Chapter 4

1358 Words
Kunot ang noong napalingon si Calix sa kinatatayuan nito nang marinig ang sinabi ng batang lalaki. Siniyasat n'ya nang mabuti ang bawat detalye ng mukha nito at masasabing magkawangis nga silang dalawa noong kabataan n'ya. "Sage, ikaw pala ang hinahanap nila. Daddy daw eh!" malakas n'yang sigaw sabay lingon sa kanyang likuran. Nasilayan naman nito kung paano namulta ang mukha ng kaibigan na kasalukuyan nang nakikipaglandian sa mga modelong nakapalibot dito. 'Mabilis ang karma, Sagittarius!' bulong n'ya sa hangin saka nginitian ang dalawang taong nasa harapan. Napapilig naman ng ulo ang babae saka napahawak sa braso ng batang parang anumang oras ay nagtatangka na sanang lumapit sa kanya. "Calix..." mahina nitong sambit. Pero, humugot lamang si Calix ng malalim na hininga saka pinagmasdan itong mabuti. Maganda ang babaeng kaharap n'ya, maputi ang kutis at balingkinitan din ang katawan. Kahit sabihing balot na balot ito sa suot na cardigan, hindi naman maipagkakailang malulusog ang dibdib ng babae at perpekto din ang hugis ng balakang nitong maaninag sa suot n'yang palda. She looks innocent and young to have a child. Marahil, kung isa siyang typical na babaero ay sasabihin nitong sayang ang babae BUT HE'S NOT A JERK TO SAY THOSE WORDS dahil nagmukha itong hot and wild mama sa paningin n'ya. "Si Sagittarius Mendez ba ang hinahanap niyo?" nakangiti n'yang tanong sabay hila sa kaibigan nitong kararating lang sa kinaroroonan n'ya. Mabilis naman itong sinalubong ng hindi makapaniwalang tingin ni Sage. "Siya ba ang hinahanap niyo?" anito saka hinawakan pa sa magkabilang balikat ang kaibigan na hindi na maipinta ang mukha dahil sa pinaggagawa n'ya. Binalot naman ng matinding katahimikan ang buong set at hindi maaring magkamali ang kutob n'yang nakatuon na sa kanila ang lahat ng atensyon dahil napalakas ang tawag niya kay Sage kanina. Agad namang napabuga ng malalim na hininga ang kaibigan saka tahimik na lumuhod sa harapan ng batang nanatili pa ring nakatingala sa kanilang dalawa. "What's your name, baby boy?" malambing ang boses na tanong ni Sage sa batang kaharap. Mabilis namang bumakas sa mukha nito ang pinaghalong takot at pang-aalangang nararamdaman. Alam ni Sage na konti na lang ay maiiyak na ito dahil may namumuo ng luha sa mga mata ng bata. Tipid na lamang siyang ngumiti sa harapan nito at hinayaan munang kumuha ang paslit ng konting lakas ng loob mula sa kanyang mommy. "C-Cali po," mahina ang boses nitong tugon pero naging sapat lamang iyon para marinig n'ya. Puno ng lambing n'ya namang ginulo ng bahagya ang buhok nito saka nginitian. "Hinahanap mo ba ang daddy mo, Cali?" may tuwa n'yang tanong dito. Gumuhit naman ang sigla sa mukha ng batang lalaki at mabilis na tumango sa kanyang harapan. Pero sa kabila no'n, ramdam n'yang tumatagos pa rin ang tingin nito sa lalaking nasa kanyang likuran. "Si Daddy Calix ba ang hanap mo?" mahinahon n'yang tanong. Tumango naman ang bata at buong paghanga n'ya itong tinitigan nang makita ang labis na pagkakahawig ng ngiti nito sa babaero n'yang kaibigan. "Fvck, Sage!" Dinig n'yang napamura ng mahina si Calix, pero hindi n'ya ito pinansin. Sunod nitong ibinaling ang paningin sa babaeng nakatayo sa likuran ng bata at mas nakumpirma ang hinala nang maaninag ang lungkot na namamayani mula sa mga mata nito. "Understood," sinupil n'ya ang ngiti sa mga labi saka nilingon ang kaibigan. Kinastigo n'ya ito ng tingin dahil alam n'yang nagagawa pa ring pagpantasyahan ni Calix ang babaeng nasa harapan sa kabila ng gulong inumpisahan nito. "Let's talk about this, DADDY!" Kung kanina ay nagagawa n'ya pang ngumiti, para na itong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatayo sa harapan ni Sage. Panay na ang kagat nito sa pang-ilalim na labi habang panaka-nakang sinusulyapan ang mag-inang masuyong naghihintay sa pagbabalik nilang dalawa. "Huwag kang magtatangkang tumakas kung ayaw mong masira ang reputasyon mo," mabilis na babala ni Sage sa kanya. Tila nasemento naman ito sa kinatatayuan nang maramdaman ang mabigat na kamay ng kaibigan sa kanyang balikat. Kulang na lang magmukha siyang may stiff neck dahil hindi na nito magawang igalaw ang sariling katawan. "Can't you see? Those puffy eyes, perfectly curve lips and that pointed nose. He's undeniably yours, Calix." Nahigit nito ang hininga sa narinig. "Ibig mo bang sabihin nilaglag ako ng sarili kong tite, Sage? Impossible dahil malinaw ang usapan naming dalawa kapag naliligo ako." Bumuntong-hininga si Sage na para bang sinasabi nitong wala na siyang magagawa kung hindi kumpirmahin kung totoong anak n'ya nga ba talaga ang bata. "Can't you remember anything? Maybe, six or five years ago?" tanong ulit ni Sage. Nilingon n'ya ulit ang babae at pinagmasdang mabuti ang maamo nitong mukha, sinubukan n'yang alalahanin kung possible bang nakilala n'ya ito noon. Model kaya ito o baka naman isang artista? Pero napalunok na lamang siya ng laway nang makita ang mapupula nitong mga labi. Bahagya pa itong napapikit saka hinawi ang nagulong buhok papunta sa katamtaman lamang ang liit na tainga. "Tanglna, Sage! Hindi ko siya kayang titigan, tinitigasan ako!" usal n'ya. Sage gave him a disappointed look at para bang nagtatangka na naman itong sermonan siya dahil sa sinabi. "Kung hindi mo maalala, take responsibility and we'll ask Knight for a good plan." Laylay ang balikat na lamang siyang tumango dahil alam n'yang wala rin itong magagawa kung ang leader na ng QUATRO ang pinag-uusapan. Baka mamaya tamaan pa siya ng kidlat sa kinatatayuan kapag sinuway n'ya ito. Ramdam nito ang kagustuhan ni Sage na tulungan siya pero 'di hamak na mas matino naman kasi siya kumpara dito. Dahil sa dami ng mga babaeng dumaan sa buhay n'ya, ni minsan ay wala siyang iniwan sa ere. Umaalis lang naman ang mga itong may ngiti sa labi habang naluluha sa tuwa ang iba. Hindi n'ya gustong makasakit, kaya naman bago nito pakialaman ang katawan ng babaeng kasama ay malinaw na ditong wala sa intensyon n'ya ang makipagrelasyon. "What do you want me to do then? Saan ko sila dadalhin?" Marahan itong tinapik sa balikat ni Sage saka nagpakawala ng malalim na hininga. "Huwag na huwag mong papaiyakin ang bata kung ayaw malintikan ka ni Knight. Tandaan mo, mapapahamak ka kapag nalaman n'yang may ginawa ka na namang kalokohan habang wala siya," seryoso nitong sambit. Mabilis siyang sumang-ayon, alam n'yang trabaho at buhay n'ya ang nakasasalay ngayon. Nang makabalik silang dalawa ni Sage sa kinaroroonan ng mag-ina, tahimik na ang buong set at wala na ang mga modelong tina-target n'ya kanina. Hindi pa rin naman siya nilulubayan ng tingin ng babae na para bang may iba pa itong gustong sabihin sa kanya. "Hi, Cali!" Sinubukan n'yang ngumiti sa harapan ng bata pagkatapos sabihin ang pangalan nitong kahawig na kahawig ng pangalan n'ya. Kung hindi ba naman kasi Calixtero ang pangalan ng workaholic at masungit n'yang ama, hindi sana magiging Calixto ang pangalan n'ya. Ginawa na nga nitong Calix ang nickname para mas magandang pakinggan kapag inuungol ng mga babaeng kasama ang pangalan n'ya. May kinang ang mga mata ng batang tumingin sa kanya hanggang sa napasinghap na lamang ito nang excited na lumapit si Cali. Niyakap siya nito ng bahagya saka hinawakan sa kanang braso. Nang ibalik nito ang paningin sa babae, mas lalo lamang siyang natunaw sa kinatatayuan nang makita ang matamis nitong ngiti. Para bang tuwang-tuwa itong makita siyang kasama ang anak. Lihim na napailing si Calix dahil mas lalo itong gumanda sa paningin n'ya. Parang lalo namang nanggigil ang bagay sa loob ng kanyang pantalon dito. "And you are?" presko nitong tanong sa babae. Masuyo naman itong ngumiti saka humakbang papalapit sa kinatatayuan n'ya. "I'm Diamond Monteverde. Finally, nahanap na din kita Calix." Bahagya siyang napalunok dahil mabilis na nagsitayuan ang mga balahibo nito sa katawan dala ng pinaghalong lamig at lambing ng boses ng babae. 'Kalma, Calix! Hindi mo siya pwedeng galawin, mapapahamak ka!' Kontra ng kanyang isip. Pero tuluyang bumaba ang mga mata nito sa balingkinitang katawan ni Diamond at natulala nang makitang lumitaw ng bahagya ang cleavage nito sa suot na cardigan. Mas namangha tuloy siya sa kinis at puti ng balat nito. "Can I bring you home?" wala sa sarili n'yang sambit. Namamangha naman itong tiningala ni Calix nang mahimasmasan siya sa sinabi. "Yes, Daddy! Let's go home!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD