Nakuyom niya ang kamao. Kung maaring huwag siyang gumalaw ng kahit kaunti. Natatakot siyang baka magising ito. Sinulyapan niya ang maugat nitong braso, mas malaki iyon kung ikukumpara sa kaniya. Nakapatong iyon sa katawan niya at nakaunan siya sa kabila nitong braso. Bakit hindi pa rin ito umaalis? Dapat umalis na ito kanina pa. Kanina pa siya nangangalay sa posisyon niya. At isa pa ay kumikirot ang pangibabang parte ng katawan niya. Nag-init ang pisngi niya nang maalala iyon. Bumuntong hininga siya. Ito ang unang beses na nagawa niya ang parte niya. Pagkatapos ng napagkasunduan nila ay kakalimutan na nila ito. Iyon lang iyon. Pero kailangan niya pang inumin ang pills niya sa silid. Kundi baka mabulilyaso pa ang lahat. Nag-ipon muna siya ng lakas bago naglakas-loob na iangat ang braso