Kabanata 5

1476 Words
Hindi agad nakakilos sa kinatatayuan niya si Salome. Tila nag-ugat ang mga paa niya. Kahit gusto niya mang utosan ang sariling kumilos ay hindi naman siya sinusunod ng kaniyang katawan. Nakaawang ang bibig niya habang sinusundan ng tingin ang lalaking nasa likuran ng kotse. Lumingon ito sa gawi nila at nagtama ang mga mata nila ng lalaking iyon. Ang ama ni Daniel. Nakita sila ng ama ni Daniel! Sigaw ng kaniyang isipan. At abut-abot ang kaba sa kaniyang dibdib nang mamalayang huminto ang sasakyan. Para siyang binuhusan ng isang balde ng yelo dahil sa nakita. Nakilala ba siya nito? Namukhaan ba ng lalaki ang kaniyang anak? Kukunin ba nito si Daniel sa kaniya? Kung anu-anong tanong ang agad bumuhos sa utak niya. Sa pangalawang beses ay nagtagumpay siyang kumilos at lumayo sa sasakyan ngunit isang boses ang nagpatigil sa kaniya. “Miss!” Tagaktak ang pawis niya at para siyang sumalang sa marathon dahil sa bilis ng pagkabog ng kaniyang dibdib. “Sa inyo na itong chocolate,”ani driver. Ito ang tumawag sa kaniya at hindi si Treous. Ayaw na sanang pansinin iyon ni Salome dahil wala na siyang pakialam sa chocolate ang importante ay hindi makita ni Treous ang anak niya. “At sa inyo yata ito, oh! Naiwan niyo.” Nang lungunin niya ito ay nakita niyang bitbit ng driver ang mga pinamili nila sa palengke. Naiwan niya pala ang mga iyon dahil sa pagmamadali niyang makalayo sa mga ito. Walang silang kakainin ng anak niya kapag pati iyon ay iiwan niya. Wala na silang natirang pera na pambili pa ulit ng kakailanganin. Kaya napilitan si Salome na kunin ang mga pinamili. Lumunok siya sa kaba habang papalapit sa sasakyan. Hindi niya nilingon ang bukas na bintana ng sasakyan kung saan nandoon si Treous. Bitbit niya sa kabilang kamay ang bata ngunit hindi niya namalayang ang bata ang tumapat sa bintana ni Treous. Doon mas napagmasdan ni Treous ang mukha ng bata. Nagsalubong ang parehong abuhing mata ni Treous at ng abuhing mata ng bata. “How old is he?” Natigilan si Salome nang marinig ang malalim na boses ni Treous. Kabado na lumunok siya at kung maari ay ayaw niyang balingan ang lalaki. “I-Isang taon po.” At agad niyang kinuha ang chocolate at ang pinamili niya sa lalaking driver. “Salamat!” Deretso siyang tumalikod upang hindi na sila magtagal doon at baka sundan pa ng kung anong tanong ang nauna nitong tanong. Natatakot siya na baka umabot pa sa kung saan ang pang-uusisa nito sa bata. Kinakabahan pa rin siya kahit nakalayo na sila sa sasakyan at noong balingan niya iyo'y nakalayo na ang magarbong sasakyan. Anong ginagawa ni Treous doon? Bumaling siya sa bahay ng mayor. Ano ang kailangan ni Treous sa mayor ng kanilang lugar? Matapos niyang pikainin ang kaniyang anak ay hindi na siya kumain. Nawalan siya ng ganang kumain lalo pa at napuno ng problema ang kaniyang utak. Hindi siya mapakali ngayo'ng nakita niya ulit ang lalaking laman ng kaniyang mga bangungot. Nagbalik sa realidad ang kaniyang mga kinatatakutan. ....... Mahaba-haba ang byahe. Pinching his nose while looking at the scenery outside the window. Hindi maalis sa isipan ni Treous ang kulay ng mga mata ng bata kanina. Does his dad is foreigner? May lahi ba ang bata? Hindi niya maitatanggi na ganoon din ang kulay ng kaniyang mata. Magkapareho sila. At gusto niyang kastiguhin ang isipan dahil sa naiisip na sana anak niya na lang ang batang iyon. Hindi sana siya naghahanap ng magiging baby maker niya. Hindi na sana siya nahihirapan ngayon at mairita sa palpak na nangyayari sa baby maker project niya. Hindi siya papayag na hindi niya kadugo ang pag-iiwanan niya ng yaman na pinaghirapan niya. Lalo na ang mafia businesses niya. Tanging mga Elagrue lamang ang hahawak ng mga properties. Dahil ang bloodline ng Elagrue lang ang nakikita niyang may potential para patakbuhin ito ng maayos. “Huwag ka nang bumaba sa kung saan-saan. Ayokong matagalan pa tayo,”paalala niya sa driver. “Opo, boss!”lumunok ang driver. Kung hindi lang sana niya sakay ang kaniyang Boss Treous ay baka sinakay niya na ang mag-iina kanina. May bitbit na payong may bitbit pang bata at mga pinamili sa palengke. Siya ang nahirapan sa sitwasyon noong babae. Naawa siya dito. Pabalik na sila sa private plane at babalik na sa syudad. Ang mayor lang ang sadya nila doon at wala nang balak na magtagal dahil marami pa silang aasikasuhin. Bumaba ang hagdan ng plane. Sumalubong ang nag-iisang private steward ng sasakyan. Nag-offer ng white wine sa kanila. Agad na nilagay ng tauhan ni Treous ang hard case kung saan nakapaloob ang mataas na kalibre ng baril. Isa iyong sample na ipinadala ni mayor para matingnan niya. “This is fine,”aniya sabay kasa ng baril. Bumaling siya sa labas ng bintana ng private plane at sa hindi inaasahan ay naalala na naman niya ang kulay ng mata ng bata. Nagtagis ang kaniyang bagang at iritadong ibinaba ang baril sa hard case. Nagtaka ang ibang tauhan nang mapansin na mainit na naman ang ulo ng boss Treous nila. ........ Hindi mapakali si Salome. Natatagalan siya sa gawain dahil sa mga iniisip. Minsan ay napapatulala pa. Bakit kay liit lang ng mundo? At dito pa talaga sila nagkita ng Treous Elagrue. Inakala niyang ito na ang lugar na pinaka-safe para sa kanila ng bata. Inakala niyang malabo nang magkita pa sila dahil sa layo ng narating niya. Ilang saglit ay may kumatok sa pinto. Matagal bago niya iyon napansin. Tulog na ang bata dahil tanghaling tapat at iyon ang oras ng tulog nito. Bumangon si Salome upang magtungo sa pinto. Saktong pagbukas niya ay sumalubong sa kaniya ang mukha ng kapatid. Tulala at hindi siya natinag sa kinatatayuan dahil sa gulat. “A-Ate...” Bakas ang pagod sa mukha ng kapatid niya. “A-Agnes?” “Hindi mo ba ako patutuluyin?” Hindi siya agad nakapagsalita. Agad siyang niyakap ni Agnes. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Bakit nandito si Agnes? Bakit ito umuwi? “Ate?” Nang humiwalay ito ay napansin niyang nakatingin ito sa batang nasa silid. Agad niyang nilapitan ang pinto ng silid at sinara. “Sino iyon?” Balisa at hindi siya makatingin kay Agnes. “Wala iyon, Agnes.” “Anong wala?!” Hinawi pa nito ang kamay niya. “Kaninong bata iyon? Alam kong hindi ka close sa mga batang nandito. Kaya kanino iyon?” “Agnes ano ba?!” Umalingawngaw ang boses niya sa iritasyon. Pagod na pagod na siya sa sitwasyon niya at nandito ang kapatid niya. Para ano? Para manggulo na naman? Bakit ngayon lang nito naisip na umuwi? Pagkatapos ng lahat? Halos itulak siya nitong parang hayop sa hotel room noong mga time na iyon tapos ngayon, heto at magpapakita sa kaniya? At hinding hindi niya makakalimutan ang napakalaking atraso na ginawa nito sa kaniya. Halos ipakanulo siya ni Agnes sa demonyong Elagrue na iyon para lang mapagbigyan ang mga luho nito. “Anak mo siya...”anito na ngayo'y tila naiintindihan ang lahat dahil sa reaksyon niya. Hindi siya nagsalita. “Anak mo siya, di ba, Ate?” Napansin niya ang pagliwanag sa mukha ni Agnes na hindi niya maintindihan kung bakit. “Sabihin mo. Sino ang ama?” Sabay hawak sa balikat niya. Hindi siya makapagsalita at panay lang ang iwas ng tingin. “Kay Elagrue, Ate? Sa mayamang iyon?!” Biglang tumawa si Agnes na parang nahihibang. “Tama ako?” “Bumalik ka na syudad, Agnes. Tahimik ang buhay namin dito-” “Mayaman ang ama ng bata, Ate. Pwede na'tin siyang tawagan para makakuha tayo ng pera!” Pinanlisikan niya ng mata ang kapatid. Kumuyom ang kamao niya at kaunting-kaunti na lang ay matatamaan na itong kapatid niya sa kaniya. “Huwag na huwag mong pakialaman ang anak ko, Agnes.” May diin sa bawat bigkas niya. “Hanggang ngayon napakabobo mo pa rin,”ani Agnes na nakangisi. At agad umalis ang kapatid. May masamang kutob siya sa sinabi nito. Hindi maaari! Paniguradong gagawin nga nito ang binabalak. Naiiyak na nagbalot siya kinagabihan. Naiinis siya sa lahat-lahat. Sa sitwasyon niya at sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Nagsisimula na siyang mamuhay ng tahimik pero parang ayaw siyang patahimikin ng mga nangyari sa nakaraan. Bandang alas 4 ng madaling araw ay sumakay sila ng bus papuntang syudad. Kung hindi niya mahanap ang katahimikan sa kabundukan ay sa syudad niya iyon hahanapin. Bakasakaling hindi na siya masusundan ng mga taong maaring makasira sa buhay nila. “Mahal kita, Anak. Hinding-hindi na'tin haharapin ang ama mo. Hinding-hindi ka niya makukuha sa akin. Pangako, tayong dalawa lang.” Niyakap niya ng mahigpit ang anak na nakatulog na sa byahe. Nag-aagaw ang liwanag at kadiliman sa labas. Habang binabagtas ng pampublikong sasakyan ang kahabaan ng public highway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD