Kabanata 3 - Nagmahal Lang Naman

1128 Words
"Baliw. May asawa na ako, at bestfriend mo pa," pabirong anas niya rito. "Asawa sa papel, Ffiona." Napepe siya. Tama naman si Lucas, asawa sa papel. Alam nito ang katayuan niya sa puso ng lalaki. "K-kailangan ko ng patayin ang tawag, ha? Paalam, Lucas." Hindi niya na hinayaan na magsalita ang lalaki, pinatay niya na ang tawag at malungkot na napatingin sa labas ng bintana. Sinilid niya sa bulsa ng kaniyang cotton short ang cellphone at nilapitan ang bintana. Hinawi niya ang makapal na kurtinang nakatabing doon. Pumasok ang maaliwalas at magandang tanawin sa labas kasunod ang malamig at masarap na simoy ng hangin nang buksan niya ito. Kung ikukumpara, para siyang salaming bintana na natatakpan ng makapal na kurtina. Pero masisi ba niya ang kaniyang sarili kung baliw siya sa pag-ibig na ito? Baliw siya kay Audric na alam naman niyang pagmamahal bilang kaibigan lang ang pinapakita nito sa kaniya simula pa noon. Kahit ilang beses nitong pinapamukha sa kaniya na mahal nito ang babaeng si Ivony pero ang kaniyang puso, tanga pa rin. Sobrang tanga na minsan gusto niyang magising na lang isang araw, wala na siyang maalala para lamang makalimutan ang lalaki... "ADI! Gusto kita, no, mahal kita! Kailan mo ba ako mamahalin?" Naiiyak niyang tanong sa lalaki. Kinse anyos siya at ito naman ay bente anyos at kasalukuyan nag-aaral sa America. Gusto nga niyang sundan ang binata sa Unibersidad na pinapasukan nito pero ayaw pumayag ng kaniyang Amain. Siya ang naiwan sa Manila habang ito ay nasa America at seryusong nag-aaral ng Business Administration. Isa ito sa tagapag-mana ng Villanueva at hindi lang ordinaryong pamilya ang Villanueva. Literal na mayaman na mayaman. Bilyonaryo. Ang Ama nito ay magaling sa paghawak ng mga negosyo at sikat ang pangalan nito sa Pinas at sa internet. Alam na rin ng lahat na si Audric ang susunod na mamahala sa negosyo ng pamilya nito oras na makapagtapos ito ng pag-aaral. "Stop being silly, Ffion. Ang bata-bata mo pa para sa sinasabi mong mahal." Natatawang saad nito sa kabilang linya. Video call ang tawag nila kaya malaya niyang nakikita an gwapo nitong mukha. "Pero totoo nga! Mahal kita, Adi. Mahal na mahal! Hindi mo ba nakikita 'yon? Araw-araw ko na nga yatang pinaparamdam na mahal kita, eh." "Look, Ffion. Baby sister lang ang tingin ko sa'yo." Ngumiti ito at umakto itong kinutungan siya. Umarte naman siyang masakit ang ginawa nitong kutong at bahagya itiong inirapan sa hangin. "Ang arte mo talaga! Ah basta, mahal kita. Hihintayin kitang umuwi. Mahal kita at ikaw ang gusto ko makasama hanggang sa pumuti ang buhok natin." Wala siyang ibang gustong makasama hanggang sa pagtanda. Gusto niya si Audric. Ito lang ang gusto niya sa lahat kahit ang dami ng umaaligid at nagpapalipad ng hangin sa kaniya, tanging sa binata lang tumibok ng sobra ang kaniyang batang puso. Ang totoo niyan, nag-aral siya ng mabuti para pag-uwi nito may maipagmamalaki siya sa lalaki. Lagi kasi siyang inaasar nito noon na mahina ang utak niya at hindi niya nape-perfect score ang mga exams niya. "Silly." Mas lalong lumakas ang tawang pinakawalan nito. Magtatampo pa sana siya nang mula sa likuran nito, may lumapit na babae kay Audric at galit na sinita nito ang binata. "Who is she babe?!" Babe? Biglang naalarma ang kaniyang puso nang makita ang mukha ng babae. Hindi niya nagustuhan ang nakita lalo na ang salitang binanggit ng babae. Magtatanong pa sana siya kay Audric kung sino ang babae at anong ginagawa nito sa condo nito nang patayin na nito ang kaniyang tawag. Natigalgal na lamang siyang nakatingin sa screen ng phone niya. Inulit niyang tawagan ang binata thru skype pero walang sumagot. Inulit niya pa ng isang beses at laking tuwa niya nang sagutin ito ni Audric. Inisip niyang kaibigan o kaklase lang ito ng lalaki pero parang sinabugan ng bomba ang puso niya nang marinig ang boses ng babae sa kabilang linya. "Stop calling my boyfriend, b***h!" At namatay ang tawag. B-boyfriend...? Awtomatikong nagsipatak ang kaniyang mga luha sa narinig. Hindi siya makapaniwalang may babae ng nagmamay-ari sa lalaking mahal niya. At sa kauna-unahang pagkakataon, umiyak siya na si Audric ang dahilan. Si Audric na nga lang ang dahilan ng kaniyang mga ngiti at tawa kahit nahihirapan siyang pakisamahan ang dalawang step-brother niya at Amain pero si Audric din pala ang dahilan ng kaniyang sakit na nararamdaman ngayon. Bumalik sa reyalidad si Ffion nang ma-ring ang telepono sa sala malapit sa hagdanan. Nagmadali siyang tinungo iyon. Dalawa lang ang tumatawag sa telepono, magulang ni Audric o kaya ang dalawang kapatid nito. "Hija." Pormal na boses ni Donya Vilma Villanueva ito. "T-tita..." parang may bumikig sa kaniyang lalamunan. Alam niyang ayaw nito sa kaniya kahit noon pa. Sa tuwing magkasama sila noon ni Audric, lagi siya nitong pinapagalitan at sinasabihan na hindi siya pwedeng maging kaibigan ng anak nito dahil ang kaniyang Ina ay isang kerida. "How's my son? Wala kang update sa'kin kung ano at kumusta ang anak ko diyan sa Villa. Pinatay mo na yata." Nakagat niya ang kaniyang labi. Kung pwede lang na ibaba niya na ang tawag ni Donya Vilma Villanueva, ginawa niya na. Pero dahil Ina ito ng lalaking mahal niya, ibibigay niya pa rin ang kaniyang respito dito. "Nasa art room po si Audric, T-tita." "Kumain na ba ang anak ko? Baka kung anu-ano ang ginawa mo diyan! Alam kong tuwang-tuwa ka na napunta sa'yo ang anak ko, Ffion. Pero huwag ka pakampante at malalaman ko rin ang lahat kung sino ang gumawa sa anak kong ito. Oras na makahanap kami ng mata para kay Audric, mawawala ka na rin sa buhay ng anak ko." Hindi na siyang nag-abalang sumagot. Pasaan ba at masasanay rin siya. Ngayon pa ba siya masasaktan, kung dati pa ayaw nito sa kaniya? Ngumiti na lamang siya at tatlong beses na humugot ng hangin. "Huwag kayong mag-alala Tita, aalagaan ko si Audric. Ako ang magiging mata niya rito. Hindi ko po pababayaan ang anak niyo..." "Malamang! Isang tagapagmana ang anak ko. Isang Villanueva! Bilyonaryo. Limpak-limpak ang pera kaya malamang na aalagaan mo ang isang bilyon, 'di ba, hija? Alam ko naman na mukha kang pera. Huwag mo ng ipagkaela! Kaya alagaan mo ng mabuti ang anak ko hanggang sa bumalik ang paningin niya, intiendes?" Bigla nitong binagsak ang telepono sa kabilang linya. Sunod-sunod siyang tumango. Hindi niya habol ang pera ng Villanueva, wala sa isip niya ang bagay na iyon pero ito ang tingin sa kaniya ng donya at wala siyang magagawa para baguhin ang tingin nito. ang tanging magagawa na lamang ni Ffion ay ang alagaan at mahalin araw-araw si Audric para ipadama sa pamilya nito na hindi niya habol ang kayamanan ng lalaki. Kailan ba nila makikita na minahal lang naman kita, Adi? Na nagmahal lang naman ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD