Kabanata 3

1202 Words
“Huwag maawa ka!”sigaw ni Salome at agad napabalikwas ng bangon. Pawis na pawis na niyakap niya ang sarili. Nananaginip na naman siya. Simula noong makabalik siya sa probinsya mula sa syudad ay parati na lang siyang dinadalaw ng masamang panaginip na iyon. Si Treous Elagrue ang parating laman ng mga bangungot niya. Alas kwatro na ng umaga kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang bumangon na lang at mag-ayos ng sarili. Isang buwan na ang dumaan pero tila sariwa pa rin sa utak niya ang mga nangyari. Napatingin siya sa kalendaryo at sa petsa. Magdadalawang buwan na pala simula noong umuwi siya galing sa syudad. At mukhang magtatapos na naman ang buwan na ito na hindi siya dinadalaw ng kaniyang monthly period. Nagpatuloy siya sa pagkain. Naisip niya baka may abnormalities lang ang cycle ng kaniyang menstruation ngayon. Nagmamadali na siya at kailangan niyang agahan ngayon dahil may pasok pa siya sa isang karenderya. Kaya lang akmang tatayo na siya nang makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura. Patakbong nagtungo siya sa sink para sumuka doon at lahat ng kinain niya sa umagang iyon ay sinuka niya. Nagtataka na umupo siya sa upuan. “Ano bang nangyayari sa'kin?”napatanong siya sa sarili. Masama ang pakiramdam niya pero kailangan niyang pumasok. Dalawang beses lang silang pwedeng mag-absent sa isang buwan. At noong magpunta siya sa syudad para bisitahin si Agnes ay counted iyon sa absent niya. At no'ng dumating siya sa karenderya ay may nakapansin sa itsura niya. “Hoy! Bakit namumutla ka diyan?” Napakapa siya sa mukha. Namumutla siya? Agad siyang tumingin sa salamin malapit sa lababo. Namumutla nga siya! “May sakit ka ba?”dagdag na usisa ni Angie. Medyo naging close sila ni Angie simula noong magtagal siya sa karenderya na iyon. Matagal na kasing nagtatrabaho si Angie doon. Mas nauna pa ito kaysa sa kaniya. “W-Wala naman, Ange. Pero nagsuka ako kanina. Hindi ko alam kung bakit,”pag-amin niya. Nanlaki ang mata ni Angie. “Wala ka namang boyfriend, 'di ba?” “Ha?” Naguluhan siya sa tanong nito. “I mean, baka buntis ka. Pero imposible kasi wala ka namang boyfriend.” Nanlaki ang mata niya sa narinig kay Angie. Buntis nga ba siya? Agad niyang naalala ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Elagrue. Napakapa siya sa tiyan niya. Napansin ni Angie ang gulat sa mga mata niya kaya nagduda ito. “Umamin ka nga, Salome. Nakipag-one night stand ka ba?” Nilingon niya si Angie pero gulat na gulat pa rin ang mukha. “Anong... one night stand?”inosenti niyang tanong. Napakaraming alam nitong si Angie. Iyong iba hindi niya maintindihan. Umismid si Angie at umiwas ng tingin. “Bakit pa nga ba ako nagtatanong sa'yo? E halatang wala ka namang alam.” Pero hindi pa rin siya maka-moved on sa sinabi ng kaibigan. One night stand ba ang tawag doon? Iyong nangyari sa kanila ni Elagrue? Pero pinilit siya ng lalaking iyon. Tumingin siya sa tiyan. Hindi kaya tama nga ang sinabi ni Angie? Nagbunga nga kaya ang ginawa ni Treous sa kaniya? Balisa at wala siya sarili buong maghapon. Paulit-ulit niyang naiisip ang sinabi ni Angie na baka nga buntis siya. Pero noong pauwi na sila ay nilapitan niya si Angie. “Ange,”tawag niya sa kaibigan, abala kasi ito sa pagpupunas ng mesa. “Paano ba malalaman kapag buntis ang isang babae?” Nasagi ni Angie ang baso sa gulat at bumagsak sa semento. Gulat na tumingin si Angie sa kaniya. “Hindi ako seryoso noong sabihin ko iyon, Salome.” “Kasi sa tingin ko baka tama ka.” “Ano?!” Nasagi na naman nito ang isa pang baso at nabasag ulit. Sabay sila ni Angie na umuwi sa araw na iyon at sinamahan siya nito sa botika para bumili ng pregnancy test. “Sasama ka ba talaga?”alanganin niyang tanong sa kaibigan nang malaman niyang pati sa bahay niya ay sasama pa ito. “Of course!”ngumisi ito at mukhang excited pa. Tinuruan na siya nito kung papaano gamitin ang PT pero dahil daw isang himala ang nangyari sa kaniya kaya sasama ito. Hindi niya alam kung bakit parang kilig na kilig pa ito. Madaling araw niya dapat i-apply ang PT dahil mas effective iyon sa umaga. Doon natulog si Angie sa kanila. Pero mukhang hindi naman talaga nakatulog si Angie dahil mga bandang alas kuwatro ng umaga nang gisingin siya nito. “Bumangon ka na Salome. Umaga na mag-PT ka na dali!” Niyugyog siya nito ng pagkalakas-lakas. Napilitan siyang bumangon at sundin ang utos ng kaibigan. Maaga rin silang papasok ngayon kaya maigi na rin na magising siya ng maaga. Nakakapanibago lang dahil mabigat ang katawan niya samantalang dati-rati ay hindi naman siya ganito. “Akin na!” Hinablot agad ni Angie ang PT kahit pa hindi niya pa nakita ang resulta. Inaantok na lumapit siya kay Angie at gusto rin malaman ang resulta. Pero isang malakas na tili ang sinalubong ni Angie sa kaniya at niyakap pa siya. “Oh my gosh! Oh my gosh! Positive!” Panay ang tili nito at tumalon-talon pa. Samantalang siya ay hindi alam kung ano ang ire-react. Tiningnan niya ang PT upang makasiguro. At may dalawang guhit nga doon. Buntis nga siya. Tulala na nabitiwan niya ng hawak na PT. Isang masamang tao ang ama ng kaniyang anak. Isang drug lord, at paniguradong isa ring kriminal. Kapag nalaman ni Treous na may anak ito sa kaniya ay baka ilayo nito sa kaniya ang bata. Mapupunta sa masamang kamay ang kaniyang anak at baka magiging katulad ito ng ama. Hindi siya papayag na ganoon ang kahitnan ng kaniyang anak. Hindi siya pumasok sa araw na iyon at lahat ng pera na inipon niya para sa kanila ng kaniyang kapatid ay dinala niya. Pupunta siya sa ibang lugar at doon niya palalakihin ang kaniyang anak. Magtatago siya doon at hinding-hindi siya magpapakita sa ama ng bata. Sisikapin niyang mapalaki ng maayos ang kaniyang baby. Kaya niya iyon kahit siya lang mag-isa. Iyon ang parati niyang iniisip. Kailangan niyang magpakatatag, dahil may anak na siya. Isang malakas na putok ng baril ang pumuno sa buong silid. Bumulagta ang babae sa sahig at dumaloy ang masaganang dugo sa sahig. May butas sa noo ang babae. Doon ito timaan ng bala. Malamig ang mga mata ni Treous habang nakatingin sa bangkay ng babae. Pumalpak na naman ang pangatlo niyang baby maker. Malaki ang binayad niya sa babae pero hindi pa rin nagbunga ang binigay niyang semen dito. Pahirapan sa pagpaparami ang kanilang pamilya at siya na lang ang naiwang nag-iisang Elagrue. Kailangan niyang ingatan ang bloodline ng mga Elagrue. Walang ibang susunod sa sinimulan niya kundi ang kaniyang anak. “Boss, ngayon ang business meeting na'tin sa mayor ng San Luis,”ani tauhan niya nang makapasok. Pinahid niya ang dugo na tumalsik sa kaniyang kamay at lumingon sa tauhan. Ipinasa niya dito ang baril na ginamit niya sa babae. “Clean this mess before we proceed to this meeting.” “Copy, boss!” Humugot siya sa phone niya at may tinawagan. “Maghanap kayo ng bagong baby maker,”aniya sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD