MABAGAL at tahimik ang mga hakbang na ginawa ni Calix nang magawa nitong makapasok sa sariling condominium unit. Pinagmasdan nito ng mabuti ang suot na wristwatch at nakitang pasado alas-onse na rin pala ng gabi. Marahil, kanina pa tulog ang mag-inang pinangakuan nitong sasabayan n'yang kumain ng hapunan pagkatapos nitong magawa ang pakay sa kaibigang si Knight. Kahit papaano, naging successful naman ang plano n'ya at alam nitong magagawa na nila ang DNA Paternity Test sa lalong madaling panahon. Pero sa kabila ng maingat na mga hakbang nito papunta ng sala, laking gulat na lamang ni Calix nang makita nitong tahimik na nakaupo sa sofang tinutulugan n'ya si Diamond. Huminga siya ng malalim at ilang beses ding kinurap-kurap ang mga mata para siguraduhing totoo ang kanyang nakikita ngunit