ISABELLA Pass nine na nang makauwi kami ni Esrael. Wala na rin ang mga bisita at tahimik na sa buong bahay. Akala ko ay mga tulog na sila ngunit nadatnan namin silang nakaupo sa sala. “Saan kayo nangaling? Kanina pa namin kayo tinatagawan sa mga phone niyo.” tanong ni mama habang si papa naman ay naghihintay na sumagot kami. Sinilip ko ang phone ko at patay na ito. “Mama, sorry po na-lowbat ako. Nagpasundo lang po ako kay kuya.” Sagot ko sa kanya. Tunay naman na nalowbat ako kaya siguro hindi ko na-receive ang tawag niya kanina. “Sorry mommy, I turn off my phone.” Sagot naman ni Esrael sa tabi ko. “Buti na lang tumawag ako kay Kikay. Sabi niya kaalis niyo lang dawn ang tanungin ko kung anong oras kayo umalis dahil hindi pa kayo dumadating.” Nakahinga ako nang maluwag dahil pina