Chapter 3 -I know you-

1650 Words
Jocelyn's POV Hindi ko na alam kung saan ko pa hahanapin si Tatay Ramon. Hanggang ngayon din ay hindi ko kinakausap si Andy dahil wala akong pakialam sa kanila ni Mayet. Mahal na mahal ko siya, pero ginagago lang niya ako ng paulit-ulit. Ilang beses ko na siyang pinatawad, pero ngayon ay kaibigan ko naman ang kinalantari niya. Hindi lang 'yon, ang kaibigan ko pa na 'yon ang nanloko sa akin. Alam ko na siya ang naglagay ng gamot sa inumin ko at lahat ng paraan ay gagawin ko, malaman ko lang ang totoo para maisampal ko 'yon sa pagmumukha niya. "Friend, totoo ba ang sinabi mo na si Mayet ang naglagay ng gamot sa inumin mo para lang magmukha kang masama?" Tumulo ang luha ko at humarap ako kay Teodora. Tumango ako sa kanya at ikinuwento ko sa kanya kung paano ako nakakasigurado. Kinuwento ko rin kay Teodora 'yung sinasabing video ni Mayet kaya niyakap niya ako ng mahigpit. "Gaganti tayo sa kanya. Kung nagawa niya 'yan sa'yo, pwede n'ya rin gawin sa akin 'yan. Ang isang katulad niya ay hindi dapat pinagkakatiwalaan. Wala siyang kwentang kaibigan kaya dapat lang na kalimutan natin ang babaeng 'yon. Kapag nagpakita siya sa akin, ilalampaso ko ang pagmumukha niya sa sahig. Hindi ang katulad niya ang sisira sa pagkatao mo." Hindi ako makasagot. Ngayon ko ibinubuhos sa kaibigan ko ang lahat ng sakit na nararanasan ko. Tapos si tatay ay hindi pa umuuwi kaya mas lalo akong nakakaramdam ng matinding takot. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Ewan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. "Huwag kang mag-alala friend. Karamay mo ako at saka hahanapin natin ang tatay mo. "Punta tayo ng Mindoro, puntahan natin sila lolo at lola, baka alam nila kung nasaan si tatay." Tumango naman ang kaibigan ko. Ilang araw ko ng tinatawagan si lolo, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nakokontak. Ano ba talaga ang nangyayari? "Kailan mo gusto para makapag-paalam ako sa pinapasukan kong karinderya. Mabait naman ang amo ko kaya sigurado ako na papayagan niya ako." Ngumiti ako sa kanya at pinahid ko ang mga luha ko. "Bukas na bukas din. May solution si lolo para sa akin duon sa bahay nila, iyon 'yung ginagamit ko duon. Kukuhanin ko 'yon dahil paubos na ang solution na ibinigay sa akin ni tatay. Okay lang ba sa'yo?" Tumango siya kaya napangiti na ako. "Tara kain tayo sa mall. May masarap na fast food na pwede nating kainan natin ng tanghalian. Treat ko dahil bagong sweldo ako. Ayusin mo 'yang nunal mo, patungo na 'yan sa ilong mo." Napahawak naman akong bigla sa nunal ko, at ng masalat ko nga ito na umusad na pala sa may ilong ko, bigla akong natawa. "Iyak ka kasi ng iyak kaya ayan at dumulas na 'yang bangaw mo, este nunal pala." Bigla ko siyang natampal sa braso kaya natawa na rin niya. Nagtungo ako ng banyo upang ayusin ko ang sarili ko. Inayos ko din ang wig ko, at medyo dinagdagan ko ng kaunti ang solution na ipinahid ko sa katawan ko. Alam ko na may dalawang litro pa si lolo na itinatago sa kubo. Magagamit ko 'yon ng matagal habang hindi pa nagpapakita sa akin si Tatay Ramon. Paglabas ko ng banyo ay natawa si Teodora kaya inis ko siyang sinipa sa tuhod. Sa tuwing makikita niya ako na fully disguise, pinagtatawanan niya talaga ako. Nakakainis ang babaeng ito. "Sino ang mag-aakala na sa likod ng pangit na mukhang 'yan ay tunay na kagandahan? Hindi lang basta maganda, mala-diyosang kagandahan na itinatago sa mga nakalagay sa mukhang 'yan. Kaya hindi ka mabitawan ni Andy dahil alam niya na malaking kawalan niya ang pakikipag-hiwalay mo. Pero gago siya, dapat lang na tinapos mo na ang lahat. Duon ka na lang sa apartment ko tumira, dalawa naman ang silid ko kaya tig-isa tayo. At least matutulungan natin ang isa't isa." Napangiti ako sa sinabi niya. Magandang ideya ang sinabi niya at makakatulong 'yon sa akin para hindi ako nalulungkot mag-isa. "Sige friend. Mamaya na lang tayo pag-uwi maghakot ng gamit. Kumain muna tayo kagabi pa ako hindi kumakain. Kapag mag-isa at may dinaramdam, hindi ko talaga magawang kumain." Niyakap niya ako, at damang-dama ko ang pagmamahal sa akin ng kaibigan ko. Nakarating kami sa isang mall. High end mall ito kaya nagtataka ako sa kaibigan ko. Hindi naman namin kayang kumain sa ganito kamahal na mall, kaya bakit kami nandirito? "Huwag kang mag-alala, may nag-iisang fast food dito. Maganda lang ang ambience dito kaya mas pinili ko ito. Lahat yata ng nakakasalubong namin ay nakatingin sa akin. Nanunuri na parang pinandidirihan ako. Pero keber ko naman sa kanila. Ngumiti pa nga ako sa kanila at inilabas ko ang lahat ng pekeng ngipin ko na malalaki kaya ang bawat makasalubong namin ay biglang napapalayo. See? Takot naman pala sila. Akala yata nila ay kukulamin ko sila. "Masyado mo naman silang tinatakot." Humahagikgik na sabi ng kaibigan ko kaya maging ako ay napahagikgik. Sanay na rin ako na binabago ko ang boses ko kapag naka-disguise ako. Buti na lang at may talento ako sa pabago-bago ng boses, kaya nga ako naging isang DJ dahil mahusay daw ako sa parteng 'yan. Nakarating kami ng fast food restaurant. Umorder ako ng spaghetti na may fried chicken at isang caramel sundae. Iyan kasi ang paborito ko. Iyan din ang laging inuuwi sa akin ni Tatay Ramon. Habang kumakain kami ay nagulat na lang ako ng biglang may bumuhos na malamig na inumin sa ulo ko. Jusko buti na lang at hindi basta nawawala ang kulay ng balat ko kung hindi ito sasabunin ng mabuti at gagamitan ng bath sponge. "Mayet! Anong kagaguhan ang ginawa mo?" Boses ni Andy na galit na galit. Talagang pinanindigan na nila ang pagsasama nila. Napatayo kami ni Teodora. Pagharap ko kay Mayet ay isang malakas na sampal ginawa ko sa pagmumukha niya kaya umugong ang bulung-bulungan. "Hayop ka!" Sasampalin sana niya ako, pero agad na sinalo ni Teodora ang kamay nito at saka niya sinuntok sa mukha si Mayet. Dumugo ang ilong nito na ikinagulat ng lahat. Napatawa ako dahil kulang pa 'yan sa pang-aabuso niya sa akin. "Baliw ka talagang babae ka. Halika dito! Huwag kang makikialam Andy kung ayaw mong tawagin ko ang mga barako kong pinsan at ipabugbog kita!" Sigaw ni Teodora kaya hindi na nakakilos pa si Andy. Takot din ang gago, pero ang lakas ng loob manloko. Biglang hinablot ni Teodora ang buhok ni Mayet, at katulad nga ng sinabi niya kanina ay inilampaso niya ang mukha nito sa sahig. "Bitawan mo ako, impakta ka Teodora! Huwag kang tumayo diyan Andy, tulungan mo ako!" Sigaw nito. Akma itong tutulong ng tumayo ako sa harapan niya, pagkatapos ay isang malakas na sampal ang ipinadapo ko sa kanyang mukha. Galit na galit ako na nakatitig sa kanya. Nakikita ko ang mga mata niya na tila ba nagsusumamo, pero ilang beses na niyang ginawa 'yan sa akin. Kahit mahal na mahal ang lalaking ito, ay hindi ko na siya mapapatawad pa. Tama si Mister. Z, wala siyang kwentang tao. "Jocelyn, magpapaliwanag ako." "Ano'ng paliwanag ang gagawin mo diyan? Ikaw na ang nagsabi sa akin, mas masarap ako kaysa..." Hinila ni Teodora ang buhok ni Mayet kaya napahiyaw itong muli. Ako naman ay bigla kong tinuhod ang harapan ni Andy kaya bigla siyang napasapo dito. Samo't saring panglalait sa akin ang naririnig ko mula sa mga chismosong kumakain dito sa fast food, pero keber lang ako sa kanila. Akma akong sasampalin ni Andy dahil sa ginawa ko sa kanya, pero isang malaking kamay ang pumigil sa braso niya. Napatingin kami sa isang napaka-gwapong lalaki. Sobrang tangkad nito kaya bahagya akong nakatingala, tapos ang macho ng katawan niya at ang ganda ng pagkakatindig niya. In-short, yummylicious. Umuugong ang mga bulung-bulungan, pero hindi dahil sa akin. Dahil 'yon sa lalaking nakatayo sa harapan namin at titig na titig sa akin. Siguro ay nandidiri sa mukha ko, baka akala nito ay isa akong malaking pigsa na nagmukhang tao. "Sino ang nagbigay sa inyo ng karapatan na manggulo dito sa mall ko?" Nagulat ako. Diyata't isa siyang Hendrickson. Oh my! Kaya naman pala napaka-gwapo niya at sobrang kisig dahil isa pala siyang Hendrickson. "Boss, pasensya na." Sabi ni Andy, pero binitawan lang siya ng lalaking kaharap namin. Isang hakbang ang ginawa ng lalaking ito palapit sa akin kaya bigla akong napatingin kay Teodora na natitigilan din. "You!" Sabi niya kaya napalunok ako ng laway. Hala! Ano ang kasalanan ko sa lalaking ito? Napatingin ako kay Andy at kay Mayet na biglang kumaripas ng takbo at iniwanan na lang kami dito ng ganun, ganun lang. Palibhasa mga duwag at takot sa mga Hendrickson. "Ako ho? Ano ho ang kasalanan na nagawa ko? Hala sir, kung may atraso man ho ako, patawarin ninyo ako. Sila naman ho ang nagsimula dito ng gulo. Binuhusan ho nila ako ng inumin." Napatingin siya sa akin, at sa dibdib ko at nagulat ako ng mapagtanto ko na bakat ang dibdib ko sa suot kong manipis na pang-itaas. Kaya bigla akong napayakap sa sarili ko. Ibang klase din ang Hendrickson na ito, basta may umbok ang dibdib, kahit mukhang pigsa, mukhang pagnanasahan pa yata ako. "I know you." Napatingin ako sa kaibigan ko. Baka pinapahanap na ako ng hayop na lalaking 'yon na nagnanais ng masama sa akin. "Never mind. Okay ka lang ba?" Napataas naman ang isang kilay ko. Napatingin ako sa kaibigan ko na namumungay ang mga mata habang titig na titig sa lalaking kaharap namin. Hindi ko alam ang pangalan nito, at ayokong alamin kaya hinila ko ang kamay ni Teodora at saka ako tumakbo ng mabilis. "Miss!" Sigaw ng lalaki. Bahala siya sa buhay niya. May problema yata ang lalaking 'yon sa mata at hindi nakikita ang tunay kong anyo na nakaharap sa kanya. "Teka lang! Madadapa ako, bruha ka!" Sigaw ni Teodora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD