ISABELLA “Anong problema? Kanina ka pa walang imik diyan. Malungkot ka ba kasi umalis na kagaad sila Charry?” seryosong tanong ko sa kanya. Kanina ko pa kasi napapansin na ako lang ang ma-ingay sa aming dalawa at pana’y lamang ang tango niya kapag may sinasabi ako. Nandito kami sa malaking bangka para umikot sa malalapit na isla. Hindi sumama sila mama at papa dahil kakagising lang ng mga ito. Humarap siya sa akin at dinala niya ang lumilipad kong buhok sa gilid ng aking mukha. “I want you to promise me, Isabella. Kahit anong mangyari. Hindi ka bibitaw. Hindi moa ko iiwan. Dahil gagawin ko ang lahat to fight for you.” seryosong sabi niya sa akin. “E-Esrael…bakit mo sinasabi yan? May nangyari ba?” nag-alalang tanong ko sa kanya. “Basta ipangako mo…that your love for me will be grea