-Continuation- ◄Zandro's POV► "Jocelyn. Ngayon ay malinaw na ang lahat at hindi mo na maipagkakaila pa ang katotohanan. Kay tagal kitang hinanap, akala ko ay tuluyan ka ng nawala sa buhay ko." Humakbang ako papalapit sa kanya, pero agad niyang iminuwestra ang kamay niya na huminto ako at huwag akong lumapit sa kanya. "Don't come near me dahil ayokong lumalapit ka sa akin ngayong alam mo na ang totoo. I knew that one day you would find out the truth about me, but I am ready to face you, Mister Zandro Hendrickson. Hindi ako natatakot sa'yo at hindi mo makukuha sa akin ang ipinunta mo dito. I know everything... the whole truth... and you can't lie to me anymore. Isa kang malaking pagkakamali sa buhay ko kaya kung pwede lang umalis ka na. Leave me alone and go back to where you belong becau