Kabanata 1

1470 Words
Hindi siya halos makatayo at pakiramdam niya ay umiikot ang kaniyang paligid. Gusto niyang bumangon pero hindi niya magawa kaya't nanatili na lamang siya sa hinihigaan. Dim light lang ang paligid at hindi gaanong maliwanag kaya wala siyang masiyadong maaninag. “T-Tulong po. Kung may tao man diyan!” Nanghihina ang kaniyang boses. Akmang tatayo siya nang mamalayan niyang may kamay na humahawak sa kaniyang hita. Hindi siya makapagprotesta nang bigla itong sumampa sa ibabaw niya. Akma siyang sisigaw pero mabilis na natakpan ng matigas nitong kamay ang kaniyang bibig. Kahit nanlalabo ay naaninag niya ang hulma ng katawan ng lalaking nasa ibabaw niya. Malaki ang pangangatawan nito kung ikukumpara sa kaniya. Isang suntok lang nito ay paniguradong hihimatayin siya. Hindi siya makagalaw dahil sa bigat nito at pakiramdam niya ay mas dumoble ang lakas nito gayong nanghihina siya. “Shh, I hate noise,”masuyong bulong nito sa kaniyang tainga. Kinilabutan siya dahil doon. Kahit kailan ay wala pang kahit na sinong lalaki ang nakakahawak sa katawan niya. Wala pa siyang kahit isang nakarelasyon dahil nakapukos ang atensyon niya sa pag-iipon upang makasama niya ang nakababatang kapatid. Ang pinangarap niya lang naman ay makauwi na ito at hindi na sila maghihiwalay pa. Pero noong tawagan siya nito at papuntahin sa syudad ay ito ang nangyari sa kaniya. Matapos siyang sumama sa pinagkatiwalaang kaibigan ng kapatid niya ay nagising na lang siya sa ganitong sitwasyon. Hindi siya makapagsalita dahil nakatakip ang kamay nito sa bibig niya. Wala na itong saplot at nararamdaman niyang maging siya ay wala na rin. Bumaba ang halik nito sa kaniyang leeg at mas kinilabutan siya nang umabot iyon sa kaniyang hinaharap. Gusto niya itong itulak ngunit para lamang siyang nagtutulak ng pader dahil sa tigas ng katawan nito. Humagulhol siya ngunit tila wala rin sa sarili ang lalaking kasama niya dahil hindi man lamang nito pinakinggan ang mga hikbi niya. Ilang saglit ay nagsimula na siyang mataranta nang simulan nitong ihiwalay ang kaniyang binti. Napasigaw siya sa takot ngunit nakulong lang ang mga sigaw na iyon sa palad ng lalaki. “Stay,”anito sa baritunong boses. Kahit nahimigan niya ang banta sa boses nito ay hindi pa rin siya nagpaawat doon. Isang kamay lamang ang gamit nito upang itaas ang dalawang braso niya sa kaniyang ulohan. Ganoon ito kalakas. At hindi niya inakalang mas lalakas pa ang sigaw niya nang tuluyan siya nitong maangkin. Walang ingat ang lahat ng kilos nito ni hindi nito inisip na sobra siyang nasasaktan. Para siyang hinahati sa dalawa dahil sa naramdamang sakit. Dahil sa halo-halong nararamdaman ay biglang nagdilim ang kaniyang paningin at wala na siyang alam sa mga sumunod na nangyari. Nagising siya sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang nakasarang mga mata. Nanghihina man at nanginginig ay sinikap niyang kumilos at nagulat na lamang nang makitang katabi pa rin niya ang lalaking gumawa ng kahayupan na iyon sa kaniya kagabi. Kung kagabi ay malabo ang itsura nito, ngayon ay kitang-kita niya na ang buong mukha ng lalaki. Hindi maitatanggi na nakakamangha ang itsura ng lalaki. Mamasel ang katawan at malapad ang dibdib at likuran nito. Mukha itong banyaga. Ngunit hindi mabubura ng maganda nitong mukha ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kaniya kagabi. Kahit naiinis siya dito ay hindi niya ugali ang manakit ng tao. Hindi siya ganoon kabayolente. Kaya kalaunan ay pinili niya na lang na pulutin isa-isa ang mga damit na nagkalat sa lapag at nang masulyapan niya ang dugo sa bedsheet ay bigla siyang nakaramdam ng kahihiyan sa sarili. Isinuot niya ang damit kalaunan at labag man sa loob ay tulala na lumabas siya ng silid na yun. Ngunit hindi niya inasahang makakasalubong niya ang nakababatang kapatid sa pinto ng mismong silid. Nagsimula na naman siyang humagulhol ng iyak at niyakap ito. “Huwag dito. Tara usap tayo sa ibang lugar.” Hinila siya ng kapatid. Humantong sila sa isa pang silid sa kabilang pinto lamang mula sa pinanggalingan niya. “Agnes, tulungan mo ako! Tulungan mo ako, pakiusap!” Nagpa-panic siya habang nagsasalita. Ngunit hindi niya napansin ang kakaibang kalma sa mukha ng kaniyang kapatid na parang walang nangyaring masama sa kaniya. “Relax lang, okay?” Hinawakan pa siya nito sa balikat. Doon siya natigilan nang sabihin nito iyon. “R-Relax? A-Alam mo ba ang nangyari sa akin? Ginahasa ako, Agnes! Ginahasa ako!” Gusto niyang isampal dito ang nangyari sa kaniya. Kasi kung maka-react ito ay parang normal lang ang mga nangyayari. Parang wala itong pakialam sa mga nangyari sa kaniya. “Nandoon na tayo, Ate. Kaya relax!” Natulala siya sa sunod nitong sinabi. Napaatras siya dahil hindi siya makapaniwala at tila hindi niya na kilala ang babaeng kaharap. “Hindi mo ba alam na sobrang yaman ng lalaking iyon? Kapag binayaran niya tayo ngayon siguradong uuwi kang may lilibuhin sa pitaka mo. Ayaw mo noon? Tapos hati naman tayo dito, e.” At ngumisi pa sa kaniya. “Alam mo?” Wala sa sarili niyang tanong. Nagsimula na namang manginig ang kaniyang mga daliri. “Ano ka ba, Ate? Virginity lang iyon. Kapag nagkapera ka pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo.” Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi siya bayolenteng tao ngunit ang lahat ng narinig niya sa kapatid ay dahilan ng paglipad ng kaniyang kamay sa pisngi nito. Nanlaki ang mata nito na napahawak sa kabilang pisngi. “Virginity lang? Alam mo ba ang mga sinasabi mo? Nahihibang ka na ba talaga, Agnes?!” Binuhos niya lahat ng lakas sa sigaw niyang iyon. Kahit sa pagsigaw man lamang ay mailabas niya lahat ng mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang dibdib. Dahil tila pasan niya ang mundo sa bigat niyon. “Alam mo ba ang mga sakripisyo ko Agnes para lang makasunod sa iyo dito? Hindi mo alam ang lahat ng hirap na dinaanan ko para lang masundan ka dito dahil inakala kong pinapunta mo ako dito dahil—” “Ano? Dahil akala mo mayaman na ako? Na akala mo marami na akong pera?”putol nito sa sasabihin niya at nagbitiw ito ng hilaw na tawa. “Wala akong pakialam kung anong mga sakripisyo iyang sinasabi mo! Ang importante ay mabayaran ko ang dealer ng shabu na pinagkukuhanan ko!” Nagulantang siya sa narinig. “Ano?!” “Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng hindi mo nakukuha ang mga gusto mo. Mababaliw na ako kakaisip alam mo ba?!” Nanlilisik ang mga mata ng kaniyang kapatid. Bumuhos ang luha sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang kapatid. Tila gusto niya itong kaawaan at saktan dahil sa mga pinanggagawa nito sa buhay. Ngunit kilala niya si Agnes. Hindi ito ganoon dati. Marami itong pangarap noon, hindi ganito ang Agnes na nakilala niya. "Sumunod ako dito dahil inakala kong sasama ka na sa akin. Inakala kong uuwi ka na at magkasama na tayong titira sa probinsiya. Maayos na ang buhay ko doon at kaya na kitang pag-aralin.” Nilapitan niya ito at balak na hawakan sa braso ngunit agad itong pumiksi at tila takot na magpahawak sa kaniya. “Hindi! Hindi ako uuwi sa probinsya! Hindi ako sasama sa iyo. Dito lang ako!”malakas nitong sigaw na pumuno sa buong silid. Gusto niyang lumuhod sa harap ng kapatid upang sumama ito sa kaniya. Nakikita niyang hindi maganda ang dulot ng pagpunta nito sa syudad. Hindi kaya ng kunsensya niyang iwan ito doon mag-isa. Lalo na sa ganitong kalagayan. “Hindi pa huli ang lahat, Agnes. Umuwi na tayo pakiusap. Pangako, gagawin ko ang lahat para di ka na bumalik sa syudad para magtrabaho.” Hinawakan niya ito sa braso ngunit agad itong pumiksi. “Hindi!” Nang akma siyang lalapit ulit dito ay bigla siya nitong tinulak. Natumba siya at napasubsob sa makintab na sahig ng hotel room. “Nakikita mo ba ang paligid mo?” Iminuwestra ni Agnes ang buong silid. “Nakakatulog ako sa mamahaling hotel, at mga mamahaling pagkain at hindi kamoteng kahoy ang kinakain ko dito. Gusto mo akong bumalik sa probinsya?” Bigla itong nagbitiw ng nakakainsultong tawa. “Hello? Ayokong maging katulad mo, no! Tingnan mo nga ang sarili mo. Halos hindi ka pa makabili ng bagong damit. Wala ka pang anak pero mukha ka nang nanganak ng sampu,”patuloy nito. Hindi siya makatayo sa panghihina. Nakakapanghina ang lahat ng mga ginawa at naririnig niya kay Agnes ngayon. Hindi niya na masabi kung may puwang pa ba siya sa puso ng kapatid. Napasinghap siya nang sapilitan siyang itinayo ng kapatid. Walang ingat siyang hinawakan nito sa braso. “Umuwi ka na. Huwag mo akong ipahiya dito.” Anito lalo pa at humahagulhol na siya sa harapan nito. Ngayon niya lang namalayang may nag-doorbell pala at mukhang ayaw nitong makita ng bisita nito ang eksena sa pagitan nila. Napilitan siyang tumayo kahit pa nananakit pa ang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD