Chapter 26

1457 Words

Hindi pa man nakakapasok sina Calix sa rest house na pagmamay-ari ng kaibigan, nagulantang na ito nang salubungin sila ng tatlong nagtatangkaran at naguguwapuhang mga lalaki. "Anong ibig sabihin nito, Dude? Bakit kumpleto ang QUATRO?" puno ng pagtatakang tanong ni Calix sa kanilang leader. Binaling n'ya ang paningin sa nakangiting si Sage habang nanatili namang walang ekspresyon ang mukha ni Raz na kasalukuyang nakasandal sa isang sulok at nakatingin sa kanila. "Daddy, sino po sila?" Humugot siya ng malalim na hininga dahil maging si Cali ay nagtataka na rin kung bakit may mga taong sumalubong sa paglilipat-bahay nilang tatlo. Binitawan nito ang hawak na dalawang luggage at yumuko sa harapan ng anak. "Don't be scared, okay? Nakikita mo ba 'yang naka-itim na lalaki?" anito saka dinuro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD