Chapter 2 -Zandro-

1572 Words
Zandro's POV Lasing na lasing ako kagabi at hindi ko na alam ang pinag gagagawa ko. Masyadong marami ang nainom ko kaya talagang wala akong maalala na kahit na ano sa nangyari. Ang alam ko lang ay nagising na lamang ako sa loob ng suite ko dito sa pag-aari kong hotel. "Damn it! Kaninong dugo ito? Sino ang babaeng naikama ko na ako ang nakauna? Damn it! Bakit wala akong maalala?" Napatingin ako sa cctv dito sa suite ko na ako lang ang may access. Nagtungo ako sa walk-in closet at kinuha ko ang laptop ko. Bumalik ako sa aking kama at binuksan ko ang laptop. Pinindot ko ang isang file kung saan ay mapapanuod ko kung ano ang nangyari sa akin kagabi at kung sino ang babaeng nakasiping ko. Maliwanag ang ilaw kaya kitang-kita ko ang pagpasok ko na buhat ko pa ang babaeng kasama ko. Ibinaba ko siya sa kama at nakatabon ang magulo niyang buhok sa kanyang mukha. Nakita ko ang sarili ko na naghubad at wala akong itinirang kahit na ano. Hinila ko ang paa ng babaeng kasama ko dito sa silid kaya natanggal ang pagkakatabing ng buhok sa kanyang mukha. Ganuon na lamang ang gulat ko ng makita ko ng tuluyan ang mukha ng babaeng kaniig ko kagabi. No way, no how! This didn't happen last night. No fuckíng way! Hindi talaga ako makapaniwala sa napapanuod ko. Isang pangit na babae ang kasiping ko kagabi, at paanong nangyari na pumatol ako sa isang pangit na katulad ng babaeng ito? Damn it! Hindi dapat malaman ito ng kahit na sino. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko siya. Hindi normal ang nakikita ko, para siyang nakainom ng gamot upang mawala siya sa sarili ng ganoon na lang. Pinanuod ko kung paano ko hubaran ang babaeng pangit, at napataas ang dalawang kilay ko ng humantad ang napakaganda niyang katawan. Sobrang ganda ng katawan, na kung hindi makikita ang mukha niya ay iisipin ng lahat na isa itong napakagandang modelo. "Oh my God! She was drugged!" Napapailing ako habang nakikita ko kung paano siya pumaibabaw sa akin. Nakikita ko kung paano siya nasasaktan sa ginagawa niya ng magsanib ang aming mga kasarian, pero dahil sa gamot na ipinainom sa kanya ay nababalewala ito. Nakita ko rin ang pagpatak ng kanyang mga luha kaya alam kong labag sa kanyang kalooban ang nangyayari. Sa halip na patayin ko ang footage ay hinayaan ko lamang na mapanuod ang mainit naming pagtatalik. Wala man akong naririnig na sounds, pero batid kong napaligaya ko siya at nagustuhan niya kung paano ko siya angkinin. Nakatitig lamang ako sa mukha niya habang nakikita ko kung paano ako gumalaw sa ibabaw niya. Naramdaman ko ang muling paninigas ng sandata ko habang pinapanuod ko ang namumungay niyang mga mata. "Shiiit! Bakit nakakaramdam ako ng pananabik na muli siyang matikman kahit nakikita ko namang hindi siya kaakit-akit?" Bulong ko sa sarili ko. Nababaliw na yata ako, o may tama pa rin ako ng alak hanggang ngayon? Humugot ako ng malalim na paghinga at pagkatapos ay itinapat ko ang arrow sa delete button ngunit hindi ko naman magawa. Isinara ko na lamang ang laptop ko at nagtungo ako ng banyo. Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakatapat ako sa shower head. Hindi maalis sa isip ko ang pangit na mukha ng babae, at hindi ko alam kung bakit iniisip ko siya? Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang laptop ko upang tapusin ko ang video namin na pinapanuod ko. Halos inumaga kami sa aming pagtatalik at nakikita ko ang sarili ko kung paano ako nababaliw sa katawan ng babaeng 'yon. Nakatulog kaming dalawa kaya pinindot ko ang pass forward hanggang sa nakita ko na nagising siya. Nakita ko ang pagkagulat niya at ang pagpatak ng masagana niyang mga luha habang pinagmamasdan ako. Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil alam kong na set up siya ng taong naglagay ng gamot sa kanyang inumin, pero ayoko namang makialam sa problema ng iba. Naaawa lamang ako sa kanya dahil nawala ang pagkabirhen niya ng hindi niya alam kung paano. Pagkatapos kong mapanuod ang pagbibihis niya at ang pag-alis niya ay napahiga akong muli sa kama. Hindi ko alam ang nararamdaman ko at nagawa ko pang amuyin ang kumot na ipinangbalot niya sa kanyang katawan. Aaminin kong napakabango ng amoy ng kumot kaya napapikit ako at muli kong inalala ang mukha niya. Bigla naman akong napatayo dahil hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Nababaliw na yata ako at mukhang nagkainteres pa ako sa isang pangit na babae. Tinignan ko ang aking orasang pambisig, oras na para mapakinggan kong muli ang magandang tinig ni Dj JCL. Pinindot ko ang alarm clock radio at nilagay ko sa station niya. Napangiti ako ng marinig kong muli ang tinig niya ngunit napakunot noo ako dahil tila ba may kakaiba sa kanyang tinig. Parang kagagaling lamang nito sa pag-iyak kaya mas nilakasan ko pa ang radyo upang mas marinig ko ang boses niya. "Hello, my beautiful listeners. Pagpasensyahan na po ninyo ngayon ang boses ng inyong Dj dahil katulad po ng dati ay sawi na naman po tayo sa pag-ibig. Oops mukhang may liham tayo dito. Babasahin ko po ito sa inyong lahat, galing po ito sa isang taong itago na lang daw po natin sa pangalang Miss. Broken heart. Dearest Dj JCL, ako po 'yon. Bakit po kaya napakahirap magtiwala sa isang tao? Ang akala ko na karamay ko sa hirap at ginhawa ay tunay na nagmamalasakit sa akin, pero nagkamali ako. Nagkamali ako ng pinagkatiwalaan ko dahil isa pala siyang ahas. Niloko nila ako at pinagtaksilan ng aking kasintahan. Nahuli ko po ang aking kasintahan na nakikipag jack en poy sa aking matalik na kaibigan. Ang masakit pa ho nito ay ginawan ako ng hindi tama ng kaibigan ko at pinalabas niya sa nobyo ko na masama akong babae. Hindi po 'yon totoo dahil ang lahat ng 'yon ay pakana lamang ng aking kaibigan. Iniwanan ko na po ang aking kasintahan pero gusto niya akong balikan dahil mahal na mahal niya daw po ako at magpapakatino na siya. Mahal na mahal ko pa rin po ang nobyo ko at naiisip ko na bigyan siyang muli ng isa pang pagkakataon. Ganito po siguro ang buhay ng isang tao, kapag nagmahal ka, talagang mabubulagan ka at 'yon po ang nangyayari sa akin ngayon. Salamat po Dj JCL sa pagbabasa ng liham ko." Pagkarinig ko ng sinabi niya ay alam ko na agad na sarili niya ang tinutukoy niya kaya mabilis kong kinuha ang phone ko upang tawagan ang istasyon nila. "May caller po tayo sa Line One. Wow, si Mister Z na naman ang ating first caller." "Hello Mister Z! Mukhang lagi tayong maaga sa pakikinig sa station namin, thank you sa iyong pagsubaybay." "Tama na ang pagpapanggap Miss Broken hearted. Alam kong sarili mo ang tinutukoy mo sa liham na binasa mo o kung may binasa ka nga ba na liham. You don't need him. Hayaan mo sila ng walang puso mong kaibigan na mag sama sa impyerno. Kalimutan mo na ang lalaking 'yon dahil wala 'yong kwentang tao. Maraming lalake at hindi ka mauubusan kaya kung ako sa iyo, say NO to him dahil deserve mo ang mahalin at ingatan. Huwag mong hayaang paglaruan ka niya sa kamay niya. Gumising ka na sa kahibangan mong pagmamahal sa walang kwentang lalakeng 'yon dahil 'yang pagmamahal mo sa kanya ang sisira sa'yo." What? Pinutol niya ang pakikipag-usap ko sa kanya? Hindi ba niya alam kung sino ako? Well, hindi nga niya alam dahil Mister Z lang naman ang sinabi ko. "O-kay. Mukhang mas may pinagdadaanan yata si Mister. Z kaysa kay Miss. Broken hearted at napagkamalan pa niyang ako ang nagpadala ng liham sa sarili ko. Sorry Mister Z kung kailangan kong putulin ang tawag mo. Hindi ko po liham 'yon para sa sarili ko. Anyway, makinig muna po tayo sa isang malamyos na awitin upang gumaan ang pakiramdam ng lahat ng aking listeners. Ang awiting ito ay inaalay ko para sa iyo Mister Z." Umalingawngaw ang isang awitin na I'll Never Go na inawit ni Erik Santos kaya ipinikit ko ang mga mata ko at napangiti ako. Habang iniisip ko ang boses ni Dj JCL ay bigla namang lumitaw sa balintataw ko ang pangit na mukha ng babaeng kasiping ko magdamag kaya bigla akong napabangon. Mukha nga yata talagang nasisiraan na ako ng ulo para muling bumalik sa isipan ko ang mukha ng babaeng 'yon. Natapos ang awitin at muli ko na namang narinig ang tinig ni Dj JCL. Para akong tanga na napapangiti sa tuwing maririnig ko ang kanyang tinig pero matinding galit din ang nararamdaman ko dahil sa panloloko sa kanya ng kanyang kasintahan. Hindi man niya aminin ay naniniwala ako na si Miss. Broken hearted ay walang iba kung hindi ang sarili niya. Kapag nalaman ko kung sino ang lalaking 'yon, tuturuan ko siya ng leksyon na hinding-hindi niya makakalimutan. Nahiga akong muli sa kama ng patihaya. Pinakinggan ko ang boses ni Dj at hindi ko talaga maiwasan ang hindi mapangiti. Muli na namang lumitaw sa balintataw ko ang mukha ng babaeng kasiping ko kagabi na may luha sa kanyang mga mata. Napapailing na lamang ako, alam ko namang naiisip ko lang ang babaeng 'yon dahil naaawa ako sa kanya at nagagandahan ako sa katawan niya. Pero hanggang duon lang 'yon dahil ang puso ko ay tila ba nahuli na ni Dj JCL.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD