At simula sa araw na iyon, naging mag-asawa sila ni Audric. Sa kaniya nito sinuot ang singsing na para sana dapat kay Ivony at nagkasya iyon sa maliit niyang kamay.
Marami ang umangal at isa na si Donya Vilma Villanueva na hindi matanggap ang nangyayari pero walang magawa ang mga ito nang magdeklara ang Pari na mag-asawa na sila sa harap ng Diyos at tao. Habang si Lucas ay umalis ng simbahan at hindi pinanood ang kaniyang kahibangan.
Maraming nakiusyong media nang lumabas sila ng simbahan. Maraming kumuha ng larawan at nagtatanong kung saan ang totoong bride pero ang Ama ni Audric ang humarap sa mga ito. Habang and isang kapatid ni Audric na si Asher ay nakaagapay sa lalaki at nagmistulang mata nito.
Hawak siya ni Audric sa kabilang kamay at damang-dama niya ang galit sa pagkakahawak nito. Mahigpit! Pero hindi siya nagreklamo. Nakasunod lang siya sa bawat hakbang ng lalaking pangarap lang niya pero ngayon ay asawa niya na ngayon.
"Ffion?"
Napatingin siya kay Asher.
"Salamat."
"Ha?"
"Salamat dahil ikaw 'yong nandito para kay kuya. Alam kong mahal mo ang kapatid ko. Pero hindi ibig sabihin niyon magiging madali ang lahat. Kuya is blind."
Hindi siya nakaimik. Tanging luha lang niya ang nagpapatunay ng kaniyang nararamdaman sakit para kay Audric.
"Stop talking, Asher."
"Yeah, sorry bro."
Tinungo nila ang sasakyan ng binata at sa backseat sila pumwesto. Si Asher ang naging driver nila. Nanatiling kalmado si Audric sa kaniyang tabi pero alam ni Ffion na ilang sandali lang ay magwawala ito. Kilala niya ang lalaki pero sa mga sandaling ito, natatakot siya sa katahimikan nito.
"A-adi?"
Walang tugon mula rito. Nanatili ang mata nito sa unahan habang nagmamaneho si Asher. Tinaas niya ang kaniyang kamay at winagayway ito sa paningin ni Audric.
"Don't." Mahigpit na hinawakan ni Audric ang kaniyang kamay at binaba ito.
Nakagat niya ang kaniyang labi at tumango. Hindi siya nakikita ng lalaki pero malakas ang pandama nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari ngayon araw. Pilit niyang gisingin ang sarili at baka nananaginip lamang siya pero hindi, nasa reyalidad siya at ang reyalidad ay sumasampal sa kaniyang magkabilang pisngi nang masulyapan niya ang kaniyang suot na diamond wedding ring.
Nagsilaglagan ang mga luha sa kaniyang mata. Tanga na kung tanga kung isipin kung bakit siya pumayag na magpakasal kay Audric samantalang hindi naman siya nito mahal. Tama ang kaniyang Ina, may dalawang klase ng pagmamahal at inangkin niya ang dalawang klase ng pagmamahal na iyon.
Pagmamahal na kayang ibigay ang lahat at sakim na pagmamahal. Mahal niya si Audric kaya kahit hindi siya nito mahal at pantakip-butas lang siya nito, pikit-mata siyang pumayag. Mahal niya si Audric kaya kahit kasakiman man isipin, pumayag siya para lang maging kaniya ang binata at makasama ito habang-buhay.
Baliw na nga siya... nababaliw siya sa lalaking ito...
DUMATING sila sa mansyon ng Villanueva. Ilang beses pa lang siya nakapasok dito dahil na rin sa pinagbabawalan siya ni Mrs. Villanueva noon. Lagi siya nitong pinapalayas kapag nagpupunta siya roon.
Agad siyang kinausap ng magulang ng lalaki sa patio area habang si Audric ay dumeritso ito sa silid nito sa pangalawang palapag ng bahay. Bigla siyang nasilong sa presinsya ng magulang nito lalo na kay Mrs. Villanueva.
"Hija, pwede ka pa umatras."
Nakagat niya ang kaniyang labi at hindi sumagot sa sinabi ng donya.
"Kailangan siya ng anak natin, Vilma. Nakita mo naman ang sitwasyon ng panganay natin. Only Ffion can tame him!"
"But I don't like this woman for our son, for goodness sake Arturo!"
"At ano ang gusto mong mangyari? Magwala na parang baliw ang anak natin sa simbahan at pagpyestahan tayo lalo sa media? Mabuti nga at nandoon si Ffion at niligtas sa kahihiyan ang pamilya natin. Ffion will stay as his wife from now on." Humarap sa kaniya si Don Arturo Villanueva at mataman siyang tiningnan sa mata. "Hija, alam mo na siguro ang kalagayan ng anak namin. Bulag si Audric. May bumulag sa kaniyang mata ilang araw bago ang kaniyang nalalapit na kasal kay Ivony. Ang sabi ng opthalmologist na tumingin sa mata ni Audric, severely damaged ang kaniyang dalawang cornea. Eye transplant ang pwedeng gawin para muling magbalik ang kaniyang paningin and I'm working it now. Mabilis lang ang lahat lalo na 'pag pera ang usapan. Sa ngayon, ikaw muna ang bahala sa anak namin. Alam kong ikaw lang ang kayang magpapakalma kay Audric. Manatili ka sa tabi niya hanggang sa magbalik sa normal ang lahat."
"M-maging normal ang lahat?" Parang may kung anong bumikig sa kaniyang lalamunan sa narinig.
"Maging normal ang lahat. You know our son don't love you. Hindi ibig-sabihin na ikaw ang hinarap sa altar at sinuotan ng singsing ng anak namin, magiging parte ka na habang-buhay ng Villanueva. Once Audric restored his eyesight, you can leave then. Babayaran ka lang namin."
Nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mata sa narinig mula kay Mr. Villanueva. Wala siyang maapuhap na sasabihin at tinalikuran na siya ng dalawang mag-asawa, na parang nandidiri sa kaniyang presinsya.
Nakagat niya ng mariin ang labi hanggang sa dumugo iyon. ayaw niyang umiyak! Ayaw niyang umiyak pero heto at nag-unahan sa pagpatak ang mga iyon na parang mga ulan na ayaw magpapigil sa pagpatak.
"Ffiony!"
Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tawagin ni Amazi ang kaniyang pangalan. Ang bunsong kapatid ito ni Audric at kasing-edad lamang niya ang binata. Ito lang ang tumatawag sa kaniya ng Ffiony kaya alam niyang si Amazi ito.
"Hi, Amazi!" Ngumiti siya rito na parang walang nangyari nang humarap siya sa lalaki.
Malungkot naman itong ngumiti sa kaniya at napabuntong-hinga. "Anong sabi ng parents ko? Inalipusta ka na naman ba?"
"No-no!" Natawa siya at sinabayan ito ng iling. "Bakit mo 'yan nasabi? Mabait ang parents niyo sa'kin."
"You sure?"
"Oo n-naman."
Tinapik nito ang kaniyang ulo at umupo ito sa sofang gawa sa mamahalin kahoy. Napapikit ito ng mata at sunod-sunod na napailing.
"Bakit mo hinayaan na talian ka ni kuya sa ganitong paraan, Ffiony?" Nagmulat ito ng mata at deretsong tumingin sa kaniya. Matiim ang titig na binigay nito na binabasa ang kaniyang puso at kaluluwa.
Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang mata ni Amazi. "H-hindi ko rin alam. S-siguro mahal ko lang ang kuya mo at ang makita siyang nasasaktan at nahihirapan ay isa sa pinakaayaw kong makita..."
"Kaya nung magpasya si kuya na ikaw ang pakasalan niya, pumayag ka?"
Tumango siya. Ano pa nga ba? Tulad ni Lucas, malapit din si Amazi sa kaniya. Si Asher lang ang hindi niya kasundo sa magkapatid na Villanueva.
"Ffiony..."
Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang mata ni Amazi. Naiintindihan niya itong nababahala ito sa kaniya. Pero wala, alila siya ng kaniyang puso. Alila siya ng kaniyang pagmamahal para sa kapatid nitong hindi siya kayang mahalin alam niya iyon.
"Its okay, Amazi. Suot ko na ang singsing na magpapatunay na kasal na ako kay Adi."
Napahugot ito ng malalim na hangin at tumayo. Napatingala siya rito. kasingtangkad ito ni Audric. "Basta huwag iiyak sa dulo, ah?"
Tumango siya at ngumiti. Inakbayan naman siya agad ng binata at niyaya siya nitong pumasok sila sa loob ng mansion. Kahit papaano, nagpasalamat siya na kasama niya si Amazi dahil kung hindi, baka hanggang umaga siyang tatayo sa patio.