Chapter 25

1184 Words

"Mommy..." Tarantang tinalikuran ni Diamond ang niluluto n'ya nang marinig ang mahinang boses ng anak. Muntik na siyang maluha sa takot na baka may nararamdaman na naman itong mali sa katawan. "Yes, baby?" Pinuno n'ya ng hangin ang dibdib dahil para siyang nabunutan ng tinik nang makita itong nakatayo sa kanyang likuran. Malungkot man ang ekspresyon ng mga mata ni Cali ngunit nagawa naman nitong pakalmahin ang sistema n'ya. Ilang segundo ring natahimik ang anak bago ito nag-angat ng tingin sa kaniya. "Mawawala po ba ulit si daddy, Mommy?" ani Cali habang may namumuo ng luha sa mga mata. Inayos n'ya ang suot na duster at maingat na sinapo ang magkabilang pisngi ng anak na alam nitong anumang oras ay maluluha na sa kanyang harapan. "Bakit mo naman nasabi 'yan, Baby? Nasa room lang nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD