Lust 03: His First Move

1556 Words
Celestine's Point of View "So how's life in Paris, ate?" tanong sa akin ni Sarah. Lumingon siya sa kinaroroonan ko kaya sinalubong ko rin ang mga titig niya. Ngumiti ako sa kanya, "I'm having so much fun. At hindi lang naman sa Paris umiikot ang mundo ko, you know that," tugon ko sa kanya. I made sure na narinig 'yon ni Soul. Gusto kong maisip niya na wala na talaga siya sa buhay ko; na parte na lang siya ng kahapon ko. "Yeah, I know that. Alam kong halos naikot mo na ang mundo; but that's not the point of my question. Ang gusto kong malaman ay kung mag boyfriend ka na ba," pagtatama niya bago ngumisi sa akin. "I'm sure maraming nagkakandarapa sa 'yo." "I'm too busy for a relationship, Sarah. At isa pa, hindi pa ako handa. Ayoko muna ng ibang iisipin bukod sa trabaho ko," pagrarason ko. Ang totoo niyan, maraming nanligaw pero wala talaga akong interes. It's like my heart is waiting for someone in particular. "How about one night stands?" tanong niya sa akin bago humagikhik. "Are you sure you should be asking me that in front of your boyfriend?" tanong ko sa kanya at pinaningkitan siya ng mata. Alam kong nakikinig lang sa usapan namin si Soul. "I don't mind, Miss Celestine," Soul replied. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking telepono nang marinig ko ang boses niya. He sounds way more mature than the last time I heard him. "I am actually having fun listening to your conversation," dagdag niya pero hindi ko maramdaman ang 'having fun' na sinasabi niya. Ni wala nga siyang reaksyon, eh. Nasa daan lang ang mga mata niya. "See, it's okay," segunda naman ni Sarah. "At isa pa, ate, we are no longer kids to avoid that conversation," giit niya pa at ngumisi nang malapad. "Tell me, did you have one night stands?" Hindi ko alam kung bakit nag-alangan akong sumagot. I even throw Soul a look to see kung ano ang reaksyon niya, pero hindi ko ito makita. "W-Well, yeah sort of," sagot ko bago ako napakapit sa upuan ko nang biglang prumeno si Soul. "Sorry. May biglang nag-overtake," sambit niya. "Be careful sa pag-drive, babe," sambit ni Sarah bago muling lumingon sa akin. "Ate, mamaya na lang tayo mag-usap. Mukhang nadi-distract sa atin si Soul, eh." Tumango lang ako sa kanya at tumahimik. Mabuti na rin na gano'n, dahil ang awkward na pag-usapan ang ganoong bagay sa harap mismo ng ex-boyfriend mo na magiging in-law mo na sa susunod na mga buwan. --- Huminto kami sa isang sikat na restaurant, and I was surprised to know that the whole place was reserved just for us. I don't know if he is just flaunting his riches, but damn, he's one hell of a filthy rich man. Sobrang laki ng magagastos sa pagpapa-reserve ng high-end restaurant, but it seems like he doesn't care at all. Barya lang siguro sa kanya ang nagastos niya. "Good evening, ma'am, sir," bati sa amin ng isang babae. Kitang-kita ko kung paano niya pinasadahan ng tingin si Soul. Hindi ko tuloy napigilan ang pagtaas ng kilay ko dahil may halong pagnanasa ang tingin niya. "This way, please." Sumunod kami sa kanya at napatango na lang ako nang makarating kami sa table namin. I can say that every penny he spent was all worth it. Sobrang elegante ng set-up. May mga musician pa nga 'di kalayuan sa lamesa namin. The ambiance of the place shouts nothing but luxury. Idagdag mo pa ang chandelier na kulay ginto ang inilalabas na liwanag. Soul pulled our seats for us. Una niyang pinaupo ang kapatid ko bago ako. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ko ang daliri niyang dumampi sa balikat ko. Sigurado akong sinadya niya 'yon. Ramdam ko ang marahang pagsundot niya sa akin. Iyon lang ang ginawa niya pero ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib. Agad akong napatingin kay Sarah, at mukhang hindi naman niya napansin 'yon kaya nakahinga ako nang maluwag. Maya-maya pa ay may lumapit na sa aming waiter at nagbuhos ng champagne sa mga baso namin. Sumunod ang isa pang waiter na kinuha ang orders namin from appetizers to main course. "So..." Sarah clapped her hands as soon as the waiter left with our orders. Tumingin ako sa kanya at sinalubong niya ako ng ngiti. "Alam kong kilala mo na ang fiancé ko, ate, but let me introduce him to you, formally," aniya bago nilingon si Soul. "No need, Sarah. I already know everything I wanted to know from him," pigil ko sa kanya at ngumiti. "Why don't you just tell me how you met each other?" "That's a great idea," segunda niya sa akin at ngumiti. "Well, Soul and I met in a bar; typical setting gano'n. Then I approached him," aniya. I was about to react pero itinapat niya ang kamay niya sa akin para pigilan ako. "Let me continue muna, okay?" Tumango lang ako sa kanya bilang tugon. Pilit kong pinigilan ang sarili kong mag-react dahil sa mga pinagsasasabi niya. The way she told me their love story, I can tell that it was Sarah who made the first move. It was her who chased after him. "Well, I kind of hated her at first," pagsali ni Soul sa usapan. "Yes, totoo 'yon," segunda ni Sarah. "Prinangka niya pa nga ako rati na tigilan ko siya. He told me I was a nuisance and I am bothering the hell out of him," dagdag niya pa at napailing. "But look where we are now; we are getting married—cold hottie and the nuisance lady." Gusto kong ngumiwi sa huling sinabi niya—ang corny. Pero hindi ko na lang pinahalata dahil baka masira ko pa ang mood. "So, why did you hide it from me?" tanong ko at tinaasan sila ng kilay. Iyon talaga ang gusto kong malaman. Ilang beses ko nang naiisip kung ano ang dahilan. Dahil ba sa kapatid ko si Sarah at ex ko si Soul? Alam ba ni Sarah na ex ko ang fiancé niya? Gulong-gulo ako kaya kailangan kong maliwanagan. "It was my idea," sabat ni Sarah. "Soul wanted to tell you the moment we became official but it was me who told him to keep it muna. I wanted to make sure na siya na talaga bago ko sabihin sa 'yo, at para hindi mausog," pabirong pahabol niya bago ngumisi. Magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong may pumatong sa paa ko, at sapatos 'yon ni Soul. Tiningnan ko siya. He is acting as if he is not doing anything weird at all. Nagagawa pa nga niyang makipag-usap sa kapatid ko habang hinahagod niya ang binti ko gamit ang paa niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa magkahalong inis at pagkalito. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya at kung bakit niya ginagawa ito sa akin. Napatayo ako nang maramdaman kong umaakyat na papunta sa gitna ng hita ko ang paa niya. Napatingin pa silang dalawa sa akin ni Sarah. Gusto ko siyang suntukin dahil para talagang wala siyang alam sa nangyayari. "What's the matter, Miss Celestine?" he asked. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng ngisi. "N-Nothing," sambit ko ba lang. "Banyo lang ako," paalam ko bago mabilis na umalis at hinanap ang banyo. Pagkapasok na pagkapasok ko ay malakas at malutong akong napamura. Nahilot ko ang sentido ko dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. What is he thinking?! Paano kung napansin 'yon ni Sarah? Napakapit na lang ako sa aking buhok bago huminga nang malalim. I need to calm down and act natural. Siguro ay didistansya na lang ako sa gawi niya para hindi niya ako maabot. Tatabi na lang ako kay Sarah. Nang mahimasmasan ay nagdesisyon na akong bumalik. Pero pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong ako ni Soul. Seryoso siyang tumitig sa akin. His deep blue eyes stared at me as if he has something to say. At bago pa ako malunod sa mga titig niya ay nag-iwas na ako ng tingin. "W-What are you doing here?" tanong ko. I tried to sound as casual as possible. Hindi siya sumagot sa akin, bagkus ay humakbang siya paharap. Napaatras ako hanggang sa mapasandal ako sa pinto ng banyo. At hindi ko napigilan ang paninigas ng katawan ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mainit at mabangong hininga sa aking leeg. Ramdam ko ang unti-unting panghihina ng aking mga tuhod dahil sa lakas ng hila ng presensya niya. Hindi pa rin siya nagbabago ng pabango. He is still using the brand I recommended to him when we were still together. "E-Excuse me," sambit ko nang mapagtanto kong hindi kanais-nais ang sitwasyon at posisyon namin ngayon. "B-Baka magtaka si Sarah na hindi pa tayo nakakabalik," sabi ko na lang bago siya marahang itinulak gamit ang natirira kong lakas. Mabuti na lang at hinayaan niya akong itulak siya palayo. Agad kong inayos ang sarili ko bago huminga nang malalim para kumalma. "Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan mo ngayon, pero pakiusap lang, huwag kang gumawa ng bagay na ikakasira natin at ng relasyon n'yo ng kapatid ko," payo ko sa kanya. "Tapos na tayong dalawa, Soul. Please lang, for the sake of Sarah, let's pretend na hindi natin personal na kilala ang isa't isa," dagdag ko bago siya tuluyang iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD