bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

book_age18+
13.9K
FOLLOW
138.2K
READ
billionaire
dark
one-night stand
HE
opposites attract
dominant
bxg
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

WON THE REBORN ELEMENT IN THE FORBIDDEN LOVE CONTEST.

[WARNING: RATED SPG]

Sa kagustuhang makapaghiganti sa mga taong sumira ng tiwala at wumasak sa puso niya, bumuo si Felicity ng isang plano na magpapadama sa pamilya niya ng parehong sakit na naramdaman niya.

Hindi siya nag-aksaya ng oras and made a daredevil move on asking the infamous womanizer and hot billionaire bachelor, Damian Vladimir, to make her his wife.

Kinamumuhian ng buong angkan ni Felicity ang binatang bilyonaryo dahil ito ang pinakamalaking kakompitensya ng pamilya nila sa negosyo, kaya naman perpekto itong gamitin para sa paghihiganti niya.

Ganoon nalang ang saya ni Felicity ng tanggapin ni Damian ang alok niya, pero may isang kondisyon. Kailangan niyang masatisfy ang binata sa sa kama, or else hindi nito tatanggapin ang alok niya. Nakasalalay sa one night stand na ito ang paghihiganti niya, magawa kaya niya ng tama ang gustong mangyari ni Damian?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Wag mong sabihing pagod ka na? Nag-uumpisa palang tayo." My father's business rival smirked. "Let me rest for a bit, please." Hapo kong pakiusap at napapikit habang naghahabol pa rin ng paghinga dahil sa lahat ng ginawa niya sa akin. It's really happening now at wala ng atrasan pa. This man, whom I hate both in this life and in my first life is about to claim me. Yes, that's right, ito ang ikalawa kong buhay. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang hiwagang nangyari sa akin, pero bumalik ako sa edad na bente matapos kong mamatay at mabuhay ulit. At simula ng magising ako sa sitwasyong to, wala ng ibang pumasok sa isipan ko kundi ang pagbayarin ang mga taong dahilan ng kamatayan ko sa nauna kong buhay, at iyon ay walang iba kundi ang magaling kong pamilya at ang walang hiya kong kasintahan at kasalukuyang fiance na si Alec Tan. And to do that, kailangan ko ang lalaking ito na gusto akong angkinin ngayon. Damian Yvañez-Vladimir, a business magnate na kilala sa industriya ng shopping centers sa buong bansa at ilang parte ng Asia, a thirty-three years old head-turner bachelor na kilala sa reputasyon nito bilang isang player na wumasak sa puso ng maraming kababaihan na sumubok paibigin ito. All of them failed and left with a broken heart trying to tame the hottest bachelor in town, if not, the whole country. Bunso sa apat na anak nila Mr. and Mrs. Vladimir, at natatanging walang asawa sa magkakapatid. His reputation as the hottest womanizer has been consistent as long as I could remember. Parati ba naman itong laman ng mga news every time he breaks someone's heart. Mga sikat na artista, models, athletes, at anak ng politiko ba naman ang nakakarelasyon niya. Bata palang ako ay naririnig ko na ang pangalan ni Damian sa bahay bilang kakompetensya ni papa sa business. Sa pagkakatanda ko ay mas lalong umigting ang galit niya rito when Damian won the bid to a 45 hectare commercial land na ngayon ay kinatatayuan ng isa sa mga branches ng Majestic Centre. That branch was the reason why nalugi ang isang shopping mall ni papa sa lugar na iyon at kailangang isara. Recently, Damian is expanding his business empire to hotels na mas lalong nagpainis sa ama kong si Agustus Ortega. I am Felicity Romero-Ortega, the daughter of Agustus Ortega, a business tycoon who lost his title as the richest man in the shopping center industry to Damian Vladimir, kaya ganoon nalang ang galit nito rito. Hindi nito matanggap na nasapawan ng baguhang si Damian ang halos anim na dekadang impluwensya ng pamilya Ortega sa napiling larangan sa negosyo. Ilang shopping malls na na pagmamay-ari ng pamilya namin ang nagsara dahil nasapawan ng mga ipinatayo ni Damian, and that's just in a span of thirteen years. Kaya mahigpit na bilin sa amin ni papa na huwag na huwag makikipag-ugnayan sa pamilyang Vladimir at ituring itong kaaway. Family motto ata naming mga Ortega na pabagsakin ang binatang negosyante. Well hindi na kailangan pang sabihin ng ama ko ang bagay na iyon because I do hate Damian Vladimir. Nakasama ko na ito sa mga charity functions and he's a mean jerk! Kung hindi ko lang ito kailangan para sa paghihiganti ko ay hindi ko naman ito lalapitan. Sa unang buhay ko ay naging mag-asawa kami ni Alec. All those years I thought we were the happy love birds our friends called us. In our eighteen years of marriage, ang akala ko ay wala ng makakapaghiwalay pa sa amin. Pero ang lahat ng iyon ay ilusyon lang pala. Our whole marriage was a lie. Because the man I love, the man I thought loves me more than anything in this world has been having an affair with my sister even before we got married. Samantha Ortega, she's not my biological sister, she's my stepsister na anak sa unang asawa ng stepmother ko. But she was adopted by my father kaya dala-dala nito ang apelyidong Ortega. We grew up together at aaminin ko mga bata palang kami ay hindi na kami magkasundo. At some point ay naiintindihan ko naman siya kung bakit ganoon nalang na gustong gusto nitong makuha ang atensyon at pagmamahal ng papa ko. Lumaki siyang walang kinikilalang ama, kaya ganoon nalang kung magpasikat ito noon kay papa. But things got worse when she started to copy everything I do. Five years old palang ako ay nag-umpisa na akong mag-aral ng ballet, at nang malaman ni Samantha ang tungkol rito ay nakiusap din siyang ienroll siya sa ballet school, eight years old na kami ng mga panahong iyon, na agad namang sinang-ayunan ni papa para daw mas maging malapit kaming magkapatid. Of course I'm happy about it, pero through out our ballet class ay never naman itong nakisama sa akin, she's busy making friends with other, pero wala namang problema sa akin iyon dahil mas gusto ko nga na magkaroon rin siya ng maraming kaibigan. Until napansin ko nalang na unti unting nawawala ang circle of friends ko sa ballet at kay Samantha na nakikisama. At that time I didn't think about it, but now, siguro ay siniraan niya ako sa mga kaibigan ko sa ballet class. Napansin ko din ng kalaunan ay inuunahan ako ni Samantha na iinvite si papa sa recital namin, kahit pa ba ang usapan ay sabay naming yayayain si papa. Mas pinupuri na rin ni papa si Samantha kahit pa ba ako ang may award the best ballerina ng batch namin. After two years, I decided to stop my ballet class to look for another hobby, and that's where I started playing tennis. I played tennis throughout high school and even joined competitions. And guess what? Samantha also joined the women's tennis club during our high school years, and I don't need to tell what happened next. I quit during our senior years because of how annoying Samantha has become. Mapaschool o sa bahay ay nakakainis na ito, though I never confronted her about it. Sa mga panahong ito ay kuhang kuha na kasi ni Samantha ang kiliti ni papa, and don't get me wrong, close kami ni papa bago pa man siya magpakasal ulit at dinala sa bahay si tita Gina at ang anak nitong si Samantha. It's just ibubukas ko palang ang bibig ko para sabihin kay papa kung kamusta ang araw ko ay sisingit na kaagad si Samantha at hindi na ako pagpapasalitain pa. Pero pag grades na ang usapan, nakakapagpabida ako dahil suprisingly, kahit gano kagaling si Samantha sa paggaya sa mga hobbies at gusto ko, she can't copy my academic excellence. I graduated top of my class during high school and college. Naalala ko pa nga kung panong sobrang sama ng tingin niya sa akin ng magpacelebrate si papa dahil grumaduate ako with flying colors. Around my senior year in college, nakilala ko si Alec Tan sa isa sa mga charity event hosted by tita Gina, and during our private dinner, inanunsyo ni papa at ng daddy ni Alec ang tungkol sa plano nilang iengage kaming dalawa. I was over the moon dahil ang totoo niyan ay nalove at first sight ako kay Alec, and during that time, I also thought he felt the same for me. During that dinner, ilang ulit kong nakita si Samantha na nagnanakaw ng sulyap kay Alec, but I didn't pay much attention to it dahil nga buong akala ko ay mahal rin ako ni Alec. But I was so wrong. Naalala ko ang sinabi ni Samanta during our first life, when after so many years ng panloloko nila sa akin ay nahuli ko sila sa akto. "He never loves you!"Sigaw ni Samantha sa akin. Naramdaman ko ang pagkawasak ng puso ko sa maraming piraso ng sabihin niya iyon. "Totoo ba, Alec?" Baling ko sa asawa kong namumula ang pisngi gawa ng pagsampal ko. "I'm sorry, Fel. I tried. Sinubukan ko, pero wala talaga e. Si dad lang naman ang may gusto na magpakasal tayo para sa business nila ni tito Agustus." That moment, pakiramdam ko ay pinatay na nila ako dahil sa sobrang sakit ng ginawa nila. "Daddy!" Yumakap si Jason kay Alec, anak ni Samantha, at halata ring nagulat ito ng makitang narito pala ako sa condo ng mama nya. "Daddy?" Ulit ko. "Yes, Felicity. Oras na para malaman mo ang totoo. Anak namin si Jason. Hindi totoo ang sinabi ko noon na bunga siya ng nakaone night stand ko. Anak naming dalawa si Jason!" Walang humpay na tumulo ang mga butil ng luha sa mga mata ko dahil sa narinig na sinabi ni Samantha. Kaya pala in our eighteen years of marriage ay parang wala itong interes na bumuo ng pamilya sa piling ko. Kung hindi pa nakahalata noon sila papa ay hindi pa namin sinubukan na magkaroon ng anak after five years of marriage. Parating dahilan nito na nag-iipon pa siya ng pera kahit pa ba pareho namang stable ang incomes namin dahil pareho kaming nagtatrabaho sa mga companya ng pamilya namin. At kaya pala nung nakunan ako ng tatlong beses ay parang wala lang sa kanya. I thought magkaiba lang kami ng grieving process kaya mas nagpakalunod ito sa trabaho at laging nag-oover time. Iyon pala ay may iba na itong inuuwian. And Jason is already twelve years old, ibig sabihin noong mga panahong sinusubukan naming magkaanak ay sumusubok na rin pala itong bumuo ng pamilya sa iba. "Makakarating ito kay papa at tito Tan!" I told them. "Go on!" Panghahamon pa ni Samantha at siya pa ang matapang. "Para masorpresa ka na suportado ni papa at ng daddy ni Alec ang relasyon naming dalawa." She told me without remorse. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Alec. I don't believe this! How could they do this to me? Para kumpirmahin ang sinabi ni Samantha ay pinuntahan ko si papa sa bahay. Hindi na ito ang nagmamanage ng mga negosyo ng pamilya, kundi ang anak niyang lalaki kay tita Gina na si Samuel. While driving ay doon ko napagtagpi tagpi ang mga kaganapan sa mga nagdaang taon. Na kaya pala kapag may business trip si Alec out of town or sa ibang bansa ay coincidence na naroon rin si Samantha para mamasyal. Hindi ako nagduda ng mga panahong iyon kasi laging kasama ni Samantha ang mga kaibigan niya, nauuna itong magpost online ng mga pictures na nasa ganitong lugar siya with friends, but now it makes sense, siguro ay nagkikita sila roon ng patago at kung ano anong kataksilan ang ginagawa nila behind my back. Ilang ulit kong itinabi ang sasakyan dahil nanlalabo ang mga mata ko gawa ng mga luhang walang tigil sa pagpatak. Inabot ako ng halos isang oras bago marating ang bahay ni papa na kung tutuosin ay fifteen minutes ride lang dapat. He's my last hope to tell me that everything is just a horrible joke. But the words that came out from my own father felt like a stabbing pain. "Kasalanan mo na sa kehaba haba ng pagsasama nyo ay hindi mo napaibig yang asawa mo!" He yelled. He never yelled at me like that kaya mas dumagdag iyon sa sakit na nararamdaman ko. "Hon, calm down." Akala mo ay hindi makabasag pinggan na sabi ni tita Gina kay papa, pero kitang kita ko ang mga ngisi sa labi nito. "So you guys knew? Alam nyo na may anak si Alec at Samantha but you're keeping it to me? Pinagmukha nyo akong tanga all these years? Habang busy ako sa pagpreprepare ng mga birthdays ni Jason, habang binibilhan ko ng regalo ang bata, at ilang ulit na pagbebaby sit ko dito ay alam ninyong anak siya ng taksil kong asawa at malandi mong anak?" I yelled at them. "Hoy, hindi malandi ang anak ko!" Sabi ni tita Gina. "Hindi ka lang talaga mahal ng asawa mo umpisa palang!" Pagpapamukha nito sa akin. I was about to yell something back, pero umawat na si papa. Pinaalis muna niya ang asawa para makapag-usap kami ng sarilinan. "Alam mong nag-iisang anak na lalaki ni Mr. Tan si Alec at paborito nya ito. He wanted to have grandchildren from him, but you failed to give him that! Kahit iyon nalang sana nagawa mo, pero hindi!" Paninisi ni papa. "How could you say that to me?" Tumulo ang mga luha ko. He knows I loss three babies during my marriage. I tried. Alec and I tried. Kaya bakit niya ako sinisisi? Hindi ba niya alam kung gano ako nasaktan during my third miscarriage at sinabi ng doktor na posibleng hindi na ako pwedeng magkaanak? I went into a deep depression, and instead of comforting me, my husband is somewhere else, at sa kapatid ko at anak nila pala ito nagpupunta? Nagpaulit-ulit pa kami ng palitan ng masasakit na salita ni papa bago ako nagdesisyong umalis na, because clearly hindi niya ako pinapanigan. Hindi niya pipiliin ang anak niya sa papel kung ako na dugo at laman niya ang mas mahal nya. Kung kakampi ko siya, hindi niya itatago sa akin ang kataksilan ng asawa ko. Pero siguro nga, cheaters sides with cheaters. Pinagtaksilan din nito si mama, and worst when she's battling with cancer, iyon pala si papa may iba na. "Buti nalang talaga at tumalab ang mga pampalaglag na pinainom natin sa kanya dati." Napako ako sa kinatatayuan dahil sa narinig kong sabi ni tita Gina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
89.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K
bc

The Ruthless Blind Master (SSPG/ R-18)

read
30.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook