng tsaa si Sage habang nililingon si Ace. "Pano naman yung babaeng kasama niya sa kwarto? Sigurado akong nakaramdam na siya na hindi ako si Christian."  Napalingon sa kanya si Ace. "Ikaw na bahala sa kanya." Napangiti naman ng nakakaloko si Sage dahil sa winika ni Ace. Sa totoo lang ay wala na siya pakialam kung ano man ang gawin ni  Sage kay Dale dahil ang inaalala niya lang ngayon ay si Christian nakasalukuyang natutulog ka kanyang pag katao. Si Sage ang katauhan ng itinakda na nag dadala ng matinding kapangyarihan. Siya ang katauhan ng Pentagram Crest na natutulog sa loob ng katawan ng itinakdan. Sa oras na makompleto ng itinankda ang mga hiyas ng crest ay maaari na siyang gumising ay handa na siyang ibigay ang kanyang kapangyarihan sa itinikda. "Sige tutuloy na ako may gagawin pa ako bago mag simula ang klase namin." Wika si Sage sabay tayo sa kanyang upuan. Tumango lang si Ace bilang tigo at hinayaan ng umalis si Sage. Tumungo si Sage pabalik ng kwarto ni Christian at agad na binuksan ang refrigerator. 'Bakit kasi hindi ako kumain kanina?' Napailing na lang si Sage dahil sa kanya katangahang nagawa. Ayaw niya kasi mahalata siya ng kasama ni Christian sa kwarto kaya naman iniiwasan niya ito. Hindi pwedeng malaman nito na may ikalawang katauhan sa katawan ni Christian dahil mag sasanhi ito ng kaguluhan. Bakit nga ba hindi pwede ng ibang estudyante ang presensya ng itibakda sa paaralan? Ang dahilan nito ay nangyari noong dumating ang ikat-limang itinakda na nag ngangalang Taitus. Nang matanggap nito ng kapangyarihan ng Pentagram Crest ay tumanggi ito na bumalik na sa kanyang mundo sa halip ay ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa pag mamalupit ng mga nilalang sa mundo ng Paraiso at ang mas naapektuhan dito ay ang mga multong dapat ay aayak na sa langit. Marami ang mga tumakas na mga multo at nag balik sa mundo ng mga tao karamihan ay naligaw na at hindi na nakabalik pa sa Paraiso. Lalong naging makapangyarihan ang dating itinakda ay nagawa niyang maging isang immortal, halos buo mundo ng paraiso ay napasailim sa kanyang mga kamay. Nabulag ito sa kanyang matinding kapangyarihan na kanyang natanggap kaya nakalimutan na niya ang kanyang dating sarili. Ilang taon ding napasailalim sa kanyang mga kamay ang buong mundo. Hanggang sa makarating ang panibagong itinakda. Dahil nag umpisa sa wala ang baging itinakda ay nahirapan itong talunin si Taitus ngunit hindi rin nag laon ay natalo na niya ito at nagawang ikulong at nagawang patulugin pang samantala dahil ito lang ang kanyang magagawa. "Bakit wala man lang karne dito?" Inis na wika ni Sage ng wala siyang makitang karne. "Dahil linggo ng pag aayuno ngayon," Napatigil si Sage sa pag tingin ng pagkain ng may tinig ng isang babae ang biglang nag salita. Napayos siya ng tayo at dahan-dahang nilingon amg dalaga. Sinubuka niyang kumilos ng normal upang hindi mag duda ang dalaga ngunit tila kinikilatis siya nito. "Ganun ba kaya pala," Simpleng wika nito at muling humarap sa refrigerator at kumuha ng isang mansanas. "Parang may iba sa iyo ngayon Christ?" Tanong ng dalaga. Tulad nga ng kanyang inaakala ay may pag dududa na ito sa kanya. Bahagya namang napataas ang kilay ni Sage dahil sa sinabi ni Dale. Muli niya itong hinarap at saka kumagat sa mansanas. "Ganun?" Tugon ni Sage sabay kagat muli sa mansanas. "Guni-guni mo lang yun." Wika pa niya at saka tumalikod sa dalaga para kumuha pa ng iba pang prutas upang gawing laman tiyan. "Hindi, para talagang may kakaiba sa iyo." Nag lakad papuntang salas si Sage upang umupo at nilagay sa kalong ang mga dalang prutas. "Ganun?" Muling lang niyang tugon sa dalaga. Tiningnan ni Dale mula ulo hanggang paa ang binata. Nilagy niya ang kanyang kamay sa ibaba ng kanyang baba at nag isip. Pinag mamasdan lang siya si Sage habang ngumunguya ng pagkain. 'Gusto ko sana ng karne , hindi kasi ako mabubusog sa ganito lang' "Ah tama!" Bulalas ni Dale sabay hapas ng kanyang kamao sa kabilang kamay. " Yung mga usok na lumalabas na nag mumula sayo." Wika ni Dale sabay tingin sa binata. 'Akala ko pa naman ay mahahalata na ako.' "Ganun?" Muling tugon ni Sage at saka kumagat naman ng saging. 'Bakit kasi ang hina-hina ng katawan ng batang ito? Hindi yata siya kumakain ng maraming karne.' " Bakit may malamig na usok na lumalabas sa katawan mo?" Nag tatakang tanong ni Dale at saka tumungo sa unahan ni Sage. Sandali naman napatingin si Sage at muling kumagat ng saging. "Ah ito ba?" Wika ni Sage sabay turo ng usok na lumalabas sa kanyang katawan. "Espesyal na kapangyarihan ko yan, dahil mainit ngayon nag lalabas ako ng malamig na hangin para hindi ako mainitan." Pag papalusot niya ,sadya talagang matalino itong si Sage dahil nalusutan niya ang sitwasyon. Tumango-tango naman ang dalaga bilang tugon. Napangiti naman si Sage dahil mukhang napaniwala niya ang dalaga sa kanyang mga sinabi. "Itigil mo na yang kakain mo ng saging nag mumukha ka ng unggoy, may sopas pa roon sa may kaldero ayun ang kainin mo, makakatulong yun para mamaya sa klase ni Lady Freya." Napatingin naman si Sage sa kanyang kinakain. 'Masama na bang kumain ng saging?' Napalingon naman si Sage sa dalaga ngunit bigla itong nawala sa kanyang paningin, naisip na lang niya na pumasok na ito. "Teka Bastos na bata yun ah! Mukha ban talaga akong unggoy!?" Bulyaw si Sage sa loob ng kwarto, wala namang nakakarining sa kanya kaya naman kahit mag maktol pa siya at wala itong magagawa. " Iba na talaga ang mga kabaataan ngayon." Napailing na lamang si Sage at hinanap ang kalderong sinasabi ni Dale. Pag ka bukas niya ito ay agad na bumungad sa kanya ang halimuyak ng nilitong sopas ni Dale. Agad naman siyang natakam kaya naman agad niyang kinumpas ang kanyang kamay upang kusang lumapit sa kanya ang mangkok at ang kutsarang gagamitin niya sa kanyang pagkain. Agad niya sinimulan ang pagkain sa sopas. Halos maubos na niya ang buong isang malaking mangkok ng maalala niya ang winika ni Dale, binanggit nito ang pangalan ni Freya. Muli naman siyang napangiti dahil mukhang maaliw na naman siya sa kanyang muling pag kagising. Agad niyng tinapos ang kanyang pagkain at agad na nag handa upang pumunta sa klase. "Hindi na rin masama ang ika-sampung itinakda, kahit papano ay meron siya ng kalahati ng kakayanan ng kanyang lolo." Wika ni Sage habang nag lalakad siya palabas ng gusali ng panuluyan. Para kay Sage ay si Sebastian na ang pinaka malakas na itinakda, mas malakas ito sa mga nauna sa kanya kaya naman nang lubosb siyang hihinayang sa kinahantungan nito. Pag karating ni Sage sa klase ay agad niyang nakita si Freya at tulad sa kanya inasahan ay ubod pa rin ito ng lupit ngunit ito ang nag papalitaw ng kanyang kagandahan. Ayaw niya na muna na malaman nito ang pag kagising niya kaya naman hahayaan niya na ito na mismo ang nakahalata sa kanya. Sandali siyang inunat ang kanyang katawan, na katawan talaga ni Christian. Kaylangan niya lang itigil ang pag lalabas ng malamig na hangin upang hindi agad siyang mahalata ni Freya. Huminga siya ng malalim at unti-unting nawala ang usok na lumalabas sa kanya. " Sa wakas ay kompleto na rin kayo sa wakas." Wika ni Freya at saka muling hinagupit ang kanyang latigo. Agad naman nag si ayusan ang kanyang mga estudyante sa pag kakatayo. Pasekretongn ngumiti si Sage dahil dito. Ngayong araw ay unang klase nila Si Freya ang Guardian of Fire, na kilala sa pagiging malupit na guro. Mahusay din itong mag balak kayo at gumawa ng mga ilusyon kaya naman naiituring siya sa pangalawa sa pinakamalakas n Guardian kasunod ni Ace. "Kahapon ay tatlo lang ang nakapasa, sa pag susulit, kaya naman silang tatlo lang ang nakakapag pamalas ng kanilang mga kapangyarihan," Matapang na wika ni Freya sa harap ng klase. Napayuko ang karamihan sa klase dahil sa kahihiyan. " At ang mga hindi nakapasa kahapon ay gagawin uli ang pag susulit ngayon." Kabilaang reklamo naman ang mga natanggap ni Freya mula sa kanyang mga estudyante. Muli namang hinagupit ni Freya ang kanyang latigo kaya naman muling tumahimik ang buong klase. "Kung may relakmo mo pwede na kayong umalis ngayon din!!" Pa sigaw na wika ni Freya. Muli namang nag siyukuan ang mga estudyante. Determenado silang maging isang Guardian kaya naman kahit hirao na sila ay wala silang balak umalis. Napairap na laman si Freya dahil sadyang matitigas ang mga ito at walang gustong sumuko. Agad naman ng sinimulan ni Freya ang kanyang klase sa pag papakita kung paano gumawa ng isang simpleng atake, tulad ng isang bola ng apoy. "Magaling Cess nakuha mo agad ang tinuro ko yan ang inaasahan ko sa aking personal na estudyante," Puri ni Freya sa kanyang mag iisang personal na estudyante. " Ikaw naman Dale ang sumubok , subukan mo naman upulahin ang ginawang apoy ni Cess gamit ang iyong tubig." Tumango naman si Dale at saka tumungo sa unahan ng kanysng target. Huminga siya ng malalim at sinimulang ipunin ang kanyang Mana sa kanyang kamay upang mag labas ito ng bolang tubig. Noong una ay hindi makontrol ni Dale ang kanyang nagawang bola ngunit hindi nag laom ay nagawa niya rin ito ng tama. Nag tamo naman si Dale ng palakpakan mula sa kanyang mga kaklase. Yumuko ito sa harapan bilang pasasalamat at muli bumalik sa kanyang kinauupuan. " Magaling Dale, Ngayon ikaw naman Christian," Ngumiti naman si Sage bago tumayo sa harapan. " Nakikita mo yung bato na yum?" Tanong ni Freya sabay turo ng malaking bato sa hindi kalatuyaan. " Gusto kong subukan mong patamaan ang batong yun, ngunit alam ko namang hindi mo pa kontrol ang iyong kapangyarihan---" Bigla namang naputol ang pag sasalita ni Freya ng bigla na lang sumabog sa malaking bato at napulbos ito sa isang iglap. Ang lahat ay hindi makapaniwala sa nangyari dahil mabilis lang ito. Napatingin si Freya Kay Sage ng may halong gulat. Napangiti lang si Sage habang pinag mamasdana ang napulbos niyang bato. ' Hindi pa rin ako kumukupas.' " Pano mo nagawa--- " Bago pa mulimg ituloy ni Freya ang kanyang pag sasalita ay tumikhim ito upang bumalik ang lahat sa pag kakagulat nila. " Magaling Christian, tulad sa inaasahan sa isang estudyante ni Ace." Puri ni Freya kay Sage. Pumalakpak ang buong klase para sa kanya. Nag katinginan naman sila ni Freya. Ngumiti naman si Sage kay Freya at kinindatan niya ito sabay wikang: "Kita tayo sa opisina mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD