Lust 04: With Him Part 1

1097 Words
Celestine's Point of View Ilang beses akong huminga nang malalim para lang pakalmahin ang sarili ko. I composed myself as best as I could. I don't want to mess up this dinner; this first meeting my sister has set up for us. Nang tuluyan akong kumalma ay bumalik na ako sa table namin. Nginitian ko si Sarah nang magtagpo ang aming mga mata. "Sorry it took me long. I had to retouch my makeup," palusot ko sa kanya bago ako dumiretso sa aking upuan. "Have you seen Soul? He said he's going to check on you," aniya bago inilibot ang mata sa paligid. "N-No. Hindi ko siya nakita," I lied. Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko nang mamataan kong naglalakad na pabalik ang lalaki. And before he could even say anything that would mess up my lies, I spoke again, "Where were you, Mr. Consunji?" Pigil ang paghinga ko habang inaabangan ko ang magiging reaksyon niya. Mukhang nakuha niya agad ang nais ko. I saw how a grin formed on his lips. Mataman siyang tumingin sa aking mga mata bago bumaling sa kapatid ko. "I had a talk with the owner of this place," aniya bago umupo sa tabi ni Sarah. Kitang-kita ko pa ang pagdampi ng palad nito sa pisngi niya. "Did I keep you waiting?" malambing nitong baling sa kapatid ko. "No, hindi naman," mabilis na tugon ng kapatid ko at ngumiti. "Kakabalik lang din ni ate." "Is that so?" aniya bago bumaling sa akin. "Shall we eat then?" Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti. Pero sa kaloob-looban ko ay sobrang tindi ng kaba na nararamdaman ko dahil hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. I don't know if he's playing with me or he's just clearly going with the flow, but either way, it will not change the possibility that he can burst my bubble whenever he wants to. Pwede niyang sabihin sa kapatid ko na nagsisinungaling ako; na nagkausap kami kanina. He can destroy my relationship with my sister, but he didn't—yet. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung ano ba talaga ang pinaplano niya. --- Pigil ang paghinga ko hanggang sa matapos ang dinner. Ni hindi ko na-enjoy ang masasarap na pagkain na hinain sa mesa dahil tila nawalan ako ng gana at panlasa dahil sa kabang nararamdaman ko. I was feeling uneasy the whole time. Gusto kong umalis na lang, but I tried my best to keep my act, dahil ayokong mahalata ng kapatid ko na hindi ako komportable sa presensya ng nobyo niya, dahil kapag nangyari 'yon, alam kong magdududa siya. She will begin to wonder, and might eventually found out about our past. And I don't want things to go that way dahil alam kong masisira kaming dalawa. I will make sure na pipigilan kong mapunta kami sa ganoong sitwasyon. She's the only family I have and I couldn't risk losing her. Laking pasasalamat ko nang sa wakas ay nagdesisyon na siya at si Soul na umuwi na after a few talks. Hindi talaga kami nakakapag-usap nang maayos. I dodged every question that would somehow link me to Soul. Iniiba ko rin ang usapan at isinisentro ko na lang sa kanilang dalawa at sa kung paano sila nagkakilala. Pero habang nakikinig ako sa kwento ng kapatid ko, there's this little scratch of unease inside me that I couldn't seem to explain. Pero hindi ko na lang 'yon pinansin dahil wala naman akong nakikitang dahilan para pagtuunan 'yon ng atensyon. Nang makalabas kami sa restaurant ay saglit na nagpaalam si Sarah para sagutin ang isang tawag. And before Soul does anything weird to me again, I decided to enter the car. Doon ako naghintay sa kanilang dalawa. At ilang sandali pa ay bumalik na si Sarah. She knocked on the car's window kaya binaba ko ang salamin. She looks worried. Halos magtagpo ang mga kilay niya habang kagat-kagat niya ang ibabang labi. "Ate..." From the tone of her voice, alam kong may hindi magandang nangyari. Magsasalita na sana ako para tanungin siya pero naunahan na niya ako, "I have to go to the warehouse. May problema raw doon ngayon and I need to be there," aniya. Muling nag-ring ang cellphone niya pero hindi na niya ito sinagot. She looked at me and pouted her lips. "This is really urgent. I am sorry." "Gano'n ba? Sige, samahan na lang kita," sambit ko dahil gusto ko ring makita ang improvement ng business niya. At isa pa, ayokong maiwan dito kasama ang nobyo niya. Akmang bababa na sana sa sasakyan nang pigilan niya ako. Umiling siya sa akin. "No need. You don't have to go with me. I know you're tired kaya ipapahatid na lang kita kay Soul," mabilis niyang sabi bago umalis at hindi man lang ako hinayaang magsalita. Ni hindi man lang niya tinanong kung okay lang ba sa akin na gano'n ang mangyayari. Sumilip ako sa bintana at nakita kong kumaway ang kapatid ko bago pumara ng taxi. Mahina akong napamura at bababa na rin sana para sundan siya, pero nakalapit na si Soul sa kotse. Bigla akong kinabahan at pinagpawisan. Ramdam ko talagang may hindi magandang mangyayari kapag kaming dalawa na lang ang magkasama. I can feel the tension between us, and it's messing me up so badly. "Ms. Celestine, your sister told me to drive you home," aniya nang makapasok siya sa loob. "But since I am not a hired driver, can you please take the passenger's seat? You're making me look like your personal driver with you sitting there," aniya at sumilip sa akin mula sa rearview mirror. Agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. "Magta-taxi na lang ako, Mr. Consunji," sambit ko sa kanya at sinubukang buksan ang pinto pero naka-lock na ito. Napatingin ako sa kanya. Pinaningkitan ko siya ng mata kahit hindi siya nakaharap sa akin. Alam kong nakikita niya ang ekspresyon ko sa salamin ng sasakyan. "I'm sorry but I can't let you do that. Your sister entrusted you to me. That means cargo kita, and whatever happens to you will be my responsibility," pagdidiin niya. Nang silipin ko siya mula sa maliit na salamin ay nakangisi na siya sa akin. "But I can just tell her that you took a taxi since you're not comfortable with me," dagdag niya. Ramdam ko ang banta sa mga salitang binitiwan niya kaya wala akong nagawa kundi ang tumango kahit na labag sa loob ko. He's clearly using my sister against me to make me do whatever he wants me to. He's pissing me off.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD