Chapter 6

2015 Words
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Calix pagkatapos nitong muling makiusap sa kaibigan na pagbigyan ang hinihiling n'yang advance pero imbes na pumayag, matalim na mga tingin ang iginawad nito sa kanya. "I'm done with your lies, Bastard. Alam kong gagamitin mo na naman sa pambababae ang perang hinihingi mo sa akin. Akala mo ba wala akong alam sa pambobosong ginagawa mo sa mga models ko? Fvcking sh't!" Muntik nang magsalubong ang noo n'ya ngunit wala siyang nagawa kung hindi magpakumbaba ngayon wala nang atrasan ang desisyong ginawa nito. Kailangan n'yang bumalik ng condo hawak ang salaping kakailanganin para sa gaganaping DNA test nila ni Cali. "Damn! Maniwala ka naman sa akin, dude. Hindi ba sinabi sa'yo ni Sage na mayroong babaeng pumunta sa set last week? Sinabi lang naman nito na ank ko daw ang batang kasama n'ya," wika nito para muling kumbinsihin ang kaibigan. Huminga ng malalim si Knight saka napailing na lamang sa kanyang harapan. "You're just drunk, Calix. Pasmado na nga ang bunganga mo, lumalala na rin ang imagination mo." Kung dati kinukutusan n'ya na ang mga ito sa tuwing binibiro siya, wala siyang nagawa ngayon kung hindi manahimik at bulungan ang sariling huwag sumuko. Marahas naman umiling ang kaibigan si Raziel saka mahinang natawa. "Do you want him to believe you, Calix? Mag twerk ka muna," biro nito. Sinundan n'ya naman ang tingin ng kaibigan at nasilayan ang mga sexy at magagandang babae nasa dance floor. Halos lumuwa ang mga mata n'ya habang pinapanood kung paano tumalbog ang mga pwet nito habang sumasayaw. Tanglnang twerk 'yan! "Gag0 ka talaga, Raz! Kita mo namang nagseseryoso ako dito," sabi nito saka mabilis na nag-iwas ng tingin. Malakas namang natawa sina Knight at Raizel na para bang sinadya nilang maglatag ng patibong sa harapan nito. Kahit kailan tuwang-tuwa talaga ang mga kaibigan sa tuwing natotorete ang isip n'ya. "Convince me more, akala mo ba hindi ko napapansin ang mga mata mo? How can you call that serious if you keep on staring at those bouncy brea'st and as'ses?" sabi naman ni Knight. Bumuntong-hininga siya saka muling nagsalita. "Bakit ba sobrang hirap mong kumbinsihin, Dude? Totoo ang mga sinasabi ko sa'yo," giit n'ya saka luminga-linga para hanapin ang isa pa nilang kaibigan, baka mamaya nagtatago na naman ito sa gitna ng mga babaeng nasa dance floor. "Nasan na ba kasi si Sage? Bakit hanggang ngayon wala pa rin ang witness ko? Tanglna naman." Tumaas ang sulok ng labi ni Knight. Mabilis namang kumunot ang noo n'ya dahil ramdam nitong may laman ang ngiting ipinakita nito sa kanya. "He'll be late at mas mabuti siguro kung huwag na lang siyang pumunta. Huwag mo nang idamay ang taong nananahimik sa mga kalokohan mo, bastard." Bahagya siyang natigilan na narinig at pinakiramdaman na lamang ang panginginig ng mga kalamnan dahil mukhang pinaglalaruan pa talaga siya ng tadhana o mas mabuti yatang sabihing nananadya din si Sage. Mukhang wala na siyang ibang choice kung hindi baliktarin ang eksena at asarin nang asarin ang kaibigan hanggang sa mapilitan itong ibigay ang hinihiling n'ya. "Don't be heartless, Dude. Baka mamaya hindi na pumutok ang tite mo sa sobrang sungit mo. Gusto mo ba talagang habambuhay ka nang tawaging halimaw ng asawa mo?" Bumaba ang tingin nito sa kamao ni Knight at nakitang mahigpit iyong napayukom. "Stop using my wife as an alibi. I will not give you a single penny, bastard." Napasandal siya sa kinauupuan saka ginawaran ito ng makahulugang tingin. Mariin naman ang tingin sa kanya ni Knight pero naririnig n'ya ang malulutong nitong mga mura sa tainga n'ya. "Dude naman, alam kong makalat ang tite ko at pasmado ang bibig ko pero hindi ako sinungaling. Gusto mo bang bumisita sa condo ko para makita mo silang dalawa?" Huminga ng malalim si Knight. "Why would I do that? Nakalimutan mo na bang si mom ang may-ari ng condo na tinutuluyan mo? I can confirm your sh'tty lie if I want." Mapait n'ya itong tinitigan saka tumango. Alam nitong konting tulak na lang at mauubos na ang pasensya nito sa kanya. "Bakit hindi mo gawin? Hindi naman kita kukulitin ng ganito kung hindi ako nagsasabi ng totoo." Bumaba ang tingin nito sa baso ng whiskey sa harapan ni Knight at nakitang wala ng laman ang share ng kaibigan. Masuyo naman nitong inabot ang nasa harapan n'ya saka inilapit sa pwesto nito. "Why so stubborn, Calixto?" tanong ni Knight. Lihim naman siyang napangiti nang makitang tinanggap nito ang ibinigay n'ya. Akmang dadagdagan pa sana nito ang suhol ngunit mabilis siyang natigilan nang muling sumingit sa usapan si Raz. Panira talaga ng diskarte ang assassin na ito! Asar! "Do you want me to silence him, Knight? We can pretend that we don't see him choking," anito habang matalim ang tingin sa kanya. Mabilis naman siyang napalunok dahil parang may kung anong bumara sa lalamunan n'ya nang makitang may kuminang sa mga daliri ni Raz. "Subukan mo at sasabihin ko kay Chandria ang totoo, Raz. Akala mo ba hindi ako pumupunta ng Kiss Me Naked?" anito saka mabilis na inayos ang sarili. Kung hindi lang ito sumingit baka tapos na ang misyon n'ya ngayon. Hindi naman kasi mahirap kausapin si Knight kapag napapasobra na ito ng inom. Alam na rin ng asawa nitong si Emerald na front lang talaga nito ang pagiging masungit dahil masyado itong emosyonal sa tuwing nalalasing. Mahinang natawa si Raz. "That's not enough to scare me. Gusto mo bang ihatid kita doon nang may bulak sa ilong?" Huminga siya ng malalim at sinubukang ngumiti pero mas nangibabaw ang ngiwi nito nang matawa ang mga kaibigan. Konti na lang talaga at magwawala na siya sa harapan ng mga ito. "Anak ng tite! Sobrang hirap n'yong espellengin!" bulalas n'ya at nag-umpisa nang uminit ang ulo. "Bakit kasi ngayon ka pa na-late, Sagittarius? Tulungan mo naman akong hayop ka! Ikaw naman ang dahilan kung bakit napasubo ako tapos nagagawa mo pang mag-relax na parang walang nangyari," inis nitong sambit saka napatingala na lamang sa kisame ng bar. Hindi na nito kayang magbait-baitan dahil sagad na sagad na ang pasensya n'ya. Pansin nitong bumuga ng marahas na hangin si Raz saka mabilis na lumapit sa kinaroroonan n'ya. "Forgive me, Knight. Kanina pa sumasakit ang tainga ko, he's too noisy." Matalim ang mga mata n'yang sinalubong ng tingin ang kaibigan kahit ramdam na nito ang mabigat na kamay ni Raz sa braso n'ya. "B-bitawan mo ako, Raz! Kapag pinatay mo ako ngayon maraming iiyak at hindi na natin mapapatunayan kung anak ko nga talaga ang bata. Hindi maaring mamatay ang anak ni Diamond sa puder ko," makahulugan n'yang sambit. Mariing ipinikit ni Knight ang mga mata saka tumingin sa kanya. "What do you mean?" nagtataka nitong tanong. Sinalubong n'ya ang mga mata ng kaibigan saka muling bumuntong-hininga. "Papakinggan mo na ba ako ngayon, Knight?" Kumunot naman ang noo ni Knight saka bumaling ng tingin sa kaibigang nasa tabi n'ya. "Magsalita ka na lang kung ayaw mong patahimikin ka ni Raz." "She asked me for a DNA Paternity Test, Dude. At kapag ako nga talaga ang ama ni Cali, we can proceed with the bone marrow transplant for the child's treatment. Wala naman daw siyang balak na obligahin akong maging ama ng bata, hindi din tite ko ang gusto n'ya kung hindi ang bone marrow ko," aniya gamit ang seryosong tinig. Asar itong tinitigan ng kaibigan na para bang may hindi ito nagustuhan sa mga sinabi n'ya. "How irresponsible of you, Bastard. If you're really the father, you should take responsibility for your mess." Napangiti siya. "Knight naman, kaya nga tarantang-taranta akong malaman ang magiging result ng DNA test dahil gusto ko ring mailigtas si Cali pero wala akong pera para gawin iyon. Tulungan mo naman ako, Dude. Hindi lang pera ang pinunta ko dito, handa akong aminin na mas gwapo ka sa akin para lamang malaman kung ako nga ang tunay na daddy ng bata." "Let me think about it," anito. Humugot siya ng malalim na hininga. "Gusto mo bang magbilang ako from one to ten? Dude naman, nagmamakaawa ako ngayon para sa quick decision mo." Napabuga naman ng marahas na hininga ang kaibigan nitong hindi pa rin maipinta ang mukha. "Don't you want to consult your father about this? Hindi ba ito naman ang hiniling n'ya sa'yo? Gusto n'yang matuto kang maging responsable sa buhay. I'm sure he'll help you wholeheartedly." Mas mabilis pa sa alas-kuwatro siyang napailing. "Hindi kasama ang matandang hukluban sa usapang ito, Dude. Alam mong tutulungan n'ya kami pero mapipilitan akong maging sunud-sunuran sa kanya hanggang sa mabulok ang tite ko." Nanghihina na lamang itong nagpabaya at sumandal sa dibdib ng kaibigang si Raz. "Mas mabuti pang magbenta na lang ako ng kidney kesa humingi ng tulong sa daddy ko." Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ni Knight saka napailing. "Don't do that. Baka may lumapit ulit sa'yo next month at kidney transplant naman ang hingin para sa bata." Umawang ang mga labi n'ya sa narinig. "At may gana ka pa talagang magbiro ng ganyan, Dude?" asar n'yang sambit dito. Wala namang naging tugon sa kanya si Knight kung hindi mahinang tawa na para bang sinasabi nitong possibleng sunod-sunod na ang magiging kalbaryo dahil sa pagiging babaero n'ya. "He's here, Knight." Napalingon na lamang ito bigla nang marinig ang sinabi ni Raz. "I told you not to come, right? Hindi mo ba nabasa ang message ko?" asar na sambit ni Knight sa matangkad na lalaking lumapit sa kinaroroonan nilang tatlo. Mahina naman itong natawa saka napakamot ng ulo. "Baka umiyak ng dugo si Calix, Knight. Kawawa naman ang daddy natin," anito saka puno ng pang-aasar siyang tinitigan. Kumunot ang noo ni Knight dahil sa narinig. "Daddy, huh?" Sinamantala nito ang usapan para tawagin ang kaibigan papunta sa tabi n'ya. "Urat na urat na talaga ako sa pambu-bully nilang dalawa simula kanina, Sage. Please, maupo ka na lang dito at sabihin mong totoo ang mga sinasabi ko." Sumunod sa kanya si Sage pero laking gulat na lamang nito nang maupo ito sa tabi ni Knight. "Why would I do that?" mapang-asar nitong tanong sa kanya. Lumunok siya. Muntik na ito manigas sa kinatatayuan dahil sa narinig. "Sasabihin mo o ipagsisigawan ko sa lahat na baluktot ang tite mo?" Tumingin siya sa kaliwa't kanan at pinagmasdang mabuti ang magaganda babaeng nasa sulok. Hindi siya magdadalawang-isip na tumakbo sa gitna kapag hindi ito pumayag sa kagustuhan n'ya. "Huwag kang magkalat dito, Bastard. Totoo ba ang mga sinasabi n'ya, Sage?" Para naman siyang nabunutan ng tinik nang marinig ang sinabi ni Knight. Walang ganang tumango si Sage. "Yeah, he can't deny the fact that he's the real father of Cali." Halata namang nakinig si Knight kahit hindi pa rin makapaniwala ang ekspresyon ng mukha nito. Sa wakas, mukhang magagawa n'ya na ring tikman ang alak na nasa harapan dahil mapapadali na ang usapan nilang apat. "Why?" tanong ulit ni Knight. Pansin nitong ibinalik ni Sage ang paningin sa direksyon n'ya. "The kid looks exactly like him, wala nga lang sungay ang bata, hindi tulad ng daddy n'ya." Muntik na nitong maibuga ang sinisimsim na brandy. "Putanglna, Sage. Hindi pa nga natin alam kung totoong anak ko nga ang bata. Kailangan ko lang talaga ng pera para sa DNA test at food allowance naming tatlo sa condo." Mapait na tumawa si Raz saka tumingin sa mga mata n'ya. "How can you deny it, Calix? Umamin ka na lang kung ayaw mong ibaon ko ito sa lalamunan mo." Tumikhim siya saka matalim itong tinitigan. "Manahimik ka, Raz. Hindi ko pa rin alam kung bakit kamukhang-kamukha ko ang bata, pero nakakasigurado akong hindi nawalan ng helmet ang tite ko. Putok lang ako nang putok noon dahil alam ko namang safe ang biyahe ng tam0d ko." Bumaba ang tingin ni Raz sa kaibigang si Knight saka ilang beses na napailing. Hindi n'ya maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang naging reaksyon ng mga ito dahil sa sinabi n'ya. "Can you still remember our bet five years ago, Knight? Noong inutusan mo akong butasan ang condom sa wallet ni Calix nang hindi n'ya mahahalata?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD