ZERRA NICOLE'S POV NAKAHANDA na ang mga dadalhin ko ngayon. Maaga pa pero maaga akong nag-ayos para makaalis na. Sabado kasi ngayon, at tulad ng nakasanayan ko na ay tuwing Sabado ang dalaw ko sa bahay-ampunan kung saan ako tumira ng ilang taon nang ako ay maulila. Gusto kong ibalik sa mga madreng tumulong sa 'kin noon ang mga kabutihan nila. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanila kahit pa nga dalawang taon lamang ang itinagal ng pamamalagi ko sa bahay-ampunan. Walang katumbas na pasasalamat ang mga ginawa nila para sa akin. Habang buhay kong tatanawin ang utang na loob na iyon. Nakaharap ako sa salamin at mabining pinagmasdan ang aking sariling repleksyon. Napangiti naman ako nang mapagmasdan ang aking kabuuan. Ibang-iba ang awra ko ngayon, dahil bukod sa in love ay masaya rin nam