◄Zandro's POV► Kadarating lang namin dito sa North Carolina. Natapos namin ng ilang araw lang ang problema ni Darwin sa kumpanya niya sa California kaya dumiretso na agad kami dito. Nandito na kami sa malaking bahay ng aking mga magulang. Katiwala lamang ang nangangalaga dito at ang lolo at lola ko sa aking mother side. Matagal-tagal din na hindi ko sila nakita at nakasama kaya tuwang-tuwa ako na muli ko silang mayayakap. "Apo, mabuti naman at nagpakita ka ulit sa amin. Ang huling pagkikita natin ay halos pitong taon na rin yata. Ang laki na ng ipinagbago mo, napaka-gwapo mo at ang laki na ng katawan mo ngayon. Nuon ay patpatin ka pa at isang ihip lang ng hangin ay kaya kang liparin, pero ngayon apo, napakagwapo mo at napaka kisig mong tignan. Sigurado ako na maraming mababaliw na babae