Celestine's Point of View
"You're getting married?!" Hindi ko napigilan ang paglakas ng boses ko nang marinig ko ang sinabi ni Sarah. Napatingin tuloy sa akin ang mga tao. Namula ako sa hiya at agad na pumasok sa aking opisina. "How the hell did it happen, Sarah? Wala akong nabalitaang may boyfriend ka!" muli kong sigaw sa kanya. Nahilot ko ang aking sentido dahil biglang sumakit ang ulo ko.
"Well, I wanted to surprise you, and I am glad gumana," sagot niya at humagikhik pa. "Huwag kang masyadong ma-shock diyan at baka atakihin ka sa puso."
Huminga ako nang malalim dahil para talaga akong aatakihin sa puso. Sino ba naman ang hindi, 'di ba? Halos tatlong taon akong walang balita tungkol sa love life ng nag-iisang kapatid ko pagkatapos ngayon malalaman ko na lang na engaged na siya? Ano 'yon, magic?
"Sarah, this is not a good joke, okay?" mahinahon kong sabi sa kanya. "If this is one of your pranks, stop it already."
"I'm really serious this time, ate. Ikakasal na kami six months from now," aniya at tila hihimatayin yata ako sa bilis ng mga pangyayari.
Napahawak ako sa aking ulo bago mariing umiling. "No. You can't get married nang hindi ko nakikilala kung sino 'yang papakasalan mo," sambit ko sa kanya. "Uuwi ako ng Pinas sa lalong madaling panahon. Kailangan kong makilala kung sino 'yang mapapangasawa mo."
"Well, kailangan mo talagang umuwi. Para saan pa't naging designer ka kung hindi ikaw ang gagawa ng wedding gown ko," sagot niya sa akin. "Sabihan mo ako kung kailan ang flight mo para masabihan ko rin ang fiancé ko. He's quite the busy man, you know."
"I'll be there as soon as possible. Sige na, ibababa ko na ang telepono dahil marami pa akong kailangang asikasuhin," sambit ko bago ibinaba ang telepono.
---
Hila-hila ang isang malaking maleta ay binagtas ko ang daan palabas ng NAIA. Hindi ko mapigilang mapapikit nang maanghap ko ang hangin ng Pilipinas. It's been five years since I left; hindi ganoong katagal para sa karamihan pero sapat na para sa akin na ma-miss ko nang husto ang bayang sinilangan ko.
Limang taon na magmula nang gawin ko ang pinakamabigat na desisyon sa buong buhay ko—ang iwan ang lahat dito sa Pilipinas para sa career ko. Hindi ko kayang bitawan ang offer na nakuha ko sa isang malaking kumpanya sa Paris at hindi ko pinagsisihan ang desisyon kong 'yon. Dahil doon ay natupad ko ang pangarap kong maging isang sikat na designer. I have worked with some famous celebrities and filthy rich individuals across the globe. Dahil doon ay mas rumangya ang buhay ko at ng nag-iisang pamilya ko, ang aking kapatid. I was able to finance her business and now, it's one of the fastest growing cosmetic brands in the Philippines.
Tinanggal ko ang balabal at suit na suot ko nang tuluyan akong makalabas bago pa man ako maligo ng pawis. Agad akong nagpalinga-linga para hanapin ang signboard na dala ng driver ng kapatid ko. At hindi rin naman ako nahirapan dahil ako lang naman ang may pangalan doon na Celestine Amor Mendez. Nilapitan ko ang driver ni Sarah na nasa mid-forty's na yata.
"Good morning, ma'am; welcome back to the Philippines," magalang na sambit ng driver kahit na matigas ang pag-i-ingles niya. "Ako po pala si Leonardo, ang driver ni Ma'am Sarah."
Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Good morning din ho. Tara?" aya ko sa kanya dahil gusto kong makarating agad sa bahay ng kapatid ko dahil kulang pa ako sa tulog.
"Yes po," tugon niya bago kinuha sa akin ang maleta at isinilid sa compartment ng sasakyan. Pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat.
Binuhay na niya ang makina ng sasakyan. I put on my wireless earphones at nakinig ng music para makatulog nang mas matagal. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog.
Nagising lang ako nang gisingin ako ni Mang Leonardo. "Nandito na ho tayo, ma'am."
Tumango ako saka tumingin sa labas. Nang makita ko ang bahay ng kapatid ko ay hindi ko mapigilang mapangiti. This beautiful modern house used to be a small two-storey house before I left. Pamana pa ito sa amin ng namayapa naming mga magulang. Kung nakikita lang nila ang hitsura ng bahay ngayon, sigurado akong abot-langit ang saya nila.
Agad kong tinawagan ang kapatid ko pero hindi siya sumasagot. I kept on calling her hanggang sa hindi na siya ma-reach. Mukhang pinatay niya ang telepono niya. Bumaling na lang ako kay Mang Leonardo, "Manong, alam mo ba nasaan ni Sarah?"
"Sa pagkakaalam ko po, ma'am, ay may meeting sila ngayon. Iyon ang sinabi sa akin ng sekretarya niya kanina nang ihatid ko ito sa opisina," tugon niya kaya tumango na lang ako.
"Gano'n ba?" sambit ko bago lumabas ng sasakyan. "Pakisunod na lang ng gamit, ha? Salamat."
Tumuloy na ako sa loob ng bahay. Sinalubong ako ng isang kasambahay na ka-edad lang yata ni Mang Leonardo.
"Good morning, Ma'am Celestine; ako po si Rosa," pagpapakilala niya.
"Good morning, Manang," tugon ko sa kanya at ngumiti. "Alam mo ba kung saan ang kwarto ko?"
"Yes po, ma'am. Nasa taas po. Pero bago po kayo tumuloy, baka gusto n'yo po munang kumain?" alok niya sa akin pero umiling lang ako. I already had my breakfast during my flight.
"Salamat po, pero busog pa ako, eh," tugon ko sa kanya bago ako umakyat sa hagdanan. "Mamaya na lang ho ako kakain pagkatapos kong matulog," dagdag ko bago inilibot ang mata sa buong bahay.
Cream and coffee ang tema ng bahay. I think Sarah's interior designer used the Nordic style in designing the whole house. It's minimalist that's why it is soothing in they eyes. Kung may mga hindi man nagbago sa interior ng bahay, 'yon ay ang mga larawan namin kasama sila mama at papa. Some photos are even enhanced and printed in massive frames. Hindi ko tuloy maiwasang ma-miss nang husto ang mga magulang ko.
Nang marating ko ang second floor ng bahay ay hindi na ako nahirapan pang mahanap ang kwarto ko. There are only two rooms here; both are massive and spacious. Ang isang pinto ay naka-lock at ang isa naman ay hindi at may pangalan ko pang nakadikit. Pinihit ko ang pinto at bumungad sa akin ang maaliwalas na kwarto. Kulay beige at puti ang interior ng kwarto ko. Katapat ng kama ang isang malaking pintuan kung saan kita ko ang view ng garden ng bahay.
Pero hindi ko na muna nilibot ang silid. Nang makita ko kasi ang kama ay tila naramdaman ko ulit ang antok at pagod ko. Ang dami ko pa kasing ginawa at f-in-inalize na designs bago ako pinayagang umuwi ng boss ko. Kaya naman dali-dali kong itinapon ang sarili ko sa malambot na kama. At ilang sandali pa ay hinila na ng antok ang aking kamalayan.
---
Alas dos nang hapon na nang magising ako. Kumakalam na rin ang sikmura ko kaya nagdesisyon akong bumangon at magbihis ng pambahay bago pumunta sa baba para tingnan kung may makakain ba ako. Pagkababa ko ay nadatnan ko si Manang Rosa na nanonood ng telebisyon. Pagkakita niya sa akin ay dali-dali siyang tumayo at papatayin na sana ang TV nang pigilan ko siya.
"It's okay, manang. You can continue watching," nakangiting sambit ko sa kanya. "Deserve mo ring magpahinga," pahabol ko pa bago ako dumiretso sa kusina bago pa man siya magsalita ta magtanong kung ano ang kailangan ko.
Wala na akong balak abalahin siya dahil kaya ko namang magluto para sa sarili ko. Agad kong tiningnan ang ref at naghanda ng mga sangkap sa lulutuin kong carbonara. Plano ko ring damihan na lang dahil alam kong paborito din ito ni Sarah; at para na rin isali si Manang Rosa at Manong Leonardo.
Simula kasi nang magpunta ako ng Paris para tuparin ang pangarap kong maging designer ay natuto na akong maging independent at gawin ang mga bagay na nakalakihan kong ginagawa ng kasambahay namin dati at ng namayapa kong ina.
Habang nagluluto ako ay hindi ko maiwasang maalala ang kabataan ko dahil sa kusina rin kami halos nagba-bonding na mag-iina. I'm glad that Sarah followed my request to preserve the kitchen's interior as best as she can. Pati na rin ang hindi gaanong pagpapalaki ng bahay ay ginawa niya. With her money, she can build a mansion already, at gano'n din naman ako. Pero for what? Ang malaking bahay ang siyang nagiging dahilan para magkaroon ng distansya ang bawat miyembro ng pamilya. That's what our late mother told us. Kung gusto ni Sarah ng mas malaking bahay, then she can build her own separate house.
Matapos kong magluto ay nagsandok na ako ng pasta sa dalawang plato—isa para sa akin at isa naman para kay Manang. Sinabayan ko na rin siya sa panonood ng telebisyon dahil mukhang matatagalan pa naman si Sarah bago siya makauwi rito. I bet she'll be home at five or even later.
Habang nanonood kami ng telebisyon ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Agad na napatayo si Manang at kita ko ang pagkataranta niya. "Saglit lang po, ma'am, ha? Buksan ko lang."
"Sino 'yang dumating, manang?" tanong ko pero hindi na niya ako nasagot dahil kumaripas na siya ng takbo papunta sa pintuan.
Nagkibit-balikat na lang ako bago ibinalik ang atensyon sa pinapanood ko. Pero muli akong napatingin sa pintuan nang marinig ko ang boses ng kapatid ko. "Nasaan si ate?"
Agad akong napatayo para sana ay salubungin siya pero natigilan ako nang mahagip ng mata ko ang isang matangkad at matipunong lalaki na nakasunod sa kanya. Hindi ko pa maaninag nang maayos ang mukha nito dahil natatabunan ito ng dahon ng halaman.
"Ate!" rinig kong tili ni Sarah bago siya patakbomg lumapit sa akin at niyakap ako. "Na-miss kita nang sobra!"
Niyakap ko siya pabalik. "I missed you, too," bulong ko at hindi napigilan ang mapangiti. Pero agad din 'yong nawala dahil napalitan ng hiya. Agad akong kumawala mula sa pagkakayakap niya at pinaningkitan siya ng mata.
"What's with the look?" inosenteng tanong niya sa akin.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at pasimple siyang kinurot sa tagiliran kaya napahiyaw siya. "Who's that man?" tanong ko habang pilit na sinisipat ang kasama niya pero hindi ko talaga maaninag.
"My fiancé?" alanganing tugon niya kaya mas diniinan ko ang pagkakakurot sa kanya. "Ate, stop!"
"Why didn't you tell me? Tingnan mo nga ang ayos ko, Sarah!" pabulong kong sumbat sa kanya at pinandilatan pa siya ng mata. "Tell him to wait a little longer. Magbibihis lang ako ng presentableng damit," sambit ko at akmang aakyat na sana nang tawagin ng kapatid ko ang lalaki.
"I wanted to surprise you, okay?" aniya bago tumingin sa likuran niya, "Babe, come in and meet my ate!"
Agad akong bumaling sa kanya para sana muli siyang kurutin nang matigilan ako. Saktong-saktong pagharap ko sa direksyon ni Sarah ay siyang pagpasok ng nobyo nito. Nanlaki ang aking mga mata at tila may bumara sa aking lalamunan. Hindi ko magawang makapagsalita. Tila tumigil ang mundo ko.
Amorsolo 'Soul' Consunji, isang bilyonaryong business tycoon; gwapo, matangkad, matipuno, may lahing banyaga; at higit sa lahat, ang dati kong nobyo na iniwan ko para sa mga pangarap ko.