Kabanata 2

1316 Words
Iniwan siya doon ni Agnes at nagtungo sa pinto. Isang Japanese ang pumasok at nakangiti nang kausap ito ng kaniyang kapatid. Biglang nagbago ang emosyon nito sa mukha na parang hindi ito nakipag-away sa kaniya. “Oh! Who's here?”puna ng Japanese nang makita siya. Napansin niyang naalarma ang kapatid niya sa naging tanong ng Japanese na lalaki. “Uh... m-my maid. Yes! She's just my maid. She bring my stuffs from the house.” Napanganga siya sa sinabi nito. Inakala niyang ipapakilala siya nito bilang kapatid. Pero isang maid? Isang maid na lamang ang pakilala ni Agnes sa kaniya ngayon? Parang pinagpiraso ang kaniyang puso sa lahat ng narinig. Hindi niya na kinaya ang lahat. Masakit sa loob na agad siyang tumalikod at umalis sa room na iyon. Hindi maampat ang mga luha sa kaniyang mga mata habang naglalakad sa kalsada. May natitira siyang pera ngunit kakaunti na lamang. Sakto lang iyon pabalik ng probinsya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Hindi niya kabisado ang syudad pero kailangan niyang sumugal upang makauwi. Ginabi siya sa daan naglalakad lamang siya dahil wala rin siyang pamasahe sa jeep at kanina pa kumukulo ang kaniyang tiyan dahil sa gutom. Ilang saglit ay biglang may lumapit sa kaniya at may naramdaman siyang malamig na bagay na dumaiti sa kaniyang leeg. “Huwag kang gagalaw, ibigay mo ang pera mo,”anang lalaki na pinigilan pa siya sa braso niya upang hindi siya makakilos. “P-Po?” Nanginginig na nilingon niya ito pero idiniin nito ang patalim sa kaniyang leeg. “Ibigay mo na ang pera, dalian mo!” “Pero pamasahe ko na lang to pauwi sa amin, e. Wala na akong ibang pera.” “Wala akong pakialam!” Naramdaman niyang sumakit ang leeg niya nang idiin na naman nito ang patalim. Nataranta siya kaya agad niyang kunuha ang pera sa luma niyang pitaka upang ibigay dito. Pero kahit naibigay niya na ang gusto nito ay tinulak pa rin siya ng lalaki sabay takbo. Natumba siya sa kalsada dahil sa malakas na pagkakatulak at nanlaki na lang ang mga mata niya nang makitang may paparating na sasakyan. Hindi siya agad nakagalaw dahil sa pagkagulat at takot. Mabuti na lang at nagawa pa nitong mag-break at hindi siya tuluyang nadisgrasya. “Ineng, ayos ka lang? Hindi ka ba nasaktan?” Isang matandang driver noong sasakyan ang lumabas agad sa minamanehong itim na kotse. Tulala pa rin siya. Kalaunan ay napaiyak siya. Nataranta na inalo siya ng matandang driver. “May masakit ba sa'yo? Tinamaan ka ba?” Umiling siya. “Hindi naman po.” “Gabing-gabi na saan ka ba pupunta?” “S-Sa bus terminal po.” Nagsalubong ang kilay ng matanda. “Naglakad ka lang?” Tumango siya. Hindi makapaniwala ang matanda sa sinabi niya. Medyo distansya rin ang bus terminal. “Tara na. Ihatid na lang kita. Pero bago yun dadaan muna tayo sa amo ko kasi may ihahatid pa ako.” Kahit papaano ay ipinagpasalamat niyang nakita siya ng matanda kundi baka uumagahin siya sa paglalakad patungo sa terminal ng bus. Nakatulog na siya sa byahe at naalimpungatan na lang nang mapansin na huminto na sila. At nang tingnan niya ang paligid ay napansin niyang nasa harapan sila ng isang itim at napakalaking gate. Lumabas siya sa kotse at napuno ng katanungan ang utak niya kung nasaan na sila ngayon. “Oo, may operasyon kami ngayon. Ayaw niyang may papalpak sa inyo kundi baka bala ng baril niya ang babaon sa ulo niyo.” Napasinghap siya at agad nagtago sa gilid ng sasakyan. Isang lalaking may sukbit na mataas na kalibre ng baril ang nasa may gate ngayon. May kausap ito sa cellphone. “Ayusin niyo ang mga pack ng droga diyan. Isalansan niyo ng maayos, mitikuloso ang katransaksyon namin ngayong gabi.” Napatakip siya ng bibig nang marinig ang sinasabi nito. Napatingin siya sa malaking gate na kulay itim at sa loob ng gate ay matatanaw ang napakalaking mansion na kulay puti. Ibig sabihin ay isang sindikato ang may-ari ng property na ito? At kitang-kita na hindi basta-basta ang sindikatong ito. Yumaman ang mga ito sa pagbibinta ng ilegal na droga. Ilang saglit ay nagbukas ang gate. At sunod niyang nakit ay ang tatlong mga kotseng itim na lumabas. Sumakay iyong lalaking may kausap sa phone kanina at kasunod niyon ay lumabas na rin ang matandang lalaki na maghahatid sa kaniya sa terminal ng bus. Kumaway ito sa mga kotse na lumabas mula sa gate. Ngunit ang panghuling sasakyan ay huminto at nagbukas ang glasswindow niyon. At para siyang binuhusan ng isang baldeng tubig nang makilala ang lalaking dumungaw sa bintana ng mamahaling sasakyan. Lumapit doon ang matanda at kinausap ito saglit. Nang humiwalay sa sasakyan ang matanda ay saktong nagtama ang mata nila ng lalaking iyon. Siya ang lalaking gumahasa sa kaniya. At parang gustong bumigay ng kaniyang tuhod nang magtama ang kanilang mga mata. Nanginig ang kaniyang mga daliri sa kamay at hindi maalis ang tingin sa lalaki. Hanggang sa tuluyang nagsara ang glasswindow at umalis na rin ang sasakyan. Naglaho sa paningin niya ang lalaking iyon. “Kulang pa ng katulong ang mansion kaya inirekomenda ko ang kapatid kong babae sa kanila. Iyong kausap ko, iyon ang may-ari ng mansion. Isa siya sa pinakamayamang tao sa syudad na ito,”kwento ng matanda habang nasa byahe sila. Tulala siya at nanatili ang atensyon niya sa labas. Napaisip siya, sabi ng matanda ay mayamang tao si Mr. Elagrue. Halata naman at sa laki ng mansion ay kayang tumira ng isang daang libong tao doon. At mukhang kaya naman nitong mag-bayad ng babaeng willing na magpakama dito pero bakit siya pa? “Ano ho ba ang pangalan ng amo ninyo?” Tumigil saglit sa pagkukwento ang driver at nilingon siya. “Treous Elagrue, iyon ang pangalan niya.” Lumunok siya at ibinalik ang tingin sa labas. Kung magsusumbong siya sa mga police, aaksyunan kaya agad ng mga ito? Mayaman si Mr. Elagrue samantalang ordinaryong mamamayan lang siya. Walang makukuha ang mga police kapag siya ang pinili ng mga itong tulungan. May pait sa mga mata nang natawa siya sa naisip. Siguro kung ang kapatid niya ang isusumbong niya ay paniguradong makukulong iyon. Dahil katulad niya, hindi naman mayaman ang kapatid niya. Pero ang mga taong risponsable ng lahat ay malaya pa ring nakakapagbenta ng ilegal na droga sa labas ng rehas katulad ni Treous Elagrue. Sabi nga nila, ang hustisya ay para lang sa mga mayayaman. Wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang manahimik na lang at magpakalayo-layo. Dahil tila inalisan na siya ng karapatang magreklamo ng mga taong mas makapangyarihan kaysa sa kaniya. “Bakit ka nga pala naglakad lang kanina noong nakita kita, Ineng?” Bumuntong hininga siya. “Wala po akong pamasahe para sa jeep at ninakawan pa ng mandurukot.” Napapailing ang driver. Doon lamang siya natauhan nang maalalang wala nga pala siyang maibibigay sa matanda. “T-Tatay, huwag mo na lang pala akong ihatid. Wala rin naman akong pamasahe. Dito na lang po ako sa tabi.” Sinulyapan siya ng matanda sa salamin sa unahan. “Ano ka ba naman? Gabi na at nagkalat ang mga masasamang loob. Ihahatid na kita sa pupuntahan mo at may kakaunti pa naman akong pera dito. Iyon na lamang ang ipamasahe mo.” Gusto niyang maiyak sa narinig. Inakala niyang tuluyan na siyang mamalasin sa araw na iyon. Mas lalo siyang nahiya noong mag-abot ito ng tatlong daan at isang supot ng pandesal na anito'y iuuwi sana ng matanda sa bahay nito. Pero kanina pa naririnig ng matanda ang pagkalam ng kaniyang sikmura kaya inisip ng matanda na nagugutom siya. Wala sa sarili na nakatulala siya sa labas ng bus habang binabagtas ng sasakyan ang kahabaan ng public highway. Ang mga nangyari sa kaniya ay tila magiging bangungot pa yata na babaunin niya pabalik sa probinsya na pinanggalingan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD