Tuwang-tuwa si Salome nang malamang bukas ang silid. Madalas itong i-lock ni Treous at hindi siya pinapayagan agad na lumabas. Pero ngayon bukas iyon. Maaga pa mga bandang 3 ng madaling araw. Sinulyapan niya si Treous na nahiga pa sa kama hanggang ngayon. Kagabi ay mga 11 niya na ito napansing pumasok. Gising pa siya pero nagkunwari siyang tulog. Napansin niya kagabi na saglit itong umupo sa single sofa habang nakatingin sa gawi niya. Nakatuko ang magkabilang siko sa mga hita at tila may malalim na iniisip. Mga bandang 12 nang maisipan nitong humiga sa tabi niya at matulog. Amoy na amoy ang body wash sa katawan nito. Napakuyom siya ng kamao. Hindi niya alam kung bakit pero kakaiba ang dating sa kaniya ng amoy na galing dito. Parang gusto niyang lumapit pa sa katawan nito at amuyin ito.