"Yes, my brothers will definitely be there." Sagot niya matapos ng matagal na katahimikan. Should I press more about it? Halata namang may something kaya ang tagal bago siya nakasagot. Kapag naman hindi ako nagtanong ay baka isipin niya na wala akong interes sa pamilya niya. "Hindi ba nila ako aawayin? You know, sabi nila matindi daw ang samahan ng mga magkakapatid na lalaki. Baka hindi nila ako magustuhan para sayo dahil sa naging reputasyon ko nitong nagdaang araw..." Saad ko at pinagmamasdan ang bawat reaksyon niya, mula sa galaw ng mata, labi, ilong, at maging ng hand gestures niya. "At mama mo..."Dinugtong ko agad ang tungkol sa mama niya para hindi niya isipin na puro sa kapatid niya ang pinagtutuonan ko ng pansin. "What if ayaw niya sa akin dahil isa akong Ortega? Like alam kong w