Chapter 3

1540 Words
"Tangina namang cocomelon 'yan! Sobrang laki, nakakagising ng tite!" Lumabi si Calix at mula sa kinatatayuan ay napahakbang papunta sa isang sulok. Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga habang hinihimas ang pinakamamahal nitong DLSR camera. Halos isang buwan na din ang nakalipas magmula noong sinunod nito ang utos ng kaibigang si Knight. Kaya naman wala siyang ibang alam gawin ngayon kung hindi ang lihim na pagnasahan ang mga modelong nasa kanyang harapan at kasama na rin doon ang panunukso nito sa makalaglag brief na fiancé ng kaibigan n'yang si Knight. "Nakakatulog ka pa ba sa lagay na 'yan, Calix? Look at your face, man. Namumutla ka na," natatawang sambit ng kaibigan nitong si Sage sabay akbay sa kanya. Mabilis n'ya namang hinawi ang kamay ng kaibigan papalayo. "Shutangina, Sage. Kapag lumapit ka sa mga babaeng 'yan mamaya, paniguradong katapusan ko na. Papatayin mo na naman ba ako sa inggit ngayong araw?" Humalakhak lamang ito saka nanunudyo siyang tinitigan. "That's exactly what I'm going to do." Mabilis na nasalubong ang magkabila n'yang kilay nang humakbang ito papalayo saka nang-iinis na kumaway sa kanyang direksyon. "Damn you, Sagittarius! Napakayabang mong baluktot ka!" muntik na nitong bulyaw sa kinatatayuan, mabuti na lang at napigilan nito ang sarili kung hindi paniguradong mapapahiya siya sa harapan ng mga modelong abala pa rin sa pag-aayos ng nitong suot mga bikini. At gustuhin man nitong lapitan ang mga naggagandahang dilag ay alam nitong bantay sarado pa rin siya kahit sabihing wala si Knight ngayon sa Goddess Realm. Paano ba naman? Kanang kamay lang naman nito ang asungot na buntot nang buntot sa mga projects na ginagawa ng team n'ya simula last month. Kung hindi siya nagkakamali, alam n'yang sarap na sarap na ang baliw na kaibigan sa kinakain nitong tahong ngayon. 'Honeymoon, huh? Napakasama mo talaga, Dude!' Naiyukom nito ang kamao habang iniisip kung bakit mas nauna pang makahanap ng maganda at ubod ng hot na asawa ang masungit at makasarili n'yang kaibigan. Hindi ba parang ang unfair naman no'n sa side n'ya? Siya itong bawal lumapit sa mga modelo, kaya naman walang siyang magawa kung hindi titigan na lamang ang mga ito mula sa lens ng hawak n'yang camera. "Do you want to save them from me, Calix?" ani Sage nang makalapit na naman ito sa kanya. Pakiramdam nito, unti-unti siyang pinupukpok ng kaibigan sa ulo. Tila ba sinusukat nito kung hanggang kailan n'ya kayang magpigil. Humugot na lamang ito ng malalim na hininga saka mas pinagbutihan ang ginagawa. Picture dito, picture doon, kahit parang dudugo na ang ilong n'ya sa tuwing umaalog sa harapan nito ang malulusog na dibdib ng mga babaeng nasa harapan. 'Kalma, Calix. Kalma! Tandaan mong nakasalalay sa pagiging masunurin ng tite mo ang buhay mo ngayon.' Sunod-sunod ang ginawa n'yang paglunok habang pinapanood kung paano tumalbog sa harapan ang nakakatakam na pwetan ng half- Australian model na kanina pa nito napapansing tingin nang tingin sa kanya. Hindi na nito alam kung papaano magpipigil nang mga sandaling iyon. Baka mamaya bigla nya na lamang itong hilain papunta sa opisina n'ya. Kung hindi ba naman siya araw-araw na sinusubok ng pagkakataon. Hanggang ang ending, kung hindi si mariang palad ang nagiging sandalan nito ay naghahanap siya ng ibang mabibiktima kahit kailangan pa nitong magbawas ng budget para lamang makapasok sa isang mamahaling erotica paradise. Nang magsabi ang production staff ng break, doon lamang bumalik sa tamang katinuan ang isip ni Calix. Pinigilan nitong bumaling sa kung saan-saan ang tingin kaya naman mas pinili nitong magpaiwan na lamang sa tabi ng camera habang kinakain ang meryenda inabot sa kanya ng staff. Baka kasi mamaya mas lalo lamang uminit ang bumbunan n'ya kapag nakita nitong masayang nakikipaglandian sa mga modelo ang kaibigang si Sage. Tila maamong tupa lang talaga sa unang tingin ang kaibigan ngunit propesyunal na ito pagdating sa pananakit ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya. He's not hurting them physically pero hindi siya humihinto hanggang sa hindi nito nakikitang wasak ang puso at luhaan ang mga nabibiktima. Calix tried to adjust his lens, pero mas lalo yatang nagwala ang alaga n'ya sa baba nang mapukos ito sa dibdib ng modelong nagpapapansin sa kanya kanina. "She's more than a handful. Baka kulangin ang isang kamay ko sa laki ng cocomelon n'ya, pucha! Wow na wow talaga! Ang gigantic ng sus0!" muli nitong bulong sa kawalan. Pero laking gulat na lamang nito nang biglang sumingit ang kaibigan sa kanyang harapan saka nagalaw ng bahagya ang posisyon ng camera nito. Malakas na tumawa si Sage. "Hindi ka ba kinikilabutan, Calix? Nagwawala na ang alaga mo sa pantalon, nagmukha ka ng batang puno ang diaper sa kinatatayuan mo." "Stop bothering me, Sage! Pamboboso na nga lang ang nagpapaligaya sa akin ngayon!" masama ang loob n'yang pagtataboy dito. Mabilis na lamang nitong ibinalik ang atensyon sa camera at muli iyong sinilip, pero napamura na lamang ito sa kanyang nakita. "Putanglna!" aniya saka mabilis na humiwalay sa hawak. Kulang na lang mapadasal ito at sign of the cross sa kinatatayuan. Ilang beses n'ya ring kinurap-kurap ang mga mata saka napabuntong-hininga para magising sa tila bangungot na nakita n'ya. Nananaginip ba siya ng gising o baka naman may nangtritrip na naman sa kanya? "What happened, Calix? Are you going crazy?" sabi ni Sage saka pinalitan ito ng pwesto. Mabilis siyang lumapit sa camera para tingnan kung anong dahilan nang biglang pagkabalisa ng kaibigan. Imposible kasing mamutla ito kung magandang babae lang naman ang nakita nito mula sa camera, dapat napapamura na sa sarap ng view ang manyak n'yang kaibigan ngayon. Nanatili na lamang itong tahimik habang pinagmamasdang mabuti ang isang maganda at balingkinitang babaeng may buhat na batang lalaki. Ngumiti pa ang bata nang mapansin nitong kinunan n'ya sila ng litrato. "Calix?" Tulalang humarap sa kanya ang kaibigang parang binagsakan ng langit at lupa. "Bakit kamukhang-kamukha mo ang batang lalaking 'yon?" Nahimasmasan si Calix dahil sa narinig nitong untag ni Sage. Inikot n'ya ang paningin sa set saka napabuntong-hininga. Ramdam pa rin nito ang panginginig ng mga tuhod n'ya dahil sa nakita. "Aba! Malay ko!" bulalas n'ya dito. Ngumisi naman si Sage saka sinalubong ito ng makahulugang tingin. "Hindi kaya anak mo ang batang iyon? Calix na Calix kasi talaga kahit saang anggulo ko tingnan, ang cute pa nitong ngumiti parang ikaw na ikaw." Mabilis n'yang hinawakan ang camera saka binuhat palayo. "Hindi magandang biro ang mga sinasabi mo, Sagittarius. Ni minsan hindi pumalya ang mga putok ko, at palagi kayang naka-helmet ang tite ko. Imposibleng magkatotoo ang akala mo. Maling akala 'yan, maniwala ka sa akin." Humugot siya ng malalim na hininga saka mabilis na iniwan ang kaibigan. Nagtungo na lamang ito sa next set ng photoshoot at baka mamaya ay mas lalo pang humaba ang usapan nilang dalawa kapag nanatili siya sa tabi nito. Lumapad ang ngisi n'ya nang makitang mas dumami ang mga modelong nakasuot ng revealing lace nighties sa kanyang harapan. Sa mga oras na iyon, naguguluhan na siya kung nasa lupa pa ba ito o baka naman dinala na siya ng bangungot na nakita n'ya kanina sa impyerno. Damn! Bumalik lamang ito sa reyalidad nang makita ang mga modelong nakasuot ng simple but alluring white sleep wears sa kabilang side ng set, mukhang langit naman ang napuntahan n'ya sa mga oras na ito. Lihim na lamang siyang napangiti saka napabuntong-hininga. Mukhang matutulungan ng view na mawala ang stress n'ya mula sa nakita kanina. Ni minsan kasi ay hindi siya nagsawa sa concepts ng De Luxe Luna dahil alam nitong unique at ang sarap sa mata ng dark and sweet maria clara collection ng mag-asawang Fierro. Mas sumarap pa itong tingnan dahil sukat na sukat sa katawan ng mga modelo ang suot nilang outfits, parang umulan tuloy ng dyosa sa harapan n'ya. "Good job everyone! That's all for today's photoshoot!" Napailing na lamang ito nang dumating na ang katapusan ng maliligayang araw n'ya. Hindi nito namalayan ang oras dahil walang ibang laman ang isip n'ya kung hindi ang mga babaeng kinukunan nito ng litrato. Halos sumabog na rin ang pantalon n'ya habang inaaalala ang nakakatulo ng laway na korte ng mga katawan nito. Mukhang kailangan na naman n'yang humanap ng paraan para kontrolin ang rumaragasang libido mamaya. "Excuse me, Mr. Miller. Someone wanted to talk to you," ana ng staff na mabilis lumapit sa kanya habang nag-aayos ito ng camera. Hindi naman siya nagdalawang-isip na sumunod dito at baka mamaya ay gumawa mismo ng paraan ang banyagang modelong iyon para makausap siya ng masinsinan. 'Oras na para sumalisi habang nakatalikod ang demonyong si Sagittarius.' anito saka mahinang napagagikgik habang naglalakad. "Nakiusap po siya kanina kung pwede daw n'ya kayong makausap kahit sampung minuto lang," malambing nitong sambit nang marating nila ang pinakasulok ng silid. Napamura na lamang si Calix sa kaniyang isipan nang bumulaga sa harapan nito ang batang lalaking kamukhang-kamukha n'ya. Kasama pa rin nito ang magandang babaeng kung hindi siya nagkakamali ay ina nito. Masyado naman kasi itong sexy at maputi para maging isang yaya. At ang malala pa doon, gumuhit pa ang isang kiming ngiti sa mapupula nitong labi. "Calix..." Fvck! Nanginig na lamang ang mga kalamnan n'ya nang marinig ang nakakaakit nitong boses. Mabilis namang kumawala sa pagkakahawak nito ang bata saka excited na tumakbo papalapit sa kanya. "DADDY!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD