Chapter 6 -Buntis-

2239 Words
◄Zandro's POV► Mahigit isang buwan na rin ang lumipas mula ng maangkin ko ang pangit na babaeng 'yon. Kung minsan ay naiisip ko siya, pero madalas ay pilit ko siyang iwinawaksi sa aking isipan. Ayokong mapagtawanan ng mga tao lalo na ng mga pinsan ko. Ayokong isipin nila na nasisiraan na ako ng ulo at pumatol ako sa isang pangit na babae. Nakaparada ngayon ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada. Inaantay ko kasi ang tawag sa akin ni David. May pag-uusapan kami tungkol sa negosyo, pero napukaw ang paningin ko ng dalawang tao na nagtatalo sa may sidewalk. Kumunot ang noo ko ng makilala ko si Jocelyn. Ito ang lalaki sa fast food restaurant na kasama ng babaeng nanggulo sa bar nuong gabing kasama ko sila Marcus. Pinagmamasdan ko lang sila. Pinagtitingan sila ng mga tao at ang karamihan sa kanila ay tinataasan ng kilay si Jocelyn. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila kaya bahagya kong ibinababa ang bintana ng sasakyan ko. "Ang kapal ng mukha mo na habol-habulin mo ako dito at ipamukha ang nagawa kong kasalanan. Ang kasalanan ko ay hindi ko ginusto, pero ang kasalanan ninyo sa akin ni Mayet ay sinadya ninyo. Niloko ninyo ako at pinagtatawanan ninyo ako habang nakatalikod ako. Ang kapal ng mukha mo para sabihin na quits lang tayo at tanggapin na lang ulit kita. Tapos na tayo Andy, wala ng tayo kaya tigilan mo na ako!" Nagulat ako sa narinig ko. Ang mga tao sa paligid ay pinagtatawanan lang si Jocelyn. Samo't saring panlalait pa ang naririnig ko na mangkukulam daw ito at kinulam ang lalaking 'yon. "Hindi ka aalis. Iuuwi kita sa apartment natin at duon ka lang Jocelyn. Akin ka lang at walang pwedeng umagaw sa'yo dahil papatay ako. Maniwala ka sa sinasabi ko sa'yo. Kaya kong pumatay huwag ka lang maagaw sa akin. Magbabago na ako, hindi na ako mambababae pa. Basta tanggapin mo lang ulit ako sa buhay mo at kalilimutan ko na isinuko mo sa ang sarili mo sa ibang lalaki." Sabi ng Andy na 'yon. Ang kapal din naman ng pagmumukha ng lalaking ito. Bigla niyang sinunggaban si Jocelyn at pilit niya itong isinasakay sa isang motor. Parang umakyat ang dugo ko kaya agad akong bumaba ng sasakyan ko. Sa likuran ng sasakyan ko ay ang mga sasakyan ng bodyguards ko. Lahat din sila ay nagbabaan at sumunod lang sa akin. Malakas na bulung-bulungan ang maririnig sa buong paligid habang naglalakad ako papalapit sa kinatatayuan ni Jocelyn at ng lalaking 'yon. "Bitawan mo siya!" Maawtoridad kong utos habang ang mga bodyguards ko ay nakatayong lahat sa likuran ko. Bigla silang napalingon sa amin. Nakita ko ang takot na gumuhit sa mga mata ng lalaking humihila kay Jocelyn. Muli akong humakbang ng makita ko na hilam na sa luha ang mga mata ni Jocelyn. Nakaramdam ako ng galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling. "BITAWAN MO SABI ANG BABENG 'YAN!" Malakas kong sigaw kaya agad niya itong binitawan. Tumakbo palapit sa akin si Jocelyn ng makilala niya ako. Nagtago siya sa likuran ko kaya pinalibutan siya ng mga tauhan ko. "Do you want me to end your life right here, right now? Don’t think for a second that I will hesitate, especially when you’re trying to force her to go with you. Remember, this is my territory, and I hold all the power here. I can do whatever I please. So, do you dare to challenge me?" Namutla yata ang lalaking ito lalo na ng mag step forward ang ilang mga bodyguards ko. "Hindi pa tayo tapos Jocelyn. Akin ka lang!" Sigaw nito at mabilis itong sumakay ng kanyang motor at agad na itong pinaharurot. Napapailing ako sa lalaking 'yon. Ang lakas naman ng loob niya na basta na lang manggulo. "Lahat kayo, umalis na kayo dito dahil tapos na ang drama!" Malakas kong sigaw kaya ang mga taong nakiki-chismis ay mabilis na nagpulasan. Humarap naman ako kay Jocelyn at hinubad ko ang coat ko. Ipinatong ko ito sa katawan niya at isinakay ko siya sa loob ng sasakyan ko. Pagpasok ko sa driver seat ay nakatitig lamang siya sa akin. Marahil ay naguguluhan siya kung ano ba ang nangyayari. "Sino ang lalaking 'yon? Bakit sapilitan ka niyang isinasakay sa kanyang motor?" Tanong ko kahit narinig ko naman na ex-boyfriend niya ang lalaking 'yon. "Ex ko po. Pinaglalaruan po nila ako ng dati kong kaibigan. 'Yung sa bar po na umaway sa aking babae. Si Mayet po 'yon at naniniwala ako na siya ang gumawa sa akin ng isang bagay na ngayon ay pinagsisihan ko. Hindi po ako maruming babae. Pangit man po ako sa inyong paningin pero may mabuti naman po akong puso. Salamat po sa tulong ninyo sa akin. Hindi ko po ito makakalimutan." Sabi niya. Ngumiti ako, pero bigla niyang binuksan ang pintuan at tumakbo palabas. Nabigla ako kaya bigla kong diniinan ang busina ng sasakyan ko kaya lahat ng tauhan ko ay nagmamadaling hinabol si Jocelyn. Gulat na gulat si Jocelyn ng maibalik siya dito sa loob ng sasakyan ko. Akala niya ay kidnaper ako o masamang tao. Agad ko siyang hinawakan sa kamay, pero bigla siyang umiwas kaya itinaas ko ang dalawa kong kamay pantay sa ulo ko para makita niya na wala akong gagawing masama. "Gusto lang kitang makausap. Ako nga pala si Zandro Ajur Hendrickson. Wala akong intensyong masama sa'yo. Gusto ko lang malaman kung bakit pinepeste ka ng mga 'yon. Baka makatulong ako sa'yo. Huwag kang matakot sa akin, mabuti akong tao." Nakatitig lang siya sa akin, pagkatapos ay muli siyang lumuha. Matinding pagkahabag ang nararamdaman ko para sa kanya sa mga oras na ito. 'Yung parang gusto ko siyang yakapin upang kahit papaano ay mabawasan ang dinaramdam niya, pero alam ko na natatakot ito sa akin. "Huwag kang matakot sa akin. Isipin mo na lang na isa mo akong kaibigan na nilalabasan mo ng sama ng loob mo. Magtiwala ka sa akin, gusto ko lang makatulong. Narinig ng lahat ang isinigaw ng lalaking 'yon. Alam ng lahat ng mga nakarinig kanina kung ano ang nangyari sa'yo kaya huwag ka ng mahiya sa akin." Humugot siya ng malalim na paghinga. Kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan ang kanyang mga luha. "Ako po si Jocelyn Dimagiba. Iyon naman po ay si Andy, ang ex-boyfriend ko. Matagal na din po kaming may relasyon, pero hindi ko maibigay ang sarili ko sa kanya. Kasi po ilang beses na niya akong niloko at pinagtaksilan. Ayokong ibigay sa kanya ang sarili ko dahil baka masaktan lang din ako. 'Yung isinisigaw niya kanina na narinig ng mga tao. Hindi ko po 'yon kasalanan. Kasi I was drugged. Wala man po akong katibayan, pero alam ko po na si Mayet ang may gawa nuon sa akin. Hindi naman po kasi ako umiinom ng alak kapag nasa public place. Iced tea lang po ang ininom ko ng gabing 'yon kaya nagulat ako na nangyari sa akin 'yon. Naisuko ko ang sarili ko sa isang lalaki na hindi ko naman kilala." Umiiyak niyang kwento. Nagulat ako, kaya pala... tama ako ng hinala na she was drugged dahil sa nakikita ko sa kanya. Gamot 'yon para mag-init ang katawan ng isang tao at maghanap ng ka-sęx. Iyon ang nangyari sa kanya at iyon ang ipinainom sa kanya kaya nawala siya sa kanyang sarili. "How certain are you that Mayet had something to do with what happened to you that night? Before you jump to conclusions, consider all the possibilities. What makes you so sure she was involved?" Tumingin siya sa akin at muling pinunasan ang kanyang mga luha. "May video po siya na karga ako ng lalaking 'yon at ipinasok sa kotse habang panay daw ang halik ko sa lalaking hindi ko naman ho kilala. Bakit po siya may video? Kasi inihanda niya 'yon sa plano niya sa akin." Nabigla ako sa narinig ko. Napaubo pa ako ng sinabi niya na may video daw itong hawak. Bigla tuloy akong kinabahan, paano kung nakuhanan ako ng video? Siguradong ako 'yon dahil siya ang babaeng nakasiping ko ng gabing 'yon. Hindi naman ako lolokohin ng CCTV footage ng sarili kong suite. Ako lang naman ang may access sa CCTV na 'yon. "V-video? N-nakita na ninyo ang mukha ng lalaking 'yon?" Muntikan pa akong mapiyok kaya napahawak ako sa necktie ko upang luwagan ito. "Hindi po. Sabi po ni Andy ay nakatalikod ang lalaki, at pagpasok sa akin ng lalaking 'yon sa loob ng sasakyan ay hindi nakita ang mukha dahil naputol na 'yong video. Mukhang atat na si Mayet na pumunta ng apartment namin ni Andy kaya nagmamadali din po siguro itong umalis kaya hindi na tinapos ang video. Nang magising ako sa isang hotel suite. Duon ko napagtanto ang nangyari sa akin. Sobrang sakit po dahil pag-uwi ko, puro ungol nila ang inabutan ko habang kinakabayo ng hayop kong ex ang kaibigan ko. Tapos parang ako pa ang may kasalanan sa nangyari kung bakit niya pinatulan si Mayet. Buti na lang talaga na hindi ako nagtiwala sa kanya ng lubos at hindi ko sa kanya isinuko ang sarili ko. Namumuhi ako sa kanila. Wala silang puso para paglaruan ako ng ganito. Nagtiwala lang ako at nagmahal sa dalawang tao na sinaktan lang ako at pinaglaruan." Naaawa ako sa kanya. Nararamdaman ko ang sakit na pinag-dadaanan niya. Pero hindi ko pwedeng aminin sa kanya na ako ang lalaking 'yon. Hindi ako aamin sa kanya na ako ang lalaking 'yon, kahihiyan ko ito sa pangalan ng mga Hendrickson. "Okay ka lang?" Nagulat ako ng makita ko na para itong mawawalan ng malay. Ngumiti ito sa akin at tumango. "Hindi ko pa po nasasabi sa kaibigan ko, pero buntis po kasi ako. Nagbunga po ang nangyari sa amin ng lalaking 'yon at hindi ko alam ang gagawin ko. Pasensya na po, kailangan ko na pong umalis." Wika niya at binuksan ang pintuan ng aking sasakyan. Hindi ako makakibo. Ni hindi ko siya magawang pigilan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, basta para lang akong tinakasan ng katinuan at napatulala na lang ako. "B-buntis siya? A-ako ang a-ama? Fuuuuuck! Damn it! Anong gagawin ko? Mas lalong hindi niya dapat malaman na ako ang ama ng bata. Damn it, damn it, daman it!" Sigaw ko sabay suntok ko sa aking manibela. Para akong tatakasan ng katinuan dahil sa mga nalaman ko sa kanya. Kinatok ako ng mga bodygurads ko sa bintana ng sasakyan ko kaya pinakalma ko muna ang aking sarili bago ko ibinaba ang salamin ng bintana. Tumingin ako sa kanila at sinigurado ko na maayos ang hitsura ko. "Young master, sumakay na ng jeepney ang babaeng kasama ninyo." Para akong natauhan at bigla akong umibis ng aking sasakyan. "What? Why didn't you stop her? Where could she possibly be going? This is unbelievable! Damn it, how could you just let her leave like that?" Sigaw ko. "Young master, kaaalis lang ho at kung hahabulin ho namin ang kulay dilaw na jeepney na sinakyan niya ay aabutan pa namin siya." Pagkarinig ko ng sinabi nila ay agad akong pumasok sa loob ng sasakyan ko. Pinaandar ko ang makina at pinaharurot ko agad ito. Maraming jeepney akong nakikita ko na kulay dilaw at hindi ko alam kung alin dito ang sinakyan ni Jocelyn. Kailangan ko siyang matulungan sa kanyang pagbubuntis. Hindi naman pwedeng hayaan ko ang dinadala niya dahil isa itong Hendrickson. "Fuuuuck!" Malakas kong sigaw habang iniisa-isa ko ng tingin ang bawat kulay dilaw na jeep. Nahagip ng mata ko si Jocelyn na sakay ng isang jeepney. Nagmamadali kong nilagpasan ang sasakyan. Humahaginit ang gulong ng sports car ko sa semento ng kalsada ng bigla ko itong kinabig at iniharang sa harapan ng pampasaherong sasakyan. Malakas na pagpreno naman ang ginawa ng jeep habang ang mga bodyguards ko ay huminto naman sa likuran ng sinasakyan ni Jocelyn. Galit na lumabas ang driver habang ako ay hindi pa kumikilos. Isang sipa ang ginawa niya sa gulong ng sasakyan ko habang hawak nito ang isang tubo na yari sa bakal. Paglabas ko ng sasakyan ay biglang napaatras ang driver at nabitawan nito ang hawak niyang tubo. Tumingin ako sa windshield ng jeepney at isinenyas ko sa mga tao ko na huwag patatakasin si Jocelyn. "Bitawan ninyo ako, mga impakto kayo!" Sigaw niya habang nagwawala kaya lumapit ako. Walang sabi-sabi ko siyang binuhat ng pa-bridal style dahil buntis ito. Malakas na ugong ng bulong-bulungan ang maririnig. Pinakumpiska ko rin ang mga phone na hawak ng mga pasaheros na kumukuha ng video. "Ano ba ang kailangan mo sa akin? Hindi ka ba natatakot na pagtawanan ng mga tao dahil sa hitsura ko? Ibaba mo ako, uuwi na ako sa amin." Sigaw niya. Napailing na lamang ako. Isinakay ko pa rin siyang pilit sa loob ng aking sasakyan at inutusan ko ang mga bodyguards ko na burahin ang mga CCTV footage na meron kaming dalawa na nakuhanan sa lugar na ito. Pagkatapos ay muli ko ng pinaharurot ang sasakyan ko. "Mag-uusap lang tayo, pagkatapos ay iuuwi kita sa inyo. May gusto lang akong sabihin sa'yo." Hindi na siya kumibo pa. Tahimik na lamang kami at isa man sa amin ay walang nagnanais na basagin ang katahimikan. Sa penthouse ko siya dadalhin. Kailangan ko lang siyang makausap. "Magtiwala ka lang, wala akong balak na masama sa'yo." Muli kong ani. Hindi na siya nagsalita pa at tahimik na lang kaming dalawa habang binabaybay namin ang daan patungo ng penthouse ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD