Kabanata 4 - Dalawang Uri ng Pagmamahal

2008 Words
"Audric?" Tatlong mahihinang katok ang kaniyang ginawa. Naghintay siya ng ilang minuto pero walang sagot mula rito sa loob ng art room. "Audric, papasok ako ha?" Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Wala roon ang lalaki. Paniguradong nasa music room ito ngayon pero wala siyang naririnig na kahit isang tunog ng musika. Akmang isasara niya ang pintuan nang mahagip ng kaniyang mata ang isang canvas sa gitna ng malawak na art room. May takip na puting tela. Nagdalawang isip siya kung lalapitan ba ito. Ayaw ni Audric na mangialam siya roon sa silid na iyon. Hanggang pintuan lang siya dapat. Ang tanging tao lang na pwedeng mangialam at pumasok roon ay si Manang Minda. "Anong ginagawa mo rito?" Nagulat siya nang magsalita sa likuran niya si Audric. Agad niyang sinara ang pintuan ng silid at humarap sa asawa. "H-hinahanap kita. Kakain na sana tayo ng hapunan." "Mauna ka na. Mamaya pa ako kakain." Binuksan nito ang pintuan. Napilitan tuloy siyang tumabi. Gusto sana niyang sabihin dito na alas-syete nang gabi at baka nagugutom na ito pero alam niyang magagalit lang ito kapag nagpupumilit siya. "Ano pa ang hinihintay mo?" "A-ah sige. Sumunod ka na lang." Umungol lang ito at pumasok sa loob ng silid. Malakas na sinara nito ang pintuan at napabuntong-hinga na lamang si Ffion. Hindi siya pwede sumuko na lang. Nagtungo siya sa kanilang silid ni Audric. Kahit papaano, nararamdaman niyang mag-asawa sila. Sa iisang silid sila mag-asawa natutulog pero malayo sa isa't isa. Ang totoo niyan, walang namagitan sa kanila bilang mag-asawa. Kahit gustong-gusto niya ibigay ang katawan at puso sa lalaki, umaayaw ito. Tanging si Ivony pa rin ang mahal nito at iniintindi niya ito. Pabagsak siyang humiga sa kama at nakipagtitigan sa kesame. Paano ba siya mamahalin ni Audric nito kung nilalayo naman nito ang sarili sa kaniya? Oo inaamin niyang hindi siya nito kayang mahalin pero masisi ba niya ang pusong umaasang darating ang araw na mamahalin din siya nito nang mas higit pa? Na hindi lang bilang kababata nito at kaibigan. Gusto niya ng mas higit pa roon! Gusto niyang madama nito na siya 'yong nandito, siya 'yong nandito para sa lalaki nung tinalikuran ito ng mundo. Malungkot siyang humarap sa sementong dingding at nakipagtitigan doon. Malayang bumalik ang kaniyang utak kung saan at kung paano nauwing siya ang pinakasalan ng lalaki imbes ang babaeng mahal na mahal nito na si Ivony. Ilang beses na pinagmasdan ni Ffion ang kaniyang suot na dress sa malaking salamin. Si Audric ang bumili niyon para sa kaniya at paborito niya itong kulay. Bagay sa kaniya ang damit pero ang puso niya, sobrang bigat. Ngayon araw, ngayon araw na ikakasal ang kababata niyang si Audric Villanueva at parang hindi siya makahinga sa isipin na ikakasal na ito sa iba. Muli, nanubig ang kaniyang mata pero bago pa ito bumagsak at mauwi sa iyakan ang lahat, kinalma niya na ang kaniyang sarili. Hindi siya pwedeng umiyak sa araw na kasal ng kaniyang kaibigan. Huling kita nila ay dalawang buwan na ang nakaraaan. "Ffion?" Napalingon siya. Ang kaniyang Mommy ito at masuyong nakangiti sa kaniya. Kasama niya itong aattend sa kasal ng best friend niya. Mabait ang Ina niya at mahal na mahal siya nito. Sadyang hindi niya lang kasundo ang dalawang step-brother niya at amain. "Mommy, bagay ba sa'kin?" Humarap siya sa Ina at pinakita ang kaniyang suot. Umikot-ikot siya sa harapan nito at nagdadalawang isip na iyon ang gamitin sa kasal ni Audric. "Of course anak, sobrang ganda mo! and it's your favorite color, baby blue. Aside from that, ang crush mong si Audric ang pumili nito at nagbigay." Tinudyo siya nito na ikinangiti niya. Pumwesto ito sa kaniyang likuran at giniya siya paupo. Inayos nito ang kaniyang buhok. "Kaya nga Mommy, ang bigat ng puso ko. Makikita kong ikasal sa ibang babae ang taong mahal ko." "Oh, 'wag ka umiyak." Pinandilatan siya nito ng mata sa malaking salamin. "Minsan kasi Ffion, hindi napipilit ang pag-ibig. Ang gawin mo na lang ay maging masaya sa lalaking mahal mo. Saka sa ganda mong 'yan, hindi lang si Audric ang lalaki. Marami pang iba, okay? Kaya ngumiti ka na diyan at aayusin ko lang itong buhok mo. Pagkatapos ay aalis na tayo at pupunta ng simbahan!" "Pero Mommy, mahal ko si Audric. Ang hirap para sa'kin. Hindi lang simpleng pagmamahal 'tong nararamdaman ko sa kaniya My, mas malalim ang nararamdaman ko..." Hinaplos naman ng kaniyang Ina ang kaniyang buhok at saka nito hinalikan ang kaniyang ulo. "Alam mo ba anak na may dalawang uri ng pagmamahal?" Ngumiti ito sa kaniya mula sa harap ng salamin. "Una, pagmamahal na kaya mong ibigay ang lahat. Kahit wala ng matira sa'yo. Lahat ibibigay mo para sa taong mahal mo. Kahit hilingin niyang pakawalan mo siya, kaya mong pakawalan dahil iyan ang totoong pagmamahal. Handa mong pakawalan ang taong mahal mo dahil kaya mong ibigay lahat kasama ang kalayaan na hihingiin niya." "Ano 'yong pangalawa?" Ngumiti ito na hindi abot sa mata. Sandali itong bumuntong-hinga at sinuklay ang kaniyang buhok. Nilagyan nito ng hair ornament ang kaniyang buhok saka siya tinitigan ng matagal sa salamin. "Pagmamahal na sakim. Wala kang pakialam kung may masasaktan sa gagawin mong hakbang basta mapasaiyo lang ang taong mahal mo. Pagmamahal na minsan ay nauuwi sa obsesyon. Pagmamahal na nagtutulak sa isang tao na gumawa ng isang bagay para pagsisihan niya sa huli. Mga bagay na alam mong sisira sa pagkatao mo. Pagmamahal na ikaw lang ang masaya." Nakagat niya ang kaniyang labi at malungkot na napatingin sa Ina. Wala siyang maapuhap na sasabihin. Dama niya ang lungkot sa boses nito at alam niya kung bakit. "Saan ka sa dalawang uri na pagmamahal na iyan, Ffion?" "Sa unang pagmamahal," dama sa boses niya ang sakit. "I'm proud of you anak. Huwag kang gumaya sa'kin. Ayukong maranasan ang sakit na naranasan ko. kahit gusto kong kumalas, hindi ko na pwedeng gawin. Kerida man akong tawagin ng lahat, pero nagmahal lang ako anak. Nagmahal ako sa sakim na paraan at ayaw kong maranasan mo iyon. Huwag na huwag mo akong tularan." Ngumiti lang siya at tumango sa Ina. Alam niya ang pinagdadaanan nito pero wala siyang karapatan na magreklamo. Tulad ng sabi nito, nagmahal lang ito. Sino siya para pangunahan ang kaligayahan nito? hindi nagkulang ang kaniyang Ina sa kaniya. Mahal na mahal siya nito at mahal niya ito kaya kahit labag sa kalooban niya, pikit-mata siyang sumama sa ina sa lalaki na ngayon ay amain niya. Dumating sila sa simbahan. Marami ng tao ang nandoon at nasa harapan na si Audric. Gwapong-gwapo ito sa suot na kulay gray 3 set formal suit wedding. Sa dalawang buwan na pag-iiwas niya, napansin niyang mas lalo itong gwapo ngayon. Sa likuran sila umupo ng kaniyang Ina. Napansin niya ang pagbubulungan ng mga bisita at isa na roon na hindi sisipot ang bride. Napatingin siya sa orasan-pambisig na suot, late na pala sila ng sampung minuto at wala pa ang bride. Napatingin siya kay Audric at sa tabi nito ay si Lucas. Kasunod ni Lucas ay ang dalawang kapatid na lalaki ni Audric. Nakita niya ang mukha ni Audric na walang emosyon ang mata at blangko ang tingin. Parang may kumurot sa kaniyang puso. Sa isipin na ikakasal na ito sa iba ay sinasakal ang kaniyang puso sa sakit. Hindi matanggap na puso niya kahit ilang taon na ang nagdaaan. Sa nagdaan na mga taon, patuloy siyang umasa na mababaling ang pagmamahal nito sa kaniya pero ang hirap yata kalabanin ng tadhana lalo na kung nakatadhana na ang dalawang taong nagmamahalan. Gusto niyang nakawin ang pagmamahal ni Audric at kung pwede lang sanang manakaw ang pagmamahal nito, matagal niya ng ginawa. kaya ang gagawin niya ngayon ay pagmasdan at panoorin ang taong mahal na ikakasal sa iba. Marahan bumagsak ang luha sa kaniyang mata. Ayaw niyang magpakasal ito sa iba pero sino siya para pigilan ang kasal ng lalaki? Kaibigan lang siya at mananatiling kaibigan lang. Iyon lang ang role niya sa buhay ng lalaki. "Ffion?" "Po?" napatingin siya sa kaniyang Ina. "Mukhang walang bride na sisipot." "Ha?" Nalito naman siya. napatingin siya sa paligid. Puro bulungan na ang mga bisita at may ibang nagsitayuan at lumabas nang simbahan. "Imposible iyon My, mahal na mahal nila ang isa't isa kaya imposible na hindi sisipot si Ivony." "Baka nga na-traffic lang." Baka nga... Pero nakatuon ang kaniyang mata kay Audric sa harapan. Wala pa rin reaksyon sa mata nito. Parang may kung anong nagtulak sa kaniya na lapitan ito pero pinigil niya ang sarili. Ngunit dumaan na lang ang dalawang oras, walang Ivony na dumating. Walang bride na sumipot. Nagsiuwian na rin ang mga bisita. Ang tanging natira ay siya, si Lucas at ang pamilya nito. Nauna na rin umuwi ang kaniyang Ina dahil tinawagan ito ng kaniyang Amain. "Son, we need to go." Ama ito ni Audric. "Mauna na kayo. Kaya kong maghintay hanggang sa sumipot si Ivony." "Audric, hijo..." "Huwag niyo akong kaawaan, Mom. Mauna na kayo kung ayaw niyong hintayin ang kasal ko." Audric... parang pinagsaksak ang kaniyang puso. Marahan niyang nakagat ang labi. Para lang siyang kahoy na napako sa kaniyang kinauupuan. Habang si Lucas ay malungkot na nakatingin sa kaniya. Alam nito ang nararamdaman niya para sa binata. "Pero anak, wala ang fiancee mo. Hindi sumipot si Ivony sa mahalagang araw niyo. We should go. Marami ng mga press at media sa labas ng simbahan." "The hell I care?!" nanatiling kalmado pa rin ang mukha ni Audric nang sambitin ang katagang iyon pero dama niya sa boses ng lalaki ang matinding galit at pagtitimpi. "Dude." Si Lucas. "Ivony is calling..." Binigay nito ang phone nito sa lalaki. "See? She loves me. Nagkaroon lang siguro ng kaunting problema sa daan." Nabuhayan ng sigla ang lalaking mahal niya at mabilis na tinanggap ang phone ni Lucas. Habang siya ay sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kaniyang mata. Mas masakit pala 'pag harap-harapan niyang nakikitang nasasaktan si Audric. Parang mas doble ang sakit sa kaniya. "Babe? Where are you? Its our wedding..." Natigilan si Audric. Matagal ito bago nakasagot. Nagtagis ang bagang nito habang hawak ang cellphone ni Lucas. Bumalatay sa gwapong mukha nito ang sakit. Nagsimulang magtubig ang mata nito habang kausap ang babaeng mahal nito. "The f**k you are talking about! Ivony? Ivony! Bullshit!" Tuluyan nagwala ang lalaki. Inawat ito ng mga kapatid nito at ni Lucas pero dahil matikas ang pangangatawan at matangkad si Audric, hindi napigilan ng mga ito ang pagwawala nito na pati ang Padre na magkakasal ay natakot. Doon na siya tumayo at naglakas loob na lumapit sa binata. "Adi!" Natigilan ito nang marinig ang kaniyang boses. Napalingon ito sa kaniyang deriksyon pero ang tagos ang tingin na binigay nito sa kaniya. Tingin na parang hindi siya nakikita. "Ffion?" Pumatak ang luha niya. Marahan niyang kinagat ang labi. Lumapit siya rito at niyakap ng mahigpit ang binata. "Yeah its me." Sandali itong kumalma nang marinig ang kaniyang boses at maramdaman ang yakap niya. Pero saglit lang iyon dahil mas lalo ito nagwala sa harap ng altar. Sumisigaw ito sa galit na pati Ama at Ina nito ay takot na awating ang binata. Siya lang ang nanatiling nakayakap dito at umiiyak na pinapatigil ito sa pagwawala. Hindi niya kayang pagmasdan ang lalaki na nagwawala dahil sa sakit na ginawa ni Ivony. "Damn you Ivony! You think hindi kita kayang palitan kahit bulag ako?!" Natigilan naman siya at hindi makapaniwalang napatingin sa lalaki. Doon lang tuluyan pumasok sa kaniyang isip na bulag nga ang lalaki dahil walang sigla at emosyon ang kislap ang mga mata nitong lumuluha. "Let's get married, Ffion." "Ha?!" Nagulat siya. "What?! Hindi pwede, Audric!" Ang Ina nito ang mabilis na umayaw. "Ffiona!" nagulat din si Lucas at akmang babawiin siya nito kay Audric pero mahigpit na hinawakan ng binata ang kaniyang kamay. "Father!" Agad lumapit ang Padre sa kanila nang tawagin ito ng binata. "Ibang babae ang ihaharap ko sa altar ngayon araw. Simulan niyo na ang kasal." Audric... ito na lang ang tanging naibulong ng puso niya habang nakatunghay sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD