Celestine's Point of View
Mukhang alam niya na si Sarah ang kahinaan ko; na gamit ang kapatid ko, he can make me do whatever he wants me to.
"Fine. Unlock the door," pagsuko ko. Lumabas ako ng sasakyan at lumipat sa front seat. Nang makaupo ako ay itinuon ko kaagad ang focus ko sa labas. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin kaya mas lalo akong naasiwa. I suddenly became conscious about the way I look. "S-Start driving..." sambit ko na lang sa kanya bago huminga nang malalim. I need to calm the f-uck down. I don't want him to see that he still has an effect on me.
Ilang sandali lang ay nagsimula nang umandar ang sasakyan. Kahit na dapat nasa daan lang ang tingin niya ay pansin ko pa rin ang pagnakaw niya ng tingin sa akin. But I ignored it all. Bahala siya diyan kung sumakit man ang leeg niya kakatingin sa akin.
"Does this brings you back to the time when w—"
"—stop," I cut him off. Itinapat ko ang kamay ko sa harap niya bago ko siya tiningnan. Iniling ko ang aking ulo habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Itinabi niya ang sasakyan bago sinalubong ang mga mata ko. I wanted to look away, pero alam kong mahahalata niyang apektado pa rin ako sa presensya niya kung patuloy akong umiiwas.
"Why did you stop? Drive me home just what my sister told you to," sambit ko habang pilit na pinipigilang mautal. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa paligid naming dalawa. I can feel the tension on my shoulders.
"Cea..." tawag niya sa akin.
Napapikit ako at huminga nang malalim. There he is again, calling me in my nickname. Tila may kung anong kurot ang naramdaman ko sa aking dibdib. Nakagat ko ang aking ibabang labi bago muling huminga nang malalim. Pagkabuka ng mga mata ko ay nagsalita ako, "Stop calling me that way, Mr. Consunji," mariing sambit ko. Seryoso kong sinalubong ang kanyang mga mata pero napalunok ako nang malapitan kong matitigan ang mukha niya. His features are more prominent and striking that they used to before. Mas gumwapo siya.
Napailing ako at pilit na iwinaksi ang ideyang 'yon. I need to see him in a different light now. Hindi na siya ang Soul na nakilala at nakasama ko sa aking nakaraan. He's a completely different person.
Yes, I need to think that way to detach myself from him. This is for the good of everyone, especially Sarah's.
"Call me Celestine. I am the sister of the girl you promised to marry," pagpapaalala ko sa kanya. "Let's pretend we don't know each other. This is for Sarah's good. Huwag na nating ungkatin pa ang nakaraan nating dalawa. W—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana nang maramdaman ko ang marahang pagdami ng kanyang mainit na palad sa aking pisngi. Nanigas ang katawan ko nang marahan niya iyong hinaplos. "Kumusta ka?"
Hindi ko inasahan ang tanong na 'yon. I was caught off guard. Napakahinahon ng boses niya nang sabihin niya 'yon kaya hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o seryoso siya. Napaiwas ako ng tingin bago marahang hinawi ang kamay niya. "I'm fine, Mr. Consunji. Life has been really good ever since I left the country years ago," sambit ko sa kanya.
Hindi ko tiningnan ang mukha niya para 'di ko makita ang magiging reaksyon niya. I kept my eyes on the road ahead us. Naikuyom ko ang isang kamay ko upang kontrolin ang emosyong rumaragasa sa kaloob-looban ko.
"That's good to know," sambit niya bago muking binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar ito. "It seems like you have no regrets at all," dagdag niya kaya napatingin ako sa kanya at nakita siyang ngumisi. Pero may kung ano sa ngisi niyang 'yon na nagpabigat ng loob ko.
Tila may tinik na namuo sa aking lalamunan nang marinig ko ang sinabi niya. Pero hindi ko 'yon pinahalata. I smiled at him, "Yes, no regrets at all."
Gusto kong sampalin at sabunutan ang sarili ko dahil sa mga pinagsasasabi ko. Hindi totoong wala akong pinagsisihan. I had regrets. Sobrang dami. But I ignored them all. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga pagsisising 'yon dahil may pangarap akong hinahabol.
At isa sa mga pagsisising 'yon ay ang iwan ko ang nag-iisang lalaking minahal ko; ang lalaking ngayon ay mapapangasawa na ng kapatid ko. Kaya kailangan ko nang mag-move on. Kailangan kong magpatuloy at maging masaya na lang para sa kanila. Sarah is the only family I have, and I want her to be happy. I want her to have the happiness she deserves.
"Mr. Consunji..." tawag ko sa lalaki. Tiningnan ko siya at hinintay siyang tumingin din sa gawi ko. Nang gawin niya 'yon ay seryoso kong sinalubong ang mga titig niya. "We should have a deal."
"What deal?" tanong niya habang nasa daan lang ang tingin.
"We should act civil. Huwag nating ipahalata kay Sarah na may namagitan sa atin noon," sambit ko at muli na naman niyang itinabi ang sasakyan.
Tumingin siya sa akin. Mataman niyang pinagmasdan ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya kaya ang ginawa ko ay hinintay ang susunod niyang gagawin. Pero nabigla ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin.
Hindi ako nakagalaw. My body stiffened. I held my breath. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya. Nakakapanghina. Muli ko na namang naamoy ang pabango niya. Ang daming alaalang bumalik. Mga alaalang pilit kong kinakalikutan dahil tanging sakit lamang ang dala sa akin.
"A deal should benefit both of us, am I right, Ms. Celestine?" tanong niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa aking pisngi. Nag-iwas ako ng tingin pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang pisngi ko habang unti-unting inilalapit ang mukha niya.
Nanlaki ang mga mata ko.
Hahalikan niya ba ako?
Hindi ako makagalaw sa posisyon ko. Ang nagawa ko na lang ay ang pumikit at maghintay sa kung ano ang mangyayari nang biglang tumunog ang telepono niya. That pulled me back to my senses. Agad ko siyang naitulak palayo sa akin. Doon ko lang din napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.
"Hello?" tugon niya. "Yes, we're still on our way. I'll update you once I sent her home. I love you, too." Doon na natapos ang usapan nila. I know it's Sarah. Tinapunan niya ako ng tingin saka ngumisi. "Let's go?"
Hindi ako sumagot. Agad akong nag-iwas ng tingin habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi ko. Sobrang init ng mukha ko. I feel so embarrassed. Why did I even close my eyes? Did I really think we'll kiss?