Chapter 37 -Ayaw daw makinig-

2993 Words

❀⊱Jocelyn's POV⊰❀ "Bakit ka umiiyak diyan? Mahal mo ba ang lalaking 'yon?" Umiling ako kay Kuya Sammy. Hindi ako umiiyak dahil may pagtingin pa ako sa kanya. Umiiyak ako dahil muling nagbalik ang matinding galit ko kay Zandro. Muling nagbalik ang mga narinig ko ng araw na 'yon sa kanyang silid habang may kausap siya sa telepono. Kung inaakala niya ay makukuha niya ako sa kasinungalingan niya ay nagkakamali siya. "Hindi ko na siya mahal. Kung may natitira pa man akong pagmamahal para sa kanya, hindi ibig sabihin ay magiging maayos na ang lahat. Pinaglaruan niya ako sa kanyang kamay at pinaniwala sa isang kasinungalingan. Alam niya ang buong katotohanan tungkol sa nangyari sa amin. Alam niya na siya ang ama ng ipinagbubuntis ko pero inilihim niya ito sa akin dahil sa maitim niyang plano.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD