Kabanata 6

1578 Words
“Kain ka pa,”aniya sa anak habang sinusubuan ng tinapay. Mabuti na lang at sakto para sa paupahang bahay ang bitbit niyang pera. “Kapatid mo?”aning babae na may bitbit na eco bag. Mukhang naghihintay ng masasakyan. Umiling siya sa babae. Mga bandang alas 10 na sila nakarating sa syudad. Kaya ngayo'y pinapa-snack niya na muna ang bata. “Anak ko po.” Medyo nagulat pa ang babae sa sinabi niya. “Akala ko kapatid mo. Mukhang ang bata mo pa para magkaanak.” Ngumiti siya. “23 na po ako.” Tumango-tango ang babae. Pinahid niya gamit ng panyo ang bibig ng anak. Napangiti siya nang mapansin na naaaliw ang anak niya sa panonood sa mga sasakyang dumadaan. “Itong address na ito ang ibigay mo sa taxi. Mag-taxi kayo, ha. Kahit mahal pa iyan ang importante ay matunton niyo agad ang location ng agency at makahanap agad ng mauupahang bahay,”ani Angie sa kaniya. May binigay itong papel. Kahapon ay nakipagkita agad siya kay Angie. Sabi ni Angie ay may kaibigan din itong nagkapagtrabaho sa hotel sa syudad. Doon daw siya mag-apply kapag nakaluwas na sila sa syudad. “Sigurado ka na ba talaga, Salome? Baka nagkamali ka lang. Hindi naman siguro kayo ipapahamak ng kapatid mo. Kapatid mo 'yon, e.” Umiling siya. “Nagbago na siya ngayon, Angie. Alam kong gagawin niya ang lahat para lang sa pera.” Napabuntong hininga na lang ang kaibigan niya. Bumalik din ulit ang kaibigan niya sa kabilang baryo matapos siyang madalaw kahapon. Tumingin siya sa papel na hawak. Mag-a-apply siyang labandera sa hotel. May sariling laundry house ang malaking hotel. At pwede raw ang bata doon. Hindi naman kasi pwedeng iwan niya ang bata. Wala rin siyang mapag-iiwanan sa anak niya. Nagpapasalamat siya na tumatanggap ang hotel ng empleyadong hindi nakapagtapos ng pag-aaral katulad niya. “Ito po ang address, Kuya.” Binigay niya ang papel nang makasakay na sila ng taxi. Ibinaba sila sa maliit na gusali na may dalawang palapag. Naabutan niya pang may mga nakapila sa labas. Sakto at sabado. Baka ngayon ang pasahan ng papel para sa mga mag-a-apply. Kagabi pa siya nakahanda at nakagawa na ng resume at naka-ready na rin ang ibang papel para maka-apply. Kinalabit siya ng anak niya. Saka niya lang naalalang wala pa silang kain ng anak niya. At maghahanap na rin sila ng mauupuhan ngayon. “Nagugutom ka na ba?”paniniguro niya. Baka kasi pwede pa silang magpasa muna sa office ngayon para mamaya ay babalikan na lang nila. Natatakot din siyang baka di na siya makahabol at wala nang bakante. Tumango ang anak niya. Nakagat niya ang labi. Hindi niya naman kayang makitang nagtitiis ang anak sa gutom. Kaya wala talaga silang choice ngayon. “Tara?” Inalalayan niya ang anak habang bitbit sa kabilang kamay ang bagahe. May mga signage siyang nakita na may nakalagay na room for rent. Kaya lang medyo mahal ang iilan kaya naghanap pa sila ng ibang paupahan na kaya sa budget niya. Kalaunan napagod din sila kaya tumigil muna sa tindahan. Nakakain na ang anak niya kanina pero nauuhaw na ito ngayon. Tubig ang sa kaniya na tigpipiso habang juice ang sa anak niya. “Malboro!”ani matandang lalaki na lumapit sa tindahan. Magsisindi na dapat ang matanda nang mapansin si Salome. Namilog ang mata ng matanda nang mapagmasdan si Salome. “Teka, bakit parang pamilyar ka?” Nagtataka si Salome na napatingin sa lalaki. Nagulat si Salome nang mamukhaan ang matandang lalaki. “Ineng?” “T-Tatay?” Ito ang matandang tumulong sa kaniya noong hinoldap siya dati. Iyong matandang lalaking naghatid pa sa kaniya sa terminal ng bus. “Ikaw nga!” Tuwang-tuwa pa ang matanda nang makumpirma na siya nga iyon. Napalunok siya nang mapansing nakatitig ang matanda sa batang nakahawak sa manggas ng damit niya. “Kapatid mo?”anito. “A-Anak ko po.” Tumango-tango ang matanda na may pagkunot sa noo. Halatang nagtataka habang nakatingin sa bata. Nang-usisa ito. Nalaman ng lalaki na naghahanap sila ng paupahan at naghahanap na rin ng trabaho. “Trabaho? Naku, sakto!” pumitik sa ere ang matandang lalaki na si Tatay Delfin. “Walang kasama si Evangeline.” Ang tinutukoy ni Tatay Delfin ay ang anak nito. “Room girl iyon sa hotel. Naghahanap ng pwede niyang back-up-an para makapasok sa trabaho. Kailangan na kailangan ang trabahante. Ang laki-laki ba naman kasi ng hotel na pinagtatrabahuan niya.” Ayaw niya sanang sumama kay Tatay Delfin. Lalo pa at alam niyang nagtatrabaho ang matanda kay Treous. Hindi niya alam kung hanggang ngayon ay doon pa rin ito nagtatrabaho. Mapilit ang matanda at isa pa ay pagod na rin ang anak niya sa byahe kaya napilitan siyang sumama na lang. Ngayo'y nag-aalala siya para sa anak niya. Gusto niyang pumasok bilang room girl sa hotel. Nabanggit ng matanda na nasa 15k ang buwan doon bilang room girl. Malaki-laki na kung ikukumpara sa kinikita niya sa bukid noon. “Itong asawa ko. Pwede siyang magbantay sa anak mo. Bayaran mo na lang ng buwanan. Nagbabantay din iyan sa pamangkin niya, wala namang sahod,”ani Tatay Delfin. “Oo nga naman!” Sumang-ayon din naman agad ang asawang si Nanay Lolita. Kaya lang ay hindi sanay sa ibang tao ang anak niya. May paupahan din pala sina Tatay Delfin. At abot kaya na rin ang renta doon. Kaya iyon na lang din ang kinuha niya. Napagdesisyonan niyang habang naghihintay kung kailan pupunta doon ang anak ni Tatay ay sasamahan niya muna ang anak doon hanggang sa masanay at pwede niya nang iwan kay Nanay Lolita. Magiliw sa mga bata si Nanay Lolita na agad namang napamahal sa anak niya. May mga kaedad din na kalaro doon kung kaya't hindi nabo-bored ang anak niya. Kaya't nang dumalaw doon ang anak ni Tatay Delfin para kunin siya para sa trabaho ay nakapaghanda na siya. “Mabuti na lang at nakahanap agad si Papa ng magiging partner ko. Mukhang madali ka namang matuto, e.” Si Evangeline. Ito ang nag-process ng lahat para makapasok agad siya doon. Bagot na bagot na raw itong mag-isa tuwing naglilinis kaya sinikap nitong maipasok kaagad siya. ...... Bumangon si Treous mula sa kama. Dalawang babaeng hubo't-hubad ang ngayo'y nakasalampak pa sa kama. Dalawang babae ang ipinasok niya sa hotel kagabi. He's frustrated. Hanggang ngayo'y wala pang nabubuntis sa mga ikinama niya. Kung sinu-sino na ang pinatulan niya. Kumuha siya ng yosi at sinindihan saka nagtungo sa balkonahe ng hotel room habang nakaroba lang. Tila lumiit ang teresa dahil sa malaking katawan niya. His size is dominating the place. Nilagay niya sa tainga ang bluetooth earpiece nang may tumawag. “Hello, Sir. May meeting po kayo kasama ang board member within one hour,”ani lalaki sa kabilang linya. “I'll be there.” “Okay po.” At binaba na ang tawag. Napansin niyang tumayo mula sa pagkakahiga ang dalawang babae. Bakas pa ang di matupok na apoy sa mga mata nang maglakad ang dalawa ng may pang-akit papunta sa kaniya. He harshly grab the girl's hair and kiss her rough and hard. She moan seductively. Ang isa ay hinawi ang tela ng roba niyang suot sa bandang baba. He knew it. She will give him a bl*wjob down there. “Not here, two bitches. Let's do it in the bed. I will spill inside you. Not in your mouth.” He grab the two. The girls giggle. Hindi siya magsasayang ng katas. Kailangan na kailangan niyang makabuntis agad. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mabubuhay lalo na sa delikadong uri ng trabaho niya. He's a mafia, at nakapatong sa ulo niya ang milyon-milyong salapi. Kahit sinong magkakaroon ng pagkakataon ay hindi magdadalawang-isip na tapusin siya. Iniwan niyang parang mga lantang gulay ang dalawa. Kailangan niya nang um-attend sa meeting ngayon. Nasa elevator na siya nang may pumasok na babaeng may stroller. Napakunot ang noo niya. Bakit may tagalinis na gumagamit ng elevator na dapat ay sa mga client lang? May sariling elevator ang mga staff sa hotel na ito. Kaya bakit nandito ang room girl na ito dito? Nakayuko pa ang babae at abala pa sa pag-a-arrange ng gamit sa ibabaw ng service trolley nito. Inaayos ng babae ang mga basahan sa ibabaw. Tila walang pakialam sa paligid. Tila nag-ugat ang sentido niya. Sinulyapan niya ang ID na suot ng babae. Her name is Salome. At nang umangat ang tingin ng babae ay muli niyang nakita ang pamilyar na itsura. Agad nagbalik sa ala-ala niya ang itsura ng babaeng nakita niyang kasama ni Tatay Delfin noon sa labas ng gate ng kaniyang mansion at ang babaeng nakita niya noon sa pamilihan sa probinsiya noon. At ito ang pangatlong pagkakataon na makikita niya ito. Nagtagis ang bagang niya. Isa ba ang babaeng ito sa mga taong naghahanap sa kaniya para manmanan siya? Hindi na nakapagtataka. Maraming naghahabol sa kaniya. He has a big name in comes of this mafia world. Balak niyang magsalita pero natigilan na lang siya nang magbukas ang elevator at dere-deretsong lumabas ang babae. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Hindi man lang siya napansin. Iyon yata ang unang beses na hindi siya napansin. Bakit nga ba big deal iyon sa kaniya? Lumabas na lang siya ng elevator nang magbukas ito sa lobby. Agad humilira ang mga empleyado nang makalabas siya. Nakasunod agad ang mga tauhan niya sa likod. Yes, because he own this hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD