Chapter 4 LYIH

3962 Words
DRAKE ADAM'S POV UMAGA pa lang ay mainit na ang aking ulo dahil sa babaeng nakilala ko sa bar dalawang linggo na ang nakakalipas. Nobya ko na siya at nakatanggap ako ng tawag mula rito at nakatikim ako ng malulutong na mura. Pinagmumura ako nito dahil mas'yado raw makapal ang mukha ko para ligawan ito gayong may asawa na raw pala ako. At kahit hindi nito sinabi kung sino ang nagsabi na may asawa na ako, ay alam ko na kung sino ang salarin. Iisa lang tao lang naman ang gagawa niyon sa akin. Ilang taon na niyang ginagawa sa akin ito at hindi na ako natutuwa pa. Pikon na pikon na ako sa dala nitong kamalasan sa buhay ko. Kaya ngayon, inagahan ko talagang pumasok dahil gusto kong turuan ng leksyon ang babaeng may kagagawan ng lahat. Hindi naman ako nabigo dahil ilang minuto lang ang hinintay ko nang makita ko na itong papasok sa building. Ngiting-ngiti pa ito sa guwardiya na nagbukas ng glass door para rito. Lahat ng madaanan nito ay matamis na nginingitian. Ewan ko pero mas naiinis ako sa babaeng ito dahil do'n. Hindi ko gusto na lahat ay binibigyan nito ng pansin. Daig pa kasi nito ang laging kakandidata sa beauty pageant. Anong gusto mo sa'yo lang ngingiti? Kantyaw naman ng isip ko. Alam kong maraming lalaki ang nagkakagusto rito kaya hindi ko ito maintindihan kung bakit ako ang laging pinipeste nito. Maganda kasi ito sa tunay na kahulugan ng salitang iyon. Sa taas na 5'7 ay bumagay rito ang balingkinitang katawan. Mahaba ang buhok nito na sumasabay sa galaw ng katawan nito sa tuwing naglalakad. Tigilan mo ang kakapuri sa babaeng iyan. Malaki ang atraso niya sa'yo, Drake baka nakakalimutan mo. Biglang singit naman ng isang bahagi ng isip ko. Pinilig ko ng ilang ulit ang aking ulo para itaboy ang kung anong pumapasok sa isip ko. Bahagya kong inalis ang tingin dito dahil parang nawawala ang galit ko rito. At hindi ko dapat maramdaman iyon. Muli ko itong tinapunan ng tingin at nakita ko na diretso lamang itong nakatingin sa nilalakaran nito at dahil nasa may tagong bahagi ako kaya hindi niya agad ako nakita. Lumabas lamang ako ng malapit na ito sa akin. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nito nang makita ako na nakaharang sa daraanan nito. "s**t, I'm dead," bulong nito ng makalapit ako rito. Tssk. Yeah right, you're dead for sure! Hindi ito makatingin sa akin ng diretso dahil alam nitong may kalokohan na naman itong ginawa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nitong sinira ang relasyon ko sa ibang babae. At nakakapikon na ito. Lalagpasan na sana ako nito nang muli akong humarang dito. "Where do you think you're going?" mabangis na tanong ko rito. Nag-iwas naman ito ng tingin. "Sa office ko?" sagot nitong patanong. "Do you really think that you are going to scape this time?" Nagbabaga ang mga tingin na ipinukol ko rito. "You always ruined my life!" sigaw ko rito. Namula naman ang mukha nito tanda ng pagkapahiya. May mangilan-ngilan kasing empleyado ang nakakakita sa ginagawa ko rito. Marahas kong hinaklit ang braso nito dahilan para mapaigik ito. "Drake, let me go," pakiusap nito. Tinangka pa nitong hilahin ang braso pero mas humigpit ang pagkakahawak ko. "Drake please, nasasaktan ako." Masama ko itong tiningnan. "And what do you think of me? Hindi mo nasasaktan ha, Zerra Nicole?!" gigil kong tanong dito. "Drake please, masakit," reklamo nito. "I'm sorry kung ginawa ko iyon," mahina nitong sabi. "Sorry, please bitawan mo na ako." Nang pumiyok ang boses nito ay tila ako napapasong napaatras dito. Ngayon ko lang kasi ito nakita na nagpakita ng ganitong emosyon. Madalas kasi ay nang-iinis pa ito kapag nagagalit ako. Pero mabilis lang iyon dahil nang maalala ko ang ginawa nito ay muling kumulo ang dugo ko rito. Muli kong hinaklit ang braso nito. "D-Drake, please...." "Bakit mo ba ito ginagawa ha, Zerra? Ano ba talagang trip mo, kasi honestly hindi ka na nakakatawa!" sigaw ko rito. Medyo nagulat ako nang mawala ang takot sa mukha nito bagkus ay napilitan iyon ng sakit. Bahagya pa itong tumawa ng pagak bago tumingin diretso sa aking mga mata. "Hindi na nakakatawa? Bakit kailan ka ba natawa o natuwa sa 'kin? Kasi honestly wala naman akong natatandaan na natuwa ka sa 'kin simula't sapol. Wala akong natatandaan na naging mabait ka sa akin," sabi nito sa mababang tinig. Tiim bagang akong tumingin dito. "Dahil wala namang nakakatuwa sa mga ginagawa mo, Zerra!" Pinagtitinginan na kami ng mga empleyado, ngunit parang hindi iyon napapansin ni Zerra. Nakatingin lang ito sa akin habang hindi kumukurap. Lalo akong nanggalaiti sa reaskyon nito. Mariin kong hinaklit at braso nito at hinila palapit sa akin. "Anong gusto mo, Zerra?" tiim-bagang na tanong ko. Kumurap-kurap muna ito bago sumagot. "Ikaw...ikaw ang gusto ko, Drake. Kahit ilang ulit mo akong tanungin gano'n pa rin ang magiging sagot ko sa'yo," seryoso nitong sabi habang nakatingin pa rin sa akin. "Ilang taon ko ng sinasagot ang tanong mong iyan pero hindi ka nakikinig." "Ikaw ang hindi nakikini--" Ikinumpas nito ang kamay para patigilin ako sa pagsasalita. "Alam mo kung ano iyong mahirap sa 'yo? Iyong feeling mo palagi na lang akong nagloloko sa mga sinasabi ko sa'yo," malungkot na sabi nito. "Bakit hindi ba?" sarkastikong tanong ko naman. "Importante pa ba ang sagot ko?" "Zerra---" "Excuse me, papasok na ako," pagkuwa'y sabi nito. Hindi ko naman hinayaan na talikuran ako nito dahil mabilis kong muling hinaklit ang braso nito. Tumingin lamang ito sa akin. "Just stop this, will you?" puno ng pakiusap ang boses ko. "This will be my last warning for you, Zerra. You'll be sorry if you didn't take it seriously. Just stop this fucki'n game of yours, because it's not funny anymore! Don't force me to do things you'll regret in the end. Don't force me, Zerra!" mariin kong sabi. Marahas ko na ring binitawan ang braso nito dahilan para gumiwang ito. Medyo nakonsensya ako nang makita kong namumula ang braso nito dahil sa pagkakahawak ko. Maging ang mga mata nito ay namumula na rin na animo iiyak ano mang oras. "Iniisip mo talagang laro lang ang lahat ng ito, Drake?" puno ng hinanakit na saad nito. Nagpakawala pa ito ng isang malalim na buntong-hininga. Mariin itong pumikit na animo pinapakalma ang sarili bago muling tumingin sa akin. "D-Drake hindi ako naglalaro lang. Hindi ko ginagawa ito dahil naglalaro lang ako. Seryoso ako na mahal kita, at alam kong kahit anong gawin ko ay hindi ka maniniwala sa akin," sabi nito sa mahinang boses. "Kung sa tingin mo laro lang ang lahat ng ito, sana hindi ako nasasaktan sa tuwing sasabihin mo sa akin na hindi mo ako gusto. Sana hindi ako nasasaktan sa tuwing sasabihin mo na hindi ako ang babaeng type mo. Sana nga naglalaro na lang ako para hindi naman ganito kasakit." Parang bigla akong natauhan ng may luhang tumulo mula sa mga mata nito. Pero mabilis naman nitong pinunasan iyon. "Zerra..." "Pasensya ka na kung pakiramdam mo mas'yado na akong nakikialam sa buhay mo, ha? Mahal kita, totoo iyon. Pero siguro nga tama ka, hindi lahat ng gusto natin puwede nating makuha. Pasensya ka na rin kung pakiramdam mo sobrang kapal ng mukha ko para umasa na magugustuhan mo rin ako. Sino ba ako para magustuhan mo, hindi ba? I'm just your employee, I'm nobody compared to all women you dated. Don't worry Drake, I'll fix this." Damn it. Napamura ako sa isip ko nang muling tumulo ang mga luha nito. Luhaan na ang mukha nito pero nagawa pa rin nitong ngumiti sa akin. Tangka ko sana itong hahawakan pero mabilis itong umatras. "Mukha na akong desperada, hindi ba? Iyong matalino naman ako pero nabobobo ako pagdating sa'yo. Ang daming nagsasabi sa akin na tigilan na ang kabaliwan ko sa'yo pero hindi ako nakinig, kasi masaya ako na mahalin ka. Masaya ako, Drake. Pero hindi ko naisip na hindi ka pala masaya ro'n, na pikon na pikon ka na sa akin." Tila nilamukos ang dibdib ko nang humikbi ito sa mismong harapan ko. Bigla ay gusto ko siyang yakapin at pawiin ang sakit na nakarehistro sa mukha nito. "I promise, na ito na ang huling pangingialam na gagawin ko sa buhay mo. I promise, na hindi na kita kukulitin. I promise, na titigil na akong guluhin ka. And I promise, na this time gagawin ko na ang gusto mo na kalimutan na kita kahit alam kong mahirap. I promise, na simula ngayon hahayaan na kita sa babaeng gusto mo, na hahayaan na kitang mapunta sa iba. Hindi na ako manggugulo, Drake. Kung saan ka masaya, susuportahan na lang kita. Hindi na kita lalapitan, kakalimutan na kita, Drake. Parang malakas na sinipa ang aking dibdib nang ilang ulit itong humikbi sa harap ko. Sargo ang luha nito pero hindi ito nag-abalang pahirin iyon. Ewan ko ba pero bigla akong naging alerto sa mga sinasabi nito. Parang biglang hindi ko gusto ang mga sinasabi nito. Akma akong lalapit dito nang muli itong umatras papalayo sa akin. "D-Drake....I'm sorry, okay?" mahina nitong sabi. "'Wag kang mag-alala, aayusin ko ang gulong ginawa ko. Magkakabalikan kayo ng ex-girlfriend mo, promise ko iyan sa 'yo," dugtong pa nito. Ni hindi na ako nito hinintay na makapagsalita dahil nagmamadali na ako nitong iniwan. Naiwan akong nakatulala habang habol ito ng tingin. Tangka ko sana itong tawagin nang makarinig ako ng tikhim mula sa likuran ko. Ang seryosong mukha ni David ang nalingunan ko. "Don't look at me like that!" asik ko rito. "Like what?" tanong nito. "Like that!" muling asik ko rito. Nagkibit-balikat lamang naman ang kapatid ko bago ako iniwanan. Mabigat ang pakiramdam na naglakad ako papunta sa opisina namin ng mga kapatid ko. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga sinabi ni Zerra. Am I bad? _ _ _ _ _ _ _ NASA loob ako ng aking opisina nang makarinig ako ng animo nagkakagulo sa labas. Inayos ko muna ang mga papeles na pinipirmahan ko bago lumabas para tingnan kung anong nangyayari sa labas ng opisina ko. Nangunot ang noo ko nang makita ko si Natalie na may sinasabunutang babae. Pilit itong inaawat ng mga empleyado ko pero likas na war freak ang babae. Si Nathalie ang ex girlfriend ko na naging dahilan ng pagbabago ni Zerra sa akin. Yes, matapos ang naging pag-aaway namin ni Zerra ay iniwasan na nga ako nito. Dalawang araw pa lang ang nakakaraan. Ngunit sa nakikita ko ngayong ginagawa ni Nathalie ay parang gusto ko pang magpasalamat kay Zerra sa ginawa nitong pangingialam dahil nalaman ko ang tunay na ugali ni Nathalie. Eskandalosa kasi ito, at mabuti na rin na hiwalay na kami. Malalaki ang hakbang na naglakad ako papalapit sa mga ito. Hindi ko makita ang mukha ng babaeng sinasaktan nito dahil gulong-gulo na ang buhok nito na nakatakip na sa mukha. Napansin kong hindi naman lumalaban kay Natalie ang babae. Napasinghap pa ako nang malakas na bumagsak sa sahig ang babae dahil sa pagtulak ni Nathalie rito. Mas nagkagulo ang mga empleyado ko dahil do'n. "What the hell is happening here?!" malakas na sigaw ko nang hindi na ako nakatiis. Tumigil naman sa pag-iingay ang mga tao at binigyan ako ng espasyo para makadaan at makalapit sa dalawang babae. Ang babaeng kaaway ni Nathalie ay nananatiling nakaupo sa sahig. Wala yata itong balak tumayo. Tutulungan ko sana ito nang may humila sa braso ko dahilan para mapatigil ako. "Babe!" sabi nito at mahigpit na yumakap sa akin. "That woman, hurt me!" turo nito sa nakasalampak na babae. Naiiyak na ito na animo siya ang nasaktan, gayong kitang-kita ko naman na ito ang nanakit. Akala siguro nito ay hindi ko nakita ang nangyari kaya binabaliktad nito ang pangyayari. "What the hell are you doing here?" tanong ko rito. Sa halip na sumagot ay umatungal ito ng iyak at sumiksik pa sa aking katawan. "And why the hell did you hurt her?" galit na tanong ko rito pero sa babaeng nakaupo pa rin nakapirmi ang mga mata ko. Nakita ko ang braso nito na may bahid ng dugo, kalmot yata ng kuko ni Nathalie iyon. This is my Dad's company for Pete's sake. "Babe no! She's the one who hurt me! Look at my hair, it's so messy!" umiiyak ng sabi nito. Pinagmasdan ko ang mukha nito na wala man lang bahid ng kahit ano. Ni walang galos. Doon umalsa ang aking galit. "I saw everything, Nathalie! I saw everything!" galit kong sabi. "She deserves it, Babe, she's a b***h! She ruined our relationshi--" Hindi nito naituloy ang sasabihin nang marahas ko itong itulak palayo sa katawan ko. What did she just say? The girl who is sitting in the floor is a girl who ruined our relationship? What the hell. Bigla akong kinutuban kung sino ang babaeng nakasalampak ng upo habang gulong-gulo ang buhok. Lalapitan ko sana ito para kumpirmahin ang hinala ko pero naunahan ako ni Eulla at Ara. "Niks, what happened?" puno ng pag-aalala na sabi ni Ara. Tinulungan itong makatayo ni Ara at Eulla. "Niks, anong nangyari? Bakit hindi ka lumaban sa bruhang ito!" saad naman ni Eulla rito habang masama ang tingin kay Nathalie. Damn. s**t. Sunod-sunod na mura sa isip ko ang pinakawalan ko nang makita ko ang kabuuan ni Zerra. Inayos kasi ni Ara ang buhok nito kaya nalantad sa akin ang hitsura nito. Puro kalmot ang mukha at braso nito na may bahid pa ng dugo. Mapula rin ang leeg nito at may bakas ng mga kamay ni Nathalie. Parang may kamaong sumuntok sa dibdib ko nang makita ko ang kabuuan ng hitsura nito. What the f**k. "Zerra, oh my God!" tarantang sabi ko at mabilis na lumapit dito. Natigil pa ako sandali dahil hinila ni Nathalie ang kamay ko pero malakas ko itong itinulak palayo dahilan para mapaatras ito. Kung hindi ito naalalayan ng isang empleyado ko ay malamang na bumagsak ito sa sahig. "Drake? Why did you pushed me? I'm your girlfriend, not her!" malakas na sigaw nito. Masamang tinapunan ko ito ng tingin. "We're done, Nathalie and please get out of my sight!" ganting sigaw ko rito. Kung pwede lang manakit ng babae nasakal ko na ito kanina pa. "No! muling sigaw nito. "Ang babaeng iyan ang paalisin mo! She's a b***h!" dugtong nito. "I said, get out of here! Just don't let me see your face again!" sigaw ko rito dahilan para mapaatras ito. Galit kong tinawag ang security at inutusan itong ilabas si Nathalie. "Send her out, now!" malakas na utos ko. Hinawakan naman ng mga ito sa magkabilang braso ang nagwawalang babae. Bago ito nakalayo ay sumigaw pa ito. "You b***h, hindi pa ako tapos sa'yo. Babalikan kita, Zerra!" malakas na hiyaw nito. Nang makita kong nailabas na ito ng tuluyan ay saka ko pa lang binalingan si Zerra, ngunit wala na pala ito roon. Nakita ko itong akay-akay ni Ara at Eulla. Napansin kong halos buhat na ito ng dalawang kaibigan nito. Nang hindi ko na sila kayang panuorin ay malalaki ang hakbang ko na sumunod sa mga ito. Sabay pang suminghap si Ara at Eulla nang walang babala kong agawin si Zerra sa kanila at binuhat. Nagtatanong ang mga matang tumingin sila sa akin. "I'll take her to the clinic," mabilis na sagot ko. Hindi ko na hinintay na makasagot ang dalawa dahil iniwan ko na sila. Malalaki ang hakbang na naglakad ako papunta sa clinic. Mabilis ngunit maingat kong ibinaba si Zerra nang makarating na kami. Agad naman itong ginamot ng doktor. Mataman lamang akong nakatingin dito habang ginagamot, wala pa rin itong imik. Kahit nang matapos na itong gamutin ng doctor ay tahimik lang ito. Nang lumabas ang doktor ay agad ko itong nilapitan. "Are you okay?" puno ng pag-aalala na tanong ko. Marahan itong tumango. "You sure? Wala bang ibang masakit sa'yo? How about your legs, your head?" sunod-sunod na tanong ko. Napatingin ako rito nang marinig ko ang mahinang tawa nito. Is she crazy? "What's funny, Zerra Nicole?" gigil kong tanong. Hindi naman ito sumagot bagkus ay umiling lang ito. "Then, why are you laughing? Are you crazy?" pikong tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan ang babaeng ito, nasaktan na't lahat nakukuha pa talagang tumawa. "That b***h hurt you badly and then, here you are laughing like crazy? You're unbelievable woman!" hindi pa rin makapaniwalang sabi ko. "Anong gusto mo, umiyak ako?" tanong nito. Kunot-noong tumigin ako rito. "That's better than laughing like what you did earlier," sagot ko. "Well, I think she's right. I deserve this after all. I've ruined your relationship with her and I think she has the rights to hurt me," sagot nito na ikinalaki ng mga mata ko. T*ngina ang daming ginawa ng babaeng ito na kalokohan sa buhay ko pero never kong naisip na saktan ito physically. Marahan kong hinuli ang mga kamay nito, gusto kong mapamura nang makita kong namamaga ang braso nito. Tila may sariling isip ang kamay ko, masuyo kong hinaplos ang braso nito, papunta sa leeg nito, maging ang mukha nitong puro pasa at kalmot. Tangka itong mag-iiwas ng tingin ngunit pinigilan ko ito. Mataman ko siyang tiningnan. "Zerra, don't you ever think that you deserve that kind of stuff. You don't deserved this," sabi ko habang pinapasadahan ng mga daliri ko ang mga kalmot at pasa nito sa mukha. "I'm sorry. I'm very sorry for what happened to you, Zerra." Hindi ito sumagot, inalis nito ang kamay ko na nakahawak sa mukha nito. Umiwas din ito ng tingin na para bang naiilang sa ginagawa ko. "Zerra..." tawag ko rito. "Hindi mo kailangang mag-sorry sa 'kin, wala kang kasalanan, Drake. Actually kasalanan ko naman ang lahat kaya 'wag kang ma-guilty." "Pero nasaktan ka dahil sa 'kin, Zerra," giit ko. Sobrang kinakain ako ng konsensya. At hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng guilt. Lalo pa at kitang-kita ko ang resulta ng ginawa ni Nathalie rito. Mas nadadagdagan ang guilt na nararamdaman ko dahil parang hindi man lang ito nagalit sa akin. Parang wala lang dito na nasaktan ito kanina. Pero kahit hindi ito magsalita alam kong sa loob nito may hinanakit ito. Hindi lang talaga ito ang tipo ng babaeng madaling magpakita ng kahinaan. "Wala kang dapat ika-guilty sa nangyari. Kung mayro'n mang may kasalanan sa nangyari sa akin, ako iyon mismo. May karapatang magalit si Nathalie sa akin kasi nagsinungaling ako sa kaniya. Kung hindi ko ginawa iyon, malamang hindi niya ako sasaktan ng ganito." "Still, mali pa rin ang ginawa niya sa'yo. Hindi ka pa rin niya dapat sinaktan, Zerra! Hindi makatao ang ginawa niya sa 'yo. Tingnan mo nga iyang sarili mo, puro pasa at kalmot ka. Putok pa iyang labi mo!" gigil ko pang sabi. Hahaplusin ko sanang muli ang mga pasa nito ngunit umiwas ito. "Ayos na ako, Drake. Hindi naman ako namatay eh, at kung napatay niya ako hindi naman kita mumultuhin," sabi nito at binuntutan pa ng mahinang tawa. Napailing naman ako sa sinabi nito. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Nang mapansin nitong seryoso ako ay tumigil na rin ito sa pagtawa. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa may naalala akong itanong dito. "Ikaw ba ang nagsabi kay Nathalie kung saan ako makikita?" Nag-angat ito ng ulo at tumingin sa akin at saka nahihiyang tumango. Napatiim-bagang naman ako. Ano bang pumasok sa utak ng babaeng ito at ginawa nito iyon. "Why did you do that?" Sa halip na sumagot ay umusod na naman ito palayo sa akin dahilan para lalong mangunot ang noo ko. "Bakit ka ba layo nang layo?" naiiritang tanong ko rito. Napatingin naman ito sa akin. "Lapit ka kasi nang lapit eh," sagot nito. Tssk. Dati naman gusto nitong laging nakadikit sa akin. Ninanakawan pa nga ako nito ng halik eh. Well kasalanan mo iyan, Drake, inaway mo siya hindi ba? Tapos magtatanong ka kung bakit umiiwas. Piping sermon ng isip ko. "Bakit bawal ba?" tanong ko. "Puwede tayong mag-usap kahit hindi ka nakadikit." Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Sa halip na makinig umusod pa akong lalo palapit dito. "Drake naman eh!" "What? Bawal na bang lumapit sa 'yo?" "'Wag kang makulit, Drake." "I'm not, I just want to talk to you, Zerra." sabi ko dito. "Then, talk." "Zerra--" "Bilisan mo na kung anong sasabihin mo kasi gusto ko ng umuwi. Mag-under time ako," malamig na anas nito. Nangunot ang aking noo nang mapansin ko ang maya't maya nitong pagngiwi. "Are you sure, you okay Zerra?" may pag-aalalang tanong ko. Kung kinakailangan ko itong dalhin sa ospital ay gagawin ko masiguro lang na maayos na ito. "Okay nga lang, sabihin mo na kung anong pag-uusapan natin, please?" Tinangka nitong tumayo pero malakas itong napadaing at muling umupo ilang dangkal ang layo sa akin. Mabilis ang kilos na lumuhod ako sa paanan nito. Hinawakan ko ang kanang paa nito at saka ipinatong sa hita ko. Napansin kong namumula ang ankle nito. Mukhang may sprained iyon na ayaw nitong sabihin. "Huwag mong hawakan!" "May sprained ang paa mo, Zerra, kailangan iyang magamot agad." Hindi ko na ito hinintay na makasagot dahil tumayo na ako para tawagin ang doktor. "Drake?" tawag nito ng nasa pintuan na ako. Mabilis akong lumingon dito. "Saan ka pupunta?" "Sa doktor, papatingnan ko ulit ang paa mo," sagot ko. Umiling naman ito. "'Wag na, okay lang ako," tanggi nito. "Sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin para makauwi na ako." Tsskk ang tigas talaga ng ulo ng babaeng ito. May okay bang maya't maya ang pagngiwi. Alam kong hindi ko ito mapapasunod sa gusto ko kaya't malalaki ang hakbang na bumalik ako sa tabi nito at pagkuwa'y walang babalang kinarga ko ito. Nagulat ito sa ginawa ko kaya't mabilis itong yumakap sa leeg ko. Tinangka pa nitong manulak pero hindi niya ako natinag. Binuhat ko ito na parang bagong kasal at saka lumabas sa clinic. "Drake! Ano ba?!" malakas na sabi nito habang pinagsusuntok ang dibdib ko. "Put me down, Drake!" tiling sabi nito. Pinagtitinginan na kami ng mga empleyado na nakakakita sa amin. Pero wala akong pakialam, basta tuloy-tuloy lang akong naglakad habang karga ito. "Put me down!" mariin nitong utos. "Stay still, will you? 'Wag kang mas'yadong malikot dahil baka maibagsak kita sa semento at lalong ma-injured ang buong katawan mo." Mukhang natakot naman ito dahil tila maamong tupa na tumigil ito sa pananakit sa akin. Napangisi naman ako nang magtama ang mga mata namin. "Scared, lady?" panunukso ko rito. Tinapunan lang ako nito ng nakamamatay na irap bago sumiksik sa dibdib ko. Mukhang hiyang-hiya ito na makita ng mga katrabaho na karga-karga ko. Hmm. Cute. Malapit na kami sa exit nang makasalubong namin ang kapatid kong si Dave. Ngiting-ngiti ang loko habang nakataas ang kilay. Parang nakakita ng bagay na hindi nito inaasahan. "Whoaa! How sweet," panunukso nito nang tumapat sa amin. Sinilip pa nito si Zerra na nasa mga bisig ko. Mas nagsumiksik naman ito sa katawan ko para hindi makita ng kapatid ko. Pero mukhang kilalang-kilala na ito ni Dave dahil sa sunod na sinabi nito. "How does it feel to be in my brother's arm? Is it a good or bad thing? sabi nito na may halong panunukso. Napailing na lamang ako. Alam ko kasing malapit sa isa't-isa si Dave at Zerra. Hindi naman sumagot si Zerra kaya muli itong nagsalita. "Just enjoy the moment, Ate Niks. The bruises of yours are all worth it, I think," saad pa nito. Pero hindi ko nagustuhan ang sinabi nito kaya masama ko itong pinukol ng tingin. Natatawang itinaas naman nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Matalino ang kapatid ko kaya gets na nito kung anong ibig sabihin ng tingin na ipinukol ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD