Lust 02: Her Ex-Boyfriend

1366 Words
Celestine's Point of View Ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Kung wala lang akong makapitan ay paniguradong kanina pa ako bumagsak sa sahig. Nanginginig ang aking mga kamay at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. I can't help but to question the heavens why is it happening to me. "S-Soul..." sambit ko kaya napatingin sa akin si Sarah habang nakakunot ang noo. "You know him?" tanong niya. "Yes," mabilis kong sagot bago tinapunan ng tingin ang lalaki. He's just looking at me with his neutral, bluish eyes. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Sa tingin ko'y gaya ko ay nabigla rin siya. Inalis ko ang tingin ko sa kanya bago pa man mag-isip ng kung ano ang kapatid ko. "Sino ba namang hindi makakakilala sa isang Amorsolo Consunji, Sarah?" baling ko sa kapatid ko. Nginitian ko siya para itago ang kaguluhang nararamdaman ko. "He's one of the youngest richest business tycoons in the Philippines and has been featured in magazines for the past year," pagrarason ko. Well, wala namang mali sa sinabi ko dahil 'yon naman talaga ang totoo. Tagapagmana siya ng isang conglomerate company noong naging boyfriend ko siya. Wala namang tutol sa relasyon naming dalawa, it's just I feel like I will not get any closer to my dreams if I stick with him. Masyadong komplikado ang buhay niya at ayokong madamay. Boyfriend ko pa lang siya pero ang dami ko nang hindi pwedeng gawin dahil baka makaapekto sa image niya. He was building his reputation that time, and as someone who wants nothing but best for him and also for myself, I decided to leave him. Naghahanap lang talaga ako ng mabigat at valid na rason para iwan siya noong mga panahong 'yon dahil sa tingin ko ay magiging mantsa lang ako sa imaheng binubuo niya. Timing din na nagustuhan ng isang sikat na clothing brand ang portfolio na ipinasa ko at inimbitahan nila akong magtrabaho sa Paris. Agad ko iyong tinanggap dahil liban na rin sa gusto kong lumayo kay Soul, ay pangarap ko rin talagang maging isang designer. Akala ko ay hindi na muling magtatagpo ang landas namin dahil magkaibang daan na ang tinatahak namin. Pero tunay ngang mapaglaro ang tadhana. Pinagtagpo kaming muli at sa mas komplikadong sitwasyon pa. Sa tingin ko'y karma ko na rin ito. Inilihim ko kasi sa pamilya ko ang relasyon namin ni Soul. Gumagawa ako ng alibi sa tuwing lalabas kami para mag-date. I lied multiple times just to be with him. Isa rin 'yon sa mga pinaghugutan ko para iwanan siya. And now, my lies are getting back to me. Kung sana'y ipinaalam ko sa pamilya ko ang tungkol sa amin, hindi sana siya ang fiancé ni Sarah ngayon. "Ate?" I got back to my senses when I heard Sarah's call. Hilaw akong napangiti sa kanya bago ako tumalikod. "Give me a few minutes to change. Nakakahiya namang humarap sa fiancé mo na ganito lang ang suot ko." Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. I ran my way up to my room. Pagkapasok na pagkapasok ko ay tuluyang nanghina ang mga tuhod ko hanggang sa napaluhod ako sa sahig. Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko ang bigat na nakabalot dito. Kinakapos ako sa hangin kaya huminga ako nang malalim. I need to grasp the situation as quick as I can. Kailangan kong mag-adjust agad-agad bago pa man makahalata si Sarah. At isa pa, five years na magmula nang maghiwalay kaming dalawa. I am pretty sure he has finally moved on. Yes, hindi 'yon impossible. Baka nga hindi lang si Sarah ang babaeng dumaan sa buhay niya, eh. I bet there's a line of women before he decided to tie the know with my sister. Wait, alam ba niyang kapatid ko si Sarah? No, no. It's impossible. Hindi ko siya ipinakilala sa pamilya ko. I didn't give him any details about my family either. Halos mapatalon ako sa gulat nang sunod-sunod na katok ang narinig ko sa aking pinto. "Ate?" Pinilit kong tumayo para pagbuksan ng pinto si Sarah. Sinalubong niya ako nang malungkoy na ekspresyon. "Are you mad at me for what I did?" tanong niya sa akin. Agad akong umiling. "No," mabilis kong tugon. "I was just a bit surprised. Hindi lang talaga ako nakapaghanda," pagsisinungaling ko. "Y-You should have told me para naman nakapag-prepare din ako ng makakain natin." "If that's what you're worrying about, then no need. We actually came here to fetch you. Soul made a reservation for the three of us in his friend's restaurant," tugon niya sa akin bago ngumiti. She hugged me again befor she whispered, "Sobrang na-miss talaga kita, ate. I am glad you're finally here." Niyakap ko siya pabalik. "Alangan namang hindi ako umuwi, 'di ba? You completely surprised me about your plans!" sagot ko bago hinampas ang braso niya. I pulled away from our hug. "Bakit hindi mo sinabi sa akin, ha?!" "Well, I wanted to suprise you nga," giit niya. "You did," segunda ko naman. I tried flashing a genuine smile, sana lang ay hindi magmukhang pilit na ngiti pagdating sa kanya. "Sorry," aniya bago ngumisi. "But I am not really that sorry, kasi sobrang saya ko dahil nakauwi ka na finally. At isa pa, ikaw rin ang magde-design ng wedding gown ko," pahabol niya. "Yes, and I'll be here all throughout the preparation of your wedding to make sure it will be a big success," paninigurado ko sa kanya. "Hands on ko ring gagawin ang gown mo. Iyon na ang magiging regalo ko sa 'yo." "Thank you, ate. Yore's the best sister in the world!" Muli niya akong niyakap pero saglit lang 'yon dahil nagpaalam na siya na bababa na siya at ayaw niyang iwan si Soul doon. Nang muli kong isara ang pinto para magbihis ay hindi ko napigilang maihilamos ang mga kamay ko dahil sa labis-labis na frustration. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Things have escalated way too fast. Ni hindi ko naihanda ang sarili ko kahit isang porsyento man lang. Napailing na lang ako bago ako namili ng damit na susuotin. Nang matapos akong maghanda ay bumaba na ako. "Sarah, I'm done," tawag ko sa kapatid ko at sabay pa silang tumingin ni Soul. Pansin ko ang titig ng lalaki kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Itinuon ko na lang kay Sarah ang atensyon ko at pilit kong inisip na siya lang ang kasama ko. "That's great. Tara na?" tugon nito. Nauna na itong lumabas kasabay ang nobyo niya. Sumunod lang ako sa kanila at sinigurado ko talagang may distansya sa pagitan namin. Pero wala rin pala 'yong silbi dahil hinintay ako ni Soul sa harapan ng mamahalin niyang sasakyan para pagbuksan ng pinto. "Thank you," kaswal kong sambit sa kanya bago ako yumuko. Papasok na sana ako nang bigla siyang bumulong, "I'm glad to see you again, Cea." Nanigas ako nang tawagin niya ako sa aking palayaw na siya mismo ang gumawa. Cea is short for Celestine Amor. Hindi ko siya pinansin. Nagkunwari akong walang narinig. Pumasok na ako na para bang walang epekto ang ginawa niya kahit na sa kaloob-looban ko ay halos magwala na ako. Cea. Isang salita lang ang binitiwan niya pero kayraming alaala ang nagbalik. Naikuyom ko na lang ang aking mga kamay at nakagat ko ang mga labi. "You need to get your sh!ts together, Celestine," bulong ko sa sarili ko. Kung pwede ko lang sampalin ang sarili ko ay ginawa ko na para bumalik ako sa senses ko at mawala ang epekto ng simpleng pagtawag ni Soul sa palayaw ko. Limang taon na ang nakakalipas pero bakit parang kahapon lang nang huli niya akong tawagin gamit ang pangalang 'yon? Umiling ako at kinurot ang aking sarili. I need to wake up; kailangan ko nang kalimutan ang nakaraan naming dalawa. Hindi na ako ang nobya niya, kundi ang kapatid ko na. And they will be married a few months from now. Hindi ko tuloy maiwasang mapailing sa sitwasyon ko ngayon. Up until now, ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayaring gumulantang sa tahimik kong buhay. I still find it absurd to have my ex-boyfriend become my brother-in-law.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD