Ilang beses na napahilamos ng mukha si Calix habang nagmamaneho ito patungo sa kanyang condominium unit kasama ang mag-ina. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na dumulas sa madaldal nitong bibig ang kalokohang pumasok sa isip n'ya kanina.
'Can I bring you home?'
Syet na malagkit! Para na din kasi nitong tinanggap ang responsibilidad bilang ama ni Cali kahit ang totoo ay napilitan lang naman siya dala ng pambla-blackmail na ginawa ng kaibigang si Sage.
"Pasensya ka na, Calix. Napilitan ka tuloy na bilhan ng ice cream si Cali habang nasa biyahe tayo. Medyo makulit lang talaga ang anak natin pero nakikinig naman siya kapag pinagsabihan at alam naman nito kung ano ang mga pagkaing bawal sa kanya," mahabang paliwanag ni Diamond gamit ang malambing at nakakatunaw na boses.
Pilit namang natawa si Calix habang dinadama kung paano manayo ang mga balahibo nito sa katawan, heto na naman ang dahilan kung bakit siya naipit sa ganitong sitwasyon.
Kung bakit ba naman kasi parang may gayuma ang boses nito at nagsisitayuan hindi lamang ang mga balahibo n'ya sa katawan kung hindi maging ang nilalang sa loob ng pantalong suot n'ya.
Wala sa sarili na lamang nitong sinulyapan ang batang abala na ngayon habang nakaupo sa sofa hawak ang binili n'yang rocky road ice cream para dito. Mabuti na lang talaga at nabayaran n'ya ang subscription sa Nezfliz kaya nagawa nilang makapag-usap ni Diamond dahil naging abala ang bata sa panonood ng cartoons.
"Alam ko hindi ka pa rin makapaniwala hanggang ngayon, Calix. Pero wala talaga akong balak na sirain ang buhay mo o pilitin kang panindigan ang responsibilidad bilang ama ni Cali. Napilitan lang akong ipakilala sa'yo ang anak natin dahil kailangan namin ng tulong mo," anito saka humugot ng malalim na hininga.
Hindi siya makapaniwalang napatitig kay Diamond nang inilapag nito sa harapan n'ya ang hindi mabilang na medical records at clinical results na nakapangalan sa bata.
"For damn's sake! Kay Cali ba ang lahat ng ito?" bulalas n'ya habang tinitigan nang mabuti ang mga dokumento.
Mabilis na nanlamig ang mga kamay nito nang mabasa n'yang may sakit na leukemia ang bata at nangangailangan ito ng bone marrow transplant.
"Leukemia," hindi n'ya inaasahang lalabas mula sa labi nito ang laman ng binabasa.
Mabilis itong nakaramdam ng bigat sa kanyang dibdib dahil alam nitong masyado pang bata si Cali para magkaroon ng gano'ng sakit at hindi rin mahahalata sa matamis nitong ngiti na may pinagdadaanan ito sa murang edad.
Tumango lamang si Diamond bago humugot ng malalim na hininga. "Ayon sa doktor, mga kapatid ng pasyente ang maaring maging successful donor pero in rare cases, maari ding maging donor ang mga magulang ng bata. Wala naman kasing kapatid si Cali at hindi rin ako nakapasa bilang donor n'ya."
Muli itong humugot ng malalim na hininga saka pinakatitigan ang mga mata n'ya.
"Maniwala ka sa akin, Calix. Ginawa ko ang lahat para makahanap ng ibang paraan upang madugtungan ang buhay ni Cali pero sabi ng doktor malaki din ang chance na magiging successful ang bone marrow transplant kung sa ama mismo ng bata manggagaling ang specimen...at ikaw ang unang pumasok sa isip ko nang marinig iyon."
Napahigit na lamang ito ng malalim na hininga nang masilayan ang namumuong luha mula sa mga mata ni Diamond. Ramdam n'ya sa ekspresyon ng mukha nito ang pangambang nararamdaman ng babae bilang ina ng bata.
Mahina naman siyang napatikhim at ilang beses ding pinag-isipan kung itatanong ba nito ang kanina pa gumugulo sa isipan n'ya. Alam kasi nitong labis na emosyon na ang namamayani sa puso ni Diamond sa mga oras na ito, she can eventually break down in a second.
"Diamond, huwag mo sanang mamasamain ang magiging tanong ko sa'yo," aniya saka napalunok. "Paano ka nakakasiguradong ako talaga ang ama ni Cali at magiging successful ang operation kung ako ang magiging donor n'ya?"
Napasinghap na lamang siya nang mariing tumingin sa kanya si Diamond, inasahan n'yang may halong sama ng loob ang magiging reaksyon nito ngunit kabaliktaran ang natanggap n'ya mula rito.
Malamlam ang mga mata nito sa harapan n'ya habang may munting ngiti sa mapupula nitong mga labi.
"Dahil sa'yo ko lamang ibinigay ang sarili ko after six years of suffering from my first heartbreak," matamis nitong sambit.
Bahagyang natigilan si Calix dahil sa narinig, pasimple itong napasulyap sa hawak na cellphone at mabilis na binasa ang impormasyong nakuha mula sa babaeng kaharap.
Hindi naman naging mahirap para dito na makuha hanggang ang pinakamaliit na impormasyon tungkol kay Diamond dahil sa ilang taon n'yang pagiging tracker.
"You're an actress, right?" maiksi n'yang tanong.
Mabilis naman itong umiling saka tumingin ng diretso sa mga mata n'ya na para bang sinusubukan talaga nitong kumbinsihin siya.
"Matagal ko ng iniwan ang mundo ng show business, Calix. Dati akong artista pero mas pinili kong talikuran ang aking career noong malaman kong ipinagbubuntis ko si Cali," giit nito.
Lihim siyang napabuga ng marahas na hininga. Ayaw n'ya sanang ma-intimidate si Diamond sa mga tanong n'ya ngunit gusto nitong malaman ang buong katotohanan, lalo na't salungat sa naging sagot ng babae ang nakalagay sa binabasa n'yang portfolio nito.
Mukhang kailangan na nitong magseryoso kahit halos tumulo na ang laway n'ya sa nakadungaw na cleavage ni Diamond.
'Pucha! Tukso layuan mo muna ako! Busy ako ngayon, ulul!' bulong n'ya para pakalmahin na lamang ang sariling pagnanasa.
"Let me be honest with you, Diamond. I saw your record and everything about your past, malubhang sakit ang dahilan kung bakit pinili mong talikuran ang pagiging artista," madiin n'yang sambit.
Inasahan nitong matatahimik si Diamond at mabilis na mababalisa ngunit ngumiti lamang ito sa harapan n'ya.
"Gusto ng management na pangalagaan ang imahe ko kaya pinili nilang itago ang pagbubuntis ko for a possible comeback," mabigat nitong tugon.
Pero hindi napigilan ng paliwanag nito ang mga tanong n'ya. "Bakit mas pinili mong buhayin ang bata kung totoong may chance ka pa lang balikan ang iniwan mong career?"
Malapad ang ngiti na kumawala mula sa labi ni Diamond na nasundan ng malalim na hininga.
"Gusto kong maging malaya. I want to have a happy and carefree life just like yours," anito saka matiim siyang tinitigan. "Natatandaan mo pa ba ang mga sinabi ko sa'yo nang gabing iyon? I love how you made me feel wanted and true. Pinasalamatan kita dahil pinaramdam mo sa akin kung paano namumuhay ng normal at binigyan mo ako ng pagkakataong magpakatotoo sa aking sarili. At nang malaman kong nagdadalang-tao ako, hindi ako nagdalawang-isip na buhayin ang bata kahit ibig sabihin no'n ay kailangan kong talikuran ang aking career. Nasabi ko na lamang sa sarili ko noon na sapat na ang mga paghihirap at sakripisyong ginawa ko para lumayo at buhayin ang sarili kong anak."
Sumikdo ang puso n'ya sa narinig. Para bang bumalik sa alaala nito ang imahe ni Diamond kung saan maingat n'yang pinupunasan ang hilam na luha sa mga mata nito. Hindi n'ya man maintindihan noon kung anong dahilan ng mga luha nito ngunit kusang gumalaw ang mga kamay n'ya to comfort her.
Alam n'yang malandi at maharot ang tite n'ya, pero ayaw na ayaw nitong nakakakita ng babaeng umiiyak.
"Don't worry, hindi ako tatanggi kapag hiniling mong magkaroon tayo ng DNA test para mapatunayan mong totoo ang mga sinasabi ko," anito saka mabilis na inabot ang kamay n'ya.
Kabado naman itong tinitigan ni Calix saka wala sa sariling inangat ang kamay ni Diamond para halikan.
"Sige, let's have a DNA test," aniya saka nilanghap ang mabangong aroma mula sa malambot nitong kamay.
Napailing na lamang ito dahil tuluyan na naman siyang nagpadala sa alindog ng babaeng kaharap. Wala man lang siyang pagdadalawang-isip na pumayag sa mga kagustuhan nito habang ini-imagine itong nakahubad sa ibabaw ng kama n'ya bilang kabayaran ng negative result ng DNA test.
Hinayaan nitong matulog sa kuwarto ang mag-ina pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Tahimik na lamang itong nahiga sa sofa habang tinatawagan ang numero ni Knight.
Mukhang kailangan n'yang humingi ng advance dito ngayong pumayag siyang manatili sa condo ang mag-ina habang hindi pa nila nagagawa ang DNA test.
Umiling ito at mabilis na nagsalubong ang magkabilang kilay nang hindi sinagot ng kaibigan ang tawag n'ya.
'Hindi naman halatang napasarap ang honeymoon ng masungit at mala-halimaw na Knight Saavedra, ano? Banat na banat siguro ang tite n'yang palaging umuusok sa galit ngayon,' asar nitong sambit saka napailing.
Napabuga na lamang ito ng marahas na hininga at minabuting maghanap ng laboratory kung saan nila pwedeng gawin ang paternity test.
"DNA Paternity Test for Php15,000?" dilat ang mga matang napabangon ito mula sa kinahihigaan at mabilis na napahilamos sa sariling mukha.
Hinilot n'ya ang sariling sintido saka napabuntong-hininga.
'Ang hirap pa lang maging padre de pamilya. Mukhang isang buwan na mamumulubi ang tite ko nito.'