ISABELLA Naging abala ako sa paghahanda sa debut ko. Ayoko man ng magarbong party ayaw naman pumayag ni mama at papa. Nag-iisang anak daw nila akong babae kaya dapat lang daw na maging memorable yung araw na yun para sa akin. Kaya nag-hired pa sila ng organizer para mas mapadali at mapaganda ang event. Hinayaan ko na lang si mama na magdesisyon dahil masaya siyang gawin yun. Siguro kung nabubuhay man si Dreya. Mas magiging maligaya silang i-celebrate ang araw na yun. Habang abala ako sa magaganap na debut ay abala din si Esrael sa pangangampanya. Narinig kong usapan nila kaninang umaga na mas marami daw ang nagpakita ng supporta sa kaniya nang sabihin nitong tatakbo siya dahil supportado daw kasi ng partido ang pagtakbo niya. Tahimik lang ako sa pakikinig dahil wala naman akong idea s