❀⊱Jocelyn's POV⊰❀
Kadarating lang namin ng Mindoro. Eroplano ang sinakyan namin ng kaibigan ko dahil sa totoo lang ay takot akong sumakay ng barko. Traumatized ako sa barko dahil ang buong pamilya ni Teodora ay namatay sa lumubog na barko at siya lang ang nakaligtas. Mula nuon ay ayoko ng sumakay ng barko at ganuon din si Teodora kaya sa tuwing pupunta kami ng Mindoro ay eroplano ang sinasakyan namin.
Nakarating kami ng Bagong Sikat San Jose Mindoro kung saan naninirahan sila lolo at lola. Medyo aakyat lang kami ng kaunti sa bundok at mararating na namin ang lugar namin. Siguro mga isang oras pa bago kami makarating sa mismong tinitirhan nila lolo. Maliit na kubol lang naman at excited na akong makita sila.
Hindi nagtagal ay nakarating din kami. Kanina pa kami katok ng katok pero walang nagbubukas ng pintuan. Napatingin ako sa kadena na nakapaikot sa butas, palabas sa pintuan. Nagulat ako dahil naka-padlock pala ito. Ibig ngang sabihin ay wala dito sila lola at lolo, pero saan naman sila pupunta?
Jocelyn, ikaw ba 'yan?" Napatingin naman ako sa kapitbahay namin. Gusto ko tuloy siyang tanungin kung hindi ba niya ako nakikilala, samantalang ako lang naman ang nag-iisang may ari ng pagmumukhang ito.
"Nana Maring, sila lola ho?" Tanong ko. Lumingon pa ako sa paligid ko at baka parating na sila. "Naku ineng, matagal na silang wala diyan. Dumating ang apo nila at kinuha na sila para magtungo ng ibang bansa. Aba'y mayaman pala ang lolo at lola mo. Nahanap na sila ng apo nila at isasama na raw ang mga ito sa ibang bansa. Saglit lang ineng at kukuhanin ko ang susi ng bahay ninyo dahil iniwanan ito sa akin ng iyong lola. May sulat din silang iniwanan sa akin para sa'yo." Sabi niya kaya nalaglag ang luha ko. Hindi ko man kadugo sila lolo at lola, pero masakit para sa akin na malaman na maging sila ay iniwanan na pala ako. Wala na nga si Tatay Ramon, tapos malalaman ko na wala na rin pala si lolo at lola. Hindi ko na alam ang gagawin ko, tuluyan na ba talaga akong naging ulilang lubos?
"Heto ineng. Dalawa ang sulat na 'yan. Ang sabi kasi ng lola mo na kabilin-bilinan daw ng iyong ama na kapag hindi daw ito nakabalik agad, dapat mabasa mo ang sulat na iniwan niya. Ayan ineng, hindi namin 'yan pinakialaman dahil pinagkakatiwalaan kami ng iyong lola." Nanginginig ang kamay ko na tinanggap ang susi at ang dalawang sobre na selyado pa. Pinunasan ko ang mga luha ko habang ang kaibigan ko ay nakahawak sa braso ko. Naiiyak ako sa totoo lang, kasi ito na yata ang pinaka-malungkot na nangyari sa buhay ko.
Binuksan namin ang kubo at duon na kami sa loob naupo ni Teodora. Tinitigan ko ang dalawang sulat, ang mga sulat ay tila nabasa dahil sa mga marka nito kaya nagmamadali akong buksan ang sulat.
Pero laking disappointment ko ng halos hindi ko na mabasa ang sulat ni tatay. May nakasulat dito na Lauder, ako 'yon, apelyido ko 'yon. Pero halos burado na ang lahat. Muling tumulo ang aking mga luha habang binubuksan ko naman ang sulat ni lola, pero kaunti lang din ang nabasa ko dahil halos burado na ang mga nakasulat dito.
Gusto kong mabasa ang sulat ni tatay. Matagal na niyang sinasabi sa akin na may gusto siyang ipagtapat sa akin tungkol sa tunay kong pagkatao at tungkol sa mga mahal ko sa buhay. Pero ano ang gagawin ko kung ang sulat ni tatay ay hindi ko naman mabasa.
Si tatay, kailangan ko siyang mahanap upang siya mismo ang magsabi sa akin ng tungkol sa kanyang mga lihim. Kakaunti lang ang alam ko tungkol sa pagkatao ko. Jocelyn Crisanta Lauder ang tunay kong pangalan at ama-amahan ko lang si Tatay Ramon. Sabi niya ay kinidnap ng masasamang tao ang aking ina nuong ipinagbubuntis pa lang ako nito, at pagkatapos akong ipanganak ay itinapon ako dahil ang taong kumidnap sa aking ina ay hindi ko nga ama. Ang daming Launder sa tuwing naghahanap kami ni Teodora, lalo na sa social media at hindi ko alam kung sino sa kanila ang kamag-anak ko. Hindi ko nga alam kung may kapatid ba ako o nag-iisa lang ba akong anak. Siguro nga ay nag-iisa lang ako dahil sabi ni Tatay Ramon ay buntis si nanay ng kinidnap ito, tapos ako nga iyong itinapon at kinupkop naman ni Tatay Ramon ng patago. Kahit ang ama ko ay hindi ko kilala. Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong mag-disguise dahil ang sabi ni tatay ay hinahanap na ako ng mga taong gustong manakit sa akin. Bata pa lang ako ay ganito na ang ginagawa namin, pangit ako sa paningin ng lahat ng tao lalo na dito sa lugar namin.
"Friend, heto na 'yung dalawang gallon na solution. Nandito pa nga. Matagal mo itong magagamit, taon ang bibilangin nito bago mo maubos." Napatingin ako sa hawak niya at tumango ako. Umiiyak pa rin ako dahil pakiramdam ko ay may nangyaring masama kay tatay.
"Mas lalo kang dapat mag-ingat ngayon friend, baka 'yung mga taong naghahanap sa'yo ay hawak ang tatay mo. Habang pangit ang tingin ng mga tao sa'yo, hindi ka makikilala. Hindi ba sabi ng Tatay Ramon mo ay carbon copy mo ang iyong ina kaya pinapa-disguise ka niya. Kasi makikilala ka ng mga taong nais kang saktan. Tara na friend, bumalik na tayo ng Manila. Alam naman natin na nagkalat dito ang mga taong 'yon, hindi ba?" Sabi ni Teodora. Humugot ako ng malalim na paghinga at tumango ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tama ang kaibigan ko, kailangan na naming umalis dito. Hindi kami kailangang magtagal at baka may mga taong gustong manakit sa akin.
"Huwag kang mabahala, hangga't pangit ang tingin nila sa'yo, walang lalapit at maghihinala. Tara na friend, kailangan na nating umalis. Ibilin mo na lang sa kanila ang bahay na ito. Saka 'yung ibang damit mo na sabi mo ay kukuhanin mo, gawin mo na at ng makaalis na tayo."
Pagkatapos naming kuhanin ang lahat ng mahahalagang bagay ay umalis na rin kami ng kaibigan ko. Sinabi ko kay Nana Maring na hindi ko nabasa ang sulat dahil halos burado na ang lahat ng ito. Humingi siya ng despensa dahil buong kasagsagan daw ng bagyo ay tinangay ang bubungan nila kaya karamihan ng gamit ay nabasa.
Lumipas pa ang ilang mga oras at tuluyan na rin kaming nakabalik ng Manila. Dumiretso na kami sa tinutuluyan naming apartment at itinago ko agad ang mga solusyon ko sa lugar na walang makakakita.
"Ano na kaya nangyari kay tatay? Natatakot ako Teodora, baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Sila lang nila lola ang nagpakita sa akin ng pagmamahal, pero ngayon, pakiramdam ko ay unti-unti na silang nawawala sa akin. Si lola at lolo, inilayo na sa akin, tapos hindi ko pa mabasa ang sulat nila dahil nabura ang mga ito dahil sa pagkakabasa ng tubig ulan." Malungkot kong sabi sa kaibigan ko.
"Ano ka ba! Sigurado ako na nasa maayos na kalagayan ang iyong ama. Huwag kung ano-ano ang iniisip mo. Baka busy lang 'yon sa kanyang trabaho. Ganyan naman lagi ang tatay mo, hindi ba? Kung minsan dalawang buwan na hindi magpaparamdam sa'yo, minsan ay higit pa nga. Uuwi din ang tatay mo, hintayin mo lang." Hindi na ako kumibo pa, sana nga ay busy lang si tatay sa trabaho niya.
"Pag-usapan nga natin 'yung gwapong Hendrickson. 'Yung nangyari kagabi sa bar. Bakit ganuon ang tingin nuon sa'yo, bakit parang kilala ka niya?" Kinabahan naman ako sa sinabi ng kaibigan ko.
"Ibig mo bang sabihin ay kilala niya ang tunay na ako? Iyon ba ang gusto mong sabihin sa akin? Hindi n'ya pwedeng malaman kung sino ako. Hindi dapat dahil kabilin-bilinan ni tatay na walang dapat makaalam kung sino ako. Kaya nga maging sa trabaho ko bilang DJ ay ito ang hitsura ko. At least boses ko lang ang naririnig nila at hindi nila nakikita ang pagmumukha ko. Delikado kapag nakilala ako ng mga taong naghahanap sa akin. Hindi ba sinabi ni tatay na para kaming twin ng aking ina? Sinabi rin ni tatay na five years ago lang ay wala na ang aking ina, pinatay na nila ang nanay ko at hinahanap nila ako kaya kailangan kong manatiling pangit. Hindi kaya kakilala ng mga Hendrickson ang mga taong 'yon? Kailangan kong umiwas sa kanila." Naalala ko na naman ang nanay ko na nawala sa buhay ko na hindi ko man lamang siya nakilala. Tumulo na naman ang luha ko na agad kong pinunasan. Sabi ni tatay, huwag akong maging mahina. Dapat matapang ako at palaban. Sanay din akong makipaglaban a gumamit ng baril. Tinuruan ako ni tatay para sa proteksyon ko sa aking sarili.
"Baliw ka talaga! Ang sabi ng tatay mo ay masasamang sindikato ang dumukot sa nanay mo at iyon din ang pumatay sa nanay mo. Hindi masasamang tao ang mga Hendrickson at ang pagkakaalam ko pa, sila ang numero unong tumutugis sa mga sindikato. Ang ibig kong sabihin, parang kilala ka niya diyan sa pagiging pangit mo. Kung titignan ko nga siya kagabi, parang naglalaway pa siya diyan sa kapangitan mo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa tinuran ng kaibigan ko kaya naupo akong bigla sa tabi niya.
"Ibig mong sabihin kahit na ganito ako kapangit, pwedeng mahumaling sa akin ang gwapong 'yon?" Malakas na halakhak ang pinakawalan ni Teodora kaya sa inis ko ay kinurot ko siya sa tagiliran. Nakakainis ang impaktang ito.
"Aray ko! Kung makakurot ka naman, parang wala ng bukas. Ang ibig ko kasing sabihin, parang gusto ka niyang tikman. Kaya lang pipikit 'yan para hindi makita 'yang pagmumukha mo at baka umurong pa 'yong dapat lumabas sa kanya. Alam mo 'yon?" Natawa lang ako sa kanya at inisip ko ang mukha ng lalaking 'yon. Sa totoo lang ay napaka-gwapo ng Hendrickson na 'yon, kaya lang ay hindi ko naman alam kung ano ang kanyang pangalan. Marami kasi silang Hendrickson.
"Nga pala, nakilala mo ba ang lalaking nakasiping mo ng gabing 'yon? Gwapo ba? Sabi mo kasi ay nakatalikod ang lalaki sa video ni Mayet habang karga ka, sino kaya 'yon?" Natahimik naman akong bigla at inalala ang umaga na nagising ako.
"Nakasubsob ang mukha niya sa unan at tulog na tulog. Sinilip ko ang mukha niya, baka kahit papaano ay makilala ko ito, pero hindi ko makita at natatakot naman akong hawakan siya dahil baka magising at patayin ako. Naaamoy ko 'ying alak sa buo niyang katawan kaya alam kong lasing na lasing din ang lalaking 'yon kaya pinatulan ako. Baka tingin sa akin ng gabing 'yon a si Cinderella." Natawa naman ang kaibigan ko sa aking isinagot.
"Sabi ni Andy, hindi niya nakita ang mukha ng lalaki sa video dahil nakatalikod ito at palabas daw kami ng bar. Hindi ko alam, hindi ko talaga maalala dahil naniniwala ako na si Mayet ang naglagay ng gamot sa inumin ko. Paano naman ako malalasing sa iced tea? Sabihin mo nga sa akin? Hindi ba at iyon naman ang ugali ko, puro ako iced tea dahil bawal akong malasing. Kapag tayo-tayo lang dito sa apartment mo o sa apartment namin ni tatay ay duon lang ako nakikipag-inuman sa inyo. Sa labas ay hindi pwede dahil nga baka bigla kong tanggalin ang mga nasa mukha ko at magwala akong bigla. Mag-isip ka Teodora, tayong tatlo lang ni Mayet ang magkakasama ng gabing 'yon. Pareho tayong nakatulog, paano 'yon nangyari? Pag-gising ko, nawala na ang iniingatan kong pagkabirhen. Lahat ng 'yan ay planado ni Mayet. Lahat ng 'yan ay ginawa niya para makuha niya ang nobyo ko. Siguro ay matagal na nila akong niloloko. Ang sakit lang dahil nagtiwala ako sa kanilang dalawa, pero ano ang ginawa nila sa akin? Traydor sila, sinira ni Mayet ang buhay ko. Kapag napatunayan ko at napatotohanan ko na siya nga ang may gawa nito sa akin, ipapakulong ko siya. Tignan ko lang kung hanggang saan ang tapang niya kapag nasa bilangguan na siya. I hate her, I hater so much!" Umiiyak kong sabi kaya niyakap ako ng mahigpit ng kaibigan ko.
"Hayop ang babaeng 'yon. Huwag ulit siyang magpapakita sa akin dahil manghihiram na siya ng mukha sa aso." Galit na sabi ni Teodora. Hindi naman ako kumibo na. Umiiyak lang ako dahil naalala ko na naman ang nangyari sa akin.
"Akalain mo friend, kay tagal mong iningatan ang iyong pagkabirhen, pagkatapos ay makukuha lang ng isang estranghero. Hindi mo ba talaga siya nakilala man lang? Walang palatandaan kang nakita?" Umiling ako.
"Nakasubsob nga kasi ang mukha niya sa unan. Tapos nakahubad ang katawan niya, walang kahit na anong saplot. Ang ganda ng katawan niya kaya sigurado ako na gwapo din ang lalaking 'yon. Baka kapag nalaman ang nangyari sa amin ay patayin pa ako ng taong 'yon. Remember, pangit ako ng may mangyari ng gabing 'yon at baka may CCTV footage pa sila at makita na isang pangit ang nakasiping niya." Naiiyak kong sabi. Niyakap ako ng kaibigan ko. Ramdam ko na naaawa siya sa akin, pero hindi ko kailangan ng awa. Ang kailangan ko ay isang kaibigan na magtatanggol sa akin at uunawa.
"Huwag kang mag-alala, nandito ako at ipagtatanggol kita sa mga taong mang-aapi sa'yo." Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Mapalad ako na nagkaroon ako ng isang mabuting kaibigan. Hindi katulad ni Mayet na may masamang intensyon sa akin.
"Pero sino nga kaya ang lalaking 'yon noh?" Sabi niya. Umiling lang ako at hindi na ako nagsalita pa.