Zandro's POV
Hindi ko man lamang nalaman ang pangalan ng babaeng 'yon. Ang bilis nilang nawala, at sino kaya ang magkasintahan na 'yon na umaaway sa kanya kanina? Bakit parang galit na galit sa kanya ang babaeng 'yon?
Hindi niya ako nakikilala. Hindi niya alam na ako ang lalaking nakakuha ng kanyang pagkabirhen ng gabing 'yon. May kakaiba sa kanya, hindi ko lang masabi kung ano, pero bakit parang kahit ang pangit niyang tignan, may kakaiba akong nakikita sa kanya na hindi nakikita ng iba? Hindi ko alam kung ano, naguguluhan ako sa nangyayari sa akin. Bakit ba iniisip ko ang babaeng 'yon samantalang wala sa kanya ang katangian ng babaeng hanap naming mga Hendrickson? Ang layo-layo niya sa mga babaeng pinapangarap namin. Kinukulam yata ako ng babaeng 'yon. Baka nga isa siyang voodoo queen na nagpapanggap na mabait, pagkatapos ay kinukulam na pala ako para mapaibig niya ang isang katulad ko. Pwedeng ganoon. Natatawa tuloy ako sa sarili ko. Kailan pa ako naniwala sa mga mangkukulam? Napapailing na lamang ako ng aking ulo.
Nararamdaman ko ang isang bulto na nakatitig sa akin sa may pintuan. Hindi ko ito pinapansin dahil alam ko naman kung sino ito. Sa pabango pa lang niya, kilalang-kilala ko na kung sino ang pinsan ko na mang-aasar sa akin ngayon.
"What's on your mind?" Darwin asked, leaning against the doorframe of my cluttered office. I sighed, glancing at the chaos of documents strewn across my desk. I'm unsure if I'm more overwhelmed by all this paperwork or my thoughts about that woman. Katulad nga ng laging laman ng aking isipan, she isn't conventionally attractive o 'yung masasabing may hitsura lang, kasi kahit alin duon ay walang maihahalintulad sa kanya dahil talagang kakaiba ang kapangitan niya, but there's something about her that I can't shake off. Damn! Iyon talaga ang gumugulo sa isipan ko. Bakit hindi mawala sa isipan ko ang pangit na babaeng 'yon? Ano ba ang mayroon sa kanya na gumugulo ng pagkatao ko? There's nothing remotely attractive about her pero bakit ba laman siya ng isipan ko?
"Wow! Mukhang talagang malalim ang iniisip ng pinsan ko. Ano ba itong office mo at ang daming mga kalat. Ipalinis mo nga lang ang mga ito sa sekretarya mo. This office is in such disarray that it looks like it hasn't seen a moment of care in ages. Ano ba ang nangyayari dito, sa laki ng office mo na 'to, parang lumiit na sa dami ng kalat. Papers are strewn everywhere. Ipapalinis ko ito at huwag kang magrereklamo." Humugot ako ng malalim na paghinga at tumingin ako kay Darwin.
"Hey bro. Ang ingay mo naman, nakita mo na ngang may ginagawa ako dito." Natawa siya at naglakad papalapit sa akin. Tinignan niya ang mga dokumento na nakakalat sa ibabaw ng desk ko saka ito tumawa.
"Are you actually working, or is something or someone preoccupying your mind?" Darwin asked, his voice laced with curiosity and concern. He stepped further into my office, waving his hand in front of my face to get my attention. Sa inis ko ay tinabig ko ang kamay niya. Nagsisimula na namang mang-inis ang pinsan kong ito, nakita na nga niya na ang dami kong ginagawa at busy ako, pero heto at nang-iinis pa.
"I have been standing here talking to you, but it’s like you’re a million miles away. May gumugulo ba sa isipan ng pinsan ko? Babae ba? Sabihin mo sa akin bro, alam mo naman na lagi akong nandito para sa'yo. What’s going on? Don’t tell me Zandro Hendrickson has finally fallen in love? That would be hard to believe. I have known you since we were kids and have never seen you this distracted kaya nag-aalala lang ako dahil sa nakikita ko sa'yo. So, spill it, what’s up? Tungkol ba ito sa nangyari sa mall? Nagulat ka ba na alam ko? Syempre alam ko dahil may mga bodygurads tayo. Sino ba 'don?" Natawa naman ako sa kanya. Para itong si Marcus, sagap lahat.
"Walang gumugulo sa utak ko. Nagtatrabaho lang ako dito at wala itong kinalaman sa nangyari sa mall. Napansin na kita kanina pa, hindi lang kita kinakausap dahil iniisip ko ang mga trabaho ko dito. Nakita mo naman siguro itong office ko, hindi ba? Sa dami ng nakabinbin na trabaho ko, wala pa akong natatapos." Natawa naman siya at naupo sa swivel chair na nasa tapat ng desk ko. Tinitigan niya ang mukha ko kaya nakaramdam ako ng pagkainis. Nagsisimula na namang mang-asar ang pinsan ko at kung ano-ano naman ang lumalabas sa bibig niya kaya I shook my head in disbelief, trying to fend off the irritation bubbling up inside me. Muli akong humugot ng malalim na paghinga at ipinikit ko ang aking mga mata. Pagdilat ng mga mata ko at tumingin ako sa pinsan ko na nakangisi pa rin na para bang may alam kahit wala naman. Nakakainis ang isang ito, mapang-asar lang. Ang hindi ko lang talaga maintindihan, why does he always manage to get under my skin? It seems like every time he opens his mouth, he knows exactly how to push my buttons. Damn! Nakakapikon. Isinandig ko ang ulo ko sa swivel chair ko at tuluyan ko ng ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko siya papansinin, bahala siya sa buhay niya.
"Huwag ka ngang pikon diyan. Nakikita ko sa hitsura mo na gusto mo na akong saktan. Sa lahat sa ating magpipinsan, sa totoo lang ay ikaw ang pinaka pikon. Nakakatawa ka, sobra kang pikon, ang bilis mong maasar." Hindi ko siya pinansin. Naramdaman ko ang pagtayo niya at ang paghakbang niya papalapit sa akin. Hindi ko idinidilat ang mga mata ko, pero naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko.
"Let's go. Kakain muna tayo sa labas. Duon tayo sa mall natin pumunta, o kaya naman ay sa mall ni Marcus. It's up to you though, kung saan mo gusto. Idinilat ko ang mga mata ko at tinitigan ko ang pinsan ko. Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko kaya napatingin ako sa orasang pambisig ko. Damn, hindi ko na napansin ang oras at malapit na palang maghapunan.
"Okay. Bukas ko na lang tatapusin ang mga ito. Marami pa nga akong trabaho na kailangan kong unahin, kaso hindi ko matapos-tapos dahil sa dami ng ginagawa ko. Pero nagugutom na ako kaya tara at kumain muna tayo." Tumayo ako at kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. Inayos ko din ang mga dokumentong nakakalat sa ibabaw ng table ko at inilagay ko ang mga ito sa drawer ko. Nag-off na rin ako ng computer bago kami tuluyang lumabas ng opisina ko.
Pagkarating namin ng mall na pag-aari ni Marcus ay naghanap lang kami ng makakainan namin. Napili namin ang restaurant na pag-aari ng kaibigan ni Marcus, ang Juliano Cuisine dahil nasa mood kaming kumain ng Italian food. Isa pa ay talagang masarap ang pagkaing inihahain sa loob ng restaurant ni Julian. Babalikan mo talaga at kahit ilang ulit kumain, hindi magsasawa.
"Well, well, well. Nandito pala ang magpinsang Darwin at Zandro. Nasaan ang mga pinsan ninyo? Hindi yata ako sanay na makita na kulang kayo," sabi ni Marcus. Kapag mamalasin ka nga naman. Sa dami ng pwede naming makita sa restaurant na 'to, bakit ang mga Venum boys pa?
"Parang hindi ka masaya na makita kami. Halika nga dito Zandro, dito na kayo sumabay sa amin kumain. Dadalawa lang naman kayo diyan kaya sabayan na ninyo kami. Magpupunta kami ng bar after nito, gusto ba ninyong sumama? Baka lang need ninyo mag unwind, pero kung may pupuntahan pa kayo, okay lang." Sabi ni Marcus at inakbayan pa ako.
"Sira ulo ka kasi. Sa dami ng pwede naming makita dito, bakit kayo pa?" Natawa naman sila sa tinuran ko. Naupo ako sa silyang bakante katabi ang pinsan kong si Darwin na nakikitawa sa kanila.
"Kunwari ka pa! Alam naman namin na kami ang paborito ninyong mga Hendrickson. Umamin ka na lang. Hindi ka naman namin masisisi kung malaki ang paghanga ninyo sa amin." Sabi ni Hugo kaya I smirked. Mas lalo tuloy silang nagkatawanan.
"Pagpasensyahan na ninyo 'yang pinsan ko. Kanina pa 'yan ganyan sa akin. Mukhang may matinding dinaramdam ang isang ito, baka in love at natagpuan na ang pinaka-magandang nilalang sa mundo na nagpatibok ng puso niya." Pang-aasar ng pinsan ko kaya natawa lang ako.
"Tumigil ka na lang. Sige sasama kami sa bar, kailangan ko din mag-unwind. Masyadong stress sa opisina ko kaya hindi ko matapos-tapos ang trabaho ko. Salamat," sagot ko. Napangiti naman sila Marcus. Napatingin ako sa mga pagkaing isa-isa ng inihahain sa gitna ng table. Iba't ibang uri ng pasta, may mga steaks at may mga seafoods. May mga appetizers kaya inuna ko ang soup.
Tahimik lang kaming kumakain. Naiisip ko pa rin ang babaeng 'yon. Tatanungin ko sana ang pangalan niya kaya lang ay kumaripas ng takbo. Nakakahiya naman kung hahabulin ko, baka akalain ng mga nakakakita ay naghahabol ako sa isang pangit na mukhang pinagtaksilan ng kagandahan. Curious lang talaga ako sa kanya kaya hindi siya mawala sa isipan ko.
"Mukha ngang in love ang pinsan mo, tignan mo at pangiti-ngiti habang kumakain. May babaeng gumugulo sa kanyang isipan kaya panay ang ngiti ng isang 'yan." Napalingon ako kay Marcus. Bigla kong iginalaw ang mga panga ko. Nakangiti ba ako? Bakit naman ako ngingiti? Napatingin ako sa kanila at sa pinsan ko na tumatawa. Sigurado akong hindi ako nakangiti kaya bakit sinasabi ni Marcus na nakangiti ako?
Malakas na halakhak ang pinakawalan nila ng makita nila akong nakatitig sa kanila at nag-iisip. Kumunot ang noo ko kaya inakbayan ako ni Marcus at ni Darwin.
"Nagbibiro lang ako, pero para kang guilty diyan na hinawakan mo pa ang panga mo. Ang cute mo lang kapag mukha kang guilty," sabi ni Marcus. Sa inis ko ay sinuntok ko si Darwin at si Marcus sa tig isa nilang braso. Tawa naman sila ng tawa habang ako ay napapailing lang.
Lumipas pa ang kulang thirty minutes at tuluyan na kaming nagtungo ng bar. Nasa ikalawang palapag kami ng bar na pag-aari ni George Zoran Zither. Lahat kami ay nagkakatuwaan habang nag-iinuman. May mga topic kami tungkol sa mahahalagang bagay at mayroon din naman tungkol sa mga kalokohan namin.
Nagkakatawanan kami ng makarinig kami ng ingay sa ibaba. Maraming tumatawa kaya napatingin kami sa ibaba. Kumunot ang noo ko ng makita ang babae na nagbuhos daw ng inumin duon sa babaeng naka-one night stand ko. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang pinagtatawanan nila. Damn it! Bakit para na lang kaming laging pinagtatagpo ng tadhana?
"Hindi ba at 'yun ang babaeng pinuntahan natin nuon sa Mindoro?" Ani ni Marcus kaya mas lalo ng kumunot ang noo ko. Ibig sabihin ay kilala nila ang babaeng ito?
"Sino ba 'yan?" Patay malisya kong tanong. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na may nangyari sa amin ng babaeng 'yon, sigurado akong pagtatawanan nila akong lahat. Maging ang buong angkan ko kapag nalaman nila 'yan ay sigurado akong pagtatawanan lang nila ako.
"Uhm, Jocelyn. Nakalimutan ko na ang apelyido niya. Akala kasi namin ay siya ang kakambal ng pinsan kong si Donita. Pero ng makarating kami ng Mindoro, iyang mukha na 'yan ang humarap sa amin." Sagot ni Sammy. Napatango lang ako, pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa sinasabi nilang Jocelyn. At the very least, she already has a name. That’s one step forward, even if I’m still trying to figure out the rest.
Nakikita namin na itinutulak ng babae si Jocelyn, pero mukhang palaban at hindi magpapatalo ito kaya napapangiti ako ng lihim. 'Tama 'yan Jocelyn, lumaban ka at huwag kang magpapadaig sa kanila.' Bulong ng isipan ko.
May kasamang ibang lalaki ang babaeng nakita ko kanina sa mall. Iba ito sa nakita ko kanina. Hinablot niya ang braso ni Jocelyn kaya bigla akong napatayo. Isang malakas na sampal ang iginawad ng lalaking 'yon kay Jocelyn kaya bumagsak ito sa sahig.
Mabilis kaming nakarating ng hagdanan, kasama ko sila Marcus at mukhang nauna pa sila nila Sammy na makarating sa kumpulan ng kaguluhan. Isang tadyak sa tiyan ng lalaki ang iginawad ni Marcus kaya napaatras ang mga taong nagtatawanan at kumukutya kay Jocelyn. Agad namang itinayo si Jocelyn ng babaeng kasama nito at tumakbo sila papalabas, pero humarang ako upang hindi sila makaalis.
"Tarantado ka! Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan na manakit ng babae?" Galit na sigaw ni Marcus. Si Sammy naman ay isang malakas na suntok sa mukha ang ipinadapo nito sa lalaki. Si Lyka naman ay pinalipit ang kamay ng babaeng mukhang hindi gagawa ng matino kaya tili ito ng tili dahil sa sakit na ipinaparanas ng assassin ni Marcus.
"Kuhanan ninyo ng larawan ang mga 'yan, pagkatapos dalhin ninyo sa bawat bar at club dito sa kamaynilaan. Sabihin ninyo sa kanila na ang pagmumukha ng mga 'yan ay hindi nila papapasukin sa loob ng kanilang mga establishimento. Gawin na ninyo!" Maawtoridad na utos ni Marcus.
"Miss okay ka lang ba?" Tanong ko naman kay Jocelyn. Naglikot ang mga mata niya samantalang ako ay titig na titig sa kanyang mukha. Bakit ba kahit ganito siya kapangit ay hindi ako naaasiwang titigan ang mukha niya? Ano ba ang mayroon sa kanya na ako lang ang nakakakita?
"Jocelyn umuwi na tayo. Sabi ko naman sa'yo hindi natin mahahanap ang tatay mo dito. Tara na at mukhang hindi maganda ang lagay natin dito." Bulong nito, pero narinig ko naman dahil patay na ang musika. Kung gayon ay may hinahanap siyang ama. Sino naman kaya ang tatay ng babaeng ito?
"Sorry ho sir, wala kaming pambayad sa mga nasira. Sorry ho talaga," sabi ni Jocelyn at hinablot niya ang kamay ng kasama niya at ayun nga, tinakbuhan na naman ako. "Hayaan mo na ang mga 'yon, at least natulungan natin sila. Natatakot 'yan na magbayad sa damage dito Isang kubong maliit lang ang tinitirhan nila sa Mindoro kaya naiintindihan namin kung bakit sila takot." Sabi ni Marcus.
Damn it! Naaawa ako sa babaeng 'yon. Dahil sa hitsura niya ay hinahamak siya ng mga tao sa paligid niya. Kung susuklayin lang naman ang buhok niya, at kung aayusin ang ngipin niya at tatanggalin ang salamin sa kanyang mga mata, tapos bawasan din ang kilay at ipa-laser removal ang kanyang mala-bangaw na nunal. Siguradong maganda siya. Maitim nga lang talaga ang balat niya, pero mabango siya. Nakaka-akit ang bango niya. Kanina lang ay nakatayo siya sa harapan ko, ang bango-bango niya. Katulad 'yon ng amoy niya na kumapit sa unan at sa kumot.
"Huwag ka ng maawa duon. Tara na at ng maipag-patuloy natin ang inuman." Sabi ng pinsan ko.
"Jocelyn! Hindi pa tayo tapos! Hayp ka! Hanggang ngayon sa'yo nababaliw si Andy, impaktang pangit!" Sigaw ng babae. Nagulat naman ako. Kung gayon, kaya siya galit na galit sa babaeng 'yon dahil may Andy na si Jocelyn? Damn, bakit hindi yata ako natuwa sa narinig ko? Bakit parang gusto kong hanapin ang Andy na 'yon at balatan ko siya ng buhay para hindi na niya lapitan pa si Jocelyn?
"Tanga! Tapos na dahil wala na ang tinatawag mong Jocelyn. Boba! Kaya siguro mas gusto ng Andy na 'yon ang Jocelyn na 'yon dahil mas higit siyang maganda kaysa sa'yo." Inis na sabi ni Janine kaya simple kaming natawa. Pero hindi ko gustong marinig na may Andy.
Bumalik kami sa VIP area. Balik kami sa inuman, pero ako ay tahimik lang at naninigarilyo dahil hindi mawala sa isipan ko ang pangalang Andy. Hindi rin mawala sa isipan ko ang mukha ng babaeng 'yon. Nalaglag na yata ang isang turnilyo sa utak ko. Bakit ko ba naiisip ang mukha ng babaeng 'yon, dapat nga kilabutan ako. Pero heto at naglalaro siya sa isipan ko at nagagalit ako sa Andy na 'yon sa hindi ko alam na kadahilanan. Sino ka ba talaga Jocelyn? Hanapin ko kaya, tapos ipaayos ko ang mukha? Bigla tuloy akong napabunghalit ng tawa ng hindi ko sinasadya kaya lahat sila ay nakatingin na sa akin.