Kabanata 4

1267 Words
Magkakaroon ng pagawaan ng baril sa San Luis at nakipagkasundo ang mayor doon. Ini-offer nito ang lugar sa kaniya para gawing hide-out ng mga ilegal nilang transaksyon. Ang kapalit ay tutulongan niya ito sa paparating na eleksyon. Ganid sa kapangyarihan ang mayor kaya ginagawa ang lahat upang hindi makababa sa pwesto. Bumyahe sila ng ilang oras tungo sa San Luis. Dumaan sila sa sentro ng bayan. Nagkalat ang mga taong abala sa pamimili at ganoon din ang mga nagbebenta ng street foods. Pinagmasdan ni Treous ang kaganapan sa labas ng mamahaling sasakyan. At may nakita siyang babae na may hawak na bata sa kabilang braso habang hirap na bitbit din sa kabila ang malaking supot ng mga pinamili nito. Kung maaga sana siyang nakabuo ng bata sa mga baby maker niya ay baka ganoon na rin kalaki ngayon ang kaniyang anak. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang bagay na iyon ay saka naman pinagkait sa kaniya. Humarap ang babae sa gawi niya at tila may pamilyar na sceneryo siyang naalala noong makita niya ang mukha ng babae. Nagkita na sila nito noon. Ito ang babaeng kasama ni Manong Karding. Ang matandang matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya. Nakita niya ito sa labas ng gate dati. Pero ano naman kung naalala niya ngayon ang babae? Wala siyang pakialam dito. Napatingin siya ulit sa batang karga-karga nito. Hindi niya alam kung bakit pero tila may kakaiba siyang pakiramdam nang titigan ang batang iyon. At biglang bumaling sa gawi niya ang bata habang abala ang ina sa pagpili ng bigas na bibilhin. Saglit niyang ibinaba ang bintana ng sasakyan. Ngayo'y mas malinaw niyang nakikita ang itsura ng bata. Tila nahihipnotismo siya at hindi niya maalis ang paningin sa batang iyon. At kalaunan ay ngumiti ang batang lalaki habang hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit parang kakaiba ang dating ng ngiti noong bata na iyon sa kaniya. “Boss, nakapagtanong na ako sa lukasyon ni Mayor. Pwede na tayong magpatuloy ngayon,”imporma ng tauhan niya. Natauhan siya nang magsalita ang tauhan niyang hindi niya namalayang nakapasok na pala sa sasakyan. Hindi na siya kumibo at isinara na ang bintana ng sasakyan. ..... Napangiti si Salome nang makitang nakasunod ang mata ng anak niya sa itim na kotse na iyon. Namamangha siguro ito dahil minsan lang itong makakita ng ganoong sasakyan sa kanilang probinsya. Isang taon na ang lumipas matapos siyang manganak. Ipinagpasalamat niyang malusog niyang sinilang si Daniel. Lumaking hindi masiyadong sakitin ang kaniyang anak. Nahirapan siya noong una pero kalaunan ay nasanay na rin siyang tinataguyod ng mag-isa ang kaniyang anak. “Ibibili ka ni Mama ng ganoon kapag naging good boy ka,”aniya sabay turo sa papalayong kotse. Ilang saglit ay napansin niyang nakatingin na ang bata sa isa pang bata na kumakain ng ice cream. Ngali-ngali na dumukot siya ng barya sa bulsa mabuti na lamang at may limang piso pa siya doon. Nabilhan niya ng ice cream ang anak niya. Tahimik lang ang anak niya. Ngumingiti ito pero madalas sa kaniya lang. Tahimik ito sa ibang tao at hindi ito masiyadong nakikipaghalubilo sa iba. Siguro dahil nasanay ang bata na siya lang ang parati nitong kasama at isa pa ay nasa bundok ang kanilang bahay. Miminsan lang ito nakakakita ng maraming tao. Ang trabaho niya kasi ay sa bukid. Nagtatanim siya ng mga gulay upang ipagbili sa palengke na binibili niya naman ng mga pangangailangan nila. Dati na siyang nagtatrabaho lang sa bukid pero noong lumuwas sa syudad ang kaniyang kapatid ay naisipan niya rin na pumasok ng trabaho sa isang karenderya upang mas malaki ang maiipon niya. At mabuti na lamang na nakapag-ipon siya dahil ngayo'y nagagamit niya iyon sa kaniyang anak. Dahil sa anak niyang si Daniel ay nagkaroon siya ng pag-asa sa buhay sa kabila ng mapait na naranasan sa nakaraan. Hindi niya pinagsisihan ang mga nangyari sa kaniya dahil kung hindi dumating si Treous sa buhay niya ay wala siyang Daniel ngayon. “Hoy, Salome!” Tinawag siya ng tsismosang tindera sa lugar nila. Bago sila tutungo sa looban ay dadaan sila sa tindahan ng tsismosang si Bebang. Ibinaba niya saglit ang mga bitbit nang mapansin na lumapit si Manang Bebang. Hindi ito nakuntento na tawagin lang siya sa malayo. Mukhang may tsismis na naman ito kaya siya tinawag. Mabuti na lang at hindi siya kasing daldal ni Manang Bebang at baka matagal niya nang ibinunyag ang mga panlalait nito sa mga nakilala nito. “Alam mo ba? May bagong ini-offer na opportunity si Mayor ngayon,”pauna nito. Sabi na nga ba at may chika na naman ito. “May kilalang mayaman si Mayor na naghahanap ng mga pwedeng maging waitress sa hotel noong mayaman niyang kakilala. Naalala ko ikaw, kasi may anak ka at walang ama ang anak mo.” Nagpasaring pa ng salita si Bebang tungkol sa anak niya. “Alam mo? Kamukha noong mayamang yun ang anak mo. Di kaya siya ang ama ng anak mo tapos ayaw mo lang magsalita?” Kumunot ang noo niya nang balingan si Bebang. Minsan talaga ay hindi niya gusto ang mga lumalabas sa bibig nito. Kung sinu-sino na naman ang pinagdududahan nitong ama ni Daniel. Porke't walang ama ang anak niya ay gagawa ito ng istorya? “Baka mayaman talaga ang ama ni Daniel. Ayaw mo lang sabihin kasi baka manghingi kami ng paambon. Alam mo na.” Tapos humagikhik pa ito. “Hindi mayaman ang ama ni Daniel. Mahirap lang din siya katulad na'tin,”pagsisinungaling niya pero may duda pa rin sa mga mata ng tsismosang si Bebang. “E ano pangalan nong lalaki?”usisa pa nito. Umiwas siya ng tingin at pinulot ang mga pinamili. “Alis na kami, Manang Bebang.” Pormal siyang ngumiti at tumalikod. Gusto niya lang talagang iwasan ang intregerang si Bebang. Walang ibang nagawa si Bebang kundi ang bumalik sa kinauupuan kanina at magpaypay ng sarili. Aaminin niyang kinabahan siya sa sinabi ni Bebang. Paano kung si Treous nga iyon at talaga namukhaan nga ni Bebang ang lalaki? Sa batang edad ni Daniel ay hindi niya maipagkakailang kapansin-pansin na magkamukha nga sila ni Treous. Kahit kaunti ay walang nakuha ang bata sa kaniya kung ang itsura ang pag-uusapan. Ngunit ipinagdasal niyang sana kahit sa ugali man lamang ay magkapareho sila ng kaniyang anak. Naalala niya ang sinabing hotel. Naghahanap daw ng waitress ang hotel ng mayamang tao na iyon. Interesado siya kaya lang ay hindi niya pwedeng iwan ang bukirin lalo pa at hindi pa siya nakapagpaalam sa may-ari na aalis siya at iiwan niya na ang pagtatanim sa lupa nito. “Siguro malaki ang pasahod doon,”nasabi niya sa sarili. Nakikita niyang hindi sapat ang kita niya sa bukid upang tustusan ang mga kailangan ng kaniyang anak. Madalas napagkakaitan niya pa ito sa mga pagkaing gusto nito lalo na kapag kapus na kapos sila. Pero ipinangako niyang balang-araw susugal siya para doon. Natanaw niya ang hacienda ng mayor. Madadaanan iyon bago nila marating ang lupa na pinagtatrabahuan niya. Napahinto siya nang makitang lumabas sa malaking gate ang sasakyang pamilyar sa kaniya. Iyon ang kotseng nakita nila sa bayan. Dadaan ang kotse na iyon sa kanilang harapan. Bigla itong itinuro ni Daniel kaya tumigil sila. Mukhang gustong-gusto talaga ito ng kaniyang anak kaya't hinayaan niyang ma-enjoy nito ang panonood sa kotse na ngayo'y papalapit sa kinaroroonan nila. Hinintay nila hanggang sa dumaan ang sasakyang iyon sa harapan nila. Ngunit nakabukas ang bintana ng kotse sa likuran at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang mamukhaan ang taong nakaupo sa likuran. “T-Treous?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD