Chapter 1 -Mga traydor-

2017 Words
────⊱⁜⊰──── "Ohhhhhh, uhhhmp.. ohhhh..." Ungol ni Jocelyn habang walang tigil sa pagtaas-baba ang isang lalaki na nasa ibabaw niya. Hindi malaman ng dalaga kung saan niya ibabaling ang kanyang ulo dahil sa kakaibang langit na ipinapalasap sa kanya ng lalaking kaniig. Malamig ang buong silid, ngunit tagaktak ang pawis nila habang malakas na nagsasalpukan ang kanilang mga hubad na katawan. Walang kapaguran silang nagpakasawa sa katawan ng bawat isa. Napuno ng kanilang mga ungol ang apat na sulok ng silid hanggang sa tuluyan silang mapagod at kusa na lang nakatulog. SIKAT na ang araw ng magising si Jocelyn. Masakit ang buo niyang katawan at masakit din ang kanyang ulo. Napasapo siya sa kanyang noo ng maramdaman niya ang pananakit nito. "A-Ang sakit ng ulo ko? A-Ano ba ang nangyari sa akin?" Napalingon siya sa kanyang paligid. Ganuon na lamang ang pagkagulat niya ng mapagtanto niya na hindi niya silid ang kinaroroonan niya. Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga at muling inilibot ang kanyang paningin. "Na-Nasaan ako?" She muttered. Muntik na siyang mapasigaw ng malakas ng makita niya ang isang lalake na natutulog ng nakadapa sa kama. Napatakip siya ng kanyang bibig habang pinagmamasdan niya ang matipunong katawan ng lalaking natutulog sa tabi niya. Sinilip niya ang mukha ng lalake ngunit nakasubsob ang mukha nito sa unan. Tinangka niyang tumayo ngunit naramdaman niya ang matinding pananakit ng kanyang p********e. Nakaramdam siya ng matinding takot habang dahan-dahan niyang sinisilip ang katawan niya na nakabalot ng puting blanket. "Oh god, anong nangyari? Sino ang lalaking ito na kasama ko buong magdamag?" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Jocelyn lalo na ng makita niya ang mga bahid ng dugo sa sapin ng kama. Mga bahid ng dugo na nagpapatunay na nawala na sa kanya ang pinakaiingatan niyang dangal. Wala siyang maalala na kahit na ano tungkol sa nangyari. Ang tanging naaalala lamang niya ay ang nag-iinuman sila ng mga kasamahan niya sa trabaho sa isang bar kasama ang kaibigan niyang si Mayet at si Teodora. "Panginoon ko, paano ko maipapaliwanag ang lahat ng nangyaring ito kay Andy?" Ayaw magpaampat ng mga luha ni Jocelyn. Hindi niya alam ang gagawin niya, hindi niya kilala o matandaan kung sino ang lalaking ito na nakasama niya ng buong magdamag. Nanginginig ang buo n'yang katawan habang ibinababa niya sa sahig ang mga paa niya. Naramdam niya ang lamig ng sahig na agad na nanuot sa kanyang kalamnan. Napatingin siya sa mga damit niya na nagkalat sa sahig at isa-isa niya itong pinulot at isinuot. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Patingkayad lamang siyang naglalakad upang hindi magising ang lalaking natutulog sa kama. Walang patid ang kanyang pagluha. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kanya sa oras na malaman ito ng kanyang kasintahan. Isang gabi na puno ng kasiyahan sa piling ng kanyang mga kaibigan, na nauwi sa hindi inaasahang pangyayari sa piling ng isang estranghero. Jocelyn's POV Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa apartment na tinutuluyan namin ng kasintahan ko. Lunod pa rin ang mga mata ko sa luha dahil sa mga nangyari sa akin. Hindi ko gusto ang nangyari sa akin, wala akong kasalanan. Maingat ako sa aking sarili at alam ko na hindi ako masyadong umiinom ng alak, pero bakit nangyari ito at wala pa akong maalala? Natigilan ako sa paglalakad, pinahid ko ang aking mga luha at pinagmasdan ko ang aming apartment. Nakaawang ang pintuan nito at may naririnig akong mga ungol na nanggagaling mula sa loob. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko dahil sa matinding takot na nararamdaman ko. Alam kong babaero ang aking nobyo at ilang beses ko na siyang nahuli, pero nangako siya sa akin na hindi na 'yon mauulit pa. Muling dumaloy ang aking mga luha ng habang papalapit ako sa nakaawang na pintuan ay mas lalong lumalakas ang mga ungol na naririnig ko. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong itinulak ang pintuan. Nanlumo na lamang ako habang pinagmamasdan ko si Andy na walang kahit na anong saplot na nakatayo sa likod ng babaeng nakatuwad. Mabilis niya itong kinakabayo habang malakas din siyang umuungol. "Oh, shiiit Andy, bilisan mo pa... Ang sarap mo talagang kumabayo, sige pa..." Para akong unti-unting sinasaksak sa puso habang pinagmamasdan ko ang muling pagtataksil sa akin ni Andy, kapiling ang isang taong hindi ko inaakala na pagtataksilan ako ng ganito. "Sige pa baby, pagsawaan mo ang katawan ko. Isang bagay na kaya kong ibigay sayo na hindi kayang ibigay sa iyo ng babaeng 'yon." ani ng aking kaibigan na si Mayet. Ang sakit sa puso na makitang pinagtataksilan ako ng dalawang taong pinagkakatiwalaan ko ng buong puso ko. Bakit? Isang malaking katanungan sa aking puso ang hindi ko mabigyan ng maayos na kasagutan. "Mga hayop kayo, akala ko napakalaki na ng kasalanan ko sa'yo Andy, napaka walanghiya ninyo! Pinagkatiwalaan ko kayo pero niloloko lang pala ninyo ako, ang baboy ninyo!" Malakas kong sigaw habang ang mga luha sa aking mga mata ay patuloy lamang sa pag-agos. Nanghihina ako, nanlulumo ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang sakit na dulot ng ginawa nila sa akin. "Babe?!" Akma niya akong lalapitan pagkakita nila sa akin pero humakbang ako paatras dahil nandidiri ako sa kanya. Napaka-hayop nila, wala silang kaluluwa para paglaruan nila ako ng ganito. Nagtiwala ako sa kanila, pareho ko silang minahal pero ito pa ang igaganti nila sa akin. "Huwag mo akong tatawaging babe, tapos na tayo Andy! Tinatapos ko na ang lahat sa atin. Ibinigay ko sayo ang lahat-lahat ng mayroon ako at wala na akong itinira sa aking sarili dahil ganuon kita kamahal, pero niloloko n'yo lang pala ako. Wala kayong kwenta!" Sigaw ko sa kanila. Ang sakit ng ginawa nila sa akin at hindi ko alam kung gaano na nila ako katagal niloloko. "Ibinigay mo ang lahat sa kanya? Kaya nga naghahanap ng ibang mapapasukang lungga ang boyfriend mo dahil boring ka. Ayaw mong ibigay sa kanya ang katawan mo na akala mo naman ay napaka linis," ani ni Mayet na ikinagulat ko. "Nagulat ka? Akala mo ba hindi ko alam na sumama ka kagabi sa isang lalaki at sumakay kayo ng sasakyan niya. Naghahalikan kayong dalawa at lahat ng 'yan ay sinabi ko kay Andy. May video akong patunay sa kataksilan mo." Nakatitig ako sa kanya na puno ng luha ang mukha ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Hindi ako makapaniwala na nanggagaling ito ngayon sa bibig ng aking kaibigan. "I was drugged, Mayet. Hindi ako uminom kagabi at alam ko 'yon, pero nagising na lang ako sa isang silid na may kasamang lalake. I was drugged at ngayon ay alam ko na kung sino." Titig na titig ako kay Mayet at nakita ko ang paglikot ng kanyang mga mata. "Niloko mo ako? Pinagtaksilan mo ako ha Jocelyn? Kay tagal kong inasam na maangkin ka pero ibinigay mo ang katawan mo sa ibang lalake?" Galit na sigaw ni Andy kaya napapailing na lamang ako sa nangyayari. Ngayon ay sa akin ang lahat ng bunton ng sisi. Ako ang biktima dito, ako ang niloko at ako ang pinaglaruan. Pero bakit ngayon, parang ako pa ang lumalabas na nagtaksil? "Makati 'yang girlfriend mo Andy. Hindi lang ito ang unang beses, maraming beses kong nakikita na may kalandian 'yan." Napapailing ako, hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang mga salitang 'yon mula sa aking matalik na kaibigan. Saan nanggagaling ang mga ibinibintang niya sa akin? Wala silang mga kwentang tao. Namumuhi ako sa kanilang dalawa. "Magsama kayong dalawa sa impyerno! Mga sinungaling kayo!" Malakas kong sigaw. Nagtatakbo naman ako sa aking silid at dinampot ko agad ang aking maleta. Lahat ng damit at gamit ko ay isinilid kong lahat sa aking maleta. Wala ng dahilan pa upang manatili ako sa lugar na ito. Wala ng dahilan pa para muli kaming manatili sa iisang bubong. Simula sa araw na ito ay kinakalimutan ko na sila. Mula sa araw na ito ay pinuputol ko na kung ano man ang nagbubuklod sa aming tatlo. "Baby, huwag mo akong iiwanan, please nakikiusap ako sa'yo. Tatanggapin ko kahit na may iba ng dumaang lalaki sa iyo huwag mo lamang akong iiwanan. Patatawarin kita basta manatili ka lang sa piling ko," sambit niya habang isinusuot nito ang kanyang pantalon. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lamang akong lumabas ng tinitirhan namin. Ang kapal ng mukha niya para sabihing ako pa ang patatawarin niya samantalang sila ang may malaking kasalanan sa akin. "Hayaan mo na siya Andy, nandito naman ako at paliligayahjn kita kahit araw-araw. Marumi siyang babae at hindi siya karapat-dapat sa iyo." Pagkarinig ko ng sinabi ni Mayet ay mabilis akong pumihit pabalik. Isang malakas na sampal ang ipinadapo ko sa kanyang mukha na ikinagulat niya at sinundan ko pa ulit ng isang malakas na sampal. Akma niya akong gagantihan ng sampal ngunit mabilis na sinalo ni Andy ang palad ni Mayet na dadapo sana sa mukha ko. "Subukan mong saktan si Jocelyn at papatayin kitang babae ka!" Galit na galit na sabi ni Andy, pero tinawanan ko lang siya ng pagak at muli ko silang tinalikuran. "Babe, please huwag mo akong iiwanan. Magbabago na ako, nakikiusap ako sa iyo." Patuloy lamang akong naglakad palabas hanggang sa makalabas ako ng gate na bakal. Pumara ako ng taxi ng may mapadaan sa harapan ko at tuluyan ko ng nilisan ang tinitirhan namin ni Andy. Wala ng dahilan pa para lingunin ko ang nakaraan ko na nagbibigay sakit ngayon dito sa puso ko. Nagpahatid ako sa bahay ng aking ama, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si tatay. Pinahid ko ang aking mga luha at tumingin ako sa aking orasang pambisig. Tanghali na at ilang oras na lamang ay magsisimula na ang trabaho ko. Nagpunta ako ng banyo, tinitigan ko ang mukha ko sa malaking salamin sa dingding. Tinanggal ko ang wig na suot ko na buti na lamang ay hindi ito basta natatanggal kaya kahit na magdamag kong kasama ang estranghero na 'yon ay hindi ito naalis sa ulo ko. Tinanggal ko din ang salamin ko sa mata at inalis ko rin ang pekeng nunal na nakalagay sa kanang pisngi ko. Kinuha ko ang wipes at nilinis ko ang kilay ko upang matanggal ang makapal na make-up na inilagay ko dito. Wala na akong nagagamit na solution para sa aking balat kaya inuunti-unti ko na lang ito para magmukhang unti-unti rin akong pumuputi. Isang buwan na kasing hindi umuuwi ang tatay ko at siya lang ang nagbibigay sa akin ng solution na 'yon. Naka disguise ako dahil pinagtataguan namin ang taong nagnanais akong saktan. Si Tatay Ramon ang kinalakihan kong ama at may lolo at lola akong kinikilala na hindi ko kadugo, gayunpaman, hindi matatawaran ang pagmamahal nila sa akin. Ako si Jocelyn Crisanta Lauder aka Jocelyn Dimagiba, aka Dj JCL. Ang lahat ng lihim kong ito ay hindi lingid sa aking kasintahan na si Andy at ang dalawa kong kaibigan na si Mayet at si Teodora. Pero hanggang kailan ko maitatago ito gayong sirang-sira na ang pagiging magkaibigan namin ni Mayet. "Babe, alam kong nandito ka, labasin mo ako at kausapin mo ako, please mahal ko." Napapailing lamang ako habang naririnig ko ang malakas na katok ni Andy at pakiusap. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hawak nila ang sikreto ng buhay ko at isang buwan pang hindi umuuwi si Tatay kaya nag-aalala na ako sa kanya. Humugot ako ng malalim na paghinga at marahas ko itong ibinuga. "Tatay nasaan ka na?" Natatakot ako, baka kung ano na ang nangyari sa aking ama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, siya lamang ang tanging nagmamahal sa akin ng totoo. Siya lang ang taong nagpo-protekta sa akin, kaya kung wala siya, paano na ako? "Babe, please pagbuksan mo naman ako. Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa'yo, humihingi ako ng kapatawaran sa nagawa ko." Hindi ko siya pinapansin. Ang kasalanan nila sa akin ni Mayet ay walang kapatwaran. Alam ko na hawak nila ang sikreto ko, pero hindi iyon ang magiging dahilan para patawarin ko ang kawalanghiyaan nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD