Chapter 9 LYIH

3533 Words

DRAKE ADAM'S POV UMAGA na pero gising na gising pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ako makatulog dahil magdamag kong binantayan si Zerra. Matapos ang matagal nitong pag-iyak, ay bigla na lamang itong nawalan ng malay habang nasa parking lot kami ng bar kung saan kami nagkita. Nataranta ako sa nangyari rito kaya hindi na ako nakapag-isip pa at dinala ko ito sa bahay ko. Yes, sa bahay ko. Narito sa bahay ko ngayon si Zerra at mahimbing pa ring natutulog sa kama ko. Kahit siniguro ng kaibigan kong doktor na ayos lamang ito ay hindi ko pa rin magawang makatulog. Sabi ni Jake, doktor na kaibigan ko ay mas'yado lang daw itong napagod dala ng matagal na pag-iyak at idagdag pa na nakainom din ito. Sobrang nag-alala kasi ako rito. Para akong sinaksak sa dibdib sa mga sinabi nito sa akin kagabi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD